Sa Top of the Alpha, isang sikat na disco bar sa Makati, nagpunta sina Cassandra at Aries. Mayroong full bar at iba't ibang uri ng alak.
Naupo sila sa isang sulok, malayo sa maraming tao. Gusto ni Aries na makasama lang si Cassandra. Matagal na rin silang hindi nagkikita simula pagkabata. Nag-order si Aries ng dalawang tequila at side dish. Naka-ilang tequila pa sila hanggang sa medyo marami na ang nainom nila. Mabuti na lang at hindi gaanong nakikisabay si Cassandra sa pag-inom ni Aries; kung hindi, pareho silang mapapahamak. “Sa tingin ko, uwi na tayo, Aries. Parang marami ka nang nainom,” sabi ni Cassandra. Ngumisi lang si Aries at tinungga ang huling baso ng tequila. “Huwag kang mag-alala. Kaya kitang ihatid pauwi nang ligtas,” nakangiting sabi ni Aries at nilagyan ng alak ang baso niya. “Cheers?” Itinaas ni Aries ang baso niya, gayundin si Cassandra. Pinagdikit nila ang mga baso at sabay na uminom ng tequila. Nakaramdam si Cassandra ng pagkahilo; parang lumulutang siya sa tuwing naglalakad. Napahawak siya sa braso ni Aries nang mawalan siya ng balanse. Nasalo siya nito at inalalayan na umupo. “Okay ka lang?” tanong ni Aries. Tumango lang si Cassandra. Kusang pumipikit ang mga mata niya dahil sa antok. “Uwi na tayo? Gusto ko nang matulog,” sabi niya. “Sige.” Inalalayan siya ni Aries hanggang sa parking lot. Isinakay siya nito sa kotse at isinuot ang seatbelt bago pinaandar ang sasakyan. Hinawakan ni Aries ang mga kamay ni Cassandra at pinisil-pisil ito; hinalikan din niya ang kamay ni Cassandra. Gusto sanang pumalag ni Cassandra, pero dahil sa kalasingan, wala siyang lakas para gawin iyon. PANAY ang sulyap ni Christopher sa malaking orasan na nakasabit sa dingding ng mansyon. Pasado ala-una na, ngunit hindi pa rin umuwi si Cassandra. Hawak-hawak niya ang bracelet na ibinigay niya kay Cassandra bilang proteksyon, ngunit iniwan niya ito sa kanyang kama. Sa mga oras na ito, wala siyang ideya kung nasaan si Cassandra at kung ligtas ba siya sa lalaking kasama niya. Napadungaw siya sa labas at natanaw ang sasakyan ni Aries. Naupo siya sa sofa at naghintay na makapasok si Cassandra; ayaw niyang isipin nito na may masamang nangyayari. Inalalayan ni Aries si Cassandra na makababa ng kotse. Nang makababa na ito, pinigilan niya si Cassandra na makapasok sa loob ng mansyon at pwersang ikinulong siya nito sa kanyang mga bisig, labis na ikinagulat ni Cassandra. "Aries, what are you doing?" gulat na tanong niya kay Aries. "I want you, Cassandra," sagot nito na may paos na boses at halong pagnanasa. Hinawakan ni Aries ang dalawang kamay ni Cassandra at pilit na inangkin ang mga labi nito. Pilit na iniwas ni Cassandra ang kanyang labi, alam niyang wala na sa katinuan ang pag-iisip ni Aries dahil sa kalasingan. "Aries, please! Tumigil ka na!" pasigaw niyang sabi. Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Christopher, tumama ito sa mukha ni Aries. Hindi agad nakabawi si Aries at napabuwal sa kanyang kinatatayuan. Pinahid nito ang dugo sa kanyang labi, at ilang sandali ay tumayo ito upang makaganti ng suntok kay Christopher. Mabilis na nakailag si Christopher, at sa bawat suntok na ibinabaon niya, hangin lamang ang kanyang nahahawakan—parang pinaglalaruan lamang siya ni Aries. "Damn you! Lumapit ka dito, kung hindi ay pasasabugin ko ang mukha mo!" Hinawakan ni Christopher si Aries sa dalawang balikat, inangat ito, at ibinagsak sa lupa. "Umalis ka na, bago ko pa kalibitin ang baril ko." Itinutok niya ang baril kay Aries at binitiwan ang gatilyo. Mabilis na tumayo si Aries at pinaharorot ang sasakyan papalayo sa mansyon.RECLUSION PERPETUA, a maximum of forty years of imprisonment. Ito ang hatol kay Hudson Reboblado dahil sa patong-patong na kaso na kaniyang ginawa. Ang iba pa niyang kasamahan na katulad ni Adam, Luke, at ng iba pa na sangkot sa krimen ay pinagaan ang sentensya dahil nagsilbi ang mga ito na testigo sa mga krimen na ginawa ni Hudson. Kahit masakit para kay Cassandra na harapin si Hudson at may takot na nararamdaman, pinili pa rin niya na makausap ito nang personal. Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan nang makita niyang lumabas buhat sa selda si Hudson. Nakaposas ang mga kamay nito at nakasuot ng damit na kulay kahel. Napataas ang kilay ni Hudson at napatawa nang mahina nang makita niya si Cassandra. “What the hell are you doing here?” “Gusto lang kitang makausap, Hudson.” Huminga muna siya nang malalim bago ipagpatuloy ang kaniyang sasabihin. “Matagal na panahon kong itinatanong sa sarili ko kung bakit labis-labis ang galit mo sa akin, sa aking pamilya? May nagawa ba akong mali?”
ISANG bala ng baril ang tumama sa ulo ng kidnapper na may hawak kay Owen mula sa isang sniper ng SWAT team unit. Kasunod niyon ay ang sunod-sunod na putok ng baril ang namayani sa loob ng silid. Hindi magpapahuli nang buhay ang mga kidnappers dahil bawat balang pinakawalan ng kapulisan ay siya ring ganti ng mga ito. Agad namang nilapitan ng pulis si Owen at mabilis na inalis sa lugar ng barilan. Dali-daling lumapit si Christopher kay Owen; wala na siyang pakialam kung harangin pa siya ng mga pulis, ang mahalaga sa ngayon ay mahawakan niya ang kaniyang anak. Niyakap niya ito nang mahigpit at hinalikan sa noo. “Owen, my son. Are you okay?” Yumakap nang mahigpit si Owen sa kaniya at lalong nag-iyak ito nang makita siya. “Stop crying, you are safe now.” “Where is mommy?” “Soon, baby, we will go home.” Kinarga niya si Owen palabas ng hotel; nagmamadali silang lumabas dahil mas lalong tumitindi ang barilan sa pagitan ng grupo ni Hudson at ng mga pulis. Hindi magpapahuli nang
DERMO HOTEL, Makati City—ito ang lokasyon na sinusundan ni Christopher sa pamamagitan ng tracking device na ikinabit niya sa damit ni Albert. Isa ito sa mga pag-aari ng pamilya ng mga Reboblado at isa sa mga lugar na ginagawang tambayan at aliwan ni Hudson noong mga panahon na kasalukuyan pa siyang malaya, kasama ng mga kaibigang nasa alta sosyedad, at may mga gintong kutsara sa bibig. Pagdating sa lokasyon ay agad na pinasok ng mga NBI ang loob ng hotel. Nagkagulo ang lahat nang pumasok ang kapulisan. Agad nilang tinungo ang CCTV Area at pinatay ang mga monitor ng bawat palapag ng hotel. Pinalabas din ang mga empleyado ng hotel at ang mangilan-ngilan na guest. Maingat ang bawat pagkilos ng mga pulis; hangga't maaari ay ayaw nilang may madamay na mga sibilyan sa operasyon na kanilang gagawin upang iligtas sa kamay ni Hudson at ng mga kidnappers ang anak nina Cassandra at Christopher. Sa labas ng hotel ay nakapaligid ang police mobile at ang NBI. Ang mga sniper ay kanya-kanyang puwes
ISANG putok ng baril ang narinig ni Cassandra bago pa tuluyan na naputol ang linya. “Owen!” Halos mabaliw si Cassandra sa kakasigaw, ayaw niyang isipin na kinitil ni Hudson ang buhay ng kaniyang anak. “Chris, ang anak natin. Kailangan kong makita ang anak ko! Kailangan kong makita si Owen, pakiusap.” Niyakap nang mahigpit ni Christopher si Cassandra, tanging ito lamang ang kaniyang maibibigay upang pawiin ang takot at pangamba ni Cassandra. Nangingilid ang kaniyang mga luha at pilit niyang itinatago kay Cassandra ang pagpatak nito. “I’m sorry,” paulit-ulit niyang usal. “Sir, we traced the location,” sigaw ng isa sa mga pulis na may hawak ng tracking device. Mabilis na lumapit si Albert upang alamin ang lugar kung saan nagtatago si Hudson at ang kasamahan nitong kidnapper. Agad na kumilos ang mga kasamahan niyang kapulisan. Kaniya-kaniyang dala ng mga armas ang bawat isa at agad na sumakay sa mga sasakyan. Lumapit si Christopher kay Albert upang sabihin na gusto niyang s
TATLONG araw na ang nakalipas buhat nang makidnap si Owen. Hanggang ngayon ay hindi pa rin malaman kung saan dinala ng mga kidnapper si Owen. Ang tanging pag-asa na lamang nila ngayon ay ang muling pagtawag ni Hudson. Bagamat malaki rin ang naitulong ni Adam at Donna upang matukoy ang salarin, kailangan pa rin malaman ng mga kapulisan ang lugar na kinaroroonan ng mga kidnapper.Buong magdamag na nakabantay si Cassandra sa pagtunog ng kaniyang telepono, umaasa na muling tatawag si Hudson sa kaniya, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang natatanggap na tawag galing kay Hudson.Pasikat na ang araw, hanggang ngayon ay hindi pa rin dalawin ng antok si Cassandra. Nakamasid lamang siya sa labas ng mansyon at naghihintay ng himala na makita niyang muli ang kanilang anak. Bagamat laging nakaagapay sa kaniya si Chris, hindi niya pa rin maiwasan na mag-alala bilang isang ina. Hindi niya maiwasan na mag-isip ng mga bagay-bagay na maaaring ikapahamak ng kaniyang anak.Humugot siya ng malalim
NAGKAROON na rin ng lead tungkol sa kaso ng pagkidnap kay Owen. Sa tulong ng CCTV footage ay natukoy na rin ang mga kasabwat sa pagkidnap kay Owen. Nakuha ang plate number na ginamit na sasakyan ng mga kidnappers. Laking pasasalamat nina Cassandra at Christopher dahil kahit paano ay may linaw na kung sino ang makakapagturo sa kinaroroonan ni Owen. Naglagay na rin ng tracking devices sa linya ng mga telepono upang matunton kung saan dinala si Owen ng mga kidnappers. Buong maghapon na naghintay si Cassandra ng tawag mula kay Hudson hanggang sa sumapit na ang gabi ay walang tawag na dumating buhat kay Hudson. News black out ito ang minungkahi ni Albert at ng iba pang mga NBI agent upang mas mabilis ang paghahanap kay Owen. Maging ang pagkakahuli kay Adam ay hindi ipinaalam sa media upang sa siguridad na rin ni Adam at lalong-lalo na sa anak nina Cassandra at Christopher. Kinaumagahan ay nagtungo ang kapulisan kasama si Cassandra at Christopher sa lugar na pinagtaguan ng sasakyan.