Home / Romance / My Bodyguard / Chapter Sixty-Four

Share

Chapter Sixty-Four

Author: Miss Eryl
last update Last Updated: 2025-10-15 17:27:15

SA ISANG pribadong ospital nagtungo si Adam, na pag-aari ng kanilang pamilya. Dumaplis ang balang tumama sa braso niya, at hindi ganoon kalalim ang sugat na natamo.

He demanded to send the best doctor to treat him. In just a few minutes, Doctor Alex came in front of him, dala-dala ang mga gamit na kakailanganin at isang nurse upang mag-assist sa kaniya. Nakahiga siya sa kama habang sapo-sapo ang braso dahil sa tuloy-tuloy na pag-agos ng dugo. He can’t no longer hold his arms; masyadong napuwersa ang braso niya kanina. He should not take too long to give an aid; masyado lang siyang naging interesado kay Cassandra, at nawala sa isip niya ang tama ng baril sa braso. Pakiramdam niya ay nag-aksaya siya ng oras sa pakikipag-usap sa babaeng iyon. Tsaka na lamang niya pagtutuunan ng pansin si Cassandra; mas importante ngayon si Christopher. Hindi pa siya tapos makipaglaro dito. Mas lalo siyang naging interesado sa lalaking iyon dahil sa ipinamalas na galing sa paghawak ng baril.

Pagkatapo
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Bodyguard   Chapter Sixty-Six

    Ang lahat ng tao sa mansyon ay abala bilang paghahanda sa birthday party ni Owen. Maaga pa lang ay dumating na si Raven at ang kaniyang Auntie Lucia para sa pagtulong sa gagawing paghahanda. Ayaw na sanang abalahin ni Cassandra ang kaniyang Auntie Lucia, ngunit nagpupumilit pa rin ito. Maaga rin dumating ang mga coordinators ng party at sinimulan ang pag-aayos ng mga palamuti sa buong mansyon, simula sa mga lobo, chairs, at tables. Kasunod niyon ay ang sunod-sunod na pagdating ng mga pagkain na inorder ni Cassandra. Ang ibang pagkain ay si Cassandra na mismo ang nagluto para sa mga bisitang darating. Nandoon din sina Carla at Trisha. Si Trisha ay kasal na rin ngunit hindi pa nabibiyayaan ng anak, at si Carla ay naging mapalad din sa kaniyang asawa na Italyano. Halos kasing edad ni Owen ang panganay nito na babae, mas lamang ang nakuhang pisikal na pigura ng bata kay Carla, kulay nga lamang ang nagkaiba. Mestisa si Carla at ang kulay ng kaniyang anak ay nakuha sa ama nitong Italyan

  • My Bodyguard   Chapter Sixty-Five

    PILIT man ikubli ni Christopher ang nangyari kay Hudson, hindi na niya maitatago pa dahil lantad na sa publiko ang nangyari sa kaniya. Si Cassandra, na labis na nasaktan sa nangyari kay Hudson, ay pilit na kinakalimutan ang masamang bangungot ng kaniyang buhay. Ibinaling niya ang kaniyang sarili sa pagiging isang ina ni Owen at mabuting asawa kay Christopher. Gustuhin man niyang ibalik ang buhay ni Hudson at ng kaniyang ninong Manuel, ay wala na siyang magagawa; siguro nga ay may hangganan ang lahat. Hindi naging maganda ang pagkawala ni Hudson, sa kabila nito ay umaasa siya na sa kabilang buhay ay magkakaroon ng katahimikan si Hudson. Naging abala siya sa pag-aasikaso ng birthday party ni Owen, kaliwa’t kanan ang kausap sa telepono upang i-finalize ang lahat na kakailanganin sa birthday party ng anak. Ngunit, hindi si Christopher, kahit lantaran na sa publiko ang nangyaring pagkamatay ni Hudson at ang publiko ay labis na nahabag sa sinapit nito, ay hindi pa rin siya mapakali; m

  • My Bodyguard   Chapter Sixty-Four

    SA ISANG pribadong ospital nagtungo si Adam, na pag-aari ng kanilang pamilya. Dumaplis ang balang tumama sa braso niya, at hindi ganoon kalalim ang sugat na natamo. He demanded to send the best doctor to treat him. In just a few minutes, Doctor Alex came in front of him, dala-dala ang mga gamit na kakailanganin at isang nurse upang mag-assist sa kaniya. Nakahiga siya sa kama habang sapo-sapo ang braso dahil sa tuloy-tuloy na pag-agos ng dugo. He can’t no longer hold his arms; masyadong napuwersa ang braso niya kanina. He should not take too long to give an aid; masyado lang siyang naging interesado kay Cassandra, at nawala sa isip niya ang tama ng baril sa braso. Pakiramdam niya ay nag-aksaya siya ng oras sa pakikipag-usap sa babaeng iyon. Tsaka na lamang niya pagtutuunan ng pansin si Cassandra; mas importante ngayon si Christopher. Hindi pa siya tapos makipaglaro dito. Mas lalo siyang naging interesado sa lalaking iyon dahil sa ipinamalas na galing sa paghawak ng baril. Pagkatapo

  • My Bodyguard   Chapter Sixty Three

    IGINALA ni Chrustopher ang tingin sa buong silid nang siya ay magkamalay. Bahagyang napakunot ang kaniyang noo dahil sa sakit na nararamdaman sa ulo. Pilit siyang bumangon sa kama at isinandal ang kaniyang likod. Natanaw niya si Cassandra sa pinto, kausap ang doktor.Ibinaling niya ang kaniyang ulo sa kaliwang bahagi ng silid. Mula sa salaming bintana, tanaw na tanaw niya ang labas ng ospital, kitang-kita ang malawak na parking area. Napatingin siya sa malaking orasan na nakasabit sa dingding. Pasado alas tres na ng hapon; ganoon na pala siya katagal na nakatulog, at hindi niya alam ang mga nangyari matapos siyang paulanan ng bala at mabangga ang kaniyang sasakyan sa poste.Ang tanging inaalala niya ngayon ay kung may nakalap na impormasyon tungkol sa nangyari. Hangga’t maaari, ayaw niyang malaman ni Cassandra ang pangyayaring pamamaril sa kaniya dahil wala siyang sagot kung sino ang nasa likod nito. Isang ngiti ang ipinukol niya kay Cassandra nang magtama ang kanilang mga tingin. Ag

  • My Bodyguard   Chapter Sixty-Two

    BINABAYBAY niya ang daan pabalik ng mansyon, naabutan siya ng rush hour kung kaya’t naiipit siya sa traffic. Nag-right turn siya upang umiwas sa traffic; medyo malayo nga lang kumpara sa service road na kaniyang tatahakin. Nasa kalagitnaan na siya ng biyahe nang mapansin niya ang USV van na nakaharang sa kaniyang dinaraanan. Mga ilang kilometro ang layo niya dito. Idinungaw niya ang kaniyang ulo sa bintana upang tingnan kung ano ang nangyari. Pinatay niya ang makina ng sasakyan at tinanggal ang seatbelt upang bumaba, ngunit bago pa siya makababa ng sasakyan ay may lumapit sa kaniya. Nakasukbit ang baril nito sa beywang at walang takot na ibalandra ang M45 na baril sa publiko. Walang masyadong tao sa lugar kung kaya’t malakas ang loob na ilabas ang armas. Kinuha niya ang kaniyang handgun na nakatago sa kaniyang sasakyan. Kitang-kita niya na binunot ang baril na nasa kaniyang beywang at itinutok sa kaniya at pinaulanan siya ng bala. Agad siyang yumuko upang magkubli; hindi niya maigal

  • My Bodyguard   Chapter Sixty-One

    INIHAGIS ni Adam ang kaniyang telepono sa kama. Kinuha niya ang M45 na baril at hinimas-himas ito. Hindi niya nagustuhan ang balitang ipinarating ng kaniyang mga tauhan; nawala sa paningin nila si Christopher at natakasan sila nito. Ngayon pa lang ay interesado na siyang makadaupang-palad si Chris. Naging interesado siya sa katauhan nito dahil sa mga impormasyon na kaniyang nabasa tungkol sa kaniyang pagkatao. Isang US Ex-Military, panigurado siyang may ibubuga ito. Gusto niyang makipaglaro muna dito bago niya tapusin ito.Kinuha niya ang telepono at idinial ang numero ni Hudson.“Amigo, napatawag ka?” Masigla ang boses ni Hudson at umaasa na may magandang balita siyang maririnig buhat kay Adam.“Masyadong madulas ang lalaking iyon, natitiyak kong hindi siya magpapahuli nang buhay. I’m interested about him. Gusto ko muna siyang pahirapan ng mga kamao ko bago ko siya tuluyan.” Nag-iigting ang panga ni Adam; ngayon lamang siya nakaramdam ng ganito sa lahat ng mga taong gustong ipapatay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status