แชร์

Chapter 4 – Awkward Silence

ผู้เขียน: Mooncaster
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-09-22 16:09:21

<

>

Kinabukasan, para akong lutang. Hindi pa rin ako makapaniwala na kung paano nangyari na napunta ako sa hotel kasama ang boss ko. One night stand lang yun—pero bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko? habang nasa kotse papuntang office, hindi ko mapigilan ang kaba. Paano ko siya haharapin? Siya yung taong sinusunod ko sa trabaho, pero nung isang gabi… ibang klase yung nangyari.

Pagdating ko sa office, ramdam ko ang kakaibang bigat ng hangin. Ang tunog ng telepono, yabag ng mga sapatos, kaluskos ng papel—parang dumoble ang lakas sa pandinig ko. Para bang may spotlight na nakatutok sa akin, kahit wala naman. parang lahat ng tao normal lang. Nagtatawanan, busy sa reports, may kape sa tabi. Ako lang yata yung hindi normal. Pakiramdam ko parang ang daming mata ang nakatingin sakin kahit alam kong wala namang may alam. Maybe it was just me, guilty lang ako.

Huminga ako nang malalim bago pumunta sa desk ko. Act normal, Celestine. Wala lang ‘yon. Wala lang. Paulit-ulit ko itong mantra sa isip ko, pero hindi ko mapigilan ang pagkabog ng dibdib ko.

Biglang bumukas ang glass door—dumating siya. Crisp white shirt, serious look, at yung mabigat na aura niya na lagi kong iniiwasan dati. parang walang nangyari. Napalunok ako at mabilis na tumingin sa monitor ko, kunwari may tinatype.

Huminto siya saglit sa gilid ng desk ko. Ramdam ko yung bigat ng presensya niya. Para bang bawat hakbang niya papalapit, lalong lumiliit ang mundo ko.

“Good morning,” sabi niya habang dumadaan sa likod ko.

Nag-stutter ako. “G-good morning po, Boss.”

Narinig kong huminto siya sandali, tapos diretso na ulit sa office niya. Hindi man lang nagbago yung expression niya, pero ramdam ko yung tension.

Sinubukan kong magpaka-normal. Binuksan ko ang computer, binabad ang sarili sa trabaho, at pinilit ngumiti kapag may lumalapit na katrabaho. Pero sa bawat segundo, ramdam ko ang tingin niya.

Para akong binabantayan. Kahit abala ako sa spreadsheet sa harap ko, pakiramdam ko bawat galaw ko ay sinusukat niya—kung paano ako humihinga, kung paano ko pinipigilang hindi manginig ang mga daliri ko.

Sa tuwing maglalakad siya palabas ng opisina, bahagya akong nakakahinga. Pero sa tuwing bumabalik siya, para bang sumisikip ulit ang paligid. Bakit ba ako ganito? Bakit siya parang walang epekto, samantalang ako—halos mabaliw kakaisip?

All day, iwasan kung iwasan. Kapag may kailangan akong ipasa, ini-email ko. Kapag may tanong siya, maikli lang sagot ko. At kapag accidentally nagkasalubong yung mata namin, umiiwas ako.

Nasa kabilang dulo lang siya ng opisina, abala sa mga papeles at meeting schedules. Pero sa tuwing magtatama ang mga mata namin, parang humihinto ang oras. Agad kaming umiiwas ng tingin, nagkakahiyaan, at pilit nag-aakto na parang walang nangyari.

Wala lang. Normal lang. Focus, Celestine, paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko. Pero paano kung mismong katawan ko ang nagpaalala ng gabing iyon? Paano kung bawat titig niya ay bumabalik ang lahat?

“Uy, Celestine,” bulong ng isa kong officemate, “parang iba ka ngayon ah… tahimik ka, parang lutang.”

Napakagat ako sa labi at pilit ngumiti. “Ah, wala… siguro kulang lang sa tulog.”

Pero hindi lang ako ang napapansin. Kahit sila, ramdam nila ang kakaibang tension sa pagitan namin ni Adrian. At habang tumatagal ang oras, mas lalong sumisikip ang dibdib ko sa awkward na katahimikan na hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang itago.

At doon, sa gilid ng paningin ko, nasilayan ko si Adrian na nakatingin—diretso, hindi kumukurap. Nakakunot ang noo niya, para bang binabasa niya mismo ang iniisip ko.

Napalunok ako at mabilis na ibinalik ang tingin sa screen. Act normal. Wala lang ‘yon. Pero paano kung hindi lang pala isang gabi ang halaga ng nangyari?

After lunch, napansin ulit ng office mate ko.

“Uy, parang ang tahimik mo ah. May problema ba?”

Ngumiti lang ako ng pilit. “Wala, puyat lang siguro.”

Pero ang totoo, hindi puyat lang. Gulo ng isip ko. Bakit siya? Bakit ako pumayag? At higit sa lahat… paano na kami sa mga susunod pang araw?

Isang sikreto. Isang gabi. At ngayon, isang opisina na puno ng mga matang hindi ko alam kung makakayanan ko.

Pagbalik ko sa mesa, pilit kong inayos ang sarili. Pero sa bawat pag sketch ko, wala akong naiintindihan sa mga drawing sa papel. Para bang may manipis na ulap na bumabalot sa isip ko.

Hindi puyat. Hindi pagod. Kundi siya.

Ang lalaking dati ay tinitingala ko lang mula sa malayo. Seryoso, disiplinado, halos untouchable. Pero nung gabing yun, siya yung nakayakap sa akin, humahalik na para bang ako lang ang mundo niya.

At ngayon, ilang metro lang ang layo niya. Nakaupo sa office niya na may transparent na salamin, at paminsan-minsan, ramdam kong napapatingin siya sa akin. Hindi ko siya masilip nang diretso, pero dama ko.

Pag-uwi ko, binagsak ko kaagad ang sarili ko sa kama, nakatingin lang sa kisame habang nakatulala. Tahimik ang buong condo, pero ang isip ko, sobrang gulo. Hindi mawala sa utak ko ang mga nangyari kanina sa office.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong nireplay sa isip ang bawat galaw niya—kung paano siya tumitig, mga salitang binubulong niya na parang suntok sa dibdib. Humahalo lahat: guilt, kaba, at—hindi ko gustong aminin—may naiwan na pagtimpla ng pagkasabik.

Yung mga titig na parang aksidente lang, pero alam naming pareho ni Adrian na hindi. Yung katahimikan sa pagitan namin na halos sumisigaw ng alaala ng gabing pilit kong gustong kalimutan. At yung mga kasamahan naming nakatingin, halatang nagtataka kung bakit ako biglang naging tahimik at lutang.

Humugot ako ng malalim na hininga, pinipilit maging matapang. Kaya ko ‘to. Wala namang makakaalam kung hindi kami magsasalita, diba?

Pero kahit anong tapang ang ipakita ko, hindi ko mapigilan ang kaba. Sa tuwing naiisip ko na baka kausapin niya ako, o baka may makahalata, bumibilis ang tibok ng puso ko. Parang anytime, puputok ang sikreto namin.

Pumikit ako at tinakpan ang mukha ko ng unan. Sana panaginip lang lahat. Sana paggising ko bukas, normal na ulit ang lahat.

Pero alam kong hindi na.

At iyon ang mas nakakatakot.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 8 – The Confrontation

    Agad na napako ang mga mata ni Adrian kay Celestine. Namumula at dumudugo ang ibabang labi nito. Napalingon siya sa dalawang taong nasa tabi nito, si Marcus, ang ex-fiance ni Celestine, at si Bianca, ang stepsister ni Celestine. Alam niya agad kung sino ang may kagagawan. “Celestine…” tawag niya. Lumapit siya at marahang hinawakan ang baba ni Celestine para matingnan ang sugat. Kita ang pag-aalala sa mga mata ni Adrian. “Who did this to you?” “W-wala, sir. Okay lang ako,” pilit na sagot ni Celestine, halatang nahihiya at naguguluhan. Bago pa siya makapagsalita ulit, sumabat si Bianca na nakataas ang kilay at nakangisi. “Ako ang sumampal sa kanya. And so what? She deserves it.” Nanlaki ang mga mata ni Adrian at bahagyang kumuyom ang kamao. Ramdam ang panginginig ng galit sa kanyang boses. “How dare you touch her.” Naglakad siya papalapit kay Bianca, malamig ang titig. Napaatras si Bianca, halatang kinabahan pero nagpupumilit maging matapang. “Adrian, don’t act like you care

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 8 – The Confrontation

    Agad na napako ang mga mata ni Adrian kay Celestine. Namumula at dumudugo ang ibabang labi nito. Napalingon siya sa dalawang taong nasa tabi nito, si Marcus, ang ex-fiance ni Celestine, at si Bianca, ang stepsister ni Celestine. Alam niya agad kung sino ang may kagagawan. “Celestine…” tawag niya. Lumapit siya at marahang hinawakan ang baba ni Celestine para matingnan ang sugat. Kita ang pag-aalala sa mga mata ni Adrian. “Who did this to you?” “W-wala, sir. Okay lang ako,” pilit na sagot ni Celestine, halatang nahihiya at naguguluhan. Bago pa siya makapagsalita ulit, sumabat si Bianca na nakataas ang kilay at nakangisi. “Ako ang sumampal sa kanya. And so what? She deserves it.” Nanlaki ang mga mata ni Adrian at bahagyang kumuyom ang kamao. Ramdam ang panginginig ng galit sa kanyang boses. “How dare you touch her.” Naglakad siya papalapit kay Bianca, malamig ang titig. Napaatras si Bianca, halatang kinabahan pero nagpupumilit maging matapang. “Adrian, don’t act like you care.

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 7– At the hospital

    After mag-positive ang pregnancy test, hindi mapakali si Celestine. Gusto niyang makasigurado kung totoo nga ba ang iniinda niya. Kaya kinabukasan, nagpunta siya sa hospital para magpa-consult.Habang hinihintay niya ang doctor, halos malaglag ang puso niya sa kaba. Pagpasok niya sa clinic, agad siyang tinanong ng doctor.“Anong concern mo, iha?”“Doc… I took a PT yesterday, positive siya. Gusto ko lang po makasigurado kung… buntis talaga ako,” mahina niyang sagot.Nagpa-check up siya, may tests na ginawa, at di nagtagal ay kinumpirma rin ng doctor.“Congratulations, Celestine. You’re pregnant. Make sure na magpahinga ka at iwasan ang stress, ha?” sabi ng doctor habang inaabot ang reseta.Tumango lang si Celestine. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiiyak. Tahimik siyang lumabas ng clinic, bitbit ang reseta at ang bigat ng sikreto niya. Hindi niya alam, may mga matang nakakita sa kanya.Nasa hallway kasi si Bianca, ang step-sister niya. Nakakunot ang noo nito habang pinapanood

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 6 – The Test

    Pag-uwi ni Celestine galing work, hindi muna siya dumiretso sa condo niya. Dumaan muna siya sa pharmacy para bumili ng pregnancy test. Habang hawak niya ang maliit na kahon, ramdam niya ang kaba sa dibdib niya. “Paano kung…?” naiisip niya habang pinipilit huwag mag-panic.Pagpasok sa bahay, diretso siya sa banyo. Hinanap niya ang tuwalya upang maayos niyang mailatag ang test kit. Binuksan niya ang kahon at inilabas ang stick kasama ang instruction manual. Binasa niya ito ng mabuti—“Step 1: I-dip ang test stick sa ihi mo for 5 seconds.”Nagsuot siya ng gloves, kahit alam niyang over-prepared na ito, at dahan-dahang nilagay ang stick sa cup ng ihi. Counting every second, ang puso niya ay parang tumatalon sa dibdib niya. “1… 2… 3… 4… 5,” bumulong siya sa sarili habang inaalala ang bawat scenario sa isip niya.Pagkatapos, inilagay niya ang stick sa flat surface at tiniyak na stable ito. Sunod, sinunod niya ang instruction: “Wait for 3 minutes.” Tatlong minuto na parang tatlong oras ang ta

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 5 – First Signs

    Ilang linggo na rin ang lumipas mula nung may nangyari sa amin. At sa totoo lang, pilit kong ibinabaon sa isip ko na wala lang ‘yon. Normal life lang ulit — work, deadlines, at chikahan with officemates. Pilit kong ibinalik sa normal ang buhay ko. Sa office, iwas pa rin ako kay Boss, acting as if nothing happened. At sa bahay… well, mas pinili kong umiwas din. Hindi pa ako handang harapin yung tungkol sa fiance at sa stepsister ko.Pero kahit anong iwas ko, hindi ko maitago sa sarili ko na may nagbago. Tuwing dumadaan siya sa harap ng cubicle ko, ramdam ko ang bigat ng tingin niya, o baka ako lang ang nag-iisip.Pero nitong mga araw na ‘to, may mga nararamdaman akong kakaiba. Minsan bigla akong napapagod kahit konti lang naman ang ginawa ko. May time din na parang nahihilo at inaantok ako. Sabi ko sa sarili ko, baka stress lang o kulang sa tulog. Ayokong isipin na baka… buntis ako.Pero habang lumilipas ang mga araw, lalo lang lumalakas ang hinala ko. Lalo na nang mapansing wala pa

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 4 – Awkward Silence

    Kinabukasan, para akong lutang. Hindi pa rin ako makapaniwala na kung paano nangyari na napunta ako sa hotel kasama ang boss ko. One night stand lang yun—pero bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko? habang nasa kotse papuntang office, hindi ko mapigilan ang kaba. Paano ko siya haharapin? Siya yung taong sinusunod ko sa trabaho, pero nung isang gabi… ibang klase yung nangyari.Pagdating ko sa office, ramdam ko ang kakaibang bigat ng hangin. Ang tunog ng telepono, yabag ng mga sapatos, kaluskos ng papel—parang dumoble ang lakas sa pandinig ko. Para bang may spotlight na nakatutok sa akin, kahit wala naman. parang lahat ng tao normal lang. Nagtatawanan, busy sa reports, may kape sa tabi. Ako lang yata yung hindi normal. Pakiramdam ko parang ang daming mata ang nakatingin sakin kahit alam kong wala namang may alam. Maybe it was just me, guilty lang ako.Huminga ako nang malalim bago pumunta sa desk ko. Act normal, Celestine. Wala lang ‘yon. Wala lang. Paulit-ulit ko itong mantra sa i

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status