LOGINAng restaurant ay matatagpuan sa thirty fifth corner street, sa mismong gilid ng Grand Hyatt Manila 8th Avenue kung saan napakamahal ng lupa. Ito ang Anaiz Hotel, isang kilalang limang-star na hotel.
Back in the 1980s and 1990s, ang Anaiz Hotel ang paboritong puntahan ng mga anak ng matataas na opisyal sa gobyerno. Naturally, they could afford it. Ang mga kumakain doon ay mga anak ng mga officials o hindi kaya ng mga negosyante. In short, lahat ay may estado at pinanggalingan.
At sa paglipas ng panahon, mas lalo nilang pinataas ang reputasyon ng hotel, at kapalit nito, mas lalo rin silang nagmukhang kagalang-galang. Ang kakayahang pumasok at lumabas ng Anaiz Hotel ay naging sukatan kung sapat ang lakas ng background ng isang tao. Ang mga hindi makapasok ay hindi itinuturing na tunay na bahagi ng Anaiz social circle.
But that atmosphere no longer existed. Bukod sa mga anak ng matataas na opisyal sa Manila, kahit sino na may pera ay puwede nang pumasok at mag-enjoy.
Noon, hindi sapat ang may pera ka lang. Kailangan mo rin ng estado at koneksyon. Ngunit noong panahong iyon, ang may pera ay kadalasang may kapangyarihan din. Nasa yugto pa lang ng pag-unlad ang mga pribadong negosyo, at ang tunay na mayayaman ay halos laging konektado sa awtoridad.
“Talagang todo-bigay si Gabriel sa pagkakataong ito. Kapag hindi natuloy ang investment na ’to, mahihirapan tayong lahat sa susunod na anim na buwan. The money itself isn’t the most important part. Ang mas mahalaga, nagkaroon tayo ng koneksyon kay Angelo Reyes. From now on, we won’t have to tiptoe around the industry anymore, and we won’t need to worry about projects getting blocked.”
Mas matanda ng walong taon si Gabriel kay Alanis at ito rin ang boss ng Spring Media, pati na rin ang chief director at producer ng proyektong ito. Ito mismo ang bumubuo ng team, nagkakalkula ng gastos, at naghahanap ng pondo. Sa madaling salita, si Gabriel ang may hawak ng kabuuang kontrol ng proyekto.
Dati, maliliit lang ang investors na nakukuha ni Gabriel. Pero ngayon, isang napakalaking investment ang nakuha nito—sobrang laki na inakala ng lahat sa kumpanya na tinamaan ang lalaki ng jackpot.
Napabuntong-hininga si Alanis. “Sobrang sinuwerte ni Gabriel ngayong taon. Somehow, he managed to connect with the Angelo Reyes.”
Ngunit nakayuko lamang siya at nanatiliim tahimik.
Maraming tanong ang pumapasok sa isip niya, ngunit wala siyang mapagtanungan. Kahit si Alanis ay hindi rin ito masasagot. Kaya’t pinili na lang niyang sarilihin ‘yon.
Sinulyapan siya ni Alanis at napansing tila wala siyang sigla. Inakala ng kaibigan na pagod lang siya sa biyahe kaya marahang tinapik nito ang balikat niya. “We still have half an hour before we arrive. Umidlip ka muna.”
“Hmm,” mahinang tugon ng dalaga.
Pagkalipas ng kalahating oras, huminto ang sasakyan sa harap ng Anaiz Hotel.
Hinila ng kaibigan ang braso ni Raia, nanginginig sa tuwa ang boses. “Nandito na tayo!”
Kalmado siyang tumingin sa labas ng bintana.
Nang makita niya ang pamilyar na salitang “Anaiz Hotel”, sandali siyang natigilan.
Hindi pwedeng sabihin niyang wala siyang naramdaman. Even a wild goose leaves a trace when it flies past. Paano pa kaya ang isang taong tatlong taon na naging sunod-sunuran sa isang Dela Merced?
Isa-isang bumalik ang mga alaala niya mula sa mga taong lumipas. Like a film played in reverse.
Ang unang beses niyang pagpunta rito ay noong 18th birthday niya, nang dalhin siya rito ni Kyle.
Noon, si Kyle ang boyfriend niya. Hindi pa sila nagtatagal bilang magkasintahan. Sa kaarawan niya, dinala siya ni Kyle sa Anaiz Hotel at nag-book ng isang luxury suite na may open-air garden para ipagdiwang ang kanyang kaarawan.
Ang ikalawang beses ay kasama si Thorn.
Nangyari iyon malapit sa pagtatapos ng second semester ng second year niya. She remembered the date clearly—June 15th, her 19th birthday.
Noong araw na iyon, buong Anaiz Hotel ang ipina-book ni Thorn para sa kanya. Inimbitahan nito ang mahigit isang dosenang malalaking pangalan sa entertainment industry mula sa iba’t ibang bansa. Lima sa kanila ay mga paborito niyang mang-aawit, at isa-isang kumanta para sa kanya. As if a grand, solemn concert had been held just for her alone.
Pagkatapos noon, madalas na siyang bumalik sa Anaiz Hotel. Ang presidential suite sa pinakamataas na palapag ay nakalaan para sa kanya buong taon.
Ang pagbabalik niya rito matapos ang limang taon ay para bang napadpad siya sa ibang mundo.
“Look at you. Para kang overwhelmed. Namumula pa mga mata mo,” pagbibiro ni Alanis at inakbayan siya. “Nasilaw ka ba sa karangyaan ng mga high-end hotel dito sa Maynila?”
Raia swallowed the tightness in her throat and replied gently, “O-oo.”
Inalis ni Alanis ang pagkakaakbay nito sa kanya at sa halip ay kinawit ang braso nito sa braso niya. “Kapag nakuha na natin ang investment, at naging patok ang drama na ’to, magpapalibre tayo kay Gabby ng bonggang salu-salo rito ulit!”
Marahang ngumiti si Raia. “Sige.”
“Ikaw talaga,” sambit ng kaibigan at marahang kumalas sa pagkakawit ng braso nito sa kanya. “Simula nang bumalik ka mula sa pag-aaral sa abroad, parang ibang tao ka na. Parang ang tahimik at lamig mo na. Noon, kahit tahimik at masunurin ka, masigla ka. And those little temper tantrums of yours were actually quite cute.”
Nag-iwas siya ng tingin at nanatiling tahimik.
Paanong siya hindi magbabago?
Bukod sa katotohanang si Thorn ang nagpasok sa kanya sa mundo ng kasikatan at yaman, sapat na ang tatlong taon na kasama ang isang taong kasing lakas at impluwensiya ng binata para pakinisin kahit ang pinakamatutulis na sulok ng pagkatao.
Habang papalapit sila sa pasukan ng restaurant, biglang huminto si Alanis at pabulong na nagtanong, “Baby… pwede mo ba ikwento sa ‘kin kung ano ang pinagdaanan mo sa loob ng tatlong taon mo sa London?”
Agad na naglikot ang kanyang mga mata. Maghahanap na sana siya ng palusot nang bilang mag-ring ang phone ng kaibigan.
It was Gabriel, nagtatanong kung nakarating na ba sila.
“Nandito na kami,” sagot ni Alanis at muling nagpatuloy sa paglalakad. “Na sa loob na kami ng restaurant. Same private room ba?”
Kahit curious siya sa usapan ng mga ito, hindi na lang siya umimik at nanatiling nakasunod dito.
“Sige. Send mo sa ‘kin ang room number. Papunta na kami ni Raia.”
Medyo nauuna nang kaunti si Alanis sa kanya at hindi narinig ang usapan ng mga ito. Dahil kung sakaling narinig niya, hindi talaga siya tutuloy.
Pagkababa ng tawag, sinulyapan ni Alanis ang mensahe ni Gabriel at humarap sa kanya. “Luxury suite sa sixth floor. Talagang todo na ang gurang na si Gabriel!”
Tipid siyang ngumiti rito. “You have to give to receive. Mukhang motto ‘yun ni Sir Gabriel.”
DING.
Dumating na ang elevator sa ikaanim na palapag.
Naunang maglakad si Alanis, kasunod si Raia. Isa-isa silang pumasok sa 603 luxury suite.
Na sa loob na ang lahat ng pangunahing miyembro ng creative team. Ang dalawang lead actors ay nakaupo sa sofa, tahimik na pinag-uusapan ang script.
Na sa balkonahe si Gabriel, nakatalikod sa pinto, may sigarilyo sa kamay. Nang marinig ang ingay, lumingon ito. At nang makita siya, agad nitong pinatay ang sigarilyo at ngumiti saka pumasok sa dining area. Sinarado nito ang glass door upang hindi makapasok ang amoy ng usok ng sigarilyo.
“President Gab,” magalang niyang pagbati rito.
Hindi niya ito tinatawag na Gurang or Gabriel lang. Hindi siya tulad ni Alanis. Alumni kasi ang dalawa at dating magkaibigan.
Bahagyang nakaramdam ng pagka-ilang si Gabriel sa malamig at may distansyang asal niya, ngunit hindi ito ipinahalata ng lalaki at nanatiling nakangiti.
“Thanks for coming,” anito.
“Walang anuman. Parte ako ng kompanya. It’s my honor that President Gabriel is willing to involve me.”
Bahagya nitong inangat ang kamay. “Have a seat.”
Tahimik na umupo si Raia, nakayuko, banayad at maingat ang kilos.
Umupo si Gabriel sa tapat niya, nagkrus ng mga binti, at nagsalita sa tono ng isang boss. “Kung maliit na investment lang ito tulad ng dati, hindi na sana kita inistorbo. Ang problema, kakaiba ang investor na ito—isa siyang tunay na tycoon mula sa Manila—”
Bago pa man nito matapos ang sasabihin ay may narinig na silang boses mula sa labas ng pinto.
“Tatanawin ko itong malaking utang na loob. I’ll remember this kindness.”
Agad na nakilala ni Raia ang boses na ‘yon.
Kay Angelo Reyes ‘yun.
At kasunod nito, may isa pang boses—mas pamilyar, mas malalim, at matagal nang hindi niya naririnig.
“There’s no need to remember it. I didn’t do this for your sake.”
Biglang nanginig ang mga pilikmata ni Raia.
Wala sa sarili siyang napatayo.
In that instant, her heart skipped a beat, and her breathing became uneven.
“H’wag mo nga akong tawaging Rara,” reklamo ng dalaga, habang pumipiglas sa mga bisig ng binata. “Ang pangit pakinggan.”Tumawa nang mahina si Thorn, mahigpit pa rin ang hawak sa kanyang baywang. “I think it sounds cute.”Mababa at mabagal ang tinig nitong dumadampi sa kanyang tenga. Raia felt a faint shiver run down her spine. Muli siyang pumiglas saka tuluyang sumuko. Nanghina ang katawan niya habang bahagyang higpitan ni Thorn ang pagkakayakap nito. Hindi masakit, ngunit hindi na siya makatakas. There was an ease to the way he held her, as if closeness like this was perfectly natural.Raia was nineteen that year. Nasa pagitan ng pagkabata at pagiging adult. Sa nakaraang taon, nagbago ang kanyang katawan, mas malambot at medyo nagkalaman. Madalas siyang nahihiya, ngunit tila nagugustuhan iyon ni Thorn.She had once believed that was why he wanted her.Ngunit kalaunan, naintindihan niya kung gaano siya nagkamali.Thorn’s desire had never been about her body alone. Mula sa unang tingi
Nang tuluyang nang matapos ang hapunan, hindi na mapakali si Raia at agad na nagtungo sa restroom. Sumunod agad si Alanis. Pagkalabas ni Raia, hinila siya nito sa isang tahimik na sulok at marahang nagtanong, “Anong nangyari? Ano bang namamagitan sa’yo at kay President Dela Merced?”Mapait na ngumiti si Raia. “Wala. Just a bad debt.”SA LIKOD ng isang haligi, malamig na pinagmasdan ni Thorn ang eksena, may bahagyang ngisi sa labi at nagyeyelong titig sa mga mata.He truly wanted to cut open her heart and see whether it was warm. Whether it was red, soft, and made of flesh at all.Paano nagagawa ng isang mukhang napakabanayad na tao na magkaroon ng pusong kasing tigas ng bato?Mukhang may balak pa sanang itanong ang kaibigan ni Raia nang biglang mag-ring ang phone nito. Agad nitong sinagot ang tawag ang naglakad palayo. THE MOMENT Alanis left, Raia was about to leave as well. When suddenly, a powerful arm suddenly wrapped around her waist and dragged her into the nearest private room
Sa sandaling tumayo si Raia, tumayo rin ang lahat ng nasa loob ng silid. Si Gabriel ang pinakamabilis—nakatakbo na ito palabas, kasunod ang lahat, maliban sa kanya.Nanatili si Raia sa kinatatayuan niya, parang napako ang mga paa sa sahig.Sa totoo lang, nang magpasya siyang pumunta sa Manila, matagal na niyang inihanda ang sarili niya sa posibilidad na makaharap si Thorn. May mga naisip na rin siyang paraan para harapin iyon. Hindi lang niya inasahan na mangyayari ito nang ganito kabilis. Habang iniisip niya, unti-unti niyang napagtantong… hindi ito nagkataon lang.Para itong eksaktong pag-uulit ng nangyari walong taon na ang nakalipas, nang aksidente siyang pumasok sa maliit na gusaling tinutuluyan ni Thorn habang nagpapagaling. Noon, inakala niyang tadhana iyon. Kalaunan lamang niya nalaman na isa pala iyong planadong bitag. Plano mismo ni Thorn.Maya-maya, bumalik ang lahat sa loob.Si Thorn ang nanguna.Ang malamig ngunit nangingibabaw nitong presensya at ang matangkad at matika
Ang restaurant ay matatagpuan sa thirty fifth corner street, sa mismong gilid ng Grand Hyatt Manila 8th Avenue kung saan napakamahal ng lupa. Ito ang Anaiz Hotel, isang kilalang limang-star na hotel.Back in the 1980s and 1990s, ang Anaiz Hotel ang paboritong puntahan ng mga anak ng matataas na opisyal sa gobyerno. Naturally, they could afford it. Ang mga kumakain doon ay mga anak ng mga officials o hindi kaya ng mga negosyante. In short, lahat ay may estado at pinanggalingan.At sa paglipas ng panahon, mas lalo nilang pinataas ang reputasyon ng hotel, at kapalit nito, mas lalo rin silang nagmukhang kagalang-galang. Ang kakayahang pumasok at lumabas ng Anaiz Hotel ay naging sukatan kung sapat ang lakas ng background ng isang tao. Ang mga hindi makapasok ay hindi itinuturing na tunay na bahagi ng Anaiz social circle.But that atmosphere no longer existed. Bukod sa mga anak ng matataas na opisyal sa Manila, kahit sino na may pera ay puwede nang pumasok at mag-enjoy.Noon, hindi sapat an
Bahagyang nakabukas ang itim ng polo ng binata, nilalantad ang malapad at maskuladong dibdib nito at ang kaakit-akit na mabatong tiyan. Sa medyo madilim na ilaw, buong kumpyansa itong naglakad palapit sa kanya gamit ang malalaking hakbang.Nakaramdam siya ng takot at wala sa sariling humakbang paatras. “H-h’wag kang lumapit…” Patuloy lang itong naglalakad palapit hanggang sa wala na siyang maatrasan. Nang makarating ito sa kanyang harapan ay tumigil ito. He then held her chin with his large hand and stared at her.“Still trying to run?” he asked in a hum.Nagbaba siya ng tingin at pinilit ang sariling umiling sa takot. “H-hindi…”Pinisil nito ang kanyang baba dahilan para muli siyang mag-angat ng tingin dito. At halos maninig ang kanyang tuhod nang haplusin ng hinlalaki nito ang kanyang ibabang labi. “Raia Aquino, don’t you ever think of leaving me. Because you’re mine.”Her cheeks burned red from his shameless and domineering words.Magkahalong hiya at galit ang kanyang nararamdam







