Dahil nasa bahay siya ng iba, hindi naglakas loob si Raia na sirain ang imahe niya. Maayos siyang kumain at hindi nagmadali tulad ng dati.Pagkatapos ng hapunan, naupo sina Beatrice at Albert sa sofa at naglaro ng games, habang dinala naman siya ng kasintahan sa hardin.Magkatabi silang naglakad sa daang may mga puno. Na sa bulsa ang isang kamay ni Kyle, at paminsan-minsan ay nasasagi ng isa pa ang likod ng kamay ni Raia, ngunit hindi na ito nagpumilit pang hawakan ang kanyang kamay.Pagdating nila sa matandang puno ng Narra, huminto si Kyle, hinawakan ang kanyang pulso, at tumitig sa kanya nang may malalim na emosyon. “Wala ka pa rin bang nararamdaman para sa ‘kin?”Nag-iwas siya ng tingin sa binat. “Kuya, ayokong magsinungaling sa ‘yo. May nararamdamann ako para sa ‘yo—”“Stop,” pagpuputol nito sa kanya. “Maghihintay ako. One month isn’t that long. Pero pagkatapos ng isang buwan, ayokong marinig na wala ka pa ring nararamdaman para sa ‘kin.”She lowered her gaze, pressed her lips to
Last Updated : 2026-01-27 Read more