Share

My Boyfriend's Uncle is Obsessed With Me
My Boyfriend's Uncle is Obsessed With Me
Penulis: Loulan

Simula

Penulis: Loulan
last update Terakhir Diperbarui: 2026-01-13 16:36:26

Bahagyang nakabukas ang itim ng polo ng binata, nilalantad ang malapad at maskuladong dibdib nito at ang kaakit-akit na mabatong tiyan. 

Sa medyo madilim na ilaw, buong kumpyansa itong naglakad palapit sa kanya gamit ang malalaking hakbang.

Nakaramdam siya ng takot at wala sa sariling humakbang paatras. “H-h’wag kang lumapit…” 

Patuloy lang itong naglalakad palapit hanggang sa wala na siyang maatrasan. Nang makarating ito sa kanyang harapan ay tumigil ito. He then held her chin with his large hand and stared at her.

“Still trying to run?” he asked in a hum.

Nagbaba siya ng tingin at pinilit ang sariling umiling sa takot. “H-hindi…”

Pinisil nito ang kanyang baba dahilan para muli siyang mag-angat ng tingin dito. At halos maninig ang kanyang tuhod nang haplusin ng hinlalaki nito ang kanyang ibabang labi. 

“Raia Aquino, don’t you ever think of leaving me. Because you’re mine.”

Her cheeks burned red from his shameless and domineering words.

Magkahalong hiya at galit ang kanyang nararamdaman na pilit niyang tinatago. 

Wala siyang ibang magawa kundi pigilan ang sarili; kung lalabanan niya ito nang harapan, siya lang ang talo. Mas mabuting magpanggap na masunurin upang maiwasan ang masaktan.

Upang magmukhang mas maamo, ibinaba niya ang tingin, at gumulong ang mga luha sa kanyang mga pisngi.

“Why are you crying?” Yumuko ang binata at mariing kinagat ang kanyang mga labi habang pinipigilan ang sarili. His voice hoarse and strained as he asked, “Ayaw mo ba talagang makasama ako?”

Mariing pinikit ni Raia ang kanyang mga mata at hindi nagsalita. Bahagyang nanginginig ang mahahaba at basang pilikmata niya.

“Kung ganon, sino ang gusto mong makasama? Sino? Hmm?” Pinisil ng binata ang kanyang pisngi. Bahagyang namumula ang mga mata nito habang matalim siyang tinitigan. “Open your eyes and look at me when you speak.”

“Hindi… w-wala akong gustong makasama.” Nanginginig na iminulat ni Raia ang kanyang mga mata. Looking at the man before her with shattered eyes, her voice choked with sobs. “Mr. Dela Merced, wala akong gustong makasama. Pakiusap… pakiusap, pakawalan mo ako.”

Marahan siyang nakiusap, umaasang magpapakita ito ng kahit kaunting awa.

The man wrapped an arm around her waist, lifted her up with one arm, and bit her neck with restraint, his voice was low and husky. “You should say, ‘I want to be with you.’ Naiintindihan mo?”

Nag-atubili ang dalaga sandali bago marahang nagsalita, “I want to be with you.”

Under the pressure of the man’s overwhelming aura, she had no choice but to compromise.

Dumilim ang tingin ng binata sa kanya. Mabilis niya siyang nitong binuhat papunta sa bedroom, mariing idiniin siya pababa, mapusok at marahas, habang bumaon ang mahahaba nitong mga daliri. “Has he been here with you?”

“NO!” 

Wala sa sarili siyang napabalikwas ng bangon at hinabol ang kanyang hininga. 

“Miss Raia?” sambi ng kanyang assistant na si Jona. “Binabangungot po ba kayo?”

Nang marinig ang ingay, agad na lumapit ang flight attendant. “Miss, ayos lang po ba kayo?” 

Paglampas ng eroplano sa Luzon, tila naging mas tuyo ang panahon.

Lunok nang lunok si Raia, tuyong-tuyo ang kanyang lalamunan. Agad siyang umiling sa mga ito at bahagyang winagaygay ang kamay para sabihing wala lang ang nangyari. 

“Ayos lang ako. Salamat,” aniya at bumaling kay Jona. “Siguro napuyat lang ako kagabi kaka-revise sa script kaya kung ano-ano na lang napapanaginipan ko.”

Lie! Sa totoo lang, hindi siya makatulog buong gabi dahil alam niyang papunta siya ng Manila ngayong araw na ito. 

Pagkasakay sa eroplano, saka lamang siya nakatulog—ngunit isang bangungot, o mas tamang sabihing isang totoong alaala, ang gumising sa kanya at hindi na siya muling nakatulog.

Dumating ang eroplano sa Manila bandang alas-5:35 ng hapon. Papalubog pa lamang ang araw, at ang kalangitan sa abot-tanaw ay tila nagliliyab sa pula. 

Despite the crimson sky, from the north was cold and dry, carrying a chilling, murderous aura—just like the man she had been unable to erase from her memory for five years: Thorn Dela Merced.

Maraming tao sa Pinas ang takot kay Thorn, ngunit si Raia ang pinakanatatakot sa binata. Sa sobrang takot, limang taon siyang hindi nangahas tumapak sa Manila. Ang pagpunta niya ngayon sa Pinas ay dahil lamang sa pangangailangan. Pinilit lamang siyang magpunta rito, katulad ng pagpilit sa kanya ng binata noon. 

Five years ago, sinalag niya ang kutsilyo para kay Thorn, isinakripisyo ang kalahati ng kanyang buhay kapalit ng kalayaang makaalis sa bisig ng binata. 

Huling bahagi rin noon ng taglagas. Nalalagas ang mga dahon ng mga punong akasya sa buong lungsod, at ang dapithapon ay nagliliyab sa abot-tanaw.

Nakatayo si Thorn sa ilalim ng punong akasya na wala nang dahon. The afterglow of the setting sun filtered through the branches, making him look as cold and awe-inspiring as a demon.

“Raia Aquino, I’m only letting you go this once. Once you leave, never come back.” 

“Salamat, Mr. Dela Merced. Makakaasa po kayo, hinding-hindi na ako babalik at hinding-hindi na muling tatapak sa Manila sa buong buhay ko.”

But she broke her promise.

Five years later, she returned to Manila.

Kaya hindi siya makatulog nang maayos nang nakaraang gabi, at kaya nagkaroon siya ng bangungot kanina sa eroplano. She was afraid. Natatakot siyang makasalubong ng landas si Thorn. Natatakot siyang muli na naman siya nitong kontrolin. 

Mas alam niya kaysa kanino man kung gaano kalakas at baluktot ang pagnanais ng lalaking iyon na mangibabaw at umangkin. Tatlong taon siyang nabuhay sa ilalim ng kanyang abnormal na kontrol.

Bukod sa ayaw na niyang kontrolin muli nito, ayaw rin niyang maipit sa pagitan nilang dalawa ni Thorn at Kyle, na para bang laruang pinag-aagawan. 

Fortunately, tuluyan na niyang iniwan si Thorn at pinutol ang lahat ng ugnayan sa binata, pati na sa pamangkin nitong si Kyle.

Pagkatapos umalis ng Pinas, nagpunta siya sa ibang bansa at bumalik lamang sa Pinas noong Setyembre, two years ago. 

Ngayon, isa siyang screenwriter sa isang film at television company na tinatawag na Spring Media. Ipinakilala siya sa kumpanya ng dati niyang kaklase sa high school na si Alanis Abundo, ang executive director ng kumpanya na may malaking impluwensya roon.

Siyempre, kahit walang tulong ni Alanis, kaya pa rin ni Raia na makapasok sa Spring Media gamit ang sariling kakayahan. Ngunit dahil naroon ang kaibigan, mas panatag ang loob niya.

Noong nakaraang summer, nakagawa ang kanilang kumpanya ng isang patok na teleserye na mabilis na umani ng papuri, nagdala ng napakaraming advertising offers, at lubos na nagpadali sa pagkuha ng mga investments. 

Sa simula ng taon, nagsimulang maghanda ang kumpanya para sa produksyon ng isang malaking fantasy drama na batay sa isang sikat na IP. Maayos na natapos ang paunang pagtatatag ng proyekto at ang koordinasyon ng script, at sa kabutihang-palad, mabilis ding nakuha ang sponsorship. 

Gayunpaman, ang investment ay isang malaking tao mula sa Manila. Nang malapit nang pirmahan ang kontrata, bigla itong humiling na dalhin ng pangunahing creative team ang proposal sa Manila para sa isang face to face meeting. 

At bilang isa sa mga screenwriter ng kumpanya, natural na kabilang si Raia sa pangunahing creative team at dapat sana’y sumama sa biyahe papuntang Manila.

Nang una niyang marinig na kailangan niyang pumunta, tumanggi siya at idinahilan na masama ang pakiramdam niya. Alanis didn’t think too much of it and readily agreed, telling her to stay in Davao and wait for good news.

Ngunit kahapon lamang ng hapon, kakarating pa lang nina Alanis sa Manila nang tawagan nila si Raia at sinabing pakiramdam ng mga investor ay kulang ang kanilang sinseridad.

“Paano nila nasabing kulang ang sincerity natin?” Nakaramdam si Raia ng hindi maipaliwanag na kaba.

“Sabi ng sponsor, dahil hindi pumunta mismo ang pangunahing creators at mga screenwriter, ipinapakita raw na hindi tayo sincere. Umalis pa sila nang hindi man lang kumakain,” sagot ni Alanis.

Mariing niyang kinagat ang ibabang labi sa kaba at pabirong nagtanong.

“Ano nga ulit ang pangalan ng investor natin sa pagkakataong ito? Sinong malaking tao sa entertainment circle ng Manila?”

“Si Mr. Reyes. Yung pangalawang anak ng mga Reyes, isa sa pinakamayamang pamilya rito sa Pinas,” sagot ni Alanis.

Parang nabunutan ng tinik ang kanyang dibdib nang marinig ang sagot ng kaibigan. “Reyes pala.”

Kumunot ang noo ng kaibigan habang nakatingin sa kanya. “May problema ba?”

“Wala,” mabilis pa sa alas kwatro niyang sagot. 

Hangga’t sa hindi Dela Merced, ayos lang. Okay lang kahit sinong mayaman pa ‘yan. And honestly, mas magandang ang mga Reyes ang investor. 

Matagal nang hindi magkasundo si Angelo Reyes, ang ikalawang anak ng pamilyang Reyes sa Manila, at si Thorn. Nagkaroon pa ang mga ito noon ng matinding alitan dahil sa merkado sa Southeast Asian market.

Dahil si Angelo Reyes ang nag-invest sa drama nila, wala siyang dapat ipag-alala na baka ay makasalubong ng landas si Thorn Dela Merced. 

Pagkababa nila ng eroplano, sumakay ng taxi sina Raia at ang assistant niyang si Jona papunta sa hotel.

Pagdating sa hotel, inabot ni Alanis sa kanya ang isang navy blue na fishtail maxi dress mula sa pinakabagong autumn collection ng isang kilalang brand at pinapasuot ito sa kanya.

Hindi niya maiwasang magtaka. “Bakit ako magpapalit?”

Tumayo ang kaibigan sa likod niya at pinaglaruan ang malambot niyang buhok, sinusubukang ayusin ito sa iba’t ibang estilo para makita kung alin ang mas babagay sa kanya. 

After fussing with it for a while, she suddenly let go and wiped her hands on Raia’s shoulder with a look of disgust. “How many days has it been since you last washed your hair?”

Naubo siya nang bahagya. “Dalawang araw pa lang yata. Noong isang araw.” Pagkatapos ay humarap siya kay Alanis. “Hindi mo pa rin sinasabi kung bakit kailangan kong magpalit ng damit.”

“Dahil hindi ka dumating kahapon, nagalit ang mga investors. Kaya ngayon kailangan ka naming bihisan nang maayos para mapakalma si Mr. Reyes. Mamaya sa dinner party, maging maasikaso ka, magsalita ng magaganda, at mag-alok ng mas maraming tagay. Sabi ni Gab, kailangang magtagumpay ito. Hindi tayo puwedeng pumalpak.”

Nanliit ang kanyang mga mata habang nakatingin dito. “Sigurado ka bang si Angelo Reyes and investor natin?”

“Oo naman!” sagot nito na puno ng kumpyansa. “Dalawang beses ko na siyang nakaharap.”

Hinugot nito ang phone at pinakita sa kanya ang laman ng screen saka nagpatuloy sa pagsasalita. “Heto si Angelo Reyes. Ang pangalawang anak ng mayamang pamilyang Reyes. Ang tunay na may hawak ng kapangyarihan sa Reyes Group ngayon. Gwapo, ‘di ba?”

Sinulyapan ni Raia ang larawan at nakumpirmang hindi ito si Thorn, kaya bahagyang nabawasan ang kanyang kaba.

Pero hindi pa rin siya tuluyang nakampante. “Bukod kay Mr. Reyes, wala na bang iba?”

Mukhang napansin na ng kaibigan ang kanyang sunod-sunod na mga tanong kaya’t kumunot na ang noo nito. 

“Bakit? Sino pa ba dapat?”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Boyfriend's Uncle is Obsessed With Me   Kabanata 04: Flashbacks

    “H’wag mo nga akong tawaging Rara,” reklamo ng dalaga, habang pumipiglas sa mga bisig ng binata. “Ang pangit pakinggan.”Tumawa nang mahina si Thorn, mahigpit pa rin ang hawak sa kanyang baywang. “I think it sounds cute.”Mababa at mabagal ang tinig nitong dumadampi sa kanyang tenga. Raia felt a faint shiver run down her spine. Muli siyang pumiglas saka tuluyang sumuko. Nanghina ang katawan niya habang bahagyang higpitan ni Thorn ang pagkakayakap nito. Hindi masakit, ngunit hindi na siya makatakas. There was an ease to the way he held her, as if closeness like this was perfectly natural.Raia was nineteen that year. Nasa pagitan ng pagkabata at pagiging adult. Sa nakaraang taon, nagbago ang kanyang katawan, mas malambot at medyo nagkalaman. Madalas siyang nahihiya, ngunit tila nagugustuhan iyon ni Thorn.She had once believed that was why he wanted her.Ngunit kalaunan, naintindihan niya kung gaano siya nagkamali.Thorn’s desire had never been about her body alone. Mula sa unang tingi

  • My Boyfriend's Uncle is Obsessed With Me   Kabanata 03: Memories

    Nang tuluyang nang matapos ang hapunan, hindi na mapakali si Raia at agad na nagtungo sa restroom. Sumunod agad si Alanis. Pagkalabas ni Raia, hinila siya nito sa isang tahimik na sulok at marahang nagtanong, “Anong nangyari? Ano bang namamagitan sa’yo at kay President Dela Merced?”Mapait na ngumiti si Raia. “Wala. Just a bad debt.”SA LIKOD ng isang haligi, malamig na pinagmasdan ni Thorn ang eksena, may bahagyang ngisi sa labi at nagyeyelong titig sa mga mata.He truly wanted to cut open her heart and see whether it was warm. Whether it was red, soft, and made of flesh at all.Paano nagagawa ng isang mukhang napakabanayad na tao na magkaroon ng pusong kasing tigas ng bato?Mukhang may balak pa sanang itanong ang kaibigan ni Raia nang biglang mag-ring ang phone nito. Agad nitong sinagot ang tawag ang naglakad palayo. THE MOMENT Alanis left, Raia was about to leave as well. When suddenly, a powerful arm suddenly wrapped around her waist and dragged her into the nearest private room

  • My Boyfriend's Uncle is Obsessed With Me   Kabanata 02: Toast

    Sa sandaling tumayo si Raia, tumayo rin ang lahat ng nasa loob ng silid. Si Gabriel ang pinakamabilis—nakatakbo na ito palabas, kasunod ang lahat, maliban sa kanya.Nanatili si Raia sa kinatatayuan niya, parang napako ang mga paa sa sahig.Sa totoo lang, nang magpasya siyang pumunta sa Manila, matagal na niyang inihanda ang sarili niya sa posibilidad na makaharap si Thorn. May mga naisip na rin siyang paraan para harapin iyon. Hindi lang niya inasahan na mangyayari ito nang ganito kabilis. Habang iniisip niya, unti-unti niyang napagtantong… hindi ito nagkataon lang.Para itong eksaktong pag-uulit ng nangyari walong taon na ang nakalipas, nang aksidente siyang pumasok sa maliit na gusaling tinutuluyan ni Thorn habang nagpapagaling. Noon, inakala niyang tadhana iyon. Kalaunan lamang niya nalaman na isa pala iyong planadong bitag. Plano mismo ni Thorn.Maya-maya, bumalik ang lahat sa loob.Si Thorn ang nanguna.Ang malamig ngunit nangingibabaw nitong presensya at ang matangkad at matika

  • My Boyfriend's Uncle is Obsessed With Me   Kabanata 01: Familiar Voice

    Ang restaurant ay matatagpuan sa thirty fifth corner street, sa mismong gilid ng Grand Hyatt Manila 8th Avenue kung saan napakamahal ng lupa. Ito ang Anaiz Hotel, isang kilalang limang-star na hotel.Back in the 1980s and 1990s, ang Anaiz Hotel ang paboritong puntahan ng mga anak ng matataas na opisyal sa gobyerno. Naturally, they could afford it. Ang mga kumakain doon ay mga anak ng mga officials o hindi kaya ng mga negosyante. In short, lahat ay may estado at pinanggalingan.At sa paglipas ng panahon, mas lalo nilang pinataas ang reputasyon ng hotel, at kapalit nito, mas lalo rin silang nagmukhang kagalang-galang. Ang kakayahang pumasok at lumabas ng Anaiz Hotel ay naging sukatan kung sapat ang lakas ng background ng isang tao. Ang mga hindi makapasok ay hindi itinuturing na tunay na bahagi ng Anaiz social circle.But that atmosphere no longer existed. Bukod sa mga anak ng matataas na opisyal sa Manila, kahit sino na may pera ay puwede nang pumasok at mag-enjoy.Noon, hindi sapat an

  • My Boyfriend's Uncle is Obsessed With Me   Simula

    Bahagyang nakabukas ang itim ng polo ng binata, nilalantad ang malapad at maskuladong dibdib nito at ang kaakit-akit na mabatong tiyan. Sa medyo madilim na ilaw, buong kumpyansa itong naglakad palapit sa kanya gamit ang malalaking hakbang.Nakaramdam siya ng takot at wala sa sariling humakbang paatras. “H-h’wag kang lumapit…” Patuloy lang itong naglalakad palapit hanggang sa wala na siyang maatrasan. Nang makarating ito sa kanyang harapan ay tumigil ito. He then held her chin with his large hand and stared at her.“Still trying to run?” he asked in a hum.Nagbaba siya ng tingin at pinilit ang sariling umiling sa takot. “H-hindi…”Pinisil nito ang kanyang baba dahilan para muli siyang mag-angat ng tingin dito. At halos maninig ang kanyang tuhod nang haplusin ng hinlalaki nito ang kanyang ibabang labi. “Raia Aquino, don’t you ever think of leaving me. Because you’re mine.”Her cheeks burned red from his shameless and domineering words.Magkahalong hiya at galit ang kanyang nararamdam

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status