Share

Chapter 6 - Hector

Nakangiti ngunit nanatiling nakapikit parin si Hector nang kapain niya ang katabi sa higaan. Ora mismong napadilat siya nang mapansing wala siyang katabi sa kama. Napalinga- linga si Hector at inikot ang paningin sa buong silid. Hindi nga siya nagkakamali nag iisa lang siya and no traces of the girl last night. Oo, nakainom siya pero sigurado siya na may nakilala siyang babae kagabi na nagngangalang Feona. At natitiyak din nya na may nangyari sa kanila ni Feona sa ibabaw ng kama makailang beses pa. Pero nangunot ang noo ni Hector at hinilot ang sintido. Hubo't hubad pa nga siya at gusot gusot ang kobre kama. Inamoy ni Hector ang katabing unan, amoy ito ng pabango na pambabae. Napatiim bagang si Hector. Hinilot niya ang kanyang sintido. Bumabalik sa kanyang balintataw ang magandang mukha ni Feona. Ang mga ngiti at tawa nitong nagpapabilis sa pintig ng kanyang puso. Ang katawan nito na parang halos hinulma para lamang sa kanya. Ngunit palaisipan sa kanya kung saan na ngayon ang babae. Nag iwan pa ng ebidensya si Feona, may marka ng dugo sa kobre kama. Nagpapatunay lang ito na birhen ang babaeng nakaniig ni Hector kagabi at hindi kung sino mamg kaladkaring babae lang. Kunot ang noo at kakamot kamot si Hector sa kanyang batok nang magtungo sa banyo. Maliligo muna siya at pupunta sa lobby ng hotel at baka pwede siyang makakuha ng information doon patungkol kay Feona.

"I'm sorry Atty. Salvador. Wala po talaga sa list of guest ng hotel ang may first name na Feona. And bawal din po ang disclosure of information ng mga guests namin, alam po ninyo yon." Mahinahong wika ng Hotel Staff na nasa fron desk. Napabuntong hininga nalang sa Hector. At nginitian ang Hotel staff sabay sabing "Thank You!" Dire-diretso si Hector na nagtungo sa cafeteria ng hotel at umorder ng black coffee. Nang preskong makaupo sa isa sa mga table & chair set doon at hinigit ang cellphone at ngdial at inilagay ang gadget sa gilid ng ulo. "Conrad, I'll be leaving Manila this afternoon. Pwede mo ba akong matulongan na ma locate ang mga businesses engagement within this week dito sa Taguig?" Wika ni Hector sa kausap sa cellphone. Matalik na kaibigan ni Hector si Conrad at head ng intellegence bureau sa bansa. Kaklase niya sa Law School noon at abogado rin ito. Tatango tango si Hector, satisfied siya sa tugon ng kaibigan sa kabilang linya. "Okey! I'll wait for that after a week bro." wika ni Hector at ngingiti ngiti. Naging positibo ang tugon ni Conrad sa kanya. Nakaramdam si Hector ng pag asa na makikita pa niya uli si Feona. Ang babaeng naghatid ng kakaibang pakiramdam sa kanya. Hindi talaga ma alis- alis sa isip ni Hector si Feona. First time itong nangyari sa kanya. Oo, nagkaroon siya ng crushes noon sa high school,college at maging sa law school. Marami narin siyang mga naging girlfriend at flings na dumaan lang sa buhay niya. Mga walang nagtagal, puro short term relationship lang. Ang iba sa kanila ang sabe pa, perpektong napakagwapo daw niya na parang isang greek god pero perfectionist daw siya masyado na hindi nila matagalan. Pero sa totoo lang, wala naman talagang inilunsad na standard sa babae si Hector. Ayaw niya lang masakal sa mga rules ng mga babae pag naging girlfriend na niya ang mga ito. Pero, kakaiba ang hatid ni Feona. Parang nalulusaw siya sa mga tingin ng magaganda at mapupungay na mga mata ni Feona. Wala siyang maisip o malathalang standard para

kay Feona dahil almost perfect na ito sa kanya. Mas masarap pala makisama kapang no rules, you have just to enjoy the company of each other. Ang problema nga lang, kakaiba si Feona sa mga babaeng nakilala niya. Yung iba kapag naikakama niya, naghihintay pa ng breakfast at another round after. Ang iba iniiwan talaga sa kanya ang information at numerong matatawagan after. Pero si Feona, tinakasan pa siya at hindi man lang naibigay nito ang fullname at kahit cellphone number man lang. Sumandal si Hector sa kanyang upoan. Nag tap sa screen ng kanyang cellphone. Nagsearch siya sa f******k. Nag type agad siya ng FEONA. Maraming f******k account ang nag appear. Napatawa siya ng may nakita pa siyang asawa pala ni Shrek si Feona. Iniisa isa niya ang lahat ng may pangalang Feona. Maraming nagngangalang Feona, nag gagandahan din ang mga profile pictures ng mga ito pero ni isa sa kanila ay hindi niya nakita ang Feona na hinahanap niya. Naagaw ang kanyang pansin sa may Account name na Feona Alvarez na kaprobinsya niya. Na curious si Hector gawang hindi nakalock ang f******k account pero ang lahat ng post ay nakaprivate. Ang profile picture nito ay dog tag at ang cover page picture ay larawan ng sunset sa beach. At may mutual friend sila. Ang mga kasamahang empleyado niya sa Justice Hall sa isang munisipalidad sakop ng kanyang probinsiya at isa sa mga assigned municipality niya. He's not so familiar pero nakakasalamuha na niya ang mga ito. Ang Mag-asawang sina Christopher at Felicity Topaz. Family Member din sila ni Feona Alvarez. Naalala pa ni Hector, may inabot na Christening Invitation sa kanya last week ang mag- asawa. Si Felicity ang napili niyang e review ang f******k account. At, binggo! Natagpuan niya ang babaeng hinahanap, nasa mga larawan na nasa f******k ni Felicity si Feona, malimit man pero family gatherings ang kadalasang caption. Nagmamadali ang mga hakbang ni Hector. Babalik siya sa kanyang silid, naalala niya ang invitation ay nakalakip sa kanyang planner na andoon sa bag niya sa loob ng kanyang silid. Kung dati wala sa plano niya ang pag attend ng binyag sa anak ng mag- asawa kahit pa ninong siya, magpapadala lang sana siya ng regalo. Nag- iba na ngayon, dadalo siya sa binyag at paghahandaan pa niya. Lalo na nang mabuklat niya ang invitation, isa din pala sa magiging ninang si Feona Alvarez. At ang binyag ay gaganapin na sa sabado next week. Ang lapad ng pagkakangisi ni Hector. "Akala talaga ng babaeng ito, hindi na kami pagtatagpuin ng tadhana. Hindi mo na ako matatakasan Feona Alvarez." Mahinang usal ni Hector.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status