Yes!
AshlynSa wakas, nakalipat na rin kami ng bahay. Tahimik dito, wala ring ingay ng mga sasakyan, at higit sa lahat… wala si Ashley.Pakiramdam ko ay mas malaya na ako. Parang may tinik na naalis sa dibdib ko, kahit alam kong hindi pa tapos ang lahat."Alam mo, mas panatag ako ngayon," bulong ko kay Marco habang pinagmamasdan namin ang mga bata sa sala. "Dito, hindi na tayo basta-basta matatagpuan ni Ashley."Tumango siya, ngunit may seryosong ekspresyon sa mukha. "May nakausap siyang abogado," ani Marco, halos pabulong.Napalingon ako sa kanya. Kumabog ang dibdib ko."Bakit?" tanong ko, pilit pinapakalma ang boses ko kahit na may kaba na sa dibdib ko."Custody," diretsong sagot niya. "Gusto niyang kuhanin si Asher."Nanigas ang katawan ko. Saglit akong natigilan, bago ako napayuko at mariing napapikit. Hindi ako pwedeng mawalay kay Asher. Hindi ko siya isinilang, pero alam ko sa sarili ko na mas magagampanan ko ang pagiging ina sa kanya at alam ko na hindi dahil sa hindi ako magkakaana
Ashlyn“Anong ginagawa natin dito?” tanong ko, habang nakakunot ang noo. Kakalabas lang namin ng sasakyan at ngayon ay nakatayo sa harap ng isang malaki, elegante, at magandang bahay na parang eksena sa mga teleserye.Sabado ngayon, at hindi ko talaga inaasahan ang ganitong lakad. Basta na lang ako sinabihan ni Marco kanina na may pupuntahan daw kami.Hindi na ako nagtanong. Naligo ako agad at nagbihis, habang nakisuyo kina Rere at Ana na ayusan din sina Asher at Maya. Wala akong ideya kung anong meron, pero hindi ko rin inasahan na dito pala niya kami dadalhin.“Halika sa loob,” ani Marco, sabay hawak sa kamay ko at dahan-dahang naglakad papasok sa loob ng bahay na may napakalaking pintuan habang nakasunod si Rere ha karga si Asher pati na si Ana na siya namang may kaga kay Maya. Parang may kaba sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag dahil sa ideyang pumapasok sa isip ko.Sa loob ng bahay ay may isang babaeng naka-abang, maayos ang postura, may hawak na tablet, at nakasuot ng corporate
MarcoPagkalipas ng limang araw, isang hindi inaasahang bisita ang bumungad sa opisina ko. Alam kong wala silang naging relasyon ni Ashlyn, pero hindi ko rin makakalimutang minsan, sa mga mata niya, nakita ko ang isang damdaming hindi ko kayang tawaran, ang tahimik ngunit lantad na paghanga.Huminga ako nang malalim, pinilit panatilihin ang aking composure.“Sandro,” ani ko habang itinuro ang upuang nasa harapan ng aking mesa. “Umupo ka.”Kahit nagpapatuloy ako sa pagpasok sa kumpanya, hindi ibig sabihin ay panatag ang loob ko. Araw-araw, bahagi ng isip ko’y naiiwan sa bahay, kay Ashlyn, sa mga anak namin, at sa posibilidad na biglang sumulpot na naman si Ashley.Pero ayaw ni Ashlyn na manatili ako sa bahay. Aniya, kaya na raw niya. At oo, nagtiwala akong hindi niya pababayaan ang sarili niya at hindi rin siya pababayaan ng mga kasambahay.Pero ngayong narito si Sandro, muling nabuhay ang lahat ng insecurities na pilit kong itinatago.“Ano'ng maipaglilingkod ko sa'yo? Nasa bahay si As
MarcoSobrang saya ko. Maayos na kami ni Ashlyn.Sa totoo lang, hindi ko inakala na darating pa ang araw na ganito kami, magkausap nang mata sa mata, magkahawak-kamay, at parehong handang magsimula muli. Nang sabihin niya sa akin ang totoo tungkol sa kalagayan niya, may bahid ng lungkot sa boses niya, pero nandoon din ang pag-asang baka sakali."Marco…" mahinang tawag niya habang nakaupo kami sa balcony ng aking study room, sabay sandal ng ulo niya sa balikat ko. "Hindi ko alam kung may pag-asa pa. Pero patuloy ako sa pagdadasal na sana, pagkalooban pa rin tayo."Hinawakan ko ang kamay niya. Ramdam ko ang lamig, ang panginginig, hindi dahil sa hangin kundi dahil sa takot na baka hindi ko siya matanggap. Pero paano ko ba siya hindi matatanggap, kung siya ang buhay ko?"Pinakasalan kita, Sweet… hindi dahil sa anak na pwede nating mabuo, kundi dahil ikaw 'yon. Ikaw mismo," mahina kong sagot habang hinahaplos ang buhok niya. "May Asher ako, at si Maya naman ay parang anak ko na rin. Tapos
Mature ContentAshlynNapapikit ako habang nakasubsob ang aking pisngi sa kanyang dibdib. Patuloy pa rin ang pag-agos ng aking luha.Luha ng labis na kasiyahan at pag-ibig na akala ko’y hindi ko na muling mararanasan.Hindi pa rin ako makapaniwala.Tinanggap niya ako.Sa kabila ng lahat. Sa kabila ng pagkawala ko. Sa kabila ng katotohanan na hindi ko siya mabibigyan ng anak.Kung alam ko lang na ganito rin ang nararamdaman niya…Kung alam ko lang na hindi siya tumigil sa paghihintay, sana’y hindi ko na iniwan ang lahat.Sana’y hindi ako nagpadala sa takot.Isang taon. Isang buong taon ang nasayang sa katahimikan. Sa distansyang ako rin ang pumili.“I love you, Sweet...” Mahina niyang bulong sa akin, sabay higpit ng yakap. “Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na nagbalik ka na… lalo na ang alaala mo.”Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. Mula sa kanyang dibdib, sa kanyang leeg, hanggang sa mga mata niyang puno ng emosyon, doon ako tuluyang nalusaw.Nakayuko siya sa akin, at kitang-kit
AshlynMagkahiwalay pa rin kami ng silid ni Marco. At ayos lang. Ako naman ang may gusto no’n. Hiniling ko ‘yon sa kanya nang bumalik ako kasama si Maya. Pakiramdam ko, kailangan ko pa ng oras.Oras para huminga, para makapag-isip, para unti-unting buuin ang sarili ko.Alam kong asawa ko siya, pero hindi ganon kadali ang lahat. Hindi pwedeng basta-basta na lang ibalik ang dati naming samahan, na parang walang nangyari pagkatapos ng aksidente, na parang hindi ako naging "kabit" niya sa aming paningin.Kung kailangan naming mag-usap, palagi iyon sa kanyang study room. Doon ko siya pinupuntahan.Simula nang bumalik ako, napansin kong inaabot siya ng dis-oras ng gabi doon, nakaupo sa harap ng kanyang laptop, at akala mo ay maghihirap kung susubukan niyang habaan ang pahinga.Hindi ko na siya muling nakita sa dati naming silid. Hindi ko alam kung para ba ‘yon sa paggalang sa hangganang itinakda ko, o dahil hindi na niya rin kayang bumalik sa alaala ng nakaraan.Pero ngayon, iba na.Kakausap