LOGIN
Series #1 I love you, Sister
Series #2 My Brother's Bestfriend
-Sofia-
“Mr. Lawrence, nakapag-down na ako sa apartment na pinareserve ko sa’yo, pero bakit ganito ang nangyari?” I was shocked when I found out that the apartment I rented was already occupied.
Nakapagbigay na ako ng advance and deposit, pero ibinigay pa rin ni Mr. Lawrence sa iba ang apartment ko. I made sure na okay ang lahat bago ako pumunta dito sa Cebu. Galing pa akong Spain dahil doon ako nag-take ng course kong Business Administration.
“I’m so sorry. Hindi ko naman kasi alam na darating ang pamangkin ko.” sagot niya habang pumipilantik ang mga daliri.
So, pamangkin niya pala ang dumating, at dahil kamag-anak niya, ibinigay niya ng walang sabi-sabi.
“Wala na po ba talagang ibang bakante?” tanong ko dito habang hinihila pababa ang mini-skirt ko at sa kabilang kamay naman ay ang luggage ko. Nasa sasakyan niya pa ang iba kong bagahe. I was thankful that he was nice enough to pick me up at the airport.
Kapag nasa bahay ako o sa bahay ni kuya Vaughn ay hindi ako nakakapagsuot ng ganito kaiksi. Ang akala niya kasi ay isa akong simpleng babae, conservative at old-fashioned.
Kasalanan ko ba kung na-adapt ko ang culture sa ibang bansa? Ayoko namang magmukhang manang no? Gusto ko, sunod lagi ako sa fashion.
“Share muna kayo ng pamangkin ko, okay lang ba sa’yo? Don’t worry, dalawa naman ang kuwarto doon.” sabi nito habang binubuksan niya ang gate.
“May choice po ba ako? Ito lang ang malapit na apartment sa school.” pairap na sagot ko dito.
“Sige, sorry talaga, ibabalik ko na lang sa’yo ang kalahati ng ibinayad mo.” sabi nito at saka binuksan ang isang pinto.
Bumungad sa akin ang maluwang na sala. May kulay gray na sofa at isang malaking tv na nakakabit sa dingding. Okay na ‘to, as long as makakapag-aral ako ng mabuti. Mukhang tahimik naman ang lugar at walang istorbo. At sana lang mabait ang pamangkin nito.
Iniwan na ako ni Mr. Lawrence, at ako naman ay inumpisahan ko nang ayusin ang mga gamit ko sa kuwarto. Ang problema lang dito, iisa ang cr at nasa labas pa. Hindi ako sanay na may ka-share sa lahat ng bagay especially kapag tungkol sa personal things ang pag-uusapan.
Habang nagsha-shower ay pakanta-kanta pa ako nang bigla na lamang bumukas ang pinto. Napasigaw ako sabay takip sa mga nakabalandrang hiyas ko.
“Aaaaahhh!” I screamed at the top of my lungs when I spotted a man standing in the doorway. “Rape! Rape! May rapist dito! Help! Oh my God, help me!”
Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko makita ang towel ko.
Shit! Hindi ko pala nadala.
“Miss, hindi ako rapist!” napapalunok na tinignan ako ng lalake mulo ulo hanggang paa, tapos ay bumalik ang paningin nito sa mukha kong namumula. “Sino ka? Bakit nandito ka sa bahay ko?”
“Bahay mo?” nagtatakang tanong ko dito. “This is my apartment! Ako ang nagrerent dito!” pinanlisikan ko siya ng mga mata dahil nakatutok ang mga mata nito sa dibdib ko na hindi ko matakpan ng isang braso lamang. Ang isang kamay ko kasi ay nakatakip naman sa baba. “Hoy, manyak! Nandito ang mukha ko.” at itinuro ko ang mukha ko, pero nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko na tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakatakip sa mga dibdib ko. “Bastos ka! Umalis ka, naliligo pa ako!”
“Bakit kasi hindi ka naglalock ng pinto! Bilisan mo diyan at mag-uusap tayo!” seryosong sabi nito at saka muling isinarado pabalibag ang pinto.
Aba, at siya pa ang may ganang magalit! Manyakis!
Halos mapaiyak na napasandal ako sa malamig na dingding. That jerk! Nakita niya na ang lahat sa akin! Ang bastos!
Nanginginig ang buong katawan na tinapos ko na ang paliligo, pero dapat ay isang oras pa akong magbababad dito. Ang lagkit kaya ng pakiramdam na galing sa mahabang biyahe. Napakat-labi ako nang maalala ko na naman ang towel ko. Bakit ba kasi nakalimutan kong dalhin, nakakainis!
Lumapit ako sa pinto at dahan-dahang binuksan ito. Sumilip ako sa labas.
Wala ang mokong.
Pero nakarinig ako ng kaluskos sa may kusina.
“Hey!” malakas na tawag ko dito. At biglang tumahimik ang paligid. “Hey, I’m talking to you, you pervert!”
Narinig ko ang mga yabag niyang papalapit, at mabilis na itinago ko ang katawan ko sa likod ng pinto. Ulo lang isinungaw ko. At nang makita ko ulit ang guwapo niyang mukha ay itinaas ko ang kamay ko. “Diyan ka lang, huwag kang lalapit.”
Wait, did I say guwapo?
Nah! Mas maraming guwapo sa Spain no!
“Excuse me? Tinawag mo ako, tapos ayaw mo akong palapitin?” he scoffed, and I rolled my eyes at him. “What do you want? Gusto mong paliguan kita?”
"Bastos ka talaga!"
"Ano nga!" nagkakamot ng ulong sabi nito. "Bilisan mo, marami pa akong gagawin."
“I forgot my towel.” I told him.
“So?” nakataas ang kilay na sagot niya. Nanggigigil na ikinuyom ko ang mga palad ko. Ang sarap sabunutan ng kulot niyang buhok!
Basta kulot, salot!
But I tilted my head. Guwapo talaga siya. He looked like the young Ryan Philippe, my ultimate crush, pero parang hindi. Parang mas guwapo pa nga siya. Mestiso, matangos ang ilong, matangkad, at ang ganda pa ng katawan. Feeling ko mas bagay sa kanya ang straight na buhok. Maybe I would fall for him kung baguhin niya ang buhok niya.
Wait, what? Naramdaman kong biglang nag-init ang buong katawan ko.
I quickly shook my head. Ano bang nangyayari sa akin? Why am I drooling at this man?
“C-can you get my towel for me?” my voice softened. Nakikiusap na ako. Sana lang ay hindi niya ako sungitan. “Nakalimutan ko kasi eh.”
He folded his arms while smirking. Nakakainis, bakit mas lalo siyang gumuguwapo kapag nakangisi siya ng ganyan?
“That’s not my problem anymore. Eh di kunin mo!” sabi nito at saka tumalikod.
“Hey, come back here! Nakikiusap na nga ‘yung tao! You are so heartless!” halos maiyak na ako dahil sa kabastusan ng lalaking ito. "Hey!"
Muli itong humarap.
“Say please muna.” nang-aasar na sabi niya.
No. Bakit ako magpiplease sa kanya.
“Ayaw mo? Sige, magluluto pa ako.” at tumalikod na ulit ito.
“Please!” sigaw ko, at napahinto siya. Dahan-dahang humarap.
“Gusto ko ‘yung malambing na please.”
I rolled my eyes at him again. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na itong ginawa. Nakakainis kasi siya.
“P-please…” I said, battling my eyelashes at him na parang nagpapacute.
Siya naman ang nag-roll ng kanyang eyes. “Saan ba nakalagay?”
“Nasa ibabaw lang ng kama ko. Thanks!” sabi ko dito at saka pinanood itong pumasok sa kuwarto. Paglabas ay hawak na nito ang white fluffy towel ko.
“Here’s your towel, my princess.” nag-bow pa siya bago inihagis sa mukha ko ang tuwalya.
"Ouch! Ano ba!" Bastos talaga!
Mabilis kong ibinalot ito sa katawan ko at saka nagtatakbong bumalik sa kuwarto ko.
Narinig ko naman ang malakas niyang pagtawa habang pabalik sa kusina.
Pervert!
-Sofia-Pagmulat ko ng mga mata, kumurap-kurap munaako at inalala kung nasaan ako.The sunlight streamed softly through the window, warming my face. I jolted upright, my heart skipping a beat, only to realize that I was in a room I didn’t recognize.And then it hit me. Nandito ako sa bahay ni tito Lawrence. Kagabi, dumiretso ako dito dahil wala akong ibang alam na pwedeng puntahan. Ayokong istorbohin ang mga kaibigan ko. Ayoko ding umuwi sa bahay dahil siguradong hahanapin ako ni Josh.Habang lumilinaw ang paningin ko, lalo ding lumilinaw ang mukha ng lalaking nakaupo sa harap ko at pinapanood ako.“Josh?” sabi ko, sabay kusot ng aking mga mata.“Hi, baby.” he said. He was really here. “Good morning.”“Anong ginagawa mo dito?” galit na tanong ko. Well, bakit ko nga ba tinatanong, eh bahay nga pala ‘to ng tito niya. Bigla kong naramdaman ang pamilyar na sakit sa dibd!b ko habang tinitignan siyang nakaupo sa isang silya, ang kanyang mga siko ay nakatuon sa mga tuhod niya.“Sofia, we nee
-Josh-I tried to call Sofia again as I settled inside my car, pero hindi pa rin siya sumasagot. Bakit hindi ko agad naisip na dumiretso siya sa bahay ng tito ko?Isang beses ko lang siyang nadala sa bahay ni tito Lawrence. And that was to celebrate his birthday. Hindi ko alam na natandaan niya pala ang address ng bahay nito.The drive to his house was short, and I practically ran to the door. Agad kong kinalampag ang pinto ng bahay niya pagdating ko. “Tito!” I called for him. “Tito Lawrence, this is me! Please, open the door!”Nang hindi siya sumagot, tinawagan ko ang phone niya.“I told you not to come here!” malakas na tili ni tito.Yes. Tito Lawrence is part of the LGBTQ community. “Bakit ba ang tigas-tigas ng ulo mo! Sinabi ko lang na nandito si Sofia para hindi ka mag-alala! Umuwi ka na! She’s already sleeping! Huwag mong kakalampagin ang pinto ko at baka magising siya!”“Tito, please! I want to talk to her. Please open the door!” sigaw ko habang nagmamakaawa. “Tito!”“I don’t th
-Josh- I was numb for ten minutes, standing in the parking lot, before I realized that Sofia was gone. Hindi ko rin napansin na tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko sa aking mga pisngi.Marahas kong pinahid ng likod ng kamay ang mga luha ko at saka ako kumaripas ng takbo papunta sa kotse ko.I drove off with a roar, following her. Pero hindi ko na makita ang kotseng gamit niya. At hindi ko rin alam kung saan siya lumiko.I pressed the gas and headed to the place that felt right at the moment. The only place we could finally talk without distractions.Home.Naiinis ako sa sarili ko. Galit na galit ako sa sarili ko dahil hindi ko alam na sa ginagawa kong ito ay nasasaktan ko na pala siya. Na sa ginagawa kong ito ay unti-unti na pala siyang napapalayo sa akin.Pagdating ko sa bahay, kinabahan ako dahil wala sa garahe ang kotseng gamit niya. Nagbakasakali pa rin ako na nasa loob siya kaya dali-dali akong bumaba at pabalyang binuksan ang pinto.“Sofia!” malakas na pagtawag ko sa kanya. Una
-Sofia-Hindi makapaniwalang pinanlisikan ko siya ng mga mata. “It doesn’t even matter. Ni hindi mo nga siya pinigilan, di ba? So it means, ginusto mo din! Gustong-gusto mo na hinahalikan ka niya!”Silence fell as I studied his face. He looked angry and annoyed. Kanino? Sa akin? O sa sarili niya?“Look, it didn’t mean anything.” sabi niya, at saka ako tinitigan sa mga mata. Gusto kong humagulgol dahil nakikita ko na nasasaktan siya sa ginagawa niya. Na nalulungkot siya sa nangyayari sa amin. “Hindi ko sinasadyang gawin ito sayo, Sofia. Hindi ko gustong saktan ka.”“Talaga ba?” nang-uuyam na sagot ko. “Parang hindi mo naman naisip yan nung pinaupo mo siya sa kandungan mo, di ba? Noong hinayaan mo siyang halikan ka niya!”Tumaas-baba ang dibd!b ko nang maalala ko na naman ang nakita ko. I was finding it hard to breathe. All these emotions were eating me inside and I fvcking hate it!“Alam mo, Josh. Sinungaling ka din eh! Lahat ng ito, lahat ng mga sinabi mo sa akin ay pulos kasinungali
-Sofia-Paglabas ko ng bar, naramdaman ko ang dampi ng malamig na hangin sa balat ko, pero wala ito sa lamig na nararamdaman ko sa puso ko. Josh was breaking my heart over and over again, and I couldn’t take it anymore.Naglakad ako pabalik sa parking lot, pero natigilan ako nang marinig ang boses niya na tinatawag ang pangalan ko.“Sofia!” sigaw niya, at paglingon ko sa likod, nakita kong hinahabol niya ako. Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad palayo at halos tumakbo na ako para lang hindi niya ako maabutan, hanggang sa makarating ako sa kotse ni Kim. Nanginginig ang kamay na dinukot ko ang susi sa bulsa ng shorts ko, at binuksan ang kotse, at agad na inistart ang makina pagpasok ko sa loob.I was so broken and mad to the point that I felt numb. I can’t even cry. Namumuo ang luha sa mga mata ko, pero ayaw naman nilang tumulo. Well, ipinangako ko naman sa sarili ko na hindi ko na siya iiyakan pa. Not this time. Not a single one. I would never shed a tear for him anymore. He di
-Sofia-The ride to the bar felt rushed because I couldn’t stop worrying about Josh. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. What if nagkagulo dahil mga lasing na sila at nabugbog siya?Narinig kong tumunog ang phone ko sa ibabaw ng dashboard, pero hindi ko ito masagot dahil nagda-drive ako. Isa pa nanginginig ang buong katawan ko sa kaba. Baka si Ryan na naman ang tumatawag.After almost twenty minutes, nakarating ako sa parking lot ng isang malaking bar and restaurant. Pagcheck ko ng phone ko, ang daming missed calls ni Ryan. May text din siya sa akin kaya binuksan ko agad ito at binasa.“Sofia, okay na pala. Huwag ka nang pumunta dito. Sa bahay ko na lang muna matutulog si Josh ngayong gabi.” naningkit ang mga mata ko nang mabasa ang message niya. Kung kailan nandito na ako saka pa siya nagtext ng ganun?Without any clue of what was really happening, pumasok na ako sa loob ng bar para malaman kung ano ba talaga ang nangyayari. I looked around, hoping I could spot Ryan para maiuwi ko na







