LOGINSanay kasi s’yang ipinadadala sa opisina ang kan’yang almusal mula sa restawran ng mga five-star hotel.Tinapik naman ni Nathalie ang dibdib n’ya bilang pagtiyak, “Huwag kang mag-alala. Kapag magaling na ang paa ko, ako na mismo ang magluluto para sa’yo. Sisiguraduhin kong malinis at ligtas ang lahat ng ihahanda ko.”Walang naging tugon si Joaquin. Tumayo lang s’ya at dumiretso palabas upang pumasok sa trabaho.Malamang ay hindi naman talaga sinasadya ni Nathalie na ikandado s’ya sa labas kagabi. Bilang isang lalaki, dapat na maging mas malawak ang pang-unawa n’ya at huwag na itong idiin pa nang sobra sa babae.===Matapos ligpitin ni Nathalie ang mga natirang pagkain sa hapag-kainan, nakatanggap s’ya ng tawag mula sa kan’yang ina na si Mercedes.“Nath, kahapon ay kinse na. Dapat nakatanggap ka na ng sahod, ‘di ba? Bakit hindi mo pa ipinapadala ang panggastos namin ngayong buwan?”Ang kan’yang ina, sa tuwing hihingi lang ng pera, saka
Noon lang naalala ni Nathalie na bumangon pala s’ya kagabi upang ikandado ang pinto mula sa loob.Kung gano’n, kagabi pala ay nakauwi si Joaquin ngunit hindi s’ya makapasok dahil nakakandado ang pinto mula sa loob. Kaya s’ya tumawag sa kan’ya nang alas dos ng madaling-araw at sa huli ay sa katabing bahay na lang ito natulog?Kaya pala kaninang umaga ay napakalamig ng awra ng lalaki. Para itong si Simoun ng El Filibusterismo na handang kumitil ng buhay sa sobrang sama ng mukha!Sa paningin ni Joaquin, para na s’yang isang taong nang-agaw ng bahay na hindi naman sa kan’ya. Sa kabila ng katotohanang pag-aari ng lalaki ang bahay, ang babae pa mismo ang may lakas nang loob na hindi s’ya papasukin.Bahagyang napangiwi si Nathalie habang pilit na nagpapaliwanag, “P-Pasensiya na, Joaquin. Ano kasi… medyo natakot akong matulog nang mag-isa kagabi, kaya ikinandado ko ang pinto mula sa loob,” sinulya
Alas onse na ng gabi nang hindi n’ya napigilang magpadala ng mensahe kay Joaquin upang tanungin kung uuwi pa ba ito ngayong gabi. Ngunit tila nilamon ng kawalan ang kan’yang mensahe. Walang anumang sagot mula sa lalaki.Hindi makaalis si Nathalie sa comment section. Takot na takot man s’ya, hindi rin n’ya mapigilang mag-usisa. Patuloy s’yang nag-scroll upang basahin ang mga kuwento ng ibang taong nilooban ng magnanakaw ang bahay. Paulit-ulit na binibigyang-diin ng mga komento na kailangang ikandado ang pinto mula sa loob kapag natutulog sa gabi. Dahil dito, agad s’yang bumangon at nagmadaling ikandado ang pinto.Hindi pa rin sumasagot si Joaquin sa mensahe n’ya. Malamang na hindi na ito uuwi ngayong gabi. Tutal, alas dose na rin naman.Pagkatapos ikandado ang pinto, bumalik s’ya sa kuwarto at pinatay ang ilaw upang matulog. Ngunit pagpatay pa lang n’ya ng ilaw, nagsimula nang maglaro sa kan’yang isipan
Halatang hindi maganda ang timpla ni Joaquin. Itinaas n’ya ang kamay at pinindot ang doorbell na nakakabit sa dingding. Sa katahimikan ng gabi, malinaw na maririnig kahit mula sa labas ang maikli at matinis na tunog ng doorbell sa loob ng bahay. Ngunit sa kabila n’yon, wala man lang naging reaksiyon ang babaeng nasa loob.Huminga s’ya nang malalim, inilabas ang cellphone at tinawagan ang numero ni Nathalie. Umaasa lang s’yang hindi nakaugalian ng babaeng ‘yon na patayin ang cellphone kapag natutulog!Mabuti na lang at agad na kumonekta ang tawag. Subalit kahit umabot na ito sa awtomatikong pagtatapos, wala pa ring sumasagot sa kabilang linya.Lintik na babaeng ‘yon! Baboy ba s’ya at gano’n kahimbing kung matulog?Muli n’yang tinawagan si Nathalie nang dalawa o tatlong beses pa, ngunit pare-pareho lang ang nangyari. Walang sumasagot.Nawalan na s’ya ng pasensiya. Mahigpit n’yang ikinu
“Eksakto!” Hindi rin napigilan ni Sean na sumang-ayon. Mariin n’yang tinapik ang balikat ni Gabriel, “Hindi ko akalaing makapagsasabi ka rin pala ng isang bagay na may punto.”Napahiyaw nang bahagya si Gabriel, “Siyempre naman! Sa tingin mo, bakit sa hinaba-haba ng panahaon, wala pa rin akong seryosong karelasyon? Ayokong may babaeng kumapit sa’kin. Paano kung palihim s’yang gumamit ng kung anu-anong paraan para magkaanak kami, tapos pipilitin akong pakasalan s’ya? Tapos na ang buhay ko! Sinasabi ko sa inyo, napakaraming paraan ng mga babae para makuha ang gusto nila.”Gano’n kasi ang nangyari sa kan’yang ama. Ilang beses itong nakabuntis ng ibang babae sa labas ng kasal at nagkaroon ng ilang anak sa labas. Mabuti na lang at matatag ang kan’yang ina. Nagawa nitong panatilihin ang posisyon bilang ginang ng pamilya Ledesma at hindi hinayaang maagaw ng mga kabit ang puwesto nito.Kaya kah
Sa kabilang linya, bahagyang natawa si Sean, “Anong sisingilin ko sa’yo? Kilalang-kilala na kita. Kung ibang tao ang gumawa no’n, siguradong hindi mo na palalampasin at malamang ay pinahirapan mo na nang husto.”Ang pagpapahanap sa litrato sa basurahan kay Lilian ay maituturing nang malaking konsiderasyon para sa kan’ya bilang kaibigan. Alam na alam n’ya na kapag si Carmela na ang pinag-uusapan, hinding-hindi kayang manatiling kalmado ni Joaquin.Tumango si Joaquin, saka sumagot, “Sige, magkita tayo sa dati nating tambayan.”===VIP Room, The Front Room BarUmaalingawngaw sa loob ng pribadong silid ang malumanay at nakakarelaks na tugtog ng jazz. Nagsasalubong ang iba't ibang kulay ng ilaw, nag-iiwan ng maliliit na batik ng liwanag sa sahig.“Ano?! Joaquin, nagpakasal ka na?!”Halos lumuwa ang mga mata ng isang lalaking nakasuot ng matingkad na sequin shirt at kapansin-pansin ang pananamit







