Share

Kabanata 24: Kayabangan (Bahagi 2)

Author: K. Amaris
last update publish date: 2026-11-09 22:36:26

Si Samantha mismo ang tumatawag.

“Nathalie, ano ba ang nangyari sa’yo? Bakit naman ngayon ka pa napilay, kung kailan ganito kaimportante ang panahon? Sunod-sunod na ang pangungulit ng Mayari Group tungkol sa proposal. Kung hindi ka makakapasok, magtrabaho ka na lang mula sa bahay. Siguraduhin mong maipasa mo sa’kin ang proposal bago matapos ang araw!”

Natanggap na n’ya ang mga proposal mula sa ilan pang empleyado ng departamento ng pagpaplano, pero wala ni isa roon ang nakapukaw sa kan’yang int
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Cheating Ex Wants Me Back After I Married A Tycoon   Kabanata 25: May Asawa Na Ako (Bahagi 2)

    Agad na namula ang buong mukha ni Lester. Pilit n’yang itinutulak palayo ang babaeng nakayakap sa kan’ya, ngunit mahigpit ang pagkakakapit nito at ayaw talaga s’yang bitawan.Sumandal si Lilian sa dibdib ng lalaking nakasuot ng amerikana, “Kuya Joaquin, simula ngayon, dito na ako magtatrabaho sa secretarial department! Sinadya kong hindi sabihin sa’yo para maging malaking sorpresa ito!”Hindi na kayang itulak ni Lester ang babae kaya nauutal s’yang nagsalita, “Ahh... M-Miss Wenceslao, p’wede mo ba akong bitawan?”Pagkarinig sa pamilyar na boses, mabilis na itinulak ni Lilian palayo ang lalaki. Hindi makapaniwala ang mukha n’yang tumingin dito, “Assistant Condez? Ikaw pala ‘yan?!”Medyo alanganing nagpaliwanag si Lester, “Nagpunta na po si President Salvador sa meeting. Kukunin ko lang ang mga dokumentong kakailanganin n’ya para sa pagpupulong.”Nataranta si Lilian at dali-daling inayos ang kan’yang damit at buhok. Pagkatapos ay bahagya s’yang umubo, na para bang walang anumang nangyar

  • My Cheating Ex Wants Me Back After I Married A Tycoon   Kabanata 25: May Asawa Na Ako (Bahagi 1)

    “Putang-ina!”Umalingawngaw sa gitna ng rumaragasang tubig ang paos at mababang pagmumura ng lalaki.Sa kan’yang isip, isa na naman itong babaeng nagtatangkang akitin s’ya. Halos tatlumpung taon na s’yang nabubuhay sa mundo, at libo-libo nang babaeng kusang lumalapit sa kan’ya at pilit na umaakit sa kan’ya. Matagal na s’yang manhid sa mga ganitong pagtatangka. Ngunit sa pagkakataong ito, tila nawalan ng kontrol ang isang lalaking palaging kalmado at may pagpipigil sa sarili.Siguradong dahil lang ‘yon sa mukha ng babae na kamukhang-kamukha ni Carmela.Oo, ‘yon lang ang dahilan… dahil kay Carmela.Sa sandaling maisip ‘yon, tuluyan nang nakahinga nang maluwag ang lalaki.===Nang lumabas si Joaquin mula sa master’s bedroom, nakabihis na s’ya ng pormal na amerikana. Napadako ang kan’yang tingin sa babaeng nakatalikod sa kan’ya at nakaupo sa harap ng hapag-kainan. Buong atensiyon itong nakatutok sa laptop, habang mabilis na gumagalaw ang mga daliri sa ibabaw ng keyboard.Malamig s’yang na

  • My Cheating Ex Wants Me Back After I Married A Tycoon   Kabanata 24: Kayabangan (Bahagi 2)

    Si Samantha mismo ang tumatawag.“Nathalie, ano ba ang nangyari sa’yo? Bakit naman ngayon ka pa napilay, kung kailan ganito kaimportante ang panahon? Sunod-sunod na ang pangungulit ng Mayari Group tungkol sa proposal. Kung hindi ka makakapasok, magtrabaho ka na lang mula sa bahay. Siguraduhin mong maipasa mo sa’kin ang proposal bago matapos ang araw!”Natanggap na n’ya ang mga proposal mula sa ilan pang empleyado ng departamento ng pagpaplano, pero wala ni isa roon ang nakapukaw sa kan’yang interes. Ni hindi nga n’ya maisip na ipasa ang mga ‘yon sa Mayari Group. Alam ng lahat na napakahigpit at napakapihikan sa trabaho ng presidente ng Mayari Group. Hindi nito pinalalampas ang kahit pinakamaliit na pagkakamali.Naalala ni Nathalie na buti na lang at nadala n’ya ang kan’yang laptop mula sa dati nilang bahay, “Sige po. Gagawin ko ang lahat para maipadala ko ang proposal sa inyo ngayong araw.”Pagkababa ng tawag, binuksan n’ya ang pinto ng silid at nagsimulang magtungo sa labas. Dahil hi

  • My Cheating Ex Wants Me Back After I Married A Tycoon   Kabanata 24: Kayabangan (Bahagi 1)

    Walang itinago si Don Severino at buong katapatan n’yang ikinuwento kay Don Crisostomo ang tungkol sa biglaang pagpapakasal ng kan’yang anak na si Joaquin sa isang babaeng nagmula sa ordinaryong pamilya.“Alam mo naman ang ugali ni Joaquin. Kahit ako, hindi ko s’ya kayang kontrolin,” dagdag pa n’ya. “pero sa ilalim ng mga kondisyon ko, hindi n’ya ipinaalam sa babae ang tunay n’yang pagkatao. Isang taon muna silang magsasama bilang mag-asawa. Kapag hindi sila nagkasundo, maaari silang maghiwalay anumang oras.”“Sa tingin ko nga, hindi rin naman magtatagal ang pagsasama nilang dalawa,” dagdag pa nito. Hindi talaga nagustuhan ni Don Severino ang manugang na hindi pa n’ya nakikita. Hindi rin s’ya naniniwalang magtatagumpay ang pagsasama ng dalawang taong napakalayo ng agwat sa katayuan sa buhay.Ang totoo, napilitan lamang ang suwail n’yang anak sa sunod-sunod na panggigipit na mag-asawa. Kaya naman, basta na lang ito naghanap ng kung sinong babae at nagpakasal agad bilang pagsuway sa kan

  • My Cheating Ex Wants Me Back After I Married A Tycoon   Kabanata 23: Ang Pamilya Wenceslao (Bahagi 2)

    Ilang taon na n’yang sinusundan si Joaquin. Sa buong panahong ‘yon, wala s’yang nakitang ibang babaeng naging malapit dito. At kung meron mang iilang babaeng nagtangkang lumapit sa lalaki, sinisiguro n’yang napapalayo n’ya ang mga ito.Sa mundo ng mayayamang pamilya, matagal nang alam ng lahat ang kasunduang pagpapakasal sa pagitan ng mga pamilyang Wenceslao at Salvador. Kaya naman, kung magpapasya mang mag-asawa si Joaquin, iisa lang ang inaasahang magiging mapapangasawa n’ya—s’ya.Pero ngayon, basta na lang nilang sasabihing may ibang babaeng umagaw sa puwesto n’ya bilang Mrs. Salvador? At hindi pa nagmula ang babaeng ‘yon sa isang mayamang pamilya?Hindi ito matanggap ni Lilian.Hinawakan n’ya ang manggas ng damit ni Sean at marahas itong inalog, “Kuya, sabihin mong hindi ito totoo!”Nang makita ni Sean ang karaniwang masigla at masayahing mukha ng kapatid na ngayo’y halos maiyak na sa sama ng loob, agad s’yang nakaramdam ng matinding awa rito,

  • My Cheating Ex Wants Me Back After I Married A Tycoon   Kabanata 23: Ang Pamilya Wenceslao (Bahagi 1)

    Marahang tinapik ni Doña Helen Wenceslao ang likod ng asawa upang pakalmahin ito at pigilang magpadala sa emosyon. Pagkatapos ay ibinaling n’ya ang tingin sa kanilang anak, “Sean, mas malapit kayo ni Joaquin sa isa’t isa. May alam ka ba tungkol sa pagpapakasal n’ya?”Si Sean Wenceslao ang panganay na anak na lalaki ng pamilya Wenceslao. Magkababata sila ni Joaquin at maituturing na matalik na magkaibigan.Ibinaba ni Sean ang tasa ng kape at umiling, “Sa pagkakaalam ko, hindi pa rin n’ya nakalilimutan si Carmela kahit ilang taon na ang lumipas. Kaya nga wala pa s’yang naging babae sa tabi n’ya sa loob ng mahabang panahon.”Tuwing napag-uusapan ang anak nilang si Carmela na maagang namatay dahil sa isang aksidente, hindi maiwasang mamula ang mga gilid ng mata ni Doña Helen.“Hayyy... miss na miss ko na rin si Carmela. Kung hindi lang sana kami naging abala ng tatay mo sa trabaho noon, hindi sana s’ya nawala sa atin…”Napatingin si Don Crisostomo sa h

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status