Mag-log in
Agad akong nagising sa pag-ring ng cellphone ko, kaya kinapa-kapa ko agad ang side table para masagot ang tawag ng best friend kong si Cindy, kahit sobrang antok pa ako pini pilit ko talagang magising agad.
Alam ko na agad kung sino ang tumatawag. Hiniling ko talaga ang pabor na ito kahit labag sa loob niya, kahit alam kong di siya masaya sa pinapagawa ko, ginagawa pa din niya. Kailangan niya akong gisingin tuwing alas-singko ng madaling araw bago siya umuwi sa bahay nila galing trabaho, minsan nga bago pa pumasok yan sa gabi magpapa alala pa yan na dapat maaga akong magising at matulog para magawa ko amg kina iinisan niyang katangan para sa kaniyang ginagawa ko. Isa kasi siyang call center agent, kaya pagkatapos niya sa work ay tinatawagan niya ako. Ayoko kasing umasa sa alarm clock-tulog-mantika kasi ako. Kapag narinig ko ang alarm, io-off ko lang at makakatulog na naman ulit. Hindi katulad ni Bes. Maasahan talaga siya. Hindi niya ako tinatantanan hangga't hindi pa ako nagigising, lalo na kapag inaantok pa ako, halos pasabugin niya na ang cellphone ko sa kakatawag.. Almost two years ko na itong pinapagawa sa kanya, pero kahit minsan ay hindi ko siya narinig na umangal o nagalit sakin. Minsan nga, ako pa ang nagsusungit sa kanya kasi mapang-asar minsan, tsk. "Hello, good morning, Mrs. Samaniego! Kailangan niyo na pong bumangon sa kama para maligo na agad! Siyempre kailangan niyo pa pong ipagluto at asikasuhin ang pinakamamahal niyong asawa na parang hari, na walang ginawa kundi sungitan kayo at alilain, take note may kasama pang pagpapaluha sayo!" Eto na naman siya! Hindi na naman ako makasingit sa haba ng mga litanya niya. Hindi siya nagrereklamo sa pinapagawa ko sa kanya kundi sa pagsisilbi ko pagdating sa asawa ko. "Oo, eto na nga gising na! Kausap mo na nga ako, 'di ba?!" may pagkasarcastic kong sagot sa kaniya dahil ayan na naman siya sa pagiging talakera niya.. Panibagong sermon na naman ito. "Ah! Ganon po ba?! Gising na po ba kayo?! Eh 'di wow! Eh 'di okay! Eh ikaw? Kailan ka gigising sa katotohanan at sa kamartiran mo?! Kasi isang araw, hindi na ko magugukat kung ikaw na ang ipapalit sa rebulto ni Rizal sa Luneta dahil sa pagiging-" Agad kong In-end na ang tawag niya. Alam kong magtatagal na naman ang sermon niya at wala na akong magagawa sa haba nang sasabihin niya na naman sakin. Hindi na siya nasanay. Alam naman niyang kailangan kong gawin ito. Alam naman niyang mahal na mahal ko si Lucas. Lahat gagawin ko para lang mahalin niya ako, lalo na ang mapatawad niya ako sa maling nagawa ko sa kanya at sa babaeng pinakamamahal niya. Natapos na rin akong maligo at mag-prepare ng breakfast ni Lucas. Mamaya ay bababa na rin siya. Maaga kasi siyang pumapasok sa trabaho, kahit kami naman ang may-ari ng kumpanya. Ewan ko ba sa kaniya. Minsan nagtataka ako baka pinapasok niya na rin pati ang pagiging guard? Kidding. Sadyang marami lang talagang ginagawa siya sa kumpanya kaya lagi siyang maaga. Sipag talaga ng asawa ko noh, kaya mas lalo akong humahanga at mas lalo ko siyang minamahal. May narinig na akong yabag ng paa pababa ng hagdan. Nag ayos muna ako ng sarili ko at inamoy amoy kung mabango pa ako, sa tingin ko naman ayos pa tong itsura pati amoy ko. Naku, siya na 'yan. Sana good mood naman siya ngayon. Huwag sanang magsungit ulit or wag naman sanang umiwas sakin. Mabilis akong pumunta agad sa baba ng hagdan para salubungin siya, pero pagdating ko roon ay nakababa na pala siya at abala nang nagbabasa ng dyaryo at paminsan minsan tiningnan ang kaniyang cellphone. Ang bagal ko kasing maglakad ayan tuloy di man lang niya nakitang inaabangan ko siya. "Good morning!" masigla kong bati at may kasama pang pag ngiti. "Ano ang maganda sa umaga kung palagi kitang nakikita at ikaw ang bumubungad ng araw ko?" matabang niyang sagot, nakasimangot. "And why are you here, na naman? Masyado mong sinisira ang araw ko, baka dahil sa nakita kita malasin ang araw ko at wala akong ma accomplished na trabaho. " inis na inis niyang sabi sakin, habang naka tutok sa dyaryo. Kahit sa iba siya nakatingin, sa itsura pa lang niya ramdam na ramdam kong naiirita siya dahil nasa paligid niya lang ako. "Mas mabuti pang bumalik ka na lang sa kuwarto mo, at magkulong ka dun buong araw. " masungit niyang utos, hindi man lang niya ako matingnan, maski sulyap wala. Tumayo na siya na parang tinatamad at wala sa mood. Mukhang aalis na siya. "Ahm, wait lang!" masigla kong sabi nang tatangka na siyang umalis. Hindi ko puwedeng ipakita na nasasaktan at sumusuko na ako, kahit bawat masasakit na salita niya ay unti unting nadudurog ang puso ko. "Nagluto ako ng breakfast for you. Sana naman kainin mo, kahit ngayong araw lang, please. " malambing kong hiling sa kaniya. Narinig ko lang siyang nagmura. Medyo kinabahan ako, dahil alam kong di niya gusto ang ginawa ko na naman, pero hindi ako puwedeng matinag. Kakayanin ko ito. "And who told you na ipagluto ako?" inis niyang tanong. Nakaramdam ako ng kaba pero bahala na. "K-kasi tulog pa si Manang Lita. Ayoko namang istorbohin sila. Baka napagod kahapon sa pag-uutos sa mga katulong dito sa mansyon diba madami silang nilinis kahapon." paliwanag ko. Marami talaga kaming kasambahay dito. Sila dapat ang nagluluto ng breakfast niya, pero kunwari lang talaga na sila kundi ako palagi ang nagluluto ng lihim. Kakuntsaba ko silang lahat sa pagsisilbi ko kay Lucas, kasi kapag nalaman niyang ako ang nagluto, hindi niya kakainin o di kaya'y sobrang kagagalitan niya ang mga kasama namin dito. "Kaya nagprisinta akong magluto tutal naman wala akong ginagawa. Nakakabagot din kasi minsan." dagdag ko. Gusto ko lang kasing subukan ngayon. Nagbabaka sakali akong kainin niya ang luto ko ngayon, kahit alam niyang gawa ko ito. Special kasi ang araw na ito para sa akin, ito kasi ang araw ng unang pagkikita namin. --- Flashback Three years ago - Cafeteria Magkasama kami ni Bes na kumakain sa cafeteria. Break time namin ngayon kaya dito na lang kami kumain kaysa lumabas pa kami, nakakapagod oa kasing maglibot sa labas. At syempre eto na naman siya sa hobbie niyang daldal nang daldal na walang kapaguran. "Bes, grabe! Ang pogi ng prof natin kanina noh. Sobrang nng galing pa niyang magturo, kaya inspired palagi akong mag-aral, parang alam mo yon, di ako pressure. " sabi niya habang kumikislap ang mga mata. Lantod lang. "Lahat naman ng guro natin, magaling magturo. Doon ka lang talaga nakikinig at nagpapasikat kasi crush mo," irita kong sagot, mga palusot din nito, hays. "Syempre! Ang sarap kayang mag-aral kapag gano'n ang mukha ng nakikita mo, napaka hot ang gwapo, wala akong masabi sa kaniyang mali para siyang binuo na perpekto. Palibhasa wala kang crush kaya ganyan ka, napaka bitter!" pang-aasar niya sakin habang umiinom ng softdrinks. "Kaya dapat kasi maging totoong babae ka na, iligid mo ang mga mata mo sa paligid mo para naman magkaroon ka ng inspirasyon sa buhay hindi yung boring ka." sigaw pa niya. Napabuntong hininga na lang ako at tumayo para pumasok buti hindi kami magkasama sa susunod na subject. Ayoko siyang patulan, pagdating sa pang aasar niya, magka iba kasi kami ng ugali at wala akong hilig sa crush, crush na yan. Hindi din kasi matatapos ang pag tatalak niya, kaya umalis na ako. Naglakad ako nang diretso kahit tinatawag niya pa ako. Bahala siya dyan! Seryoso akong naglalakad nang bigla na lang may bumangga sa akin. "Ouch!" Napaupo ako sa lakas at sobrang sakit ng balakang ko dahil sa pagbagsak ko. Sino ba 'yon? "Sorry, Miss. Hindi ko sinasadya," sabi ng boses ng lalaki. Nakapikit kasi ako dahil sa kirot. "Anong sorry-" napatingin ako sa kanya at biglang nawala na lang ang inis ko. Parang bigla na lang naglaho. "H-hi..." Mukha siyang napaka gwapong anghel na binaba ng langit para sa akin. "Miss, are you okay? Kailangan ka bang dalhin sa clinic?" kabado niyang tanong sakin at halatang kinakabahan siya. Hindi ko marinig ang mga sinasabi niya dahil nakatuon lang ako sa napakagwapo niyang mukha, grabe tao ba talaga to?. "Miss! Miss! " "Ang gwapo mo po!" biglang ayon ang lumabas na salita mula sakin, shit nakakahiya! Napatitig siya sakin na parang nabigla, Tumawa siya nang ma realize niya ang nakakahiya ko talagang nasabi. "Ang dami ngang nagsasabi niyan sakin." sabi niya, sabay kamot sa ulo na parang nahihiya. "By the way, I'm Lucas Samaniego. And you are?" Mabait niya pag pakilala sakin. inilahad niya ang kamay niya sa akin para tulungan akong makatayo. Nang makatayo ako ay di ko pa din mabitawan ang kamay niya. Ngayon lang din kasi ako nakahawak ng kamay ng isang lalaki, napakalambot pala mg kamay niya at halatang mabango. "H-hi. I'm Janine Arenas," sagot ko. Soon to be your wife, sa isip ko. Shete ano ba Janine?! Ang advance mo naman mag isip! " Are you sure na hindi mo na kailangan dalhin sa clinic? Para kasing napalakas ang pagbagsak mo kanina." Nag aalala niyang tanong sakin. " Okay lang talaga ako, promise. " Pero sa totoo lang ang sakit talaga ng balakang ko. Papahilot ko na lang kay Manang mamaya sa bahay pag uwi. Nag-usap pa kami sandali, nagtanong lang ng mga iba pang bagay bagay about sa nangyayari school bago siya nagpaalam. "Nice meeting you, Janine." "Nice meeting you too, Lucas. See you again," sigaw ko habang papalayo siya. Sana magkita ulit kami. End of Flashback Nasa dining table na kami. Nilagyan ko siya ng kape sa tasa niya, inayos ko din ang plato at pati tubig niya ay inihanda ko na din, baka kasi mabulunan siya, mabyuda pa ko ng maaga. Tinitingnan ko siya paminsan-minsan habang kumakain para makita ang reaksyon niya, kung nasasarapan ba siya o kung masaya ba siya sa pag aasikaso ko sa kaniya, pero poker face lang siya. Lumapit na ako sa tabing upuan niya dahil mas magana akong kakain kung makakasabay ko muli siya. "What are you doing?" malamig niyang tanong. "Uupo at sasabay sa'yo mag-breakfast," sagot kong alanganin. "Wag ka munang kumain. Tawagin mo lahat ng kasambahay. Sabay-sabay silang kumain kasama ko," utos niya. Nagulat ako pero sinunod ko na lang. Maya-maya, dumating na rin ang driver naming si Nilo. "Umupo ka," utos ni Lucas sa kaniya. Habang kumakain sila, ramdam ko ang pang-aalipusta nila sakin. "Kung gusto mo, Janine, iha. Dito ka na lang sa upuan ko, para makakain ka na din. " magiliw na alok ni Manang. Lumapit ako para umupo doon, gusto ko kasi talaga siyang makasabay. Pero biglang binitawan na lang ang hawak na kubyertos ni Lucas na pagalit at parang di nagustuhan ang gagawin ko. "Kapag umupo siya riyan, aalis na lang ako." Napangiti na lang ako kahit masakit. "Enjoy mo na lang ang pagkain mo, hindi na ko uupo at sasabay. Basta kumain ka lang. " Kinakabahan ako dahil baka umalis na lang siya at di niya na kainin amg inihanda ko. " Bro, masarap ang inihain niyang pagkain ah, pero di ka ba natatakot baka may ibang ilagay na naman siya dito para maakit ka." Pang aasar ng driver naming si Nilo na nakangisi sa akin. Alam kong pati din siya galit sa nagawa ko sa amo niya na kaibigan kaya ramdam ko ang inis niya din sakin sa tuwing nakikita ko. Sobrang nagsisi namam ako sa nagawa ko kay Lucas noon. Kapag naalala ko nga ang lahat sobra akong nahihiya sa kanila. --- Flashback Kailangan maging akin siya. Hindi ako papayag na mapunta siya sa iba Lahat gagawin ko para hindi matuloy ang kasal nila... Habang hawak isang bagay na makakatulong sakin para maging akin si Lucas. End of Flashback --- "Go to your room. Bumalik ka na lang kapag nakaalis na ako, hindi ako makakain sa tuwing nakikita yang pag mumukha mo. " malamig niyang utos. Tahimik akong umalis. Gano'n talaga siya. Sanay na ako. Patatatagin ko ang loob ko. Dahil alam kong balang araw, magiging maayos din ang lahat. Mahal ko siya at di ko kayang mawala siya sa akin.FinaleIlang buwan na ang nakalipas mula nang mag propose si Lucas kay Janine.Pero napagdesisyunan nilang ipagpaliban ang kasal hanggang sa susunod na taon dahil sa dami ng nangyari sa kanila. Ka buwanan na din ni Janine, lahat ng gamit para sa magiging mga anak nila ay handa na. Lahat ay magkakapares—dahil kambal na naman ang anak nila.Nasa kusina silang lahat, naghahanda para sa pagdating ng mga kaibigan nilang mag-asawa. Linggo kasi ito, at regular silang dumadayo."Dad, Mom, Tito Vince, at Tito Jeric, kasama nila mga girls nila!" nakangiting sabi ni Enzho."Good morning!" sabay-sabay na bati nina Vince at Jeric, at lumapit kay Lucas para sa pist bomb.Ang dalawang kasama nilang babae naman ay lumapit kay Janine at nakipag-beso—close na silang magkaibigan. Si Lalaine, girlfriend ni Jeric, at si Vannessa, ang wife ni Vince, ay kabilang din.Kasunod nilang dumating sina Nilo at Diego, kasama ang mga girlfriends na si Alex at Cindy. Lumapit din ang mga ito kay Janine.Pumunta an
Janine POVIsang buwan na ang nakalipas mula nang pumanaw ang Papa ko. Unti-unti, bumabalik na rin sa ayos ang buhay namin ni Lucas.Paminsan-minsan, pumupunta kami sa bahay ng ate ko—kami na lang kasi ang magkasamang natira sa iisang mundo matapos ang lahat.Nag-aalmusal kami nang dumating ang Mommy ko.“Good morning, Mom,” bati ko, sabay halik sa pisngi niya. Lumapit din si Lucas para batiin ang byenan, at isa-isang humalik ang tatlong bata sa kanilang Lola.“Ahm… I’m here, Janine, for this,” sabi ng Mommy ko, halatang alanganin dahil sa presensya ng manugang ko, habang hawak ang isang puting sobre.“I have an invitation for you. Farewell party ni Jerome,” paliwanag niya. “He’s going back to Australia for good. At ang wish niya, makapunta ka sana.”Bago pa siya magpatuloy, tumingin muna siya kay Lucas.“Ikaw lang at yung tatlong bata raw… naiilang siya kay Lucas.”Tumingin ako sa asawa ko, nag-aalangan. Pero ngumiti lang siya.“It’s okay, Honey. Go ahead,” sabi niya—walang halong p
Janine POVNandito ako sa harap ng pinto ng morgue. Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng luha ko. Ang lalaking minahal ko ng buong buhay ko… nandito sa loob. Wala nang buhay.Nilakasan ko ang loob ko. Huminga ako nang malalim bago ko pilit na pinihit ang pinto.Pagpasok ko, bumungad sa akin ang dalawang katawan na nakahiga at parehong nakatalukbong. Dalawang taong minsan ay naging bahagi ng buhay ko.Nanikip ang dibdib ko nang makilala ko kung sino ang una.Si Sophia.Nanghina ang mga tuhod ko habang lumalapit sa kanya. Nanginginig ang kamay ko nang hawakan ko ang malamig niyang balat.“Kahit na pinagtangkaan mo akong patayin, Ate… mahal pa rin kita,” pabulong kong sabi, halos hindi ko marinig ang sarili kong tinig. “Sana ngayong tahimik ka na, mawala na rin ang galit sa puso mo. Pinapatawad na kita.”Hinalikan ko siya sa noo. Isang huling paalam. Isang pagpapatawad na matagal ko ring ipinagdasal na kayanin ng puso ko.Pagkatapos noon, binalingan ko ang nasa tabi niya.Dito na ako nat
Dalawang linggo ng nakalipas nang nalaman ng mag-asawa na magkakaron ulit sila ng munting anghel.Alagang alaga ni Lucas ang kanyang asawa medyo naninibago siya sa asawa dahil sa pabago bago nitong mood. Pero kailangan nya ng mahabang pasensya."Honey, ano nabili mo na ba ko ha?" Nagpabili kasi ng mangga si Janine kay Lucas at gusto nya yung pinakamaasim."Ofcourse honey, lahat ng gusto niyo ng mga babies ay ibibigay ko sa inyo." Nakangiting sabi ni Lucas na kumunot ang noo ni Janine."Anong babies sinasabi mo Lucas?" Inis na sabi ni Janine. Hinalikan ni Lucas ang asawang nakasimangot."Kasi Honey. Ramdam ko triplets na naman nyan eh pero minsan naman quadruplets ang kutob ko, feeling ko lang ahh. Pero ayaw mo nun happy big family tayo." Hinampas sa braso ni Janine si Lucas. Natawa naman sya sa asawa at niyakap"Eh kung ikaw ba manganganak eh okay lang kaso ako eh!" Sabi ni Janine at inirapan ang asawa niyakap siya ng mahigpit nito."Honey, thank you for loving me always, for making m
Nakauwi na rin sa bahay ang mag-asawa kinaumagahan. Nakaakbay pa rin si Lucas sa kanyang asawa, akala mo’y hindi siya makakalayo.“Dad! Mom!” sabay-sabay na tawag ng mga bata sa kanilang mga magulang. Sabik silang lumapit at niyakap ang mag-asawa. Ganon din ang naramdaman nina Lucas at Janine.“Mom, we have a surprise for you!” Masiglang sabi ni Cassandra, na may malaking ngiti sa mukha.“Oh! What is it?” sagot ni Janine, halatang excited.“Mom, hindi what, who?” Kumunot ang noo ni Janine sa anak niya at may tinuro sa kaniyang gilid.Lumingon siya at nakita si Jerome, ang taong palaging nandiyan kapag malungkot siya.“Da! I miss you!” Sabik na tumakbo si Janine kay Jerome at niyakap ng mahigpit. Ganun din ang ginawa ni Jerome.“Ehem! Honey, I’m here,” Masungit na sabi ni Lucas, naka-simangot, kaya napilitan si Janine na bitawan si Jerome.“Anong ginagawa mo dito, unggoy? Hindi ka welcome sa bahay ko,” Nakasimangot na sabi ni Lucas. Tumawa si Jerome sa sinabi niya.“Don’t worry,
Third POV Ilang araw na nang nagka tampuhan si Janine at Lucas.Di sila nagpapansinan sobrang nasasaktan din kasi si Lucas sa inasal na pamimigay muli sa kaniya ng mahal niyang asawa.May lakad ngayon si Janine papunta sa kaniyang pabrika. Wala siyang inobliga na mag drive sa kaniya mas gusto niyang siya lang muna para makapag isip isip.Nagpaalam na siya sa kaniyang mga anak, nagtaka siya na wala si Lucas siguro ay pumasok na ito sa opisina nito.Pumunta na siya ng kaniyang kotse at nabigla siya dahil pagbukas niya ay nasa loob si Lucas." Anong ginagawa mo dyan sa loob? "Nakataas na isang kilay ni Janine sa inis kay Lucas.“I’m your driver today, my dear wife.” Nakangiti naman si Lucas dito. At inirapan lang niya." Nagmamadali ako ngayon kaya wag ka ng mang asar. "Umiling si Lucas. At parang batang nakiusap sa kaniya na pasamahin siya nito. Dahil nagmamadali na si Janine ay pinagbigyan niya na ito dahil sa sobrang kulit.Natapos na ang pag visit ni Janine sa kaniyang pabrika. K







