Share

Kabanata 07

Penulis: Anne Lars
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-16 12:13:04
Pagkatapos kong maligo, magpalit ng damit, at mag-ayos, dumiretso na ako pababa. Naabutan ko ang mga magulang kong naghaharutan sa sala, nagkikilitian pa at may pakandong pang nalalaman.

Langhiya! Ang lalandi nilang dalawa. Balak pa yata nilang sundan si Callie.

"Oi, get a room. Huwag ninyong balaking sundan si Callie. Gosh, Callie is already twelve years old!" sita ko sa kanila.

Mas lalo namang humigpit ang yakap ni Dad kay Mom habang nakakandong ito sa kanya.

"Nasundan na nga eh," tugon ni Dad.

"W-What?!" gulantang kong saad.

Tàngina! Ang lalaki na namin tapos may batang darating?

"Kidding!" bawi ni Dad bago sila sabay na napahalakhak.

Tch!

"Alis na ako," paalam ko sa kanila at akmang tatalikod na.

"Saan punta mo? Hindi mo pa dadalhin mga gamit mo?" tanong ni Mom, na siyang ikinapangit ng reaksyon ko.

"Hindi niyo na ako love," sabi ko na tila nagtatampo at parang maluluha na.

Pakiramdam ko kasi, pinapaalis na nila ako. Kakarating ko lang galing iba
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
U No Reverse
I think he is not gay
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong   Kabanata 88

    Mabilis akong naglakad patungo sa pinakadulong banyo ng building. Mas gusto ko roon dahil walang tao, tahimik at malinis. Minsan nga doon ako dumadayo kapag sobrang antok o gusto kong mapag-isa. Sumasampa ako sa inidoro, pumikit, at nilulubog ang sarili sa katahimikan. At ngayong araw… mas kailangan ko ‘yon. Pero noong papaliko na ako, napansin ko sina Dina at Kayla kasama ang ilan pa naming kaklase. Nagsisigawan at nagkukulitan na naman sila na parang walang pakialam kung gaano sila kaingay. Napailing na lang ako. Hindi ko talaga kayang sumabay sa ganung ingay ngayon, kaya napaatras ako at mabilis na pumasok sa isang classroom na halatang walang tao. Tahimik sa loob. Ang tanging maririnig mo lang ay ang mahinang ugong ng aircon at ang mga boses nilang nagmumula sa hallway. I decided to stay there for a while, hoping they’d leave soon. Pero ayun, bigla pa silang tumambay sa tapat ng room. Narinig ko pa ang malakas nilang tawanan habang nag-aasaran sa isa’t isa. Napahilot ako sa se

  • My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong   Kabanata 87

    **Segundo** “Guys, si Ma’am!” ani Ernest nang makita si Olivia na mag-isang naglalakad sa gilid ng oval field. Nasa likuran nila ako. Tamang-tama, pagkalabas ko ng room ay naabutan ko silang magkakakumpol sa second-floor corridor, nakasandal pa sa railing habang nanonood ng mga athletes na nagpapractice ng football sa field. Ang ilan sa kanila, may hawak pang iced coffee habang nakatingin, para bang nanonood ng palabas. “Ang ganda niya talaga,” sabi ni Rex, halos mapanganga habang sinusundan ng tingin si Olivia. “Ang sexy pa,” dagdag naman ni Ernest, halos sabay pa silang napaling ng leeg, parang mga fanboys na sabik na sabik sa bawat hakbang niya. Napailing ako, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng inis. Ganito sila palagi tuwing umaga, inaabangan si Olivia na dumaan sa gilid ng oval field, para bang may nakatakdang palabas tuwing 9 a.m. “Sayang talaga,” sabi ni Rowan, sinisipat pa si Olivia na unti-unting lumalayo. “Nakipag-swap pa si Ma’am. Ang ganda na noon, eh. Ginaganahan

  • My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong   Kabanata 86

    Noong pababa na kami ng hagdan, pareho kaming napalingon noong patakbong sumunod ang apat na babae. “Oh, bakit? Sasaktan mo na naman ako?” ani Kayla pero napairap lang si Dina bago naisipan na kumapit sa kabila kong braso. “Ay sus! Nainggit ka lang pala,” dagdag pa ni Kayla, natatawa. Muli lamang napairap si Dina at nagpatuloy na kami sa pababa ng hagdan. Pagliko namin, lahat kami natigilan noong nakasalubong namin si Olivia. Mabilis na napadako ang kanyang tingin sa dalawang babaeng nakakapit sa magkabilaan kong braso na para bang ayaw ng bumitiw o humiwalay sa pagkakakapit sa akin. Tahimik naman siyang gumilid, nanatiling kalmado ang ekspresyon, bago kami naisipan na lagpasan. Ilang ulit naman akong napalunok ng laway. I need to calm down. Kung siya ay tila wala ng pakialam sa akin, dapat iyon rin ang gawin ko. Dapat hindi na ako magpapaapekto sa kanya dahil ako lang ang lugi. Naisipan kong marahang alisin ang mga kamay ng dalawang babae—hindi pwersahan, at agad naman silan

  • My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong   Kabanata 85

    **Segundo** Habang tahimik ako sa gilid, panay pa rin ang tsismisan ng mga kaklase ko. May conclusion kaagad sila kung bakit nag-swap ng section ang dalawang lecturer. Dahil iyon sa iniiwasan ni Olivia na magkaroon ng tuksuhan sa loob ng classroom. Hindi naman kasi maiwasan iyon. Kahit nga ngayon ay kami ang bukambibig ng mga kaklase ko lalo na't may nag-search ng pangalan ni Olivia at dahil siguro sa curious sila kung single ba ito o hindi hanggang sa umabot na naungkat tuloy ang past namin. Kahit nagbúbulungàn sila, naririnig ko ng usapan nila, na kaya kami naghiwalay ay dahil nga sa past ko—na marami akong sex video scandal na nag-viral tapos iba't iba pang mga babae ang naikama ko. Though hindi naman kita ang mukha ng mga babaeng naikama ko pero halata pa rin naman na iba-iba ang mga nagiging ka-partner ko sa sex video. Hayop na Cecelia. Pagkatapos niyang sirain ang reputasyon ko, ngayon ay masaya siya na para bang walang ginawang mali noon. She’s now married to the city’s

  • My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong   Kabanata 84

    “Seg! Segundo!” ilang beses niyang tinawag ang pangalan ko, at sa ikatlong beses ay naalipungatan ako nang may kung anong tumama sa mukha ko. “Bakit?” tanong ko kay Ruby nang makita kong siya pala ang panay sigaw at nakaisip pang hampasin ako habang mahimbing akong natutulog. “Hoy! Wala ka bang pasok ngayon!? 12:30 p.m. na oh!” aniya sabay turo sa wall clock. Agad akong nagkandarapa sa pagbangon. “Shit! 1 p.m. ang pasok ko!” mabilis kong sabi habang halos tumakbo papunta sa wardrobe, naghalungkat ng kung anong maisusuot. May long quiz pa naman kami ngayon, sayang naman ang review ko kung aabsent lang ako. “Ayan, maglasing pa kasi. Dinamay mo pa si Dad kagabi sa pag-inom. Ayon tuloy, masama ang pakiramdam—inaatake ng high blood,” sermon niya habang nakapameywang, parang nanay na nangungunsensya. “How is he?” tanong ko habang kinukuha ang towel. “He’s fine now. Pero pinagalitan na ni Mom. Mamaya, pag-uwi mo, ikaw naman ang siguradong pagsasabihan niya,” sagot niya. Hindi na ako ku

  • My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong   Kabanata 83

    Ilang segundo akong matalim na nakatitig sa picture na iyon bago ko mabilis na isinara ang laptop noong marinig ko ang boses ni Ruby pagkabukas niya ng pinto sa study room ko. Para akong nanlamig. Parang nahuli sa isang masamang akto. Napatingin ako sa kanya. Sa mga tingin niya sa akin ay may kahulugan bago niya ibinaling ang tingin sa laptop ko, na hanggang ngayon ay nakapatong pa rin ang isa kong kamay sa ibabaw nito. Kita ko ang bahagyang pag-angat ng kilay niya, ‘yong tipong alam niya na ang ginagawa ko. “Oh… sorry. Mukhang naistorbo yata kita, brother,” paumanhin niya bago napangisi, ‘yong pilyang ngiti na alam kong may kasunod na biro. “Bukas ko na lang kukunin ang mga librong hiniram mo. Parang nabulabog ko yata ang panonood mo ng pórn,” dagdag pa niya. Aangal sana ako, balak kong sabihin sa kanya na hindi naman ako nanonood ng pórn, pero tumalikod na siya para lumabas ng study room. Hindi niya na ako tinapunan pa ng isa pang tingin. “Ituloy mo na ang panonood. Next time

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status