Blangkong tiningnan ni Czarina ang half sister niya at ang long time boyfriend niya na sabay pumasok sa isang hotel room. Ngayong nakompirma niya nang niloloko lang siya ng fiancee niya, hindi na siya magbubulag-bulagan. Hindi niya akalain na ang babaeng lihim na minamahal pala ng fiancee niya ay ang sarili niyang half sister. Hindi niya maintindihan kung bakit palagi niyang kahati ang kapatid niya sa lahat ng bagay. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan siya saka siya umuwi. Masakit man sa kaniya na niloloko siya ng fiancee niya lalo na at malapit na silang ikasal, ayaw niya namang magmakaawa rito dahil may natitira pa siyang respeto para sa sarili niya.
Nang sumapit ang gabi ay sabay-sabay silang nagdinner. Tahimik lang si Czarina, nakauwi na rin ang kapatid niyang si Natalie.
“Dahil ikakasal na si Czarina at Austin ngayong buwan, sa susunod na taon ka naman Natalie. Naipagkasundo na kita sa anak ng mga Fuentes na si Tyrone Fuentes. Siya ang magiging asawa mo,” wika ni Mateo, ang ama ni Czarina at Natalie.
“Really dad?” hindi makapaniwalang tanong ni Natalie. Ayaw niyang pumayag sa arrange marriage pero ngayong alam niya na kung sino ang magiging groom niya, hindi siya magdadalawang isip na pumayag kaagad. Napangisi naman si Czarina habang kumakain, ramdam niyang interesado si Natalie kay Tyrone. Sino nga bang hindi magkakagusto sa kaniya? He’s one of the grandson ng mayamang pamilya.
“Czarina, kumusta ang preparation niyo ni Austin para sa kasal niyo? Is everything okay now?” tanong ni Mateo. Uminom naman muna ng tubig si Czarina bago sumagot.
“We’re still preparing, dad, excuse me.” Wika niya saka siya umalis ng hapag kainan. Kinabukasan, narinig ni Czarina ang pag-uusap ng mag-ina na si Natalia at Natalie. Rinig na rinig ni Czarina kung gaano kainteresado si Natalie kay Tyrone.
“Hindi ba pwedeng kami na muna ang ikasal ni Tyrone, Mom? Sa susunod na taon na lang si Czarina at Austin, mukhang hindi naman sila nagmamadali.” Request ni Natalie sa kaniyang ina.
“Hindi pwede, kailangan pa rin nating makausap ang pamilya ng Fuentes lalo na si Tyrone. Dapat makilala niyo muna ang isa’t isa bago kayo ikasal. Huwag mong madaliin ang lahat dahil kayo pa rin naman ang ikakasal.” Sagot ni Natalia sa anak niya. Nahinto ang pag-uusap nilang dalawa nang makita nila si Czarina.
“Pupunta ka na ba sa boutique to check your wedding gown?” tanong ni Natalia kay Czarina.
“Yes,” tanging sagot ni Czarina saka niya nilampasan ang mag-ina. Napapairap na lang si Natalia dahil simula nang dumating sila ng anak niya sa bahay na ‘to, hindi na siya nirespeto ni Czarina.
Ang akala nila ay pumunta si Czarina sa boutique pero nakipagkita ito kay Tyrone Fuentes, ang future husband ni Natalie. Nang lapitan ni Czarina si Tyrone ay salubong ang mga kilay nito.
“What do you need?” blangko at seryosong tanong ni Tyrone. Wala sana siyang balak na makipagkita kay Czarina dahil hindi niya naman ito kilala pero nang sinabi ni Czarina na importante ang pag-uusapan nila, pumayag na makipagkita si Tyrone.
Umorder naman muna ng ice coffee si Czarina para sa kanilang dalawa ni Tyrone.
“Hindi ako nagpunta rito para makipag-usap sayo ng matagal. Tell me what you want. Siguraduhin mo lang na importante ang sasabihin mo.” Masungit na saad ni Tyrone. Humugot naman ng malalim na buntong hininga si Czarina bago nagsalita.
“Ikaw ang fiance ni Natalie, diba?” unang tanong niya. Inis namang nilingon ni Tyrone si Czarina.
“Nakipagkita ka ba sa akin para kumbinsihin akong pakasalan ang kapatid mo? Kung yan lang ang dahilan nang pakikipagkita mo sa akin, nagsasayang ka lang ng oras. Wala akong planong pakasalan ang kapatid mo.” Matigas na wika ni Tyrone at akma na sanang aalis nang magsalita si Czarina.
“That’s good then, hindi ako nagpunta rito para kumbinsihin ka na pakasalan si Natalie.” Sagot ni Czarina kaya lalong kumunot ang noo ni Tyrone. Bumalik siya sa kinauupuan niya, dumating naman na ang order ni Czarina kaya ibinigay niya ang isa kay Tyrone.
“Ano ba talagang kailangan mo? Kung hindi ka nagpunta rito para pilitin akong pakasalan ang kapatid mo then what?” salubong ang mga kilay niyang tanong. Sumimsim naman muna ng kape si Czarina bago nagsalita.
“Marry me instead,” diretso niyang sagot. Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Tyrone pero tumawa rin kalaunan.
“Are you crazy? You want me to marry you?” natatawang wika ni Tyrone, napalunok naman si Czarina saka niya mahigpit na hinawakan ang kape niya. Hindi niya akalain na mahirap palang pakiusapan ang isang Tyrone Fuentes. Ang akala niya ay pumayag na si Tyrone sa pagpapakasal kay Natalie pero hindi pala. Alam niyang mahihirapan din siyang kumbinsihin ito na pakasalan siya.
Buong tapang na sinalubong ni Czarina ang galit na mga mata ni Tyrone nang mahigpit siya nitong hinawakan sa kamay.
“Sa tingin mo ba nakikipaglaro ako sa pamilya niyo?” galit na saad ni Tyrone habang nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin kay Czarina.
“At sa tingin mo ba nagpunta rin ako rito para makipaglaro sayo?” matapang na sagot ni Czarina. Binitiwan ni Tyrone ang kamay ni Czarina pero nananatili pa rin ang matatalim niyang tingin kay Czarina.
“Then tell me your reason, why do you want to marry me? Anong magandang dahilan mo para gusto mong palitan ang kapatid mo as my bride?”
“Sa tingin mo ba makakatakas ka sa kasal niyong dalawa ni Natalie? Nakaplano na ang lahat para sa kasal niyo next year. Pumayag ka man o hindi itutuloy pa rin nila ang kasal. Magkakaroon ng family dinner ang mga pamilya natin next week para sa arrange marriage niyo ni Natalie.”
“Then give me a fucking reason bakit ikaw ang dapat kong piliin na pakasalan?” iniwas ni Czarina ang paningin niya at humugot ng lakas para sabihin ang totoo kay Tyrone.
“My fiancee is cheating with me and his woman is my half-sister, Natalie. Ikakasal na dapat ako ngayong buwan sa long time boyfriend ko pero niloloko lang pala nila ako dahil ang lihim na minamahal ng boyfriend ko ay si Natalie—”
Lumipas pa ang mga araw, itinuon ni Czarina ang buong atensyon at oras niya sa mga anak niya. Ipinagkatiwala na muna niya ang kompanya sa mga taong mapagkakatiwalaan niya. Inalis niya na rin ang mga tauhan ni Natalia. Ang gusto ni Czarina ay mga taong mapagkakatiwalaan niya ang magtatrabaho sa kompanya. Ayaw niyang problemahin pa niya ang mga taong posibleng trumaydor sa kaniya.Nang maiserve na ang mga order ni Czarina para sa pagkain nila ng kambal niya ay kinuha niya na ang mga ito at ibinigay sa mga anak niya ang order ng mga ito. Tuwang-tuwa naman ang kambal dahil napapadalas na may oras sa kanila ang kanilang ina.“Thank you, Mommy.” Nakangiting pagpapasalamat ni Isabella. Matamis ding nakangiti si Riley. Pakiramdam nila ay panaginip pa rin hanggang ngayon na kasama na nila ang mga magulang nila. Malayo sa mga taong sinasaktan sila, ginugutom at ginagawang bilanggo.Hinaplos ni Czarina ang pisngi ng mga anak niya.“I’m sorry babies, siguro for the past two years pakiramdam niyo
Simula nang sabihin ni Melanie na kailangang bumisita ni Czarina ng OB ay palagi ng nakamasid at nakabantay si Tyrone sa bawat kilos ng asawa niya. Napapansin niyang napaparami palagi ang kain ng asawa niya. Nagresearch na rin siya ng mga posibleng sintomas ng buntis para maintindihan niya ang asawa niya.“Hindi pa naman nagiging mainitin ang ulo niya.” usal ni Tyrone, ang dapat na nasa isip niya lang ay naisatinig niya kaya napatingin sa kaniya si Czarina.“Sino?” tanong ni Czarina kaya tila nabalik sa wisyo si Tyrone. Iniisip kung nasabi niya ba ang iniisip niya.“Ha?” gulat ding tanong nito.“Sino ang hindi pa nagiging mainitin ang ulo?” inosenteng tanong ni Czarina habang kumakain ng avocado na may gatas.“Kailan ka huling nagkaroon ng menstruation?” hindi na mapigilang tanong ni Tyrone. Napaisip naman si Czarina. Inalala niya kung kailan ba yung huli pero hindi niya maalala.‘Matatapos na ang buwan ngayon pero wala akong matandaan na nagkaroon ako.’ Aniya sa isip niya. Iniisip ni
Kinaumagahan, nang may sikat na ng araw. Nagising si Tyrone na naririnig niya ang pagsusuka. Kinapa niya ang asawa niya kung nasa tabi pa niya ito pero nang hindi niya ito maramdaman ay iminulat niya ang mga mata niya. Ramdam pa niya ang hapdi ng mga mata niya dahil inaantok pa siya.Nang muli niyang marinig ang pagsusuka at marealize na wala sa tabi niya si Czarina ay napabalikwas siya sa kinahihigaan niya saka niya tiningnan si Czarina sa cr. Rinig na rinig niya ang pagsusuka nito dahil nakabukas ang pintuan.“Hey, are you okay?” tanong niya kaagad habang hinahagod ang likod ni Czarina. Yakap-yakap naman na ni Czarina ang bowl dahil hinang hina siya sa bawat pagsusuka niya. Lahat nang kinain niya kanina ay isinuka niya rin. “Hindi ka yata natunawan. Ang dami mo kasing nakain. Kukuha lang ako ng tubig.”Iniwan na muna ni
Madaling araw na nang magising si Czarina. Nilingon niya si Tyrone na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Kanina pa sinusubukan ni Czarina na matulog ulit pero isang oras na ang nakalipas pero gising na gising pa rin ang diwa niya. Bumangon si Czarina at nagtungo ng veranda para magpahangin. Iniisip niya na naman ang isinampa nilang kaso kay Natalia. Gusto niya ng malaman kaagad ang hatol ng korte sa kaniya para matahimik na siya.Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Czarina habang niyayakap siya ng malamig na simoy ng hangin. Napahawak siya sa tiyan niya ng makaramdam siya ng gutom. Naipilig niya ang ulo niya dahil marami naman siyang nakain noong dinner nila at hindi rin siya yung tipo ng tao na mahilig sa midnight snacks. Babalewalain niya na lang sana yun pero pakiramdam niya gutom na gutom siya na tila ba walang kinain kagabi.Bumalik na siya sa loob ng kwarto at tini
“Kinuha ng mga kasama ko sa kwarto eh, wala silang iniwan pati suklay kinuha nila kaya paano ko maayos ang sarili ko? Anak, tulungan mo naman ako, tulungan mo akong makalaya dito. Sa dami ng isinampang kaso sa akin wala na silang balak na palayain ako. Maghanap ka ng taong pwede nating bayaran, tatakas na lang ako basta ayaw ko lang dito. Okay na akong magtago habang buhay huwag lang sa kulungan.”“Gusto niyo ba akong maging katulad niyo? Gusto niyo rin ba akong maging kriminal? Sa gusto niyong gawin ko magkakaroon ng dahilan si Czarina para ipakulong din ako. Iisipin din ng korte na accomplice mo ako sa lahat ng krimen na ginawa mo. Is that what you want, Mom? Pati ba naman sa kulungan gusto niyo akong isama? Kung nagpakatino lang sana kayo baka kasal na kayo ni Daddy ngayon! Ako na sana ang legal daughter niya pero sinayang niyo lahat! Bakit ba hindi na lang kayo naghintay?!” napakunot naman ng noo si Natalia dahil sa sinasabi ng anak niya.“Kasal? Anong kasal?” nagtataka niyang tan
Nang biglang bumukas ang pintuan ng office ni Mateo sa loob ng bahay niya ay tiningnan niya kung sino ang pumasok. Ibinalik niya rin kaagad sa laptop ang atensyon niya ng si Natalie lang ang pumasok.“Talaga bang kakasuhan niyo rin si Mommy? Gusto niyo ba talagang i-push na makulong siya habang buhay? Dad, marami ng ikinaso ang partido nina Czarina pero bakit kailangan dumagdag ka pa sa kanila? Ginagawa mo ba ‘to para mabawasan ang galit ni Czarina sayo? Anak mo rin ako, Dad! Ang babaeng gusto niyong ipakulong ay ang ina ko, babaeng kinasama niyo rin. Dad, baka pwede namang huwag ka ng dumagdag, please.” Nakikiusap na saad ni Natalie. Hindi pa rin matiis ni Natalie ang kaniyang ina dahil alam niyang ibinigay ni Natalia ang lahat ng pangangailangan niya.Itiniklop ni Mateo ang laptop niya saka niya tiningnan ang anak niyang nakikiusap.“I know you love your mom but I’m sorry Natalie I need to do this not because of Czarina. Your Mom tried to kill me dahil gusto niyang angkinin ang laha
“Nandito ba sa loob ng kwartong ito ang tinutukoy mo? Maaari mo bang ituro?” tanong ng judge. Si Mila naman ang tumayo at hinanap ng mga mata niya si Natalia. Walang pag-aalinlangan niyang itinuro si Natalia.Nagpatuloy pa ang paglilitis sa loob ng korte. Inuna na muna nila ang kasong isinampa ni Mila at sa kasong isinampa ni Czarina. Nang matapos ang unang paglilitis ay nagsilabasan na silang lahat. Inilabas na rin si Natalia pero nang makita niya si Czarina ay mabilis niya itong nilapitan at hinila ang mga buhok kahit na nakaposas ito.“Dapat pinatay na kita noon! Ikaw ang baliw, Czarina! Ikaw ang baliw!” sigaw ni Natalia. Buong lakas na inalis ni Tyrone ang mga kamay ni Natalia sa buhok ni Czarina. Gusto niyang sampalin si Natalia pero hindi niya magawa dahil babae pa rin ito.Sa inis ni Melanie ay malakas niyang sinampal si Natalia.“Ang kapal naman ng mukha mo! Ikaw pa ang may ganang manakit sa anak ko? Kung meron mang baliw sa inyong dalawa ikaw yun Natalia. Masyado kang obsess
Nasa korte na silang lahat ngayon, nasa loob na ng court room si Czarina habang nasa labas pa si Tyrone kasama si Chairman at ang lawyer nila.“Siguraduhin mong hindi makakalaya si Natalia. Kung kailangan nating bayaran ang judge gagawin natin.” Seryoso at maawtoridad na saad ni Tyrone. Pumirma naman si Chairman sa blank cheque niya at ibinigay sa lawyer nila.“Ibigay mo ito sa judge. Babayaran natin silang lahat huwag lang makalaya ang babaeng yun. Isulat niya diyan ang halagang gusto nila, I don’t care.” wika rin ni Chairman. Tiningnan ni attorney ang black cheque bago sinalubong ang tingin sa kaniya ni Chairman.“Hindi na natin kailangan yan Chairman. I will make sure she will rot in jail. Marami tayong ebidensya at sapat na sapat na ang mga yun para mabulok siya sa kulungan. Marami ang magsasampa sa kaniya ng kaso at kahit hindi magsampa ang lahat, mabubulok pa rin siya sa kulungan. Nasiguro na rin ni Mr. Jimenez na tetestigo ang mga naging kasabwat ni Miss Natalia.” Confident na
“Hindi naman. Masaya ako dahil magkasundo kayo ni Mommy. Okay lang kung isinasantabi niya ako, ang mahalaga mas inuuna niya kayo.” Nakangiting sagot ni Tyrone na ikinangiti na lang din ni Czarina. Nang makakababa sila ay sinalubong kaagad ni Melanie si Czarina at niyakap ito.“Ayos ka lang ba? Kumusta ang pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong ni Melanie.“Ayos lang po ako, Mom. Huwag niyo akong alalahanin. Si Tyrone po baka kailangan niyong kumustahin.” Nilingon ni Melanie ang anak niya pero inismiran niya lang ito na ikinanlaki ng mga mata ni Tyrone dahil sa gulat.“Hindi ko naman na siya kailangang kamustahin pa. Alam ko namang okay lang siya, kaya niya na ang sarili niya. Masyado na siyang malaki, alam niya na ang ginagawa niya. Kung may masakit sa kaniya pwede naman siyang magpacheck-up kaagad.”