Tanghali na ng magising si Anastacia at medyo bumuti na nga ang kanyang pakiramdam. Pero wala pa siyang balak pumasok sa coffee shop at company. Hindi pa rin sila nagka usap ni Maximo tungkol sa nangyari sa kanila. Ayaw niya rin naman pangunahan ito at nahihiya rin siya..
Bumangon na siya at kahit wala siyang balak pumasok kailangan niya pa ring kumilos. Nagulat na lang siya ng pumasok sa kwarto niya ito at may dalang pagkain. "I bought you some foods. Hindi na ako nagluto at abala pa e, may gagawin rin ako sa kumpanya. Kumain ka lang ha at mag pagaling ka." bilin nito sabay lapag ng dala niyang pagkain sa table. Naglakad na ito palabas ng magsalita si Anastacia. "Thank you." ani nito. Ngumiti lang si Maximo bago lumabas ng kwarto. Para siyang tangang teenager na kinikilig. Habang kumain naman si Anastacia na mga dala nito. Nabanguhan siya sa kare-kare ng restaurant ng maamoy niya agad ito tila nagutom siya ng sobra kaya nilantakan na nga niya ito. Napapaisip siya sandali at sumagi sa isipan niya na sweet naman pala ang kaibigan ng dad niya mukha lang hindi. Sa awra niya kasi na masungit at seryoso kasabay ng salubong nitong makapal na kilay. Tinapos na rin niya ang kanyang pagkain. Nang mainip siya tinawagan niya si Maxine at itutuloy na niya ang kwento rito kaso ng sumagot na ito nag alangan siyang magkwento. "Girl." wika ni Maxine sa kabilang linya ngunit siya para lang natutulala. Hindi alam kong bakit nga ba siya napatawag sa kaibigan niya. "Hoy! Girl, ano na??" ulit nito. "Ah! Wala lang girl, busy ka ba? Punta ka naman sa condo ko bored ako at nagka sakit kasi ako kaya hindi ako maka alis ng condo." sagot ni Anastacia. "Ayos ka lang ba girl? Gusto mo bang puntahan kita sa condo mo?" tanong niya. "Medyo girl, bored lang talaga ako dito at wala maka usap." sagot ni Anastacia. "Ok, girl try ko dumaan pero hindi ako nangangako ah." sagot niya. "Sige lang girl. Thanks." Pinatay na niya ang tawag at nagpahinga na. Wala naman siyang gagawin sa condo. Mga tanghali may kumatok sa pintuan niya. Babangon sana siya ng pumasok ang bulto ni Maximo sa loob. "Oh! Nagdala ulit ako ng makakain mo. Nakain mo na ba ang kaninang iniwan ko?" tanong niya. "Opo. Salamat." magalang na sagot niya. "Goods, Kumain ka ulit at dito lang ako hanggang sa makapasok ka. Teka sino pala nag aasikaso ng coffee shop mo kapag wala ka?" tanong ni Maximo sa kanya. "Uhmmm! Mga staff ko, may tiwala naman ako sa kanilang lahat." sagot niya. "Ok, good. Sige na kumain ka na." yakag nito. Nang bubuksan na niya ang pagkain. Bigla siyang nagtaka bakif tahimik lang naman ito. "Oh! Bakit ako lang yata ang nakain?" tanong niya. Hindi ka ba kakain?" dagdag pa nito. "Ah! Sige lang kumain ka lang at busog pa ako. Teka tumawag na ba ulit ang dad mo sayo?" tanong ni Maximo sa kanya na hindi mapalagay. Sa totoo lang natatakot siya na baka magsumbong si Anastacia sa dad nito at mapapatay siya ng kanyang best friend. Pinapabantayan sa kanya kasi ang anak nito at naging bantay salakay pa nga siya sa lagay na yan. Sino ba naman kasi na hindi maaakit sa isang Anastacia Collins. "Hindi pa." sagot ni Anastacia habang nilalantakan naman ang lechon belly na dala nito. Talagang litela na bubusugin siya ng pagmamahal nito ay este sa pagkain. Wala ata sa bokabularyo ni Maximo ang salitang pagmamahal. "Ok, pag tumawag hwag mong ipapaalam sa kanya ang lahat." bilin niya. "Of course baka itakwil na ako ng daddy ko kapag ginawa ko iyon. Anyway, dito ka ba matutulog?" tanong ni Anastacia umaas kasi siya na may makakasama siya dito sa condo. "Hindi, maaga ang meeting ko." sagot nito. "Ok, sige. Ikaw bahala." sagot ni Anastacia at hindi na ulit nagsalita pa. Nang matapos kumain si Anastacia nagpaalam na rin si Maximo sa kanya. Hindi na siya nagpabebe pa at mabuti nga iyon baka maulit na naman ang naganap sa kanila. Marupok pa naman siya pagdating sa lalaki na hindi niya rin maintindihan. Buong magdamag siyang hindi nakatulog dahil panay sagi sa isipan niya si Maximo. Alam naman niyang bawal at hindi sila pwede nito. Pero gusto niyang subukan sana kaso mukhang di naman kasi interesado ang lalaki sa kanya. At halatang isang malaking pagkakamali lang ang mga naganap sa kanilang dalawa. At hindi na nito nabaggit pa sa kanya. Parang dedma naman sa lalaki ang lahat ng namagitan sa kanila. Nang dalawin siya ng antok nakatulog na rin siya. Kinabukasan past 7 am na siya nagising ng marinig niya ang pag tunog ng kanyang ipad. At bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ng kanyang daddy na malapit ng gumaling base sa itsura nito. "Hija, how are you?" tanong nito sa kanya. "Ok naman po dad. Mabuti naman na ok na kayo. Magpagaling pa kayo lalo dyan." bilin niya sa kanyang daddy. "Mabuti naman ako at ikaw ang inaalala ko. Have you met my friend?" tanong nito. Tumango tango na lang si Anastacia. "Hindi mo ba naman siya inaway? Kilala kita pag ayaw mo sa tao itataboy niya. Wait muntik ko na pa lang makalimutan. Nag call off ka ng wedding, bakit?" tanonf nito sa kanya. Ang tinutukoy nitong wedding ay sa kanila ni Gregory. Hindi niya pala kasi ipinaalam rito. "Hindi po, hindi na nga po matutuloy ang kasal kasi niloko niya ako." sagot niya. "Ano??? Paano mo nalaman?" di makapaniwalang tanong ng dad niya. "Nahuli ko po at long story dad. Hwag na nating pag usapan pa. Ang mahalaga ok po kayo at ok ako." balik niyang sagot. "Ok, loko iyon ah. Akala ko mabait ayon naman pala ay may itinatagong likot." sagot ng daddy niya. "Hehehe hwag na po natin siyang pag usapan dad. Basta pag balik niyo na lang po rito. Ok ako at hwag niyo po akong alalahanin dad. Miss na miss na po kita." ani niya. "Miss na rin kita hija, sige na baka naabala na rin kita. It's getting late here. Tumawag lang ako kasi nabalitaan ko na wala na nga kayo.. At gusto ko sayo mismo ko malaman ang katotohanan. "Yes, dad ok lang po.. Sleep well po." sagot niya. Pagkawala ng dad niya sa screen hindi maiwasang mapaluha siya ng hindi sinasadya at namimiss na rin kasi niya ang kanyang daddy. Plano niyang pumasok na sa coffee shop pero hindi pa sa kumpanya dahil ayaw niyang ma pressure siya. Tama lang na doon muna siya sa coffee shop. Mas peaceful pa roon kumpara sa kumpanya nila na araw-araw niyang nakikita ang cheater na si Gregory."Wow! Ang ganda naman. Ikaw ang nag ayos ng lahat ng ito?" tanong ni Anastacia. "Yes, nagustuhan mo ba ang inhanda ko para sayo?" tanong ni Maiximo habang pinag hila siya ng bangko at pinaupo na. "Salamat." sagot ni Anastacia na masigla ang kanyang boses na ginamit kaya masaya si Maximo dahil alam niyang napasaya niya ang kanyang mahal na asawa. Nakain na sila ng maitanong ni Anastacia ang mga bagay bagay. "Ganito ba tayo lagi ka sweet?" "Ang alin?" tanong ni Maximo ng natigil sa pagkain. "Yong nagdedate? Nag seset-up ng mga ganito." sagot ni Anastacia. Hindi naman lubos akalain ni Maximo na itatanong sa kanya ito ng kanyang asawa. "Hindi e, busy kasi tayo sa mga business natin at kumpanya kaya naman wala tayong time sa ganitong bagay." sagot ni Maximo. At totoo naman ang mga sinabi niya. Hindi palaging ok silang mag- asawa noon. "Ganon ba, mabuti naman hindi na ako busy at nandito na lang ako para alagaan kayo ng baby natin hehehe." sagot ni Anastacia na may kasama
Nagising si Maximo sa napakasarap na panaginip. Pero ng makita niya na walang suot ang kanyang asawa. Nanlaki ang mga mata niya ibig sabihin hindi panaginip ang nangyari talagang may nangyari sa kanilang dalawa. Masaya siya kahit paano at naaalala na ng kanyang asawa paunti unti ang mga nangyari sa kanya. Babangon na sana siya kaso bigla naman itong yumakap sa kanya kaya hindi na lang siya kumilos para di na ito maistorbo sa masarap na tulog. Niyakap na lang rin niya ito at nakatingin lang siya rito. Mala anghel talaga ang mukha ng kanyang asawa kaya nga hindi kataka takang sa unang beses pa lang ng kanilang pagtatagpo ay nakuha agad nito ang pihikan niyang puso. Sobrang kakaiba talaga ang ganda ng kanyang asawa. Pumikit ulit siya at sinabayan ang tulog ng kanyang asawa. Nang muli siyang magising wala naman ito sa tabi niya. Hindi na siya natakot dahil inisip niya nasa kusina lang ito kagaya noon. Pero ng bumaba siya ng sala at kusina wala siyang nakitang ni bulto ng asawa at do
Nang mapansin ni Maximo na umiiyak ang kanyang asawa natigil ang panunuod niya.. "Bakit? Ayaw mo ba ng movie? Anong gusto mong panuorin?" tanong nito. Umiling iling lang si Anastacia kasabay ng pagkwento niya habang seryosong nakikinig si Maximo sa kanya. "Alam mo ba kanina habang nanunuod ako may lumabas sa isipan ko. Parang ganyan sweet ba sweet sila at nagsusubuan rin." ani nito. Napangiti si Maximo sa sinabi ni Anastacia dahil ang sinasabi nito ay silang dalawa. At masaya siya na malaman kahit paano ay may natatandaan iti tungkol sa kanilang dalawa. "Ok, manuod pa tayo ng iba pang palabas. Kung gusto mo pa." tanong ni Maximo. "Gusto ko pa. Meron ka pa ba ibang alam na movie?" tanong nito kay Maximo. "Marami naman mamili ka lang dito sa mga ipapakita ko." masilglang sagot ni Maximo. Gusto niyang makita ni Anastacia na masaya sila. Like the old days. Mag-away man sila noon pero lamang pa rin naman ang saya sa kanilang dalawa. Habang nanunuod sila may kinakain silang
One week later buhat ng umalis ang nurse ni Anastacia kaya naghahanap na naman si Maximo ng makakasama nito. Mabuti na lang tumawag si Maxine kaya pinapunta niya ito para may makakasama si Anastacia.. At isa pa umaasa siya na makikilala nito ang kaibigan. Nasa loob ng kwarto nilang mag-asawa si Anastacia ng dumating si Maxine. Na shock siya ng makitang tulala ang kanyang kaibigan. Pero ng makita nito si Maximo ngumiti at lumapit. "My heart dumating ka na. Tinupad mo ang promise mo sa amin ng anak mo." sagot ni Anastacia na nakangiti. Napakunot naman ang noo ni Maxine ng marinig ang sinabi ni Anastacia. At unti-unting pumatak ang kanyang luha ng makitang hawak na ni Anastacia ang unan na sinasabi nitong baby nila. "Bakit ka naiyak? Inaway ka ba nila? Halika laro tayo hindi natin sila bati." masayang sambit nito.. Napatingin naman si Maxine kay Maximo. "Iiwan ko muna sayo ang asawa ko. Alam ko kailangan ka niya. Hindi ko alam hanggang kailan siya ganyan pero ang mahalaga dapat
Anderson Enterprise Company Katatapos lang ng meeting ni Maximo ng tumawag ang maid sa Mansyon at kailangan raw niyang umuwi dahil muntik ng malunod si Anastacia kanina mabuti raw at nakita ito ng hardinero. Pagkatapos nilang mag usap umalis na agad ito ng kumpanya at halos paliparin niya na nga kanyang sasakyan makarating lang sa Mansyon. One hour sana ang travel time niya ngunit sa bilis niyang magdrive nakarating siya ng thirty minutes lang. Naabutan niyang nakaupo sa sala si Anastacia at wala rito ang nurse nito. Lumapit siya sa kanyang asawa at nagtanong. "What happened? Are you ok now? Did you hurt? Tell me." sunod sunod na tanong niya rito. "Nahulog kasi sa pool si baby kaya sinagip ko." takot na takot na sagot nito sa kanya. "Nahulog? Paano nangyari at bakit ka naka punta ng pool? Nasaan si nurse?" tanong ni Maximo.. "Lumabas ako naiinitan kasi ako sa room kaya pinasyal ko si baby kaso nahulog siya. Sorry, buhay pa naman siya." sagot nito. Hindi alam ni Maximo
Three days later ng pagkaka confined ni Anastacia sa ospital finally discharged na siya at inuwi sa Mansyon. Halos manlumo ang kanyang daddy ng makitang nawala sa sariling katinuan ang kanyang anak. Pero, wala siyang magagawa kundi tanggapin ang lahat lahat. Nang may pumuntang private nurse sa Mansyon para mag alaga kay Anastacia. Ayaw kasing ipasok ni Maximo ito sa mental instition. Naniniwala siya na hindi baliw ang kanyang asawa. Kailangan niya lang matanggap sa sarili niya na wala na talaga ang kanilang anak at maghihintay siya na mangyari iyon. Ok naman ang naging daily routine nila sa Mansyon hanggang sa kinailangan na nang daddy ni Anastacia na bumalik ng states para magpa chemo ulit. Kailangan kasi niya ito para tuluyang mamatay na ang mga cancer cells sa loob ng kanyang katawan. Kahit ayaw niyang iwan pa ang anak pero hindi maaari. "Bro, just take care of my unica hija. Let me know her progress. Naniniwala ako na babalik siya sa atin." bilin ni Hanz bago umalis. "Y