LOGIN
Chapter 1
Hindi inasahan ni Naomi na muling makikita niya si Cormac Lagdameo, ang kaniyang ex boyfriend.
Dinala niya ang kanyang anim na taong gulang na anak sa ospital para sa check-up. May sakit sa puso ang bata mula pagkasilang kaya’t regular itong nagpapatingin. Ngunit pagkapasok niya sa pintuan ng clinic ay natigilan siya.
Nakaupo roon ang isang lalaki, nakaharap sa computer, may suot na salamin na walang frame na nakapatong sa matangos nitong ilong. Puting-puti ang suot nitong doktor coat na lalong bumagay sa itsura nito.
Sa isang iglap, nanlumo ang mukha ni Naomi at namutla.
Nagtataka siya dahil si Dr. Bautista ang naka-assign sa kaniyang anak, ngunit ayon sa nurse, pansamantala itong lumabas para sa isang konsultasyon. Kaya’t inilipat siya kay Dr. Lagdameo—isang PhD returnee na paboritong estudyante ni Dr. Bautista, at naka-assign sa Cardiology Clinic No. 7.
Nanatiling matigas ang pagkakatayo ni Naomi sa bungad ng pinto. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa door handle habang agad niyang ibinaba ang ulo para isuot ang mask. Ang tanging pumapasok sa isipan niya noon ay isang bagay lang lang. Ang ilayo agad ang kanyang anak.
Pitong taon na ang lumipas. Kailan pa ito bumalik sa Pilipinas?
Tahimik na ang buhay ni Naomi nitong mga nakaraang taon. Hindi niya naisip kailanman na muling magsasalubong ang landas nila ni Cormac. Ngunit ngayo’y para bang gumuho ang buo niyang pagkatao. Hindi niya alam kung paano kikilos. Ang tanging lakas na mayroon siya ay ang mahigpit na paghawak sa kamay ng anak. Namamasa ng pawis ang kanyang palad at bahagyang nanginginig ang kanyang kalamnan sa tindi ng kaba.
“Pasok…” Malalim at malinaw ang boses ng lalaki.
Itinaas ni Cormac ang ulo at tumingin sa pinto. Sa likod ng kanyang salamin, may malamig na distansya sa kanyang mga mata. Nang magtagpo ang kanilang paningin, biglang nagulo ang paghinga ni Naomi.
Noong nasa St. Aurelius University pa sila, maraming kababaihan ang humahanga kay Cormac. Ngunit lingid sa lahat, lihim siyang naging girlfriend ng lalaki. Tampulan siya ng tuksonat tinatawag siyang pangit at mataba dahil mahigit 80 kilos ang timbang niya noon.
Pinagmasdan ni Cormac si Naomi na mariing nakatiinm ang bagang. Pati ang pag-akma nitong hilahin ang anak palabas ay tila natigilan.
Madilim at walang bahid emosyon ang mga mata ni Cormac habang marahang tumutunog ang pag-tap ng kanyang daliri sa mesa.
“Miss Mendoza, tama? Patingin ng medical records.”
Bahagyang natauhan si Naomi ngunit nanatiling maputla ang kanyang mukha. Hinaplos niya ang sarili niyang pisngi bago marahang sinuot ang mask, wari ba’y sinusubukang buuin muli ang sarili.
Nagkukunwaring may inaayos sa damit kahit sobra na ang kaba niya na baka makilala siya ng lalaki.
Pero hindi siya nakilala ni Cormac. Siguro dahil hindi na siya si Lydia Rivera kundi si Naomi Mendoza na siya. Marami na ang nagbago sa loob ng pitong taon na nakalipas. Wala na rin ang dating taba sa katawan. Ngayo’y may taas na siyang 5’7 at sexy na sa bigat na higit 45 kilos.
Lumapit ang kanyang anak at umupo sa silya upang pakinggan ng doktor ang tibok ng puso. Habang papalapit, muling napatingin si Naomi kay Cormac. May malamig na hangin na dumaloy sa kanyang dibdib—pamilyar ngunit estranghero na rin ang lalaki. Hindi niya napigilang yakapin ng mas mahigpit ang balikat ng anak.
Hindi rin naiwasang mapako ang kanyang paningin sa mukha ng lalaki. Nakasalamin ito at taglay pa rin ang malamig na awra. Sa loob ng puting coat ay nakasuot siya ng puting long-sleeved shirt na halatang mamahalin ang tela. Habang nakikinig sa tibok ng puso ng bata, paminsan-minsan itong napapakunot-noo.
“Kailangan mas tutukan ninyo ang pangangalaga sa kanya araw-araw. Sa susunod na dalawa hanggang tatlong taon, dapat nang paghandaan ang operasyon. Alam n’yo naman ang magiging gastos,” paalala nito.
Napatingin si Cormac sa bag na dala ng babae—isang lumang itim na cowhide bag na kupas na ang hawakan. Ang sapatos nito’y simpleng puting canvas at kupas na maong. Halatang mahirap ang pamumuhay at sigurado siyang hindi nito kakayanin na maglabas ng malaking pera sa gastusin ng operasyon.
Karaniwan na ang ganitong tagpo sa ospital. Ngunit ngayon, hindi maiwasan ni Cormac na silipin pa ng ikalawang beses ang babaeng nasa harap niya.
Matangkad, petite, maputla ang kutis. Nakasuot ng mask at nakatali ang mababa nitong itim na buhok. Sa unang tingin, mukha pa ring bata. Ngunit may anak na itong anim na taong gulang.
Mahaba at makinis ang leeg nito, at may ilang hibla ng buhok na nakalaylay sa gilid, banayad na humahaplos sa kanyang balat. Nakayuko ang babae, iwas na iwas sa kanyang tingin, ni minsan ay hindi nagtangkang tumitig pabalik.
Nakatayo lang ito sa likod ng bata, tila isang estatwa wari’y bantay na laging nakamasid. Natatakpan ng malaking face mask ang halos kalahati ng kanyang mukha, kaya’t ang tanging kita lamang ay ang mga mata.
Simula nang pumasok ang babae, wala itong gaanong sinabi. Napakunot ng kaunti ang noo ni Cormac; inisip niyang baka hindi ito nasisiyahan na iba ang doctor na tumitingin sa bata. Marahil ay inaasahan nitong si Doctor Bautista ang makakausap, at dahil siya’y mas bata, iniisp ng babae na hindi sapat ang kanyang karanasan.
Napabuntonghininga si Cormac bago nagsalita. “Kung may alinlangan ka sa diagnosis ko, maaari kitang i-refer sa pediatric department. Naroon ngayon si Doc Pareja maaari mong dalhin ang anak mo para marinig din ang opinyon niya.”
Tahimik lang na tumango ang babae, nakayuko, at natatakpan ng kanyang bangs ang mga kilay.
“Excuse me,” mahina nitong sambit.
Pagkatapos ay kinuha niya ang medical records na nakakalat sa mesa, saka marahang umalis kasama ang kanyang anak.
Matamang tinignan ni Cormac ang papalayong likod ng babae. Muling bumigat ang kunot sa pagitan ng kanyang mga kilay bago siya bumuntong-hininga muli. Pagkaalis nila, inayos niya ang salamin sa bridge ng kanyang ilong at muling binalikan ang trabaho. Sunod-sunod siyang tumanggap ng ilang pasyente pa.
Ilang minuto ang lumipas, nagpasya siyang magpahinga nang kaunti. Nagpakulo siya ng tubig habang sinasagot ang isang tawag mula kay Alexis, dating class monitor sa high school.
“Magkakaroon ng reunion ang Class 3 sa ika-20 ng buwang ito. Kumpirmado nang lahat sa group chat. Nasa abroad ka noong mga nakaraang linggo, at ngayong nandito ka na, hindi ka puwedeng hindi sumama, Cormac.”
“Hmm,” tipid na tugon ni Cormac. “Titingnan ko kung may oras ako. Hindi pa kasi lumalabas ang bagong schedule.”
“Grabe ka, ang busy mo pa rin! Ang dami na nating reunion, pero ikaw at si Lydia lang ang laging wala. Naalala mo ba si Lydia? Siya ‘yung pinakamataba na kaklase natin noon. Pagkatapos ng graduation, parang bigla siyang nawala. Naalala mo pa ba siya?”
Biglang lumipad ang isip niya.
“Hoy, Cormac? Nakikinig ka ba?”
“Bakit hindi ka sumasagot?”“Mahina ba ang signal? Bakit hindi kita marinig?”Sa mesa, kumukulo na ang takure at nagsimulang umapaw ang mainit na tubig. Nabasa nito ang ilang papeles na nakakalat doon. Nanatiling nakaupo si Cormac, hawak ang telepono, ngunit tila wala sa sarili. Payapa ang kanyang mukha, subalit sa likod ng salamin ay magulo ang kanyang mga mata.
Bukas ang pinto ng klinika. Mabilis na pumasok ang isang nurse at nagulat.
“Dok, natapon na ang tubig! Ayos lang po ba kayo, Dr. Lagdameo?”
Parang natauhan lamang si Cormac mula sa malalim na iniisip. Tumayo siya, hindi nagsalita, at tumungo sa bintana. Mariing nakapulupot ang mga daliri sa teleponong hawak.
“Hindi ba siya talaga nakakadalo sa mga reunion?” malamig niyang tanong, ngunit dumilim ang kanyang paningin.
“Ha? Sino? Mahina ba ang signal d’yan?” sagot ng class monitor mula sa kabilang linya. “Si Lydia ba? Walang nakakaalam kung nasaan na siya, hindi rin ma-contact.”
Marami pang sinabi si Alexis, ngunit hindi na pinakinggan ni Cormac.
Samantala, ang batang nurse ay namula habang tinutuyo ang mesa at inaayos ang mga papel. Gusto sana niyang makipag-usap sa doctor, ngunit nang mapansin niyang tila tuliro ito at nakalutang sa sariling mundo, minabuti na lang niyang lumabas nang tahimik.
Nanatili si Cormac na parang walang naririnig. May tatlong pasyente pa siyang haharapin bago matapos ang umaga, ngunit hindi maganda ang kanyang kondisyon. Pinilit niyang ayusin ang sarili, at sa wakas ay natapos din niya ang buong sesyon.
Pagbalik niya sa mesa, binuksan niya ang drawer. Nandoon ang isang mahabang kahon na balot ng asul na ribbon. Dahan-dahan niya itong binuksan, at lumantad ang isang itim na fountain pen.
Nahulog iyon ilang araw na ang nakalipas. Anim o pitong taon na niyang gamit ang panulat na iyon, halatang-halata ang mga bakas ng paggamit—may mga kupas at gasgas na ang katawan. Nasira ito at nagtagas ng tinta, ngunit napaayos niya rin sa wakas. Hindi pa niya muling nagamit, nakatago lang doon.
Hinagod ni Cormac ang kanyang sentido. Biglang bumigat ang pakiramdam niya dahil sa pagod at para bang may kung anong alon ng alaala ang biglang bumalot sa kanya.
PINAUPO ni Naomi ang anak sa sofa. Puno ng alalahanin ang kanyang isip, at hindi niya mapigilang maalala ang nangyari pitong taon na ang nakalipas.
Birthday ni Cormac.
Puno ng pananabik si Naomi nang dumating siya sa pintuan ng isang private room. Ngunit ang sumalubong sa kanya ay ingay ng tawanan at kantahan sa loob.
“P*tà, ano ’yang nasa leeg ni Cormac? Kiss mark ba ’yan? Hahaha! Cormac, don't tell me nag-overnight ka sa bahay nong matabang ’yon?!”
“Imposible iyan, ‘di ba, Cormac?”
“Pero Cormac, totoo bang girlfriend mo ’yung babeng mataba?!”
“Grabe kayo, kahit patay ilaw, pareho pa rin naman ang butas! Hahaha!”
“Cormac, seryoso ka ba talaga? Nabasa ko ’yung tsismis sa forum, hindi ako makapaniwala. Nakikipag-date ka ba talaga sa matabang ’yon?”
“Eh kasi naman, lahat ng paraan ginawa ng babaeng ’yon. Ginamit pa ’yung issue kay Ace para ipilit ang sarili kay Cormac. Kung hindi, bakit pa siya magkakagusto sa isang baboy?”
Biglang sumingit ang boses ni Cormac.
Habang-buhay na tatatak kay Naomi ang tinig na iyon.
Marahil dahil kakaiba ang timbre ng boses ng lalaki: malalim, kaakit-akit, at hindi kayang tabunan ng kantahan o ng mapanuyang tawanan sa loob.
“Well, just for fun lang. Aalis na rin ako papuntang abroad next month.”
Nakatayo siya noon sa labas ng pintuan, namumula ang mga mata, at halos hindi makahinga sa sakit na bumalot sa dibdib niya.
Galing si Cormac sa isang makapangyarihang pamilya, kabilang sa mga pinakamayayaman. Hindi kailanman inasahan ni Naomi na may patutunguhan ang kanilang relasyon. Alam din niyang balang araw ay aalis ito papunta sa ibang bansa. At ngayong ika-21 kaarawan ni Cormac, plano na rin niyang wakasan ang lahat ng meron sila ng lalaki. Babati lang sana pero mukhang hindi na kailangan.
Hindi niya inasahan ang narinig mula rito. Ang pag-ibig na pinanghawakan niya ay tuluyang naging abo.
Humigpit ang kapit niya sa regalo sana kay Cormac. Isang itim na fountain pen.
Limang libing peso ang ginastos niya roon, pinaghirapan niyang ipunin sa loob ng dalawang buwan na pagtatrabaho sa part-time job niya.
Ngunit muli siyang tinudyo ng mga kaibigan ni Cormac.
“San galing ’tong mumurahing bagay na ’to? Siya ba nagbigay nito? ’Yung mataba?”
“Grabe, kailan pa gumamit ng ganitong klaseng cheap na brand si Cormac? Ang pangit.”
“Hay naku…”
Biglang hinila ng anak niya ang kanyang kamay at marahang inalog.
Nagbalik si Naomi sa kasalukuyan mula sa nakakasakal na alaala, saka niyakap ang kanyang anak. Tinitigan niya ang inosenteng mukha na unti-unting humahawig sa ama. Habang lumalaki ang bata, mas nagiging kapansin-pansin ang pagkakahawig ng mga mata at kilay nito kay Cormac.
“Mommy,” bulong ng bata, “’yung doctor ba kanina… si Daddy ’yon?”
Chapter 152Biglang natigilan si Cormac. Hindi siya pwedeng magkamali. Sa Laguna rin ang lugar kung saan sila nagkakilala ni Lydia.“Ako na lang ang magmamaneho. May lisensya naman ako. Ituring mo na lang na hiniram ko ang sasakyan mo ngayong gabi,” sabi ni Naomi, ang tinig niya ay may pagka-urgent, halos humihinga nang mabilis. Kailangan niyang makabalik sa ospital nang agad.“Baka magasgasan o masira mo ang kotse ko.” Napakalamig ng tono ni Cormac, parang wala siyang emosyon. “Modified ang kotse ko. Hindi ko ito ipinapahiram sa kung sino-sino lang.”Natigilan si Naomi. Kinagat niya ang kanyang dila sa pagkabigla at kaunting hiya. Oo nga naman, wala siyang karapatan na mag-suggest ng ganoon, lalo’t tila banal ang kotse sa mata ni Cormac. Pero nakaka-frustrate rin—kahit magkaroon man ng gasgas, kaya naman niya bayaran.Tiningnan ni Cormac ang mukha ni Naomi. Nakita niya ang bakas ng tuyong luha sa mga pisngi nito, at sa kabila ng init ng gabi, tila may pumiga sa kanyang puso.Tinapaka
Chapter 151Tumawag sa telepono si Naomi sa kaniyang lola at umuubo ang lola niya.“Nakainom ka na ba ng gamot?” tanong niya sa lola niya.“Gumaan naman na ang pakiramdam ko pagkatapos ko kumain kanina,” aniya. Gusto sanang umuwi agad ni Naomi, ngunit pinigilan siya ng kaniyang lola.“Masama ang panahon nitong mga nakaraang araw at biglang lumamig. Ano bang babalikan mo rito? Hindi ba’t sinabi mong uuwi ka na lang pagkatapos mong mag-resign sa trabaho? Kaunti na lang ang natitirang araw.” “Ayos lang ako dito. Magpahinga ka na lang diyan kesa magbyahe ka rito.” Narinig ni Naomi ang mahinang pag-ubo nito. “Tapusin mo na lang ang mga akailangan mo diyang gawin, saka ka umuwi dito.”“Sige po, La.” Ibinaba na niya ang tawag.Karamihan sa mga kapitbahay ng matanda ay lumipat na.Ang matandang babae, na nakasandal sa kaniyang tungkod, ay dahan-dahang lumabas ng bahay, at may isang kotse na unti-unting pumasok sa eskinita.Huminto ito hindi kalayuan sa bahay ni Lola Laida.Bagama’t hindi
Chapter 150Muling kumunot ang mga noo ni Cormac, nagpapakita ng isang halong pilit na ngiti.“Kailangan mo ring isaalang-alang ang nararamdaman mo. Ayokong pilitin ka, pero kailangan din nating magpatuloy. Kahit wala ng maging anak na magmamana, kailangan ng Lagdameo family ng tagapagmana iyon ang mahalaga.”Walang sariling anak sina Havoc at Ashley, tanging anak na ampon nilang si Maxine, na itinuturing nilang apo.Natural na nag-alala sina Olivia at Rigor.Bahagyang kumunot ang noo ni Cormac.Tahimik siya ng ilang segundo, ang kanyang itim na mga mata ay tila hindi maunawaan.“Sa anumang paraan, marami na tayong ampon sa pamilya. Kung gusto mo ng tagapagmana, puwede kayong pumunta ng Papa mo sa welfare center at pumili ng isa na iaampon at palalakihin sa ilalim ng pangalan ko.”“Hindi mo puwedeng sabihin iyon!” Hindi pangkaraniwan ang tindi ng mukha ni Olivia.“Kung magkakaroon ka ng lakas ng loob na sabihin iyon sa harap ng Papa mo, mag-ingat ka, baka ipataw niya ang disiplina ng
Chapter 149Mabilis ba yumuko si Cormac, kinurot ang magkabilang pisngi ni Yuan at bahagyang inangat siya. Mabigat nga ang bata.Agad namang lumapit si Glenn at kinuha ang bata mula sa gilid.“Ako na,” sabi nito.Magaan na binuhat ni Glenn si Yuan at inangat hanggang makaupo ito sa kanyang balikat.Malawak at maliwanag ang tanawin.Unang beses ni Yuan na makita ang mundo mula sa ganitong taas.“Wow!” napasigaw siya.Lumaki ang mga mata niya sa gulat at tuwa.Samantala, nanlilim ang mukha ni Cormac.“Bumaba ka,” malamig niyang utos.Napaurong si Yuan, bahagyang yumuko ang ulo.Tumingin ito kay Cormac na madilim ang expression.Malinaw ang pagkainis sa pagitan ng kanyang mga kilay.Naduwag si Yuan. Bumaba siya mula kay Glenn habang pinagmamasdan si Cormac. Pag-uwi niya, isusumbong niya ito sa kanyang lola.Nanatiling ilang metro ang layo ni Cormac sa kanila.“Lumapit ka rito,” sabi ni Cormac.Dahan-dahang lumakad si Yuan, parang pagong.Inabot ni Cormac ang bata, hinawakan siya sa kilik
Chapter 148“Ayoko pong sumama kay Manang Lorie,” mahina ngunit matigas ang boses ng bata habang nakayuko.Ayos lang naman sana na ito ang sumama, pero masyado na itong matanda. Wala silang masyadong mapag-usapan, ramdam ang agwat ng henerasyon. Iba pa rin kapag si Uncle Cormqc ang kasama niya—masaya, cool, at pakiramdam niya ay naiintindihan siya nito.Mas ayaw niya kay Manang Lorie kaysa sa pinsan niyang si Maxine. Mula pa noong maliit siya, hindi na talaga niya gusto makipaglaro kay Maxine.Kinurot ni Cormac ang pisngi ng bata. Namaga ang mga pisngi nito na parang pufferfish habang bumubuka-sara ang bibig.“Please, Uncle,” pakiusap ni Yuan.Tumango si Cormac. “Sige, tara na.”“Uncle, ikaw na talaga ang best uncle sa buong mundo!” biglang niyakap ni Yuan ang binti ni Cormac. Hindi na siya pinatapos magpalit ng damit—hinihila na agad pababa ng hagdan.Sa ibaba, nasalubong nila sina Havoc at Ashley.Yumuko si Havoc, hinaplos ang buhok ni Yuan, saka ito binuhat. “Mukhang hindi ako ang
Chapter 147Dumating sina Naomi at Neriah sa bahay ni Lola Maria. Umaalingasaw mula sa kusina ang masarap na amoy ng nilulutong pagkain. Pinaupo ni Naomi ang anak sa sala upang manood ng cartoons, saka siya nagtungo sa kusina. Naghugas siya ng kamay at tumulong kay Lola Maria.May bahid ng lungkot sa mukha ng matanda.Umuugong at bahagyang nanginginig ang range hood—isang lumang modelo na kapag umaandar ay tumutulo pa ang mantika. Napatingin doon si Naomi at naisip niyang bago siya tuluyang umalis, kailangan niyang ibili si Lola Maria ng bago.Kapag hindi binabanggit ng mas nakababata, ang mga matatanda ay laging nagtitipid— nagtitipid sa pagkain at damit, at tinitiis kahit may karamdaman.Bumuntong-hininga si Lola Maria. “Kung talagang kailangan mong umalis, sobra kitang mami-miss… pati ang bata.”“Madalas naman po akong babalik,” sagot ni Naomi.Hindi napigilan ni Lola Maria na magtanong, “Talaga bang wala kang nararamdaman para sa anak kong si Glenn? Kahit kaunting gusto man lang?







