Chapter 130 – Lumantad na!“Hinahanap na nga po siya ni JJ. Subalit may mga bagay pa kaming aayusin ni James. Isa pa, hindi pa tapos ang pinapagawang bahay ni James sa Corinthian Hills!”“Nagpapagawa na ng bahay si James?” nagtatakang tanong ni Papa.“Malapit na nga pong matapos. I am sure magugustuhan ni JJ doon dahil may swimming pool ito.” sagot ko. “O sya, babalitaan na lang kita kapag may resulta na!” sabi ni Papa.Alas tres na ng hapon kaya umalis na ako sa opisina. Isosoli ko pa ang kotse ni James. Dadaan muna ako sa tindahan ng mga prutas para may pasalubong naman ako sa Mommy ni James.Pagdating ko sa bahay ng Mommy ni James ay pinatuloy na ako na kanilang kasambahay sa garden kung saan nandoon ang Mommy ni James at kausap si Jasmine na kapatid ni James.“So, what brings you here, gold digger? Manghihingi ka ng pera kay Kuya James?” pa-ismid na sabi ni Jasmine.“Ha?.. a..e.., isosoli ko lang yung kotse ni James.” sabi ko.“Aba! Pati kotse ni kuya hinihiram mo na!” g
¹Chapter 129 – Naghahanap ng Ama.“James, magpahinga ka na para mabilis makarekober ang katawan mo.” payo ko kay James. Bukas after work, dadaan ako diyan para isoli ang kotse mo. Ano ang gusto mong pasalubong?”“Ikaw! Ikaw ang gusto kong pasalubong!” sagot ni James. “Matulog ka na! Bye!” nangingiti kong paalam.Ano ba naman itong si James parang bata! Nadadalas ang paglalambing! Hindi na ako nakatulog kaya gumawa na lang ako ng mga advertising pitch para sa L'Oreal-USA. Ayaw kong mapahiya sa L'Oreal dahil sila ang pinakamalaking kontrata namin so far.Ako na ang naghatid kay JJ sa school kasama si yaya at susunduin na lang ni Mama mamaya. Malapit ng matapos ang school year at kinder 2 na si JJ sa susunod na pasukan. Kailangan ko pa lang kausapin ang teacher ni JJ, kaya dumaan muna ako sa kanya. “Good morning, Mrs. Vergara!” bati ng teacher ni JJ.“Mam, gusto ko lang malaman kung may psychologist kayo sa school para ma-assess ang IQ ni JJ. Kausap ko siya kahapon ang he seems
Chapter 128 - Mommy?Malungkot na nakatitig si JJ sa katabi naming mesa na may isang pamilyang masayang kumakain. May nanay, tatay at anak.“Mommy? Do I have a Daddy?” malungkot na tanong ni JJ.“Of course son, you have a Daddy!” mabilis kong sagot.“How come I have not seen him? Daddies should be with his family!” sabi ni JJ. “Mommy? Am I an illegitimate son? A bastard?”“No!!! Who told you that? You should not be talking of things like that!” galit kong sabi kay JJ. “I heard from my classmates that they have only seen my Daddy once. Remember last Father's Day, when I asked a stranger to pretend as my father? They said that I am probably an illegitimate son.” maiyak-iyak na sabi ni JJ.Niyakap ko siya para kumalma. Diyata't na-bubully ang anak ko sa school dahil wala itong ama? “JJ, you have a Daddy!” paniniguro ko sa kanya. “It's just that he is not here!”“Even if he is not here, how come he doesn't even talk to us over the phone? Or perhaps thru video call?” paggiit ni J
Chapter 127- Batambatang sugar baby!Sumang-ayon ang Daddy at Mommy ni James gayun din si Atty. Ramirez sa suggestion ni Kuya Phillip na mas simple at mas mabilis ang resulta sa pagkuha ng DNA sample mula kay Michelle kapag may kasapakat mismo sila sa ospital. Tinawagan agad ni Kuya Phillip ang aming private investigator at pinaliwanag ang napag-usapan namin. “Boss, madali lang yan! Kilala ko yung midwife na tumitingin sa babae. Basta ang resulta ng DNA Test ay contained lang sa grupo natin. Malalaman mo bukas kung magkano ang hihingiin noong nasa ospital.” sagot ng PI na naririnig namin dahil naka-speaker phone si kuya. “Isa, pa, kabuwanan na nung babae kaya weekly na ang konsultasyon niya.”“O narinig ninyo, okay na!” paniniguro ni Kuya Phillip.“Pero gusto ko pa ring gawing legal ang lahat. Atty. Ramirez, ihanda mo na lang ang kasong puwede nating i-file sa babae kung sakaling magprotesta ito at ipilit ang kanyang gusto.” sabi ng Daddy ni James. “I will do that Mr. Vergara.
Chapter 126 – Ang Tanga ni James!Alas nuwebe ng umaga na kami nakarating sa bahay ng Mommy ni James sa Corinthian Gardens. Nandoon na si Kuya Phillip at Atty. Ramirez, ang lawyer na kaibigan ng Daddy ni James. Nasa dining table at nag-aalmusal ang Mommy at Daddy ni James kasama sina Kuya Phillip at Atty Ramirez ng dumating kami ni James.“Halika na kayong dalawa. Join us for breakfast.” aya ng Daddy ni James.“James! Ano ang nangyari sa iyo?!?! Ang payat mo at nangangalumata pa yang mga mata mo!” gulat na sabi ng Mommy ni James. “Ninang Rose, kung nakita mo siya kahapon lalo mo siyang hindi makikilala. Para siyang taong grasa! Mahaba ang buhok, bigote at balbas! At ang baho-baho!” sabi ko.Lumapit naman si James sa Mommy niya at hinalikan ito sa pisngi. “Bakit nandito sina Atty. Ramirez at Phillip?” tanong ni James sa kanyang Daddy. “May problema ba?”“Ikaw ang problema, James! Pinapabayaan mo ang iyong sarili. Pati negosyo natin, pinabayan mo na rin!” sagot ng Daddy ni James.
Chapter 125 - Isa pa?Sa condo ni James ako matutulog ngayon gabi. At least kahit isang gabi ay mabantayan, mapakain at mapatulog ko siya. Balak ko kasing patirahin siya sa Mommy niya kahit isang buwan lang. Pinalitan ko ng fresh beddings ang kama niya para malinis at mabango ito. Maaga kaming kumain ng hapunan kaya alas sais pa lang ng hapon ay pinag-hot shower ko ulit si James para masarap ang kanyang tulog. Tunay nga, wala pang 15 minutes ay parang baby na himbing na himbing sa pagtulog si James. Naligo na rin ako habang nakasalang sa automatic washing machine ang mga damit ko at ni James. Pagkatapos maligo ay yung spare na roba ni James ang ginamit ko. Tinawagan ko ang Mommy ni James gamit ang cellphone niya. “Hello, Ninang Rose, si George po ito! Nandito ako sa condo ni James ngayon. Gusto ko pong magrequest sa inyo. Puwede po bang sa inyo muna tumira si James para may kasama siya at para mabantayan kung kumakain siya?” pakiusap ko sa kanya.“George, ihatid mo siya dito bu