Share

Chapter 15

NAKASILIP sa bintana ng kuwarto niya si Olive. Lumabas na ang asawa niya ng kuwarto nito. At mukhang inihatid nito ang babae hanggang sa gate.

Namumugto ang mga mata niya. Pakiramdam niya ngayon wala siyang ganang pumasok sa University.

"Olive, kaya mo 'yan. Fight! Fight! Fight!" pilit niyang pinalalakas ang loob niya. Pero kapag naalala niya ang mga sinabi ni Nickson kagabi ay halos nawawalan na siya ng lakas para ituloy ang pagsasama nilang mag-asawa.

"Hintayin mo na lang na magsabi sayo. At kapag nagsabi na. Wala kang choice kung 'di to let go," sabi ni Olive sa isip. Napasinghot na siya. Nagbabadya na naman ang luha niya. Masakit, sobrang sakit. Kung puwede lang maging manhid na lang ay gagawin niya para hindi siya nasasaktan ng ganito.

Mas lalong lang sumama ang loob ni Olive ng makitang hinalikan nung babae ang asawa niya sa labi nito. Napatalikod siya bigla.

"Please, huwag ka nang umiyak. Please" umiiyak na pakiusap ni Olive sa sarili. Hindi iyon nangyari. Bumagsak pa din ang l
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status