Home / Romance / My Ex-husband's Regrets / KABANATA 4 (part 1)

Share

KABANATA 4 (part 1)

last update Last Updated: 2024-11-19 21:04:36

BINITAWAN na ni Vash si Hyacinth kaya nanghihina siyang napaupo. Pinanood niya ang asawa na mayroong kinuha sa kabinet sa kanyang table sa kwarto. Isa iyong papel at isang ballpen. Napalunok siya ng sunod-sunod kasabay ang pagwawala ng puso niya sa loob ng dibdib niya.

"Sign it. Sign this annulment paper and leave this house." Inilahad nito ang annulment paper sa harap niya. Nagmamakaawang tumingin si Hyacinth habang umiiling.

"Ayokong hiwalayan ka..." Garalgal na boses niyang anas. "...please, babe."

"Girl, hiwalayan mo na ang baby ko. Tapos na ang kontrata niyo. Matagal na niya akong gustong pakasalan at dahil letche kang sagabal sa relasyon namin ay hindi namin magawang magpakasal!" Pakikisabat ni Megan pero ang mata niya ay nakay Vash.

"Desidido ka na bang hiwalayan ako? Hindi mo na ba ako mahal? Kasi ako mahal na mahal kita, Vash. Sobrang mahal kita. At sobrang umaaasa ako na bibigyan mo ng chance ang anak mo... please kahit si Sean lang ang isipin mo. Si Sean lang. Kahit hindi na ako. Please, accept him. He is your son. Ayokong lumaki siya ng walang ama," pagsusumao niya at lumuhod para kumapit sa mga kamay niya.

Nanginginig ang panga ni Vash habang pinagmamasdan si Hyacinth. Hindi ito kaagad nakasagot at tanging madilim na ekspresyon ang namamayani sa kanilang dalawa.

"And to inform you..." Lumapit si Megan sa harap ni Hyacinth. Tuluyan nang gumuho ang mundo nang ipinakita niya ang isang bagay na hindi niya kayang tanggapin na ibinigay iyon ni Vash sa kanya. "...We are engaged."

Singsing. Isang engagement ring sa daliri ni Megan.

Luhaan siyang humarap kay Vash. Umiiling siya ng paulit-ulit.

"N-Nagpropose ka na sa kanya?"

Bakit? Bakit niya nagawa 'yon? Kasal pa sila, bakit siya nagpropose kay Megan?

"Vash, answer me. Totoo ba 'yung sinasabi niya? Ganun-ganun na lang 'yon? Akala ko ba ako lang? Akala ko ba mahal mo ako?" She may look pathetic in front of Megan pero mas ininda niya ang sakit na nararamdaman.

"Since you betrayed me, I have forgotten that I loved you and that you are my wife, Hyacinth. Whether you like it or not, you will sign this annulment paper. I desperately want to remove my surname from your name." Inihapag ni Vash ang papel at tinalikuran si Hyacinth. "I will take that from you tomorrow, if you do not sign it, you will be in trouble with me. And to answer your question, yes, I gave that ring to Megan because I am willing to marry her. I am willing to dedicate my entire life to her along with our son. You no longer hold a place in my heart."

Hinila na ni Vash si Megan papasok sa kwarto nila. Puno ng patak ng luha ang annulment paper habang hawak ni Hyacinth ito.

Paano na sila ng anak niya?

"I-I can't believe he just threw his feelings for me."

Paika-ika siyang bumalik sa kwarto nila ni Sean habang pinagmamasdan ang pirma ni Vash sa ibabaw ng pangalan niya. Todo punas siya ng mukha habang dire-diretso sa banyo. Naramdaman niya ang pandidiri sa sarili dahil naalala niya kung gaano sinulit ni Vash ang katawan niya ngayong gabi.

Bukas susubukan niya pang pakiusapan ito. Lasing siya ngayon kaya wala siya sa tamang isip niya. Sana lang ay kapag matino na siya ay babawiin niya lahat ng sinabi. Ngunit nawawalan siya ng pag-asa sa tuwing iniisip niya ang engagement ring ni Megan.

Nakakaselos. Nakakaiyak. Parang gusto niyang manakal ng kabit.

Humiga siya sa tabi ni Sean kahit papaano ay may kaunting positibo sa isip niya. Ang anak niya ang nagbibigay sa kanya ng lakas. Ang anak niya ang naging sandalan niya. Ang anak niya ang nagbigay ng liwanag sa buhay niyang nandidilim na dahil sa pagiging martir.

Hindi masisisi ang gaga kung sa katawan pa lang ni Vash ay patay na patay na siya.

Alas kwatro pa lang ay tumayo na si Hyacinth upang ipaghanda ng aalmusalin ang asawa. Walang buhay ang mukha niya habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Mamayang tanghali pa ang pasok ni Sean kaya mamaya na lang niya ito gigisingin.

Nasa kalagitnaan siya ng hagdan nang pagmasdan niya ang malawak na mansyon ni Vash na tinirhan niya ng halos anim na taon. Kung sakali mang uuwi na siya sa kanila ay mamimiss niya ang bahay ni Vash. Mamimiss niya ang asawa niya ng sobra.

Kay aga-aga ay pagpatak ng luha kaagad ang inalmusal ni Hyacinth. Inayos niya ang mga lulutuin at sinimulan niya na itong pagalawin. Mamayang 5:30 lalabas si Vash at bihis na bihis na siya n'on ng kanyang business suit.

Matapos niyang magluto ay pumasok siya sa kwarto ni Vash kung saan siya nakipagtalik sa asawa kagabi. Dito siya nagpaplantsa ng mga suot nito. Twenty-two years old pa lang si Vash Arsean Ferrer n'ong maging CEO na siya ng kanilang jewelry business. Marami rin silang pag-aaring hotel and resorts na talaga namang pumapatok sa mga tao at palagi itong pinupuntahan dahil sa magandang theme, ambiance at services nito.

Napakatalinong tao ni Vash at walang makakalinlang sa kanya. One of the youngest billionaires siya rito sa bansa. Ganun ka proud ang parents niya sa kanya but in order to have the inherits ay kailangan niyang magpakasal para sa lolo niyang pumanaw na three years ago.

Sa kanya niya rin nakuha ang pangalan ni Sean which is 'yung Arsean ni Vash.

Sean Vander Hilton naman ang buong pangalan ng anak nila. Hilton was Hyacinth surname, and yes apilido niya ang gamit sa anak.

At ang anak ni Vash kay Megan ay nakaapilido sa kanya. Gaeun Yul Ferrer.

Nang matapos siya sa pagpaplantsa ay inihapag niya ito sa kama ni Vash. Pagkalabas niya mula sa kwarto ay bumukas ang kwarto nila ni Megan. He was topless and had messy hair. They both exchanged glances devoid of any discernible emotion. She bowed her head to avoid meeting his cold stare.

But...he is incredibly attractive and handsome. Her body is heating up for her husband. She hopes that she can once again touch his abdominal muscles and feel his manhood within her.

"Good morning, babe," pinilit niyang hindi mautal.

Darn, Vash. Why are you seducing her? Hindi mo alam kung gaano na nagmamakaawa ang kanyang mga kamay na haplusin ang iyong matipunong katawan.

"What's good in the morning?" malamig nitong tanong at dire-diretso sa kwarto niya. Tanging pagsarado lang ng pinto ang pumantig sa tainga ni Hyacinth. Mabigat na buntong-hininga ang nailabas niya.

Okay lang. Gwapo naman eh. Younger looking ang loko, tsk.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Ex-husband's Regrets   KABANATA 37 (part 2)

    Megan stood up, arms crossed over her chest. "Nice to see you too," sarkastikong sabi niya.Siya pa talaga ang may ganang magtaray, huh?"Answer me. Who let you in?" His voice was low, dangerous. "Wala ka nang karapatang tumapak sa bahay ko. After you ruined my life?"A soft voice echoed from the top of the stairs. "Sorry, Dad."Vash looked up and saw Gaeun holding onto the railing, fidgeting with the hem of his oversized shirt."She said she just wanted to talk. I thought... I thought it would be okay. I miss mommy as well. I always feel alone. You're not here always, that's why I let her in. Besides, you love her, right? What happened to the both of you? I thought you'll marry my mother?"Vash closed his eyes briefly, inhaling deeply before facing Megan again. Hindi na niya papansinin si Gaeun dahil ayaw niya pang magkwento sa nangyari sa pagitan ng nanay niya. "Get out, Megan. Baka hindi kita matantya.""No, Vash. May karapatan pa rin ako rito," matigas na sabi ni Megan at inakbay

  • My Ex-husband's Regrets   KABANATA 37 (part 1)

    HYACINTH sat on a plush navy-blue couch while her legs crossed, her fingers anxiously toying with a spool of thread she’d picked up from the coffee table. Levi stood across her, arms folded, a silk measuring tape draped casually around his neck like a scarf. Nandito sila ngayon sa fashion house ni Levi. "So, let me get this straight," Levi started, raising a brow. "You agreed to live under one roof with Vash? Akala ko ba hati lang kayo sa isang week? Sus, gusto mo lang siyang makasama. Hindi ba nga pinagmamalaki mo pa sa akin na never kang papayag? Na never kang matutulog doon sa mansyon niya? Aysus. Puro salita!"Hyacinth avoided his eyes. "It’s not like that. Wala lang talaga akong choice, Levs. Para kasi akong nangungulila kapag 'di ko katabi matulog ang mga bata or kapag naiisip ko na wala sila sa condo at 'di sila nakakasabay sa pagkain. Alam mo naman na inlove ako sa mga anak ko."Levi let out a sharp chuckle, shaking his head as he leaned against the edge of his worktable. "No

  • My Ex-husband's Regrets   KABANATA 36 (part 2)

    Humarap si Sean sa kanya na may tingin na hindi mabasa kung anong emosyon ang meron siya. "I still remember when he told me I would never be his son. He didn’t even want me near him. He only ever wanted Yul as his child.""No, that’s not true," mabilis na sambit ni Vash, halos nagmamakaawa ang boses."Yes, it is," ganti ni Sean. Tumayo ang balahibo ni Hyacinth sa tigas ng tinig ng anak. "I heard it with my ears. So why are you pretending now?""Siyempre hindi siya nagkukunwari, apo," sabat ng ina ni Vash, pilit na pinapakalma ang sitwasyon habang inaabot ang kamay ni Sean. "He regrets that he lost you. He’s here now to make things right. At saka hindi naman si Gaeun ang paborito niya. Favorite niya kayong tatlo."Ngunit tinabig ni Sean ang kanyang kamay. "No." Kumalas siya sa hawak ng lola niya at tumingin sa lahat ng nakapaligid sa mesa. "And all of you, didn’t you always tell Yul that you hated me because I was Mommy’s other child? Why are you here now? Si Shayne lang naman ang anak

  • My Ex-husband's Regrets   KABANATA 36 (part 1)

    MRS. FERRER leaned forward. "We’re not here to blame anyone. Oo, naiintindihan ko na nasaktan ka ni Arsean. Pero nalaman naman namin ang totoo na sinira lang niya kayo ni Megan. Kaya nga kami nandito eh. Vash has rights as a father. And those kids deserve to know their full family. Pinalayas na namin si Megan after we learned the truth. Magalit ka kung hinayaan lang namin ang totoo. Nakikita naman namin kay Arsean na nagsisisi siya sa pagtatalikod niya sa inyo. Pero hindi naman ata tama na hindi mo siya pinapayagan kahit makita lang ang mga bata."Hyacinth swallowed hard. She hated how her throat tightened. At saka ayaw niyang pag-usapan ang bagay na 'to ngayon pero wala eh, nangyari na eh.Hyacinth knows na nagsisisi naman si Vash at masaya naman siya kahit papaano na nabulgar na 'yung kawalanghiyaan ni Megan. Pero kasi...hindi pa sapat 'yung panghingi ng tawad ni Vash."I’m just scared," she admitted. "One wrong move, and I lose them. Ayoko siyang payagan dahil baka kunin niya lang

  • My Ex-husband's Regrets   KABANATA 35 (part 2)

    Everyone settled around the table. It was a little tight, but warm. Vash sat beside Hyacinth, across from his parents. Shayne sat in the middle of her two grandfathers, swinging her legs under the chair.Sa isip ni Hyacinth habang masama ang tingin kay Vash, 'Talagang nakipwesto pa sa tabi ko. Papansin talaga.'Parang bumalik ang alaala ng mga panahong buo pa sila. N'ong time na minsan na silang nagsalo-salo. Iyon nga lang ay kasama si Megan."Where’s Sean?" tanong ni Mr. Ferrer na mapagmasid ang tono. "I didn't see him yet."Oo nga pala... si Sean pala wala rito."I’ll call him po," Hyacinth offered at mabilis na tumayo mula sa kinauupuan."Can I come?" tanong ni Vash, sabay tayo rin.Tatanggihan na sana niya, pero lahat ng mata sa lamesa ay nakatingin sa kanya.Hindi na siya umimik at dumiretso sa kwarto ng anak niya at hinayaan si Vash na sumunod sa kanya. Pagpasok niya, malamig ang kwarto. She saw Sean lying on the bed, playing with his gadget."Baby," tawag niya na malambing ang

  • My Ex-husband's Regrets   KABANATA 35 (part 1)

    "IT'S been a long time. You’re looking well," komento ni Mr. Ferrer habang maingat na tinitigan ang paligid ng condo ni Hyacinth. Napakasuabe pa rin magsalita at ang gwapo pa rin na kahit halata na may edad na ito.Hyacinth blinked, still confused. "O-Opo, sir." Agad siyang lumayo kay Vash, at kahit hindi niya ito tiningnan, ramdam niyang nakatitig ito sa kanya.Duh! Kinikilabutan siya sa titig niya. Can he stop staring at her? Dukutin niya mata mo, Vash!"Sir? Ang formal mo naman. I miss you calling me dad as well or tito," ani Mr. Ferrer.What? Nakakahiya kaya kung tatawagin niya ito ng ganun. Hindi na sila mag-asawa ni Vash."Mr. Ferrer!" biglang tawag ng ama ni Hyacinth mula sa loob, kaya’t napalingon ang kanyang ina na nasa sala rin."Mikey, you're here. I just found out through Arsean that you made it up with your daughter," anang ama ni Vash habang nakikipagkamay sa ama ni Hyacinth. Nagkasundo na sina Mr. Hilton at Mr. Ferrer, at mas lalong natanggal ang galit ni Mr. Ferrer sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status