Share

My Ex-husband’s brother, My billionaire secret
My Ex-husband’s brother, My billionaire secret
Author: Ilog Isda

KABANATA 1

Author: Ilog Isda
Mula nang maikasal si Gianna Rosalie Montero kay Jaxton Collins ay hindi na sumagi sa isipan niya na maghihiwalay sila. Dahil labis niyang mahal si Jaxton, handa siyang mamatay para sa kanya. Handa siyang mamatay para sa asawa – lahat ay gagawin niya para rito. Ngunit ang inaakalang masayang pagsasama nila ay naglaho nang bumalik ang kanyang unang pag-ibig.

Ang tunay na nagmamay-ari ng puso ni Jaxton.

...

Nasa hospital si Gianna.

Sa isang mahinahon ngunit walang pagkiling na tinig, ipinaliwanag ng doktor, "Misis Collins, ang naging epekto ng pagkalaglag sa inyong katawan ay malubha. Ikinalulungkot kong sabihin, ngunit ang inyong kakayahang magdalang-tao ay lubhang naapektuhan. Mahalagang maghanda kayo, pisikal man at emosyonal, sa katotohanang ito – maaaring hindi na kayo magkaanak pang muli.”

Biglang nagulumihanan ang utak ni Gianna sa narinig. Para sa batang ito, tatlong taon siyang naghanda at naghintay, at dalawang buwan pa lamang ang nakalipas nang siya'y magbuntis. Naging doble ingat siya – mula sa kilos niya at mga pagkaing kinakain ay sinisigurado niyang lahat ay dekalidad at malinis. Umiinom rin siya ng mga vitamins sa tamang oras.

Kaya paanong nangyari ito?

Kaninang hapon, nang siya'y lumabas para may bilhin ay biglang may tumabing sasakyan at naging dahilan iyon upang madapa siya.

Kumuunot ang noo ng doktor, "Misis Collins?"

"Sige, naiintindihan ko. Salamat, doktor."

Ayaw ni Giana na magpakita ng kahinaan sa harap ng iba, kumurap siya at pilit na pinaurong ang mga luha – pinipilit na magmukhang matatag. Inayos niya ang suot na damit saka tumayo – kahit pa masakit ang buong katawan niya ay hindi na niya kayang manatili pa sa lugar na ito. Naglakad siya at umalis.

l

Sa kanyang likuran, may nagsatsatan ang mga nurse, "Malaking bagay ito, bakit wala ang kanyang asawa? O kung sino man na maaaring sumuporta sa kanya sa sitwasyong ito?"

"Sinabi mo pa, kanina sa kanyang dilation and curettage procedure ay halos mahimatay siya sa pag-iyak. Tinawagan niya ang asawa niya, nagmakaawa siyang pumunta ito sa ospital – ngunit ‘di man lang sumipot. Asawa ba talagang maituturing ‘yon?”

"Naku, kitang-kita naman na hindi siya mahal! Hindi pa ba sila maghihiwalay? Halata naman na hindi siya mahal, kasi kung mahal siya hindi siya mag-iisa sa ospital. Wala rin ibang tao na nagmamalasakit sa kanya.”

Lumayo na si Gianna, kaya hindi na niya narinig ang kasunod na usapan. Hindi na n iya kayang makinig pa – pakiramdam niya ay nanliliit siya sa mga salitang naririnig mula sa kanila.

Sa totoo, hindi man lang pumayag o nagsabi si Jaxton na pupunta siya sa hospital. Tila ba wala itong pakialam sa sitwasyon niya at mas kinasama pa ng loob ni Gianna nang sbaihin nito sa kabilang linya na, “Kung nawala ang bata, edi nawala. Ano bang iniiiyak mo d’yan? Hindi mababalik ng luha mo ang buhay ng bata.”

Nang marinig niya iyon ay parang pinagsasaksak ang puso ni Gianna. Kahit man lang sana sa pagkawala ng batang dinadala niya ay magpakita ang asawa niya ng pakialam ay wala rin. Kung siya lang ayos lang sana, eh. Pero nawalan sila ng anak – pero para sa asawa niya ay parang normal na bagay lang iyon.

"May ginagawa ako ngayon, huwag mo akong istorbohin! Kung wala kang importante pang sasabihin ay h’wag na h’wag kang tatawag sa akin ulit.”

Pagkatapos, ilang beses pang tumawag si Gianna, ngunit wala ni isa man sa tawag niya ang sinagot nito.

Sa loob ng tatlong taon, palaging ganoon ang trato ng asawa niyang si Jaxton sa kanya.

Sa totoo lang, nasanay na siya.

Tatlong taon na ang nakakalipas, hindi inaasagan ni Gianna na makikilala niya si Don Javier – ang lolo ni Jaxton. Tinulungan niya ang matanda at nagustuhan siya nito, kaya itinulak niya na magkalapit si Gianna at Jaxton. Kinalaunan ay nagsuhestyon ito na magpakasal ang dalawa. Iyon ang naging rason kung bakit siya naging Mrs. Collins.

At nang maging Mrs. Collins siya – imbes na umayos ang pagsasama nila ni Jaxton ay mas lalong umayaw ito sa kanya. Napipilitan lang dahil sa Lolo nito at kapag wala ang Lolo nito ay pinapadama nito kay Gianna na asawa lang siya sa papel.

Medyo bumuti lang ang pakikitungo nito sa kanya nang mabuntis siya ilang buwan na ang nakalilipas. At hindi niya inaasahang mangyari iyon.

Inayos ni Gianna ang kanyang sarili at naghanda na pumara ng taxii para umuwi at magpahinga, nang may sumulpot na mensahe sa kanyang telepono.

Ito ay mula sa matalik na kaibigan ni Jaxton na si Richard, nagpadala siya ng isang video.

Pinindot niya ito.

Sa simula ng video ay isang malaking bukete ng rosas, hindi bababa sa 999, napakarami hindi halos magkasya sa screen.

Lumipat ang lens pakaliwa, at lumitaw si Jaxton, at may isang babae sa tabi niya.

Lari Elaine Santibanez.

Biglang kumibot ang mga mata ni Gianna, at biglang humigpit ang kapit niya sa cellphone. Parang mas naging manhid ang buong katawan niya sa nakikita.

Sa video, may mga nagsigawan, "Lari, alam ni Jaxton na uuwi ka ngayon at matagal na niyang inihanda ang welcome party para sa iyo! Siniguro niyang engrande ang welcoming party mo.”

"Hindi pa ba kayo magyakap? Isang yakap ng pasasalamat naman d’yan kay Jaxton!"

"Anong yakap! Diretso halik, dati naman kayong naghalikan. May video ako noong naghalikan kayo dati ng tatlong minuto, hanggang ngayon hindi ko pa rin nabubura. Baka sakaling kailanganin niyo ng copy, I will send it to you guys.”

Umiling si Lari, "Hindi mo kailangang i-save ‘yon. T-That’s something you need to delete–”

Bago pa man niya matapos ang pagsasalita, niyakap siya ni Jaxton, "Lari, welcome back."

Napakalambing at natural ng kanyang tono at aksyon.

Na ikinagulat ng grupo at nagsigawan, "Tingnan ninyo, wala man lang pakialam si Jaxton!"

"Halik! Halik!"

Doon natapos ang video. Dahil binura ang mensahe.

【Pasensya, nagkamali ako ng pagpapadala.】

Napakabilis ng pagbawi, malamang naisip ni Richard na hindi niya ito napansin agad, kaya hindi na niya ipinagpatuloy ang pagpapaliwanag.

Matagal na tinitigan ni Gianna ang chat box. Habang tinitigan niya ito ay nakangiti siya.

‘Yon pala ang mahalagang bagay na tinutukoy ni Jaxton… Ang importanteng bagay na ginagawa niya.

Ginugol ni Gianna ang buong tatlong taon, sinusubukang painitin ang puso ni Jaxton, ngunit bago pa man ito mahulog sa kanya, bumalik na ang kanyang unang pag-ibig.

Ang puso ni Jaxton ay lalong hindi mapapasa kanya. At dapat na siyang magising sa mapanaginip na ito. Tama na ang tatlong taong sinakripisyo niya – ang tatlong taong ginugol niya sa maling tao. Tapos na ang fairytale na inaakala niya.

Pag-uwi ni Gianna, inayos niya ang kanyang mga gamit.

Dahil simple lang ang kanyang buhay at trabaho sa mga nakaraang taon, bihira siyang bumili ng mga bagay para sa kanyang sarili, maliban sa mga kinakailangang damit at dokumento. Wala masyadong dapat dalhin, at kasya lamang ito sa isang 26-inch na maleta.

Sa loob lamang ng kalahating oras, tapos na siyang magligpit at maglinis. Pagkatapos ay naghintay na siya na umuwi ang asawang si Jaxton. Hinahanda niya ang sarili sa magiging usapan nilang dalawa.

Ngunit ilang oras ang lumipas ay hindi pa rin dumarating si Jaxton. Hanggang sa alas-dos na ng madaling araw, bumukas ang pinto at dumating ito. Dumaan si Jaxton sa sala, at nagkasalubong ang kanilang mga mata.

Hindi rin siya nagulat.

Sa maraming huling gabi, ganito siya — hinihintay ang asawang umuwi mula sa trabaho at night out kasama ang mga kaibigan nito. Pero sa pagkakataong ito ay hindi trabaho o pakikipag-inuman kasama ang mga kaibigan nito ang rason.

"Nakalabas ka na paa ng hospital. Akala ko sa makalawang araw ka pa uuwi. Hindi ba naoperahan ka? Bakit hindi ka pa natutulog?" Walang emosyon ang tono ni Jaxton, at walang pagmamalasakit na mararamdaman.

Parang hindi man lang ito nalungkot sa pagkawala ng anak nila.

"Naghihintay ako sa iyo."

Mula nang pumasok siya, tinitigan ni Gianna ang kanyang mga labi. Maganda ang hugis ng labi ng lalaki, nakasira at halatang hindi natutuwa sa kanya. Ang kuwelyo ng kanyang puting kamiseta ay may marka ng lipstick, at pati sa leeg ay mayroon din.

Naghalikan sila – baka higit pa roon ang ginawa nila. Hindi naman siya tanga para isiping nag-usap at nagyakapan lang ang mga ito.

Parang napunit ang puso ni Gianna sa mga imaheng nagsusumiksik sa isipan niya.

Sa tatlong taon nilang mag-asawa, iilang beses lang na may nangyari sa kanilang dalawa, at lahat ay dahil kay Don Gustavo. Nagpupumilit na magkaroon na ng apo mula sa kanilang dalawa dahil hindi na raw siya bumabata pa.

Hindisiya nito hinahalikan, palagi siyang direkta sa punto, at ramdam niya na walang pagmamahal. Siya ay napapahamak sa proseso, at pagkatapos nilang mag-isa, gusto niyang humingi ng yakap sa asawa, ngunit imiiwas ito at laging nagdadahilan na maliligo o magbabanyo.

Parating malamig ang pakikitungo nito sa kanya – parang diring-diri sa mga haplos niya. Daig niya pa ang may nakakahawang sakit kung iwasan siya ng sariling asawa niya.

Nakita ni Jaxton ang maleta sa tabi niya, at naintindihan niya agad ang mangyayari, "Nakita mo na ang video ni Richard?"

"Oo, nakita ko ito." Nang lumapit siya, naamoy ni Gianna ang matapang na amoy ng alak, at ang nakakadiring amoy ng pabango na alam niyang hindi mula kay Jaxton kung hindi sa babaeng kasama nito.

"Maghiwalay na tayo..."

Bago pa man niya matapos ang pagsasalita, malamig na sumingit si Jaxton.

“Dahil alam mo na ang lahat, maghiwalay na tayo. Alam mo naman ‘to sa simula — kung hindi umalis si Lari, hindi kita rin pinakasalan. Kahit pa itakwil ako ni Lolo.”

Sandaling natahimik si Gianna. Wala na siyang lakas para makipagtalo pa. Dahil tama naman nag lahat ng mga sinabi nito. Hindi siya magiging Mrs. Collins kung hindi umalis si Lari.

“Sige,” mahinahon niyang sagot.

“Huling gabi na natin ‘to,” malamig na sabi ni Jaxton. “Matulog ka muna. Bukas ka na umalis.”

Ngumiti si Gianna, mapait pero kalmado. “Hindi na kailangan. Nilagdaan ko na ang kasunduan sa diborsyo.”

Itinuro niya ang dokumentong nakapatong sa mesa sa tabi ng kape. Matagal na niya itong tinanggap mula kay Jaxton—noong gabi pa ng kasal nila. Ngayon lang niya nagawang pirmahan. Dahil umaasa siyang mamahalin siya nito sa nakalipas na mga tao – pero mali siya. Ni katiting na awa sa anak nilang nalaglag mula sa sinapupunan nito ay wala.

Nagulat si Jaxton. Bahagyang kumunot ang kanyang noo, parang hindi makapaniwalang tinotoo ito ni Gianna. Dahil kahit anong pagpupumilit at insulto niya sa asawa ay ayaw nitong pumayag at kumakapit pa rin sa papel na nagbubuklod sa pagsasama nila bilang mag-asawa.

“Alam kong uminom ka,” mahinang sabi ni Gianna. “May niluto akong sabaw. Nasa kusina. Mainit pa.”

Nag-atubili siyang magsalita, pero sa huli, nagpaalala pa rin. Sanay na siya—kahit gaano siya nasasaktan, ay nag-aalala pa rin siya sa kapakanan ng asawa niya. Kahit siya itong kagagaling lang sa hospital.

Para mahalin lang siya ni Jaxton, ginawa niya ang lahat. Mula sa babaeng hindi marunong magluto, naging bihasa siya. Ilang beses siyang napaso, ilang ulit nasugatan ang mga daliri, pero tiniis niya, kasi gusto niyang mapangiti man lang ito.

Ngunit si Jaxton, laging malamig ang pakikitungo sa kanya. Kahit anong ihain niya, kahit gaano kasarap, wala siyang naririnig na papuri. Alam niyang gusto nito ang lasa — minsan nahuhuli niyang natutuwa ito — pero hindi niya kailanman narinig ang salitang “masarap.”

Alam ni Jaxton na sa isang simpleng papuri lang, mapapasaya na niya si Gianna. Pero pinili niyang huwag ibigay iyon.

“Aalis na ako.” mabigat na sabi ni Gianna – parang may bumabara sa lalamunan niya habang sinasabi niya ang mga katagng iyon/

Tatlong taon ang pinagsamahan nilang dalawa bilang mag-asawa – pero kahit mahaba-haba ang pagsasama nila ay wala masyadong magandang alaala ang nabuo nilang dalawa. O mas tamang sabihin – hindi masaya si Jaxton.

Kumunot ang noo ni Jaxton. “Manatili ka ngayong gabi.”

Umiling si Gianna, malamlam ang mata niyang nakatingin sa sawa. “Hindi na.”

Kinuha niya ang maleta at tahimik na naglakad palabas.

Hindi sanay si Jaxton na hindi nasusunod ang mga utos niya. Lalong sumimangot ang mukha niya habang pinagmamasdang lumalayo si Gianna.

Pagkasara ng pinto, tumunog ang cellphone niya.

Si Richard – ang kaibigan niya. Sinagot niya ang tawag nito, idinikit ang cellphone sa tenga niya.

“Bro, nasa bahay ka na ba? Natanong mo na ba si Gianna? Napanood ba niya ‘yung video na naipasa ko sa kanya?”

“Pasensya na, hindi ko sinasadya ‘yon,” tuloy ni Richard. “Pero kahit napanood niya, wala lang ‘yon sa kanya. Sanay na naman kayong mag-away na dalawa kaya wala naman siguro akong dapat ipag-alala. Magkakaayos rin naman kayo–”

“Hiwalay na kami.” Putol ni Jaxton sa kaibigan.

“Ha?!” halos mapasigaw si Richard. “Diborsyo agad? Dahil lang sa video? Hindi naman ‘yan posible! Kung si Gianna makikipaghiwalay sa’yo, manonood ako ng live habang kumakain ng—”

“Ako ang nakipaghiwalay,” putol ni Jaxton.

Natahimik si Richard sa kabilang linya. Sanay na siya sa mga tampuhan ng dalawa — ilang beses na rin itong nangyari. Para sa kanya, ang hiwalayan ni Jaxton at Gianna ay parang bagyo lang na biglang dumarating pero laging lumilipas.

“Noong huli mong sinabi ‘yan, di ba, wala pang isang buwan, nagkabati rin kayo?” tumatawang sabi ni Richard. “Tumaya nga kami noon. Sabi namin, babalik siya sa loob ng kalahating araw—at nanalo kami! Ngayon, tatayaan ko ulit. Isang araw. Kung bumalik siya bukas, magpapakain ka!”

Tahimik si Jaxton habang nakatingin sa saradong pinto. Mula sa labas, rinig niya ang tunog ng makina ng sasakyan — paalis.

Ngayon, iba na si Gianna. Kung noon ay nagmamakaawa itong magkaayos silang dalawa. Ngayon ay hindi niya makita ang bakas na umiyak ito.

Pero malamig pa rin ang mga mata ni Jaxton. Walang bakas ng emosyon. Paulit-ulti na cycle ang pag-aaway nilang mag-asawa.

“Hindi na kailangang maghintay hanggang bukas,” mahina niyang sabi. “Babalik siya bukas ng umaga.”
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Ex-husband’s brother, My billionaire secret   KABANATA 50

    Isang biglang init ng galit ang bumulusok sa dibdib ni Gianna. Bago pa niya mapigilan ang sarili, mahigpit niyang hinawakan ang pulso ni Solita, sapat para maramdaman ng babae ang pwersa at panginginig sa kamay niya.“Tita… talagang napakahalaga niya sa’yo, ano?”May bahagyang pag-urong si Solita. Sa unang pagkakataon, nakita niya ang mga mata ni Gianna na puno ng apoy, hindi pagtitiis, hindi pag-unawa… kundi purong sakit at galit.Si Gianna, na lagi niyang nakikita bilang matino, mahinahon, at palaging may konsiderasyon, biglang parang ibang tao sa harap niya.“Pwede mo siyang mahalin. Pwede mo siyang alagaan. Pwede mo pa nga siyang kampihan kahit mali siya.” Humigpit ang panga ni Gianna, nanginginig ang boses. “Pero pakiusap… huwag mong ipakita sa akin na mas mahalaga siya. Kahit iyon lang, Tita.”Ang huling mga salita, tila binabasa niya mismo mula sa puso niya, bawat pantig mabigat at masakit. Dapat madali lang itong pagbigyan. Dapat oo lang ang maging sagot niya.Pero napaatras si

  • My Ex-husband’s brother, My billionaire secret   KABANATA 49

    Nanlamig ang puso ni Gianna nang hinila niya ang kanyang kamay at umatras ng isang hakbang. Hindi niya aakalaing gano’n na siya kawalang halaga para da tiyahing itinuring niyang pangalawang ina.Nang makita ni Solita ang depensibong tindig niya, napabuntong-hininga siya."Gianna, may mga bagay na ayaw sabihin ko sa iyo dahil baka masaktan ka lang. Ngumit ang totoo, matagal nang magkakilala sina Jaxton at Lari. Sila ang magkasintahan, at ikaw ang nanggulo sa relasyon nila."Buti na lang sinabi ni Honey na tatlong taon na ang nakalilipas, kaya hindi naman talaga sila magkasintahan. Kung hindi, baka naniwala si Gianna sa paliwanag ng kanyang tiyahin niya.Ngunit hindi niya ito pinansin nang malalim. Mas interesado siyang alamin kung bakit biglang nagbago ang ugali ng kanyang tiya sa kanya.Ito ang isa sa mga bagay na labis niyang ikinagugulo.Kahit na may hula na siya sa dahilan, ayaw niyang tanggapin ito sa kanyang isip.Ngunit ngayon, sigurado na siya."Tita, talagang dahil kay Lari ka

  • My Ex-husband’s brother, My billionaire secret   KABANATA 48

    Natutuwa si Solita na makita ang kanyang pamangkin na matagal nang hindi nagkikita. "Kailan ka pa dumating?" tanong niya nang may ngiti sa labi."Dumating ako nang sabihin mong ibibigay mo ang regalo sa kaarawan ni Lari," sagot ni Gianna nang mahinahon.Nanatiling tahimik si Solita, at sa loob ng ilang sandali ay tanging ang kanyang mata ang gumalaw, tila sinusuri ang bawat kilos ni Gianna.Tiningnan ni Gianna si Solita nang diretso, hindi kumikindat, at ang kanyang tingin ay parang naging tuwid na linya. "Noong nakaraang buwan ay kaarawan ko, Tita. Naalala mo pa ba?"Sandaling lumingon si Solita, at para bang nahirapan siyang itaguyod ang kanyang tingin sa pamangkin. "Sobrang abala lang ang Tita mo," sagot niya sa wakas.Ngunit hindi mapigilan ni Gianna ang lungkot sa kanyang boses. "Kung itinuturing itong isang mahalagang bagay sa puso, kahit na abala, maaalala ito. Tulad ko, naaalala ko ang iyong kaarawan."Sumama ang mukha ni Solita at bahagyang yumuko ang ulo. "Gianna, ano ang ibi

  • My Ex-husband’s brother, My billionaire secret   KABANATA 47

    Ang tinutukoy ni Solita ay isa sa pinaka-mahal na relo sa buong mundo, at ang mga haute couture na damit ay hindi rin pangkaraniwan — kahit ang mga “murang” estilo ay nagkakahalaga ng milyon, at ang mga nasa 5 hanggang 6 milyon ay itinuturing na katamtamang presyo.Hindi inaasahan ni Gianna na ganito kalawak ang saklaw ng suporta at karangyaan ng kanyang tiya kay Lari.Ang huling pagkikita nila ay halos isang taon na ang nakalilipas.Noong bata pa si Solita, nag-artista siya sa entertainment industry. Sa edad na 25, umabot siya sa pangalawang antas ng rurok ng karera. Ngunit sa kasagsagan ng kanyang tagumpay, bigla siyang umalis, nagpakasal, at nagkaroon ng anak na babae.Nagtagal ang kasal ng sampung taon, at pagkatapos ay naghiwalay. Pagkalipas ng ilang taon, pinakasalan niya ang ama ni Lari, si Mr. Santibanez, na sampung taong mas matanda sa kanya.Ngayon, may anak na babae si Solita na nasa unang taon ng high school, at may tatlong stepchildren.Si Mr. Santibanez ay isang propesor

  • My Ex-husband’s brother, My billionaire secret   KABANATA 46

    Ang lalaki sa larawan ay may perpektong mga tampok, malalim at malambing ang mga mata, at eleganteng aura. Talagang nakakagulat ang kanyang kagwapohan."Mas gwapo si Rael," tahimik na sagot ni Gianna, tapat sa nararamdaman.Humiyaw si Lynna – parang teenager na nakita ang first crush sa kilig, "Diyos ko! Ibig sabihin, magkakasama tayo sa trabaho araw-araw kasama ang isang lalaking mas gwapo kaysa sa isang aktor? Napakaswerte natin!"Kung alam mo lang kung gaano kahirap pakisamahan si Rael, baka hindi mo ganoon kasimpleng isipin ang sitwasyon. Baka umurong pa ang kilig na nararamdaman ni Lynna.Gayunpaman, oras na ng trabaho, at hindi pa lumalabas si Rael. Tinawag si Gianna sa opisina ng head secretary."Sa Sabado, may charity gala, at pupunta si Sir Rael. Sasama ka sa kanya," wika ni Alexander, habang itinuturo ang isang dokumento sa mesa."Ito ang listahan ng mga bisita sa gala. Kapag may lumapit kay Sir Rael para makipag-ugnayan, kailangan mong agad na ibigay ang impormasyon ng tao k

  • My Ex-husband’s brother, My billionaire secret   KABANATA 45

    "Paano magiging siya? Ang alam lang niyang gawin ay magluto, isa lang siyang katulong! Isang murang katulong na magpapasalamat sa amo nito kapag kumita ng sampung libo isang buwan!" tawa nang tawa si Honey pero halatang galit na galit ito.Bagama’t sinabi niya ito, agad na naisip ni Chloe na tiyak na hindi simpleng katulong ang pagkakakilanlan ni Gianna."Kaya isipin mo, may mga kaaway ka ba? Kung wala, sino ang may lakas ng loob na gawin ito sa iyo?" tanong ni Chloe.Lalong sumama ang mukha ni Honey."Ano 'yon?" tanong ni Chloe, nagtataka.Malamig na sumagot si Honey, "Masyadong maraming kaaway. Hindi ko na alam kung sino ang pipiliin ko."Dahil sa ugali niya, hindi niya kayang tiisin ang kahit kaunting paghihirap, at ang mga taong nagalit sa kanya ay higit pa sa isang daan.Ngunit dahil sa kanyang estado at posisyon, kahit na nagalit ang kalaban, walang may lakas ng loob na talagang maghiganti sa kanya nang harapan. Kaya hindi niya alam kung ilan ang lihim na nagsusumpa sa kanya araw

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status