เข้าสู่ระบบCeline’s POV
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang tumatama ang sinag ng araw sa mukha ko. Magulo ang maikli kong dark brown na buhok habang nakakalat iyon sa unan. Napangiwi pa ako nang maramdaman ang pananakit ng aking pagkababae. Bigla akong napamulat at mabilis na napalingon sa tabi ko. Wala na siya. Tanging gusot na kumot at malamig na espasyo na lang ang naiwan. Napapikit ako habang mariing napahawak sa noo ko. “Very good, Celine,” sarcastic kong bulong sa sarili ko. “First time mo makipag-one night stand, iniwan ka pa.” Hindi ako iyong klase ng babae na padalos-dalos pagdating sa lalaki. Sa totoo lang, halos wala nga akong time sa love life dahil sobrang busy ko sa trabaho bilang event organizer. At sa edad na twenty-two, masasabi kong maayos naman buhay ko. May sariling bahay na minana ko pa sa magulang ko. Stable na trabaho. At kahit papaano, successful na rin para sa edad ko. Marami ring nagsasabing maganda raw ako—maputi, maliit ang mukha, mahaba ang pilikmata, at may natural na mapupulang labi. Pero anong silbi noon kung nagpakatanga naman ako sa isang gwapong mekanikong nangiiwan? Napabuntong-hininga ako saka pilit tumayo mula sa kama. Napangiwi pa ako dahil masakit pa rin ang katawan ko. Mabilis kong isinuot ang oversized polo na nakita ko sa sahig bago lumabas ng kwartong nasa loob ng talyer. Tahimik ang paligid. May mga gamit ng sasakyan, amoy grasa, at ilang motor sa gilid pero wala ni anino ni Nico. “Kuya?” tawag ko sa matandang bantay. Lumingon ito. “Oh, miss?” “Nasaan po si Nico?” Nagkibit-balikat siya. “Umalis na kaninang madaling-araw. Hindi ba nagpaalam saiyo?” Napatitig ako rito. “ Hindi po, may number ka po ba niya?” “Wala eh.” “Ano pong wala?” naiirita kong tanong, pero kahit ako mismo ay hindi ko rin nakuha ang number niya. “Hindi naman talaga siya dito nagtatrabaho.” Parang may sumampal sa akin. “Ha?” “Minsan lang tumambay dito kapag gusto niya.” Napakurap ako. So isa siyang fake mechanic?! Mabilis kong kinuha ang bag ko bago padabog na lumabas ng talyer. Habang naglalakad ako papunta sa sasakyan ko, gusto ko talagang ibalibag ang sarili ko sa kahihiyan. “Congratulations, Celine,” bulong ko sa sarili ko. “Nagpabudol ka sa lalaking amoy grasa pero may abs. Pero kahit pa may abs hindi ka dapat bumigay. Ang tanga tanga mo Celine. ” Lumipas ang mga linggo, naging busy ako sa trabaho pero madalas akong mawalan ng focus. Bilang event organizer sa isang kilalang kumpanya sa Makati, kailangan lagi akong energetic kahit toxic ang schedule. At iyon lang naman talaga ang meron ako—trabaho. Wala na kasi akong pamilya. Ulilang lubos na ako. Namatay ang parents ko sa isang car accident noong eighteen years old ako. Isang gabing umalis lang sila para sa anniversary dinner nila pero hindi na nakauwi nang buhay. At dahil nag-iisang anak ako, wala rin akong kapatid na masasandalan. Ako lang mag-isa. Kaya maaga akong natutong tumayo sa sarili kong mga paa. Isang araw habang inaayos ko ang setup para sa corporate event, bigla akong nahilo. Napahawak ako sa mesa. “Celine!” gulat na tawag ng kaibigan kong si Bea. “Okay ka lang?” Tumango ako. “Baka kulang lang sa tulog.” Pero hindi lang iyon. Madalas akong masuka. Sensitive ako sa amoy. At sobrang bilis kong mapagod. Minsan halos masuka ako dahil lang sa amoy ng garlic bread sa meeting room. “Girl…” natatawang sabi ni Bea. “Parang buntis ka." Halos mabilaukan ako sa iniinom kong tubig. “Tumahimik ka nga!” Pero kinabahan ako. Sobra. Kinabukasan, nanginginig pa ang kamay ko habang bumibili ng pregnancy test. Pakiramdam ko lahat ng tao sa convenience store alam ang sikreto ko. Pagdating sa bahay, halos hindi ako makahinga habang hinihintay ang resulta. Isang guhit. Napapikit ako. Maya-maya… Dalawang pink na linya. Parang huminto ang mundo ko. Napaupo ako sa malamig na sahig habang nakatitig sa hawak kong test kit. “Buntis ako…” Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko. “Oh my God…” Napahawak ako sa buhok ko habang gulong-gulo. Nabuntis ako ng isang fake mechanic. Perfect. “Baby…” napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa test kit. “Kapag nakita natin daddy mo, promise, sasakalin natin.” Napahinto ako. "Ako lang pala. Bawal ka pa. Fetus ka pa.” Kahit naiiyak ako, napatawa ako nang bahagya sa sarili kong sinabi. Pero maya-maya, bumalik ulit ang frustration ko. “Bwisit kang Nico ka…” Ilang araw akong parang lutang. Hindi ko alam paano haharapin ang sitwasyon. Wala akong parents na matatakbuhan. Wala akong kapatid na mahihingian ng advice. Sarili ko lang talaga ang meron ako. At ngayon… may baby na akong kailangang protektahan. Kaya ang una kong ginawa— Hinanap ko ulit si Nico. Binalikan ko ang talyer pero wala pa din siya. “Miss, matagal na siyang hindi nagpapakita rito,” sabi nung bantay. Napapikit ako sa frustration. Minsan naiisip ko kung totoong pangalan niya pa ba iyon. Pakiramdam ko niloko talaga niya ako. Parang dumaan lang siya sa buhay ko para guluhin iyon tapos bigla na lang mawawala. Habang tumatagal, unti-unti ko ring tinatanggap ang pagbubuntis ko. Tuwing gabi, madalas akong nakahiga habang hinihimas ang tiyan ko. “Baby…” mahina kong bulong. Napapangiti ako kahit pagod galing trabaho. “Pasensya ka na ha? Yung daddy mo kasi… irresponsible fake mechanic.” Napailing ako. “Fake mechanic na nga, ghoster pa. Kumpleto package.” Napatawa ako nang mahina mag-isa. Pero kahit ganoon… Unti-unti ko ring minamahal ang baby ko. Siguro dahil sa wakas, hindi na ako nag-iisa. Isang gabi habang may hinahanap ako sa loob ng bag ko matapos ang meeting, may matigas na bagay akong nahawakan. Nakunot-noo kong inilabas iyon. Isang silver keychain. Napatitig ako rito. Simple pero halatang mamahalin. May maliit na initials na nakaukit. “N.K.” Nanlaki ang mga mata ko. "N.K..... Nico King? " Hindi ko alam kung ano talaga ang ibig sabihin ng initials na iyon. Pero isang bagay ang sigurado ko Kapag nakita ko ulit ang lalaking iyon… Sisiguraduhin kong hinding-hindi ko na siya basta tatanggapin sa buhay naming mag-ina.Celine's POV Ang umaga ay bumungad sa akin na may kakaibang bigat sa dibdib. Hindi ito 'yung pagod na dulot ng overtime kagabi; ito ay ang bigat ng pag-aalinlangan. Nakatitig lang ako sa labas ng bintana habang hinihintay na magising si Axel para sa school. Ang mga salita ni Nicholas kagabi—ang kanyang pangako na hindi na siya aalis—ay patuloy na naglalaro sa isip ko. Hinding-hindi na kita sasaktan. Napakadaling sabihin ng mga salitang 'yan. Pero sa loob ng anim na taon, natutunan ko na ang mga pangako ay parang kristal; madaling mabasag kung hindi mo ito hahawakan nang maingat. Paghatid ko kay Axel sa school, sinalubong ako ng isang text message mula kay Nicholas. “Good morning. Pick you up at 7 PM for dinner? Gusto ko lang sabihin na kahit anong mangyari, I’m here. Just for you and Axel.” Napangiti ako nang hindi ko sinasadya. Masyado siyang persistent. Masyado siya parang... Nico. Ang lalaking dati ay hindi marunong mag-antay, ngayon ay handa nang maging pasensyoso para
Celine's POV Ang opisina ay nababalot ng katahimikan, tanging ang ugong lang ng aircon at ang mahinang tunog ng keyboard ang naririnig. Alas-syete na ng gabi. Ang mga empleyado ay kanina pa umuwi, naiwan na lang kami ni Nicholas sa loob ng conference room para tapusin ang preparasyon para sa susunod na malaking event ng kumpanya. Nakapatong sa mesa ang mga dokumento, mga layout ng venue, at mga listahan ng bisita. Sa gitna ng lahat ng ito, naroon si Nicholas. Hindi na siya ang CEO na nakasuot ng mamahaling suit; nakatupi ang sleeves ng kanyang polo hanggang siko, at ang kanyang buhok ay medyo gusot na—isang senyales na pagod na rin siya, pero hindi sumusuko. "Celine, tingnan mo ang slide na 'to. Sa tingin mo ba masyadong formal ang font?" tanong niya, sabay lapit sa akin. Naramdaman ko ang presensya niya. Masyadong malapit. Amoy kape at ang pamilyar niyang pabango na hanggang ngayon ay nagpapabilis pa rin ng tibok ng puso ko. Pilit akong umiwas ng tingin at tumuon sa screen
Nicholas POVKinabukasan, maaga akong nagising. Mas maaga pa sa alarm ko. Siguro dahil sa naganap kagabi—ang hapunan namin ni Celine na nauwi sa hindi-maipaliwanag na tensyon at kaba.Habang nagtitimpla ako ng kape sa aking penthouse, tumunog ang phone ko. Isang video call mula kay Axel."Mr. King! Good morning!" bungad ng bata. Nakasuot siya ng pajama na may prints ng mga dinosaur."Good morning, Axel. Bakit napatawag ka nang maaga?" tanong ko, sinubukang itago ang excitement sa boses ko."Mommy is still sleeping. Pero Mr. King, Sasabihin ko na next step na gagawin mo po!" bulong niya na parang may malaking krimen na magaganap."Next Step?"" I-kidnap mo na si Mommy mamaya! Dalhin mo siya sa ice cream shop!"Natawa ako nang malakas, halos maibuga ko ang kape ko. "Kidnap? Axel, labag sa batas 'yun. Baka makulong ako, hindi na kita makikita.""Hindi 'yan!" sabi ni Axel habang humahagikgik. "Sabihin mo lang, 'Emergency! May kailangan akong ipakita sa'yo!' Tapos 'pag nasa loob na
Celine's POVNakaharap ako sa salamin, pabalik-balik ang tingin sa dalawang damit na nakalatag sa kama ko. Isang simpleng floral dress o ‘yung black blouse na mas formal? Celine, ano bang ginagawa mo? pagalit ko sa sarili ko. Sabi ko sa kanya, pag-iisipan ko. Pero heto ako, nagdedesisyon kung ano ang isusuot para sa hapunan na hindi ko naman dapat tinanggap.Bakit ba kasi hindi ako nakatanggi nang maayos?"Mommy, ang ganda mo!"Napalingon ako kay Axel na nakatayo sa may pintuan, may hawak na libro. "Sa tingin mo, anak? Hindi ba masyadong... pilit?""Hindi po! Bagay kayo ni Mr. King. Para kayong nasa pelikula," nakangiting sabi niya.Napabuntong-hininga ako. Kahit ang anak ko ay kampi sa kanya. Sa huli, pinili ko ang floral dress. Gusto ko lang maging komportable, at ayokong isipin ni Nicholas na pinaghandaan ko siya nang sobra. Kahit ang totoo, tatlong beses akong nag-retouch ng lipstick.Sakto sa alas-siyete, tumunog ang doorbell. Ang bawat kalansing nito ay parang batingaw sa
Nicholas POVBiyernes ng hapon. Nakaupo ako sa loob ng opisina ko, tinititigan ang mga papeles na hindi ko naman binabasa. Ang isip ko ay nasa kung saan-saang lugar—partikular na sa bahay ni Celine. Pagkatapos ng weekend sa lakeside, parang may kung anong invisible na tali ang humihila sa akin palapit sa kanila. Hindi na sapat ang makita sila paminsan-minsan; gusto ko, araw-araw."Sir, may meeting po tayo sa—""Cancel it," putol ko sa sekretarya ko nang hindi man lang lumingon."Sir, important client—""Cancel everything for the rest of the day," sabi ko, sabay tayo at kinuha ang coat ko. "I have an emergency."Ang "emergency" na tinutukoy ko? Kailangan ko ng dahilan para makita si Celine. Sa loob ng ilang araw na hindi ko sila nakita, parang may kulang sa sistema ko. Parang kape na walang asukal, o kotse na walang gasolina.Pagdating ko sa tapat ng bahay nila, sakto namang lumabas si Celine. Nakasuot siya ng simpleng dress, mukhang papunta sa grocery. Nang makita niya ang kots
Nicholas POVPagkatapos ng gabing iyon, hindi ako nakatulog nang maayos. Next move? Kailangan ng mas mahabang oras. Kailangan ng lugar na hindi siya pwedeng tumalikod agad at magkulong sa kwarto. Kailangan ko sila sa isang lugar kung saan ang tanging distraction ay kaming tatlo lang.Kinabukasan, maaga akong nag-abang sa labas ng bahay nila. Nakita ko silang dalawa ni Axel na palabas para pumasok sa trabaho at eskwela. Pagkakita sa akin, agad na bumakas ang inis sa mukha ni Celine, pero si Axel? Halos tumalon siya sa tuwa."Mr. King! Anong ginagawa mo rito?" tanong ng bata.Ngumiti ako at nilapitan sila. "Good morning. May naisip kasi akong plano para sa weekend. Simple lang. Picnic sa lakeside resort sa labas ng lungsod. Fresh air, magandang view, at ang pinakaimportante—walang office, walang stress. Kayo lang ang kasama ko."Tumingin ako kay Celine. Ang kanyang mga mata ay pilit na nanlalamig, pero ramdam ko ang pag-aalinlangan sa kanyang tindig. "Please, Celine. Isang weekend
Nicholas’ POV“Sir?”Naputol ang iniisip ko nang biglang tumawag sa akin ang assistant ko.“The investors are waiting.”Hindi ako agad sumagot. Nanatili ang tingin ko sa direksyong nilakaran nina Celine at Axel kanina.Pero bago pa man ako makahakbang paalis. “Mister King!”Napatigil ako at mabil
Nicholas’ POVNapailing na lang ako habang nagpupunas ng orange juice sa suit ko gamit ang tissue. Halos dumikit na ang matamis na likido sa puting polo ko sa loob. Kung ibang bata siguro ang gumawa nito, baka nairita ako. Pero kay Axel? Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magalit. Siguro d
Axel’s POV10/10 para sa tsokolate, pero 5/10 para sa buttercream frosting dahil masyadong matamis.Nakaupo ako sa ilalim ng mahabang lamesa habang kinakain ang pang-apat kong cupcake mula sa dessert table. Tahimik dito sa ilalim. Walang Tita Mariz na paulit-ulit akong pinapabalik sa VIP room. Ka
Celine's POV “Celine, siguraduhin mong walang palpak. This is King Enterprise we’re talking about. Ang pinakamalaking kliyente natin ngayong taon!” Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko habang inaayos ko ang aking black gown sa harap ng salamin sa VIP room na nasa backstage. Isang maling galaw
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






