Se connecterCeline's POV
“Celine, siguraduhin mong walang palpak. This is King Enterprise we’re talking about. Ang pinakamalaking kliyente natin ngayong taon!” Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko habang inaayos ko ang aking black gown sa harap ng salamin sa VIP room na nasa backstage. Isang maling galaw lang, malaking damage sa reputation ng Event Planning Company ko. “Mommy, bakit parang ka po kinakabahan? You’re overthinking again.” isang pamilyar at matalinong boses ang bumasag sa aking konsentrasyon. Napalingon ako, kung saan abala sa pag-aayos ng bow tie ang anim na taong gulang kong anak na si Axel. Nakasuot siya ng mini tuxedo na siya mismo ang pumili sa online store. Kamukha ko siya—ang ilong, at ang mga dimples na laging nagpapalambot sa puso ko. Pero ang utak niya? Minsan nakakatakot. “Axel, anak. Huwag mo akong i-analyze, please,” sagot ko habang inaayos ang buhok ko sa salamin. “By the way,” sabi niya habang inaayos ang bow tie niya sa harap ng salamin, “8/10 yung program design niyo po. Medyo outdated lang yung font na ginamit mo sa layout." Napailing na lang ako. “Axel, anak ba kita o critic?" “Both,” sagot niya sabay kindat. “And I’ve already optimized our company’s website during my free time while waiting for you. Na-fix ko na rin po yung security vulnerability ng system ng hotel, baka po kasi ma-hack nila yung presentation mo.” Napapikit ako. “Axel, anak, relax. Basta, stay ka sa VIP room. Huwag kang lalabas. Huwag kang mag-iimbento ng kung anong apps sa phone mo para i-hack ang system nila. At please, huwag kang lalapit sa stage. Maliwanag?” “Mom, I’m six years old. Not a baby,” sagot niya na parang insulto pa sa kanya ang pagbabawal ko. “Mariz!” tawag ko sa assistant ko na kararating lang. “Bantayan mo si Axel. Huwag na huwag mong papabayaan na makalabas ang batang ‘to sa VIP room.” “Copy, boss!” sagot ni Mariz, kahit halatang kinakabahan din siya sa anak ko. Huminga ako nang malalim. “Okay, Celine. Kaya mo ‘to.” Naglakad ako patungo sa entrance ng ballroom. Habang naglalakad, naalala ko ang lahat. Sa loob ng pitong taon, ginamit ko ang galit at pait para bumangon. Ngayon, ako na ang CEO ng Event Planning Company. Ang sakit na naramdaman ko noon ay ginawa kong lakas para magtagumpay. Pagpasok ko sa ballroom, ang host ay nasa stage na. Ang paligid ay napupuno ng mababangong bulaklak, mamahaling chandelier, at mga taong nakasuot ng disenyong milyon-milyon ang halaga. “Ladies and gentlemen, the man behind the success of the empire, the CEO of King Enterprise... Mr. Nicholas King!” Nagpalakpakan ang mga tao. Umakyat si Nicholas sa stage, humawak sa mic, at tiningnan ang buong ballroom bago nagsalita nang may awtoridad. "Good evening, everyone. They say success is measured by wealth and influence. But over the last seven years, I have learned a more important lesson: Success means nothing if you have no one to share it with. King Enterprise is more than just business; it is about the people who inspire us with every step we take. Thank you for your continued trust. Let the celebration begin." Nung natapos siya, halos mabitawan ko ang hawak kong clipboard. Ang lalaking nasa harap ko ngayon, suot ang mamahaling bespoke suit, ay ang mismong lalaking minahal ko noon sa talyer—ang "mahirap na mekanikong" si Nico King. Nico King? ay si Nicholas King? Gusto kong sumigaw. Ang lahat ng hirap ko, ang pagpapalaki ko kay Axel nang mag-isa, lahat pala ay bunga ng isang malaking kasinungalingan. Nagpanggap siyang mahirap na mekaniko? Fake mechanic. tsk! Napaka-mapanlinlang! Kailangan kong ilayo si Axel. Ayaw ko makilala ng Nicholas na yan ang anak namin. Agad akong pumunta sa VIP room para ipahatid si Axel sa bahay. Pero nang buksan ko ang VIP room, wala na roon sina Axel at Mariz. . “Axel? Axel, nasaan ka na naman?!” bulong ko habang nagmamadaling lumabas, hindi na inaalala ang mga taong nakatingin sa akin. Habang hinahanap ko siya sa bawat sulok, isang boses ang tumawag sa likuran ko. “Celine?” Nanigas ang buong katawan ko. Napalingon ako. Si Nicholas. Ang mukha niya ay unti-unting nababago—mula sa pagiging seryoso, naging blangko, hanggang sa mapalitan ng matinding pagkagulat nang makita ako. Sa sandaling nagtama ang paningin namin, nakita ko ang pag-asa sa mga mata niya na hindi ko sana gustong makita. Mabilis siyang kumilos, iniwan ang kanyang kausap at naglakad patungo sa akin nang mabilis. “Celine? Celine, sandali! Kailangan nating mag-usap!” sigaw niya, ang boses ay puno ng pakiusap. “Wala tayong dapat pag-usapan, Mr. King!” sagot ko nang may diin, habang pilit na humahakbang paatras. “Hindi, Celine! Mali ang iniisip mo, hayaan mong magpaliwanag ako—” “Ayaw kong makinig!” putol ko sa kanya, pilit na kinukubli ang luha sa aking mga mata. "Tapos na tayo, pitong taon na ang nakalipas." Pero bigla siyang natigilan. Ang mga mata niya ay napako sa ilalim ng mesa kung saan nakalaylay ang makapal na table cloth. Tumigil ako sa paghakbang, at nang tingnan ko ang tinitingnan niya, parang huminto ang tibok ng puso ko. Doon, sa ilalim ng mesa, nakaupo si Axel. Ang anak ko, abala sa pagkain ng isang chocolate cupcake, ang mukha ay puno ng frosting, at ang kanyang mga mata—ang mga mata na eksaktong kopya ng kay Nicholas—na nakatitig nang diretso kay Axel. Hindi ko na hinintay na masundan pa niya ako o tanungin. Habang tulala pa rin siya sa anak namin, mabilis akong tumalikod at naglakad nang mabilis papalayo. Kailangan ko nang umalis. Hindi ko kayang harapin ang katotohanang nakita na niya ang anak namin. Axel, kailangan na nating umuwi.Celine's POV Ang umaga ay bumungad sa akin na may kakaibang bigat sa dibdib. Hindi ito 'yung pagod na dulot ng overtime kagabi; ito ay ang bigat ng pag-aalinlangan. Nakatitig lang ako sa labas ng bintana habang hinihintay na magising si Axel para sa school. Ang mga salita ni Nicholas kagabi—ang kanyang pangako na hindi na siya aalis—ay patuloy na naglalaro sa isip ko. Hinding-hindi na kita sasaktan. Napakadaling sabihin ng mga salitang 'yan. Pero sa loob ng anim na taon, natutunan ko na ang mga pangako ay parang kristal; madaling mabasag kung hindi mo ito hahawakan nang maingat. Paghatid ko kay Axel sa school, sinalubong ako ng isang text message mula kay Nicholas. “Good morning. Pick you up at 7 PM for dinner? Gusto ko lang sabihin na kahit anong mangyari, I’m here. Just for you and Axel.” Napangiti ako nang hindi ko sinasadya. Masyado siyang persistent. Masyado siya parang... Nico. Ang lalaking dati ay hindi marunong mag-antay, ngayon ay handa nang maging pasensyoso para
Celine's POV Ang opisina ay nababalot ng katahimikan, tanging ang ugong lang ng aircon at ang mahinang tunog ng keyboard ang naririnig. Alas-syete na ng gabi. Ang mga empleyado ay kanina pa umuwi, naiwan na lang kami ni Nicholas sa loob ng conference room para tapusin ang preparasyon para sa susunod na malaking event ng kumpanya. Nakapatong sa mesa ang mga dokumento, mga layout ng venue, at mga listahan ng bisita. Sa gitna ng lahat ng ito, naroon si Nicholas. Hindi na siya ang CEO na nakasuot ng mamahaling suit; nakatupi ang sleeves ng kanyang polo hanggang siko, at ang kanyang buhok ay medyo gusot na—isang senyales na pagod na rin siya, pero hindi sumusuko. "Celine, tingnan mo ang slide na 'to. Sa tingin mo ba masyadong formal ang font?" tanong niya, sabay lapit sa akin. Naramdaman ko ang presensya niya. Masyadong malapit. Amoy kape at ang pamilyar niyang pabango na hanggang ngayon ay nagpapabilis pa rin ng tibok ng puso ko. Pilit akong umiwas ng tingin at tumuon sa screen
Nicholas POVKinabukasan, maaga akong nagising. Mas maaga pa sa alarm ko. Siguro dahil sa naganap kagabi—ang hapunan namin ni Celine na nauwi sa hindi-maipaliwanag na tensyon at kaba.Habang nagtitimpla ako ng kape sa aking penthouse, tumunog ang phone ko. Isang video call mula kay Axel."Mr. King! Good morning!" bungad ng bata. Nakasuot siya ng pajama na may prints ng mga dinosaur."Good morning, Axel. Bakit napatawag ka nang maaga?" tanong ko, sinubukang itago ang excitement sa boses ko."Mommy is still sleeping. Pero Mr. King, Sasabihin ko na next step na gagawin mo po!" bulong niya na parang may malaking krimen na magaganap."Next Step?"" I-kidnap mo na si Mommy mamaya! Dalhin mo siya sa ice cream shop!"Natawa ako nang malakas, halos maibuga ko ang kape ko. "Kidnap? Axel, labag sa batas 'yun. Baka makulong ako, hindi na kita makikita.""Hindi 'yan!" sabi ni Axel habang humahagikgik. "Sabihin mo lang, 'Emergency! May kailangan akong ipakita sa'yo!' Tapos 'pag nasa loob na
Celine's POVNakaharap ako sa salamin, pabalik-balik ang tingin sa dalawang damit na nakalatag sa kama ko. Isang simpleng floral dress o ‘yung black blouse na mas formal? Celine, ano bang ginagawa mo? pagalit ko sa sarili ko. Sabi ko sa kanya, pag-iisipan ko. Pero heto ako, nagdedesisyon kung ano ang isusuot para sa hapunan na hindi ko naman dapat tinanggap.Bakit ba kasi hindi ako nakatanggi nang maayos?"Mommy, ang ganda mo!"Napalingon ako kay Axel na nakatayo sa may pintuan, may hawak na libro. "Sa tingin mo, anak? Hindi ba masyadong... pilit?""Hindi po! Bagay kayo ni Mr. King. Para kayong nasa pelikula," nakangiting sabi niya.Napabuntong-hininga ako. Kahit ang anak ko ay kampi sa kanya. Sa huli, pinili ko ang floral dress. Gusto ko lang maging komportable, at ayokong isipin ni Nicholas na pinaghandaan ko siya nang sobra. Kahit ang totoo, tatlong beses akong nag-retouch ng lipstick.Sakto sa alas-siyete, tumunog ang doorbell. Ang bawat kalansing nito ay parang batingaw sa
Nicholas POVBiyernes ng hapon. Nakaupo ako sa loob ng opisina ko, tinititigan ang mga papeles na hindi ko naman binabasa. Ang isip ko ay nasa kung saan-saang lugar—partikular na sa bahay ni Celine. Pagkatapos ng weekend sa lakeside, parang may kung anong invisible na tali ang humihila sa akin palapit sa kanila. Hindi na sapat ang makita sila paminsan-minsan; gusto ko, araw-araw."Sir, may meeting po tayo sa—""Cancel it," putol ko sa sekretarya ko nang hindi man lang lumingon."Sir, important client—""Cancel everything for the rest of the day," sabi ko, sabay tayo at kinuha ang coat ko. "I have an emergency."Ang "emergency" na tinutukoy ko? Kailangan ko ng dahilan para makita si Celine. Sa loob ng ilang araw na hindi ko sila nakita, parang may kulang sa sistema ko. Parang kape na walang asukal, o kotse na walang gasolina.Pagdating ko sa tapat ng bahay nila, sakto namang lumabas si Celine. Nakasuot siya ng simpleng dress, mukhang papunta sa grocery. Nang makita niya ang kots
Nicholas POVPagkatapos ng gabing iyon, hindi ako nakatulog nang maayos. Next move? Kailangan ng mas mahabang oras. Kailangan ng lugar na hindi siya pwedeng tumalikod agad at magkulong sa kwarto. Kailangan ko sila sa isang lugar kung saan ang tanging distraction ay kaming tatlo lang.Kinabukasan, maaga akong nag-abang sa labas ng bahay nila. Nakita ko silang dalawa ni Axel na palabas para pumasok sa trabaho at eskwela. Pagkakita sa akin, agad na bumakas ang inis sa mukha ni Celine, pero si Axel? Halos tumalon siya sa tuwa."Mr. King! Anong ginagawa mo rito?" tanong ng bata.Ngumiti ako at nilapitan sila. "Good morning. May naisip kasi akong plano para sa weekend. Simple lang. Picnic sa lakeside resort sa labas ng lungsod. Fresh air, magandang view, at ang pinakaimportante—walang office, walang stress. Kayo lang ang kasama ko."Tumingin ako kay Celine. Ang kanyang mga mata ay pilit na nanlalamig, pero ramdam ko ang pag-aalinlangan sa kanyang tindig. "Please, Celine. Isang weekend
Nicholas’ POV“Sir?”Naputol ang iniisip ko nang biglang tumawag sa akin ang assistant ko.“The investors are waiting.”Hindi ako agad sumagot. Nanatili ang tingin ko sa direksyong nilakaran nina Celine at Axel kanina.Pero bago pa man ako makahakbang paalis. “Mister King!”Napatigil ako at mabil
Nicholas’ POVNapailing na lang ako habang nagpupunas ng orange juice sa suit ko gamit ang tissue. Halos dumikit na ang matamis na likido sa puting polo ko sa loob. Kung ibang bata siguro ang gumawa nito, baka nairita ako. Pero kay Axel? Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magalit. Siguro d
Axel’s POV10/10 para sa tsokolate, pero 5/10 para sa buttercream frosting dahil masyadong matamis.Nakaupo ako sa ilalim ng mahabang lamesa habang kinakain ang pang-apat kong cupcake mula sa dessert table. Tahimik dito sa ilalim. Walang Tita Mariz na paulit-ulit akong pinapabalik sa VIP room. Ka
Celine’s POV Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang tumatama ang sinag ng araw sa mukha ko. Magulo ang maikli kong dark brown na buhok habang nakakalat iyon sa unan. Napangiwi pa ako nang maramdaman ang pananakit ng aking pagkababae. Bigla akong napamulat at mabilis na napalingon sa tab







