Mag-log inNicholas’ POV
“Sir?” Naputol ang iniisip ko nang biglang tumawag sa akin ang assistant ko. “The investors are waiting.” Hindi ako agad sumagot. Nanatili ang tingin ko sa direksyong nilakaran nina Celine at Axel kanina. Pero bago pa man ako makahakbang paalis. “Mister King!” Napatigil ako at mabilis na napalingon. Doon ko muling nakita ang maliit na bulto ng batang kanina lang ay kasama ni Celine. Si Axel. Humihingal pa siya nang bahagya habang palinga-linga sa paligid, na tila ba may tinatakasan. Napataas agad ang aking kilay. “Akala ko ba uuwi na kayo?” tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa akin nang dahan-dahan. “Nagpaalam po ako kay Mommy na pupuntang sa CR.” Napangiti ako at pilit na pinigilan ang matawa. “Tapos imbes na mag-CR, pumunta ka rito sa akin?” Tumango siya nang mabilis, may kasamang malapad na ngiti. “Secret mission po kasi ito.” Napailing ako sa kanyang sagot. “Anong mission naman iyan?” tanong ko habang nakatitig sa kanya. Lumapit pa siya lalo sa pwesto ko. “May gusto ka po ba kay Mommy?” Halos mapaubo ako sa biglaang tanong niya. Diretso. Ganito na ba talaga katapang magtanong ang mga bata sa panahon ngayon? “Axel…” Natawa ako nang bahagya at napailing. “Hindi ba masyado ka pang bata para magtanong ng mga ganyang bagay?” “Hindi po,” seryoso at may paninindigan niyang sagot. “Matalino po ako, kaya alam ko.” Mas lalo akong napangiti. Ang kulit niya talaga. “So?” pangungulit niya ulit habang nakatingala sa akin. “May gusto ka po ba kay Mommy?” Huminga ako nang malalim. “Matagal ko nang gusto ang mommy mo,” mahina ngunit tapat kong sagot. Biglang lumaki ang ngiti sa mukha ni Axel. “Knew it!” proud niyang sabi habang nakataas pa ang kanyang hintuturo. “Sabi ko na nga ba, eh!” Napatawa ako nang mahina sa naging reaksyon niya. “At paano mo naman nalaman o naisip ang bagay na iyon?” “Kasi kanina pa po kayo nakatingin kay Mommy.” Ipinatong niya ang dalawa niyang kamay sa kanyang baywang. “At saka iyong face mo po kanina noong kausap mo siya? Very obvious po na may gusto ka. " Napailing na lang ako habang patuloy na natatawa. “Ganun ba talaga ako kahalatang tingnan?” “Yes po." Bigla siyang lumapit sa akin at hinila nang bahagya ang laylayan ng manggas ng suit ko. “Mister King,” seryoso niyang sabi, sapat lang para aming dalawa ang makarinig. “Tutulungan kitang maging boyfriend ni Mommy.” Napataas muli ang aking kilay sa narinig. “Ha?” “Mission: Boyfriend for Mommy.” proud niyang anunsyo sa akin. “May ganoon ka talagang mission?” “Yes po.” Tumango siya nang mabilis. “Kasi lagi na lang siyang pagod sa work. Kailangan niya ng pogi at mayamang boyfriend para sumaya naman siya.” “Talagang kasama sa priority mo na dapat mayaman?” biro ko sa kanya. “Practical lang po tayo, Mister King. Mahirap na ang buhay ngayon.” Napahawak na lang ako sa aking noo habang natatawa ako. Hindi ko talaga lubos maisip kung saan niya nakuha ang ganitong klaseng personalidad. “At paano mo naman ako matutulungan sa sinasabi mong mission?” tanong ko, sinasakyan ang kanyang laro. Biglang lumiwanag ang kanyang mukha. “Simple lang po,” panimula niya. “Kailangan lagi kayong magkasama o magkausap ni Mommy.” “At paano naman natin gagawin iyon kung iniiwasan niya ako?” “Maging client ka po ng company namin.” Napakurap ako sa kanyang mungkahi. “Company niyo?” “Opo! Iyong Event Planning Company ni Mommy. Siya po ang boss doon.” Proud na proud siyang ngumiti habang ipinagmamalaki ang kanyang ina. Tahimik akong napaisip sa sinabi ng bata. Actually, hindi naman imposible ang suhestiyon niya. Maraming malalaking events, product launches, at conferences ang King Enterprise, buwan buwan. Pwede ang plano ng batang ito. “At sigurado ka bang magugustuhan ng mommy mo ang ideyang iyan?” tanong ko. Biglang napabuntong-hininga si Axel, nawala ang ngiti. “Hindi po.” Napatawa ako sa bigla niyang pagbawi. “Honest ka, ah.” “Opo naman. Kasi tumatakas po siya lagi kapag nandiyan ka, eh." Bahagya akong natahimik. Masakit man aminin sa sarili ko, pero alam kong totoo ang napansin ng bata. Kitang-kita ko ang takot at galit sa mukha ni Celine kanina. “Pero okay lang po iyon,” dagdag agad ni Axel nang mapansing natahimik ako. "Ako po ang bahala sa'yo. " Bigla siyang tumingin sa suot niyang makulay na pambatang relo. “Ay no! Hala!” bulalas niya habang lumalaki ang mga mata. “Baka hinahanap na ako ni Mommy sa CR!” “Iyong number mo po.” Napakurap ako sa hiling niya. “Ha?” “Paano po tayo mag-uusap tungkol sa secret mission natin kung wala po akong contact sa'yo?” pangangatwiran niya na tila ba isang tunay na negosyante. Halos matawa ako nang malakas sa kanyang talino. Hindi ko na alam kung dapat ba akong ma-amaze o kabahan sa diskarte ng batang ito. Kaya naman, mabilis kong tinype ang aking numero sa maliit na smartwatch na suot niya sa kanyang kaliwang kamay. “Nice,” bulong niya. “Secret agents na tayo ngayon, Mister King.” “Secret agents talaga ang tawag mo sa atin?” “Yes po.” Lumapit pa siya nang bahagya sa akin bago bumulong nang napakahina, “Kasi bawal po talaga itong malaman ni Mommy. Kundi, lagot po ako.” Pagkatapos niyon, mabilis na siyang tumakbo pabalik sa direksyon ng ballroom hallway.Celine's POV Ang umaga ay bumungad sa akin na may kakaibang bigat sa dibdib. Hindi ito 'yung pagod na dulot ng overtime kagabi; ito ay ang bigat ng pag-aalinlangan. Nakatitig lang ako sa labas ng bintana habang hinihintay na magising si Axel para sa school. Ang mga salita ni Nicholas kagabi—ang kanyang pangako na hindi na siya aalis—ay patuloy na naglalaro sa isip ko. Hinding-hindi na kita sasaktan. Napakadaling sabihin ng mga salitang 'yan. Pero sa loob ng anim na taon, natutunan ko na ang mga pangako ay parang kristal; madaling mabasag kung hindi mo ito hahawakan nang maingat. Paghatid ko kay Axel sa school, sinalubong ako ng isang text message mula kay Nicholas. “Good morning. Pick you up at 7 PM for dinner? Gusto ko lang sabihin na kahit anong mangyari, I’m here. Just for you and Axel.” Napangiti ako nang hindi ko sinasadya. Masyado siyang persistent. Masyado siya parang... Nico. Ang lalaking dati ay hindi marunong mag-antay, ngayon ay handa nang maging pasensyoso para
Celine's POV Ang opisina ay nababalot ng katahimikan, tanging ang ugong lang ng aircon at ang mahinang tunog ng keyboard ang naririnig. Alas-syete na ng gabi. Ang mga empleyado ay kanina pa umuwi, naiwan na lang kami ni Nicholas sa loob ng conference room para tapusin ang preparasyon para sa susunod na malaking event ng kumpanya. Nakapatong sa mesa ang mga dokumento, mga layout ng venue, at mga listahan ng bisita. Sa gitna ng lahat ng ito, naroon si Nicholas. Hindi na siya ang CEO na nakasuot ng mamahaling suit; nakatupi ang sleeves ng kanyang polo hanggang siko, at ang kanyang buhok ay medyo gusot na—isang senyales na pagod na rin siya, pero hindi sumusuko. "Celine, tingnan mo ang slide na 'to. Sa tingin mo ba masyadong formal ang font?" tanong niya, sabay lapit sa akin. Naramdaman ko ang presensya niya. Masyadong malapit. Amoy kape at ang pamilyar niyang pabango na hanggang ngayon ay nagpapabilis pa rin ng tibok ng puso ko. Pilit akong umiwas ng tingin at tumuon sa screen
Nicholas POVKinabukasan, maaga akong nagising. Mas maaga pa sa alarm ko. Siguro dahil sa naganap kagabi—ang hapunan namin ni Celine na nauwi sa hindi-maipaliwanag na tensyon at kaba.Habang nagtitimpla ako ng kape sa aking penthouse, tumunog ang phone ko. Isang video call mula kay Axel."Mr. King! Good morning!" bungad ng bata. Nakasuot siya ng pajama na may prints ng mga dinosaur."Good morning, Axel. Bakit napatawag ka nang maaga?" tanong ko, sinubukang itago ang excitement sa boses ko."Mommy is still sleeping. Pero Mr. King, Sasabihin ko na next step na gagawin mo po!" bulong niya na parang may malaking krimen na magaganap."Next Step?"" I-kidnap mo na si Mommy mamaya! Dalhin mo siya sa ice cream shop!"Natawa ako nang malakas, halos maibuga ko ang kape ko. "Kidnap? Axel, labag sa batas 'yun. Baka makulong ako, hindi na kita makikita.""Hindi 'yan!" sabi ni Axel habang humahagikgik. "Sabihin mo lang, 'Emergency! May kailangan akong ipakita sa'yo!' Tapos 'pag nasa loob na
Celine's POVNakaharap ako sa salamin, pabalik-balik ang tingin sa dalawang damit na nakalatag sa kama ko. Isang simpleng floral dress o ‘yung black blouse na mas formal? Celine, ano bang ginagawa mo? pagalit ko sa sarili ko. Sabi ko sa kanya, pag-iisipan ko. Pero heto ako, nagdedesisyon kung ano ang isusuot para sa hapunan na hindi ko naman dapat tinanggap.Bakit ba kasi hindi ako nakatanggi nang maayos?"Mommy, ang ganda mo!"Napalingon ako kay Axel na nakatayo sa may pintuan, may hawak na libro. "Sa tingin mo, anak? Hindi ba masyadong... pilit?""Hindi po! Bagay kayo ni Mr. King. Para kayong nasa pelikula," nakangiting sabi niya.Napabuntong-hininga ako. Kahit ang anak ko ay kampi sa kanya. Sa huli, pinili ko ang floral dress. Gusto ko lang maging komportable, at ayokong isipin ni Nicholas na pinaghandaan ko siya nang sobra. Kahit ang totoo, tatlong beses akong nag-retouch ng lipstick.Sakto sa alas-siyete, tumunog ang doorbell. Ang bawat kalansing nito ay parang batingaw sa
Nicholas POVBiyernes ng hapon. Nakaupo ako sa loob ng opisina ko, tinititigan ang mga papeles na hindi ko naman binabasa. Ang isip ko ay nasa kung saan-saang lugar—partikular na sa bahay ni Celine. Pagkatapos ng weekend sa lakeside, parang may kung anong invisible na tali ang humihila sa akin palapit sa kanila. Hindi na sapat ang makita sila paminsan-minsan; gusto ko, araw-araw."Sir, may meeting po tayo sa—""Cancel it," putol ko sa sekretarya ko nang hindi man lang lumingon."Sir, important client—""Cancel everything for the rest of the day," sabi ko, sabay tayo at kinuha ang coat ko. "I have an emergency."Ang "emergency" na tinutukoy ko? Kailangan ko ng dahilan para makita si Celine. Sa loob ng ilang araw na hindi ko sila nakita, parang may kulang sa sistema ko. Parang kape na walang asukal, o kotse na walang gasolina.Pagdating ko sa tapat ng bahay nila, sakto namang lumabas si Celine. Nakasuot siya ng simpleng dress, mukhang papunta sa grocery. Nang makita niya ang kots
Nicholas POVPagkatapos ng gabing iyon, hindi ako nakatulog nang maayos. Next move? Kailangan ng mas mahabang oras. Kailangan ng lugar na hindi siya pwedeng tumalikod agad at magkulong sa kwarto. Kailangan ko sila sa isang lugar kung saan ang tanging distraction ay kaming tatlo lang.Kinabukasan, maaga akong nag-abang sa labas ng bahay nila. Nakita ko silang dalawa ni Axel na palabas para pumasok sa trabaho at eskwela. Pagkakita sa akin, agad na bumakas ang inis sa mukha ni Celine, pero si Axel? Halos tumalon siya sa tuwa."Mr. King! Anong ginagawa mo rito?" tanong ng bata.Ngumiti ako at nilapitan sila. "Good morning. May naisip kasi akong plano para sa weekend. Simple lang. Picnic sa lakeside resort sa labas ng lungsod. Fresh air, magandang view, at ang pinakaimportante—walang office, walang stress. Kayo lang ang kasama ko."Tumingin ako kay Celine. Ang kanyang mga mata ay pilit na nanlalamig, pero ramdam ko ang pag-aalinlangan sa kanyang tindig. "Please, Celine. Isang weekend
Nicholas’ POVNapailing na lang ako habang nagpupunas ng orange juice sa suit ko gamit ang tissue. Halos dumikit na ang matamis na likido sa puting polo ko sa loob. Kung ibang bata siguro ang gumawa nito, baka nairita ako. Pero kay Axel? Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magalit. Siguro d
Axel’s POV10/10 para sa tsokolate, pero 5/10 para sa buttercream frosting dahil masyadong matamis.Nakaupo ako sa ilalim ng mahabang lamesa habang kinakain ang pang-apat kong cupcake mula sa dessert table. Tahimik dito sa ilalim. Walang Tita Mariz na paulit-ulit akong pinapabalik sa VIP room. Ka
Celine's POV “Celine, siguraduhin mong walang palpak. This is King Enterprise we’re talking about. Ang pinakamalaking kliyente natin ngayong taon!” Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko habang inaayos ko ang aking black gown sa harap ng salamin sa VIP room na nasa backstage. Isang maling galaw
Celine’s POV Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang tumatama ang sinag ng araw sa mukha ko. Magulo ang maikli kong dark brown na buhok habang nakakalat iyon sa unan. Napangiwi pa ako nang maramdaman ang pananakit ng aking pagkababae. Bigla akong napamulat at mabilis na napalingon sa tab







