Mag-log inAxel’s POV
10/10 para sa tsokolate, pero 5/10 para sa buttercream frosting dahil masyadong matamis. Nakaupo ako sa ilalim ng mahabang lamesa habang kinakain ang pang-apat kong cupcake mula sa dessert table. Tahimik dito sa ilalim. Walang Tita Mariz na paulit-ulit akong pinapabalik sa VIP room. Kaso, biglang nasira ang peaceful kong buhay nang marinig ko ang boses ni Mommy mula sa di kalayuan. “Wala tayong dapat pag-usapan, Mr. King!” Dahan-dahan kong tinaas ang mahabang table cloth at sumilip palabas. Nakatayo si Mommy habang paatras na naglalakad, mahigpit ang hawak sa clipboard niya. Samantalang sa harapan niya ay iyong gwapong CEO na nagsalita kanina sa stage. Nicholas King. Iyon ang nakasulat sa malaking screen kanina. Habang nakatingin ako sa kanya, automatic na nag-start mag-analyze. Gwapo? Check. Matangkad? Check. Mukhang mabait? Check. Mukhang sobrang yaman? Mega check. Napangiti ako nang malapad. Perfect daddy material. At sa tingin ko, bagay na bagay siya kay Mommy na halos asawa na ang trabaho sa sobrang subsob sa pagiging CEO. Biglang nagtama ang paningin namin ni Mister King habang nakasilip ako. Oops. Nakita niya ako, kaya nginitian ko siya nang matamis. Pero si Mommy? Mukhang nakakita ng multo. Namutla siya nang husto habang nakatitig sa direksyon ko, o mas tamang sabihin na sa aming dalawa ni Mister King. At bago pa makapagsalita si Mister King, mabilis na tumalikod si Mommy at mabilis naglakad palayo dito. Gumapang ako palabas mula sa ilalim ng mesa saka pinagpagan ang suot kong mini tuxedo. “Okay,” bulong ko sa sarili ko. “Kailangan ko nang makahanap ng magiging asawa ni Mommy para may instant daddy na ako.” Tahimik akong naglakad papunta sa bar section kung saan nakatayo si Mister King habang hawak ang wine glass niya. Mukha siyang tulala at nakatingin pa rin sa direksyon na pinuntahan ni Mommy kanina. Huminga ako nang malalim bago nagsimulang umarte. “Hala…” bulong ko sa medyo malakas na boses habang lumilingon-lingon, kunwaring naliligaw at natatakot. “Nasaan na ba iyong VIP room? Ang daming daan dito…” Agad naman niya akong napansin. Binaba niya ang hawak niyang baso at lumuhod nang bahagya para mapantayan ang height ko. “Hey, little kid,” sabi niya. Mababa ang boses niya pero kalmado. “Naliligaw ka ba?” In fairness… mabait ang boses niya. At mas gwapo pala siya kapag malapitan. Walang pores, parang mga artista sa telebisyon. “Opo,” sagot ko gamit ang pinakacute kong boses na madalas kong gamitin kapag humihingi ako ng extra allowance kay Mommy. “Ang laki po kasi nitong place.” Natawa siya nang mahina sa sinabi ko. “Ano pangalan mo?” tanong niya habang nakatingin sa akin. “Axel po.” Inilahad ko ang maliit kong kamay sa harapan niya para makipag-shakehands. Tinanggap niya ang kamay ko. “I’m Nicholas,” pakilala niya rin sa sarili niya. “Sino ang kasama mo rito? Bakit hinayaan ka nilang mag-isa?” “Mommy ko po. Siya ang organizer nitong malaking party niyo.” Proud akong ngumiti at itinaas ko pa ang noo ko. “Maganda po si Mommy. Sobrang galing pa mag-ayos ng mga events.” Napangiti siya nang bahagya, parang may naalala. “Talaga?” “Yes po. Pero wala siyang boyfriend.” Napabuntong-hininga ako kunwari para magmukhang kaawa-awa ang sitwasyon namin. “Single siya forever. Trabaho lang ang kaharap araw-araw.” “Pero sa tingin ko,” sabi ko habang seryoso at diretso akong nakatingin sa mga mata niya, “mas bagay ka kay Mommy.” Napataas ang kilay niya, halatang nagulat sa hirit ng isang anim na taong gulang na bata. “Like me?” Tumango ako. “Gwapo ka po.” Napangiti siya sa compliment ko. “Mabait ka rin po.” Mas lumaki ang ngiti niya, mukhang natutuwa sa kakulitan ko. “At higit sa lahat, mukha kang mayaman.” Tuluyan siyang natawa sa huling sinabi ko. Narinig ko ang mahina ngunit malalim niyang tawa. Jackpot. Mukhang nakuha ko ang loob ng bilyonaryong magiging daddy ko. “So…” dire-diretso kong tanong, nang walang preno ang dila ko. “Pwede mo ba maging girlfriend si Mommy?” Halos mabulunan siya sa iniinom niyang wine na kakakuha lang niya ulit. Nagsimula siyang umubo nang sunod-sunod habang hawak ang dibdib niya. Habang abala siya sa pag-ubo at nagugulat sa proposal ko, mabilis akong lumingon sa gilid at kumuha ng isang basong orange juice mula sa tray ng isang dumaang waiter. Oras na para sa susunod na plano. Phase two. “Mister King! May ipis sa paa mo!” sigaw ko sa pinakapanic kong boses. “What—” Splash! Kunwari akong nadulas dahil sa gulat at tuluyang natapon ang buong orange juice sa mamahalin at plantsadong suit niya. Kulay orange na ngayon ang tapat ng dibdib at tiyan niya. Biglang tumahimik ang buong paligid. Ang mga malapit sa aming panauhin ay napatingin sa direksyon namin “Sorry po!” kunwari kong gulat na gulat habang tinatakpan ko pa ang bibig ko. “Hindi ko po sinasadya, Mister King! Nadulas lang talaga ako!” Pero sa loob-loob ko? Sobrang worth it ng ginawa ko. Ngayong may dumi ang suit niya, mapipilitan siyang hanapin ang mommy ko para makausap dahil sa nagawa ko. “Mukhang delikado ka palang kasama, Axel,” natatawa ngunit may kaunting asar niyang sabi, bagamat ramdam kong hindi naman talaga siya galit sa akin. Habang abala siya sa pagpunas ng kanyang suit, lumingon ako sa paligid at may napansin akong pamilyar na bulto sa likod ng isang malaking sementadong pillar malapit sa entrance ng ballroom. Si Mommy. Nakatago siya roon, kalahati lang ng mukha niya ang nakalabas habang palihim kaming pinapanood.Celine's POV Ang umaga ay bumungad sa akin na may kakaibang bigat sa dibdib. Hindi ito 'yung pagod na dulot ng overtime kagabi; ito ay ang bigat ng pag-aalinlangan. Nakatitig lang ako sa labas ng bintana habang hinihintay na magising si Axel para sa school. Ang mga salita ni Nicholas kagabi—ang kanyang pangako na hindi na siya aalis—ay patuloy na naglalaro sa isip ko. Hinding-hindi na kita sasaktan. Napakadaling sabihin ng mga salitang 'yan. Pero sa loob ng anim na taon, natutunan ko na ang mga pangako ay parang kristal; madaling mabasag kung hindi mo ito hahawakan nang maingat. Paghatid ko kay Axel sa school, sinalubong ako ng isang text message mula kay Nicholas. “Good morning. Pick you up at 7 PM for dinner? Gusto ko lang sabihin na kahit anong mangyari, I’m here. Just for you and Axel.” Napangiti ako nang hindi ko sinasadya. Masyado siyang persistent. Masyado siya parang... Nico. Ang lalaking dati ay hindi marunong mag-antay, ngayon ay handa nang maging pasensyoso para
Celine's POV Ang opisina ay nababalot ng katahimikan, tanging ang ugong lang ng aircon at ang mahinang tunog ng keyboard ang naririnig. Alas-syete na ng gabi. Ang mga empleyado ay kanina pa umuwi, naiwan na lang kami ni Nicholas sa loob ng conference room para tapusin ang preparasyon para sa susunod na malaking event ng kumpanya. Nakapatong sa mesa ang mga dokumento, mga layout ng venue, at mga listahan ng bisita. Sa gitna ng lahat ng ito, naroon si Nicholas. Hindi na siya ang CEO na nakasuot ng mamahaling suit; nakatupi ang sleeves ng kanyang polo hanggang siko, at ang kanyang buhok ay medyo gusot na—isang senyales na pagod na rin siya, pero hindi sumusuko. "Celine, tingnan mo ang slide na 'to. Sa tingin mo ba masyadong formal ang font?" tanong niya, sabay lapit sa akin. Naramdaman ko ang presensya niya. Masyadong malapit. Amoy kape at ang pamilyar niyang pabango na hanggang ngayon ay nagpapabilis pa rin ng tibok ng puso ko. Pilit akong umiwas ng tingin at tumuon sa screen
Nicholas POVKinabukasan, maaga akong nagising. Mas maaga pa sa alarm ko. Siguro dahil sa naganap kagabi—ang hapunan namin ni Celine na nauwi sa hindi-maipaliwanag na tensyon at kaba.Habang nagtitimpla ako ng kape sa aking penthouse, tumunog ang phone ko. Isang video call mula kay Axel."Mr. King! Good morning!" bungad ng bata. Nakasuot siya ng pajama na may prints ng mga dinosaur."Good morning, Axel. Bakit napatawag ka nang maaga?" tanong ko, sinubukang itago ang excitement sa boses ko."Mommy is still sleeping. Pero Mr. King, Sasabihin ko na next step na gagawin mo po!" bulong niya na parang may malaking krimen na magaganap."Next Step?"" I-kidnap mo na si Mommy mamaya! Dalhin mo siya sa ice cream shop!"Natawa ako nang malakas, halos maibuga ko ang kape ko. "Kidnap? Axel, labag sa batas 'yun. Baka makulong ako, hindi na kita makikita.""Hindi 'yan!" sabi ni Axel habang humahagikgik. "Sabihin mo lang, 'Emergency! May kailangan akong ipakita sa'yo!' Tapos 'pag nasa loob na
Celine's POVNakaharap ako sa salamin, pabalik-balik ang tingin sa dalawang damit na nakalatag sa kama ko. Isang simpleng floral dress o ‘yung black blouse na mas formal? Celine, ano bang ginagawa mo? pagalit ko sa sarili ko. Sabi ko sa kanya, pag-iisipan ko. Pero heto ako, nagdedesisyon kung ano ang isusuot para sa hapunan na hindi ko naman dapat tinanggap.Bakit ba kasi hindi ako nakatanggi nang maayos?"Mommy, ang ganda mo!"Napalingon ako kay Axel na nakatayo sa may pintuan, may hawak na libro. "Sa tingin mo, anak? Hindi ba masyadong... pilit?""Hindi po! Bagay kayo ni Mr. King. Para kayong nasa pelikula," nakangiting sabi niya.Napabuntong-hininga ako. Kahit ang anak ko ay kampi sa kanya. Sa huli, pinili ko ang floral dress. Gusto ko lang maging komportable, at ayokong isipin ni Nicholas na pinaghandaan ko siya nang sobra. Kahit ang totoo, tatlong beses akong nag-retouch ng lipstick.Sakto sa alas-siyete, tumunog ang doorbell. Ang bawat kalansing nito ay parang batingaw sa
Nicholas POVBiyernes ng hapon. Nakaupo ako sa loob ng opisina ko, tinititigan ang mga papeles na hindi ko naman binabasa. Ang isip ko ay nasa kung saan-saang lugar—partikular na sa bahay ni Celine. Pagkatapos ng weekend sa lakeside, parang may kung anong invisible na tali ang humihila sa akin palapit sa kanila. Hindi na sapat ang makita sila paminsan-minsan; gusto ko, araw-araw."Sir, may meeting po tayo sa—""Cancel it," putol ko sa sekretarya ko nang hindi man lang lumingon."Sir, important client—""Cancel everything for the rest of the day," sabi ko, sabay tayo at kinuha ang coat ko. "I have an emergency."Ang "emergency" na tinutukoy ko? Kailangan ko ng dahilan para makita si Celine. Sa loob ng ilang araw na hindi ko sila nakita, parang may kulang sa sistema ko. Parang kape na walang asukal, o kotse na walang gasolina.Pagdating ko sa tapat ng bahay nila, sakto namang lumabas si Celine. Nakasuot siya ng simpleng dress, mukhang papunta sa grocery. Nang makita niya ang kots
Nicholas POVPagkatapos ng gabing iyon, hindi ako nakatulog nang maayos. Next move? Kailangan ng mas mahabang oras. Kailangan ng lugar na hindi siya pwedeng tumalikod agad at magkulong sa kwarto. Kailangan ko sila sa isang lugar kung saan ang tanging distraction ay kaming tatlo lang.Kinabukasan, maaga akong nag-abang sa labas ng bahay nila. Nakita ko silang dalawa ni Axel na palabas para pumasok sa trabaho at eskwela. Pagkakita sa akin, agad na bumakas ang inis sa mukha ni Celine, pero si Axel? Halos tumalon siya sa tuwa."Mr. King! Anong ginagawa mo rito?" tanong ng bata.Ngumiti ako at nilapitan sila. "Good morning. May naisip kasi akong plano para sa weekend. Simple lang. Picnic sa lakeside resort sa labas ng lungsod. Fresh air, magandang view, at ang pinakaimportante—walang office, walang stress. Kayo lang ang kasama ko."Tumingin ako kay Celine. Ang kanyang mga mata ay pilit na nanlalamig, pero ramdam ko ang pag-aalinlangan sa kanyang tindig. "Please, Celine. Isang weekend
Nicholas’ POV“Sir?”Naputol ang iniisip ko nang biglang tumawag sa akin ang assistant ko.“The investors are waiting.”Hindi ako agad sumagot. Nanatili ang tingin ko sa direksyong nilakaran nina Celine at Axel kanina.Pero bago pa man ako makahakbang paalis. “Mister King!”Napatigil ako at mabil
Nicholas’ POVNapailing na lang ako habang nagpupunas ng orange juice sa suit ko gamit ang tissue. Halos dumikit na ang matamis na likido sa puting polo ko sa loob. Kung ibang bata siguro ang gumawa nito, baka nairita ako. Pero kay Axel? Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magalit. Siguro d
Celine's POV “Celine, siguraduhin mong walang palpak. This is King Enterprise we’re talking about. Ang pinakamalaking kliyente natin ngayong taon!” Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko habang inaayos ko ang aking black gown sa harap ng salamin sa VIP room na nasa backstage. Isang maling galaw
Celine’s POV Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang tumatama ang sinag ng araw sa mukha ko. Magulo ang maikli kong dark brown na buhok habang nakakalat iyon sa unan. Napangiwi pa ako nang maramdaman ang pananakit ng aking pagkababae. Bigla akong napamulat at mabilis na napalingon sa tab
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






