LOGIN
KANINA PA INAABANGAN NG Nine years old na si Margaux ang pagdating ng kanyang ama. Excited siya dahil nangako ito sa kanya na papasalubungan siya nito ng manyika pagbabalik nito galing sa mahabang bakasyon nito sa Amerika kasama ng tunay nitong pamilya. Pero hindi lang naman manyika ang ikina-e-excite niya. Miss na miss na rin talaga niya ang kanyang Daddy. Isang buwan na simula nang huli niya itong makausap, patago pa nang kitain siya nito.
Sabagay, sa edad niyang siyam na taong gulang ay naiintindihan na niya ang sitwasyon nilang mag-ina sa lugar ng Daddy niya. Never namang inilihim sa kanya ng kanyang ina na si Carmina at ang Lola Belen niya ang tunay niyang kalagayan kaya kung ano lang ang panahong ibinibigay sa kanya ng ama ay masaya na siya. Never siyang nagdemand ng kahit na ano mula dito. Sapat na sa kanyang mahal siya nito. Napatayo siya mula sa kinauupuan nang marinig ang pagdating ng sasakyan.
Humahangos na tumakbo siya sa may pintuan at nagmamadali iyong binuksan, "Daddy!!!!" tili niya habang pumapasok ang kotse nito sa loob ng kanilang gate. Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay nila ay nauna nang bumaba ang mga body guards nito. Nakangisi naman siya habang inaabangan ang paglabas ng ama.
"Daddy. . ." masayang-masayang sigaw niya nang sa wakas ay iluwa ng sasakyan ang Daddy niya habang inaalalayan ito ng dalawang body guards nito na bumaba ng kotse. Malaki ang age gap ng Mommy at Daddy niya. Kaka-eighteen lang ng Mommy niya nang maging kalaguyo ito ng Daddy niya. Kwento ng Mommy niya, kakapanalo lang nitong bise gorbernador sa kanilang probinsya that time nang pumasok bilang intern ang kanyang ina sa opisina nito. Papaalis na sana ang Mommy niya para magtrabahong dancer sa Japan nang mamataan ito ng Daddy niya sa munisipyo. Simula nuon ay hindi na nito tinigilan ang mommy niya. Inalok ito ng Daddy niya na magtrabaho bilang secretary sa opisina nito, tinaggap naman iyon ng kanyang ina lalo pa at malaki ang offer nitong sweldo.
Hanggang sa mabuntis nga nito ang Mommy niya at siya ang naging bunga ng kasalanang iyon. Pinahinto ng Daddy niya sa pagtratrabaho ang Mommy niya at itinira sa Maynila upang kahit na paano ay mailihim ang sitwasyon nito. Ngunit sabi ng Mommy niya, matunog na usap-usapan ang dalawa, wala nga lamang nangangahas na magsalita. Maski ang legal na asawa ng Daddy niya ay tahimik lang, takot raw sigurong masira ang political career ng Daddy niya.
Pero lately ay napapansin niyang halos hindi na nag-uusap ang Mommy at Daddy niya. Sabi ng Lola Belen niya, baka may nahanap na naman daw bagong babae ang Daddy niya. Sabi pa nga nito, once a jerk, always a jerk at malabo nang magbago pa iyon kahit na gaano pa kaganda ang Mommy niya.
Kaya rin siguro padalang na nang padalang kung kitain siya ng ama. Unlike before na natutulog pa dito ng isang Linggo sa bahay nila ang Daddy niya.
Ganun pa man ay masaya siyang kahit na paano ay binibigyan siya ng attention ng kanyang Daddy. Pero may mga gabing nag-wi-wish siya na sana ay hindi na lamang siya anak sa pagkakasala ng kanyang mga magulang. Minsan rin, nasasabik siyang makilala ang kanyang mga kapatid sa legal nitong asawa. Masarap sigurong may matawag na Ate at Kuya. Sabi ng Mommy niya, tatlo ang anak nito sa tunay na asawa.
Sa picture pa lang niya nakikita ang mga ito. Umaasa siyang balang araw, makikilala rin niya ang mga ito ng personal.
"Daddy. . ."
Kinalong siya ng ama. Napansin niyang her dad is not getting any younger. Halata na ang mga wrinkles nito sa mukha. Malaki na rin ang mga eye bags nito at marami ng mga puting buhok gaya ng Lola Belen niya.
Pero ayaw niyang sirain ang mood ng ama kaya sinarili na lamang niya ang kanyang mga napansin. "Daddy, kumusta ang bakasyon nyo sa Amerika? Binili nyo po ba iyong promise nyong barbie doll ko?"
"Syempre naman. Makakalimutan ko ba ang pangako kong iyon sa iyo?" Nilingon nito ang isa sa mga tauhan upang ilabas mula sa kotse ang mga pasalubong para sa kanya.
Napatili siya sa sobrang excitement. "Thank you so much, daddy." tuwang-tuwang niyakap niya ang ama saka tumakbo sa mga pasalubong nito at isa-isa iyong binuksan. Nagniningning ang mga mata niya sa katuwaan habang nakatingin sa mga magagandang laruan, chocolates, damit at ang paborito niyang barbie doll.
Tumayo siya at muling tumakbo sa ama para yakapin itong muli, "Thank you talaga, daddy." Malambing na turan niya, "Daddy kwento mo naman po iyong tungkol sa mga kapatid ko. Sina Kuya Miguel, nag enjoy po ba sila sa bakasyon nila sa States?" Aniya saka lumamlam ang kanyang mga mata, "Daddy, may chance po ba na ipapakilala nyo ako sa kanila?" Halos paanas lamang na tanong niya.
Hinagod nito ang buhok niya, "Someday anak, makikilala mo rin ang mga kapatid mo," sagot nito sa kanya.
"Talaga po daddy?"
Tumango ito.
Muli niya itong niyakap, "Daddy, mahal na mahal ko po kayo ni mommy at ng mga kapatid ko. Promise po, pagbubutihin ko po ang studies ko para maging proud kayo sa akin."
Hinalikan siya sa nuo ng ama.
Hindi niya akalaing iyon na pala ang huling pagkikita nila ng Daddy niya. Sa hindi malaman na kadahilanan ay hindi na siya nito binisita pa. Tuwing magtatangka naman siyang tawagan ito ay palaging secretary lang nito ang sumasagot at sinasabing wala duon ang kanyang ama. Minsan ay hindi na siya nakatiis pa. Niyaya niya sa Buenavista ang Mommy niya para puntahan ang Daddy niya sa opisina nito. Maganda ang probinsya ng Buenavista. Sabi ng mommy niya, kung ito lamang ang masusunod ay mas gusto nitong dito siya lumaki. Ngunit ayaw raw ng daddy niya ng gulo kaya napilitan ang mommy niya na lumipat sa Maynila.
"Daddy!!!" Tili niya nang makita ito sa lobby nang malamansyong opisina nito ngunit sa halip na matuwa itong makita siya, dumilim ang mukha nito lalo na sa Mommy niya. Pero nilapitan pa rin niya ang ama, ang gulat niya nang itulak siya nito palayo.
"I'm sorry hindi kita kilala," malamig ang tonong sabi nito sa kanya saka nagmamadali nang sumakay sa kotse nito. Nakita pa niyang may dumuwang na isang batang tantiya niya mula sa bintana ng magarang sasakyan. Pasimple itong ngumiti nang tila nakakaloko sa kanya. Naisip niyang isa siguro ito sa mga legitimate na anak ng Daddy niya. Nang bahagyang makalayo ang sasakyan ay kitang kita niyang binilatan siya ng bata. Pero hindi nya iyon ininda dahil wala nang sasakit pa sa pakiramdam na itatwa ka ng iyong sariling ama. Gusto nang tumulo ng mga luha niya pero ayaw niya iyong ipakita sa Mommy niya.
"Sabi ko naman saiyo anak eh. . ." Dinig niyang sabi ng Mommy niya, "Gusto mo bang mag-eskandalo ako? Lintek hindi na nga ako nagrereklamo na inihinto na nya ang suporta saiyo pero iyong harap-harapan kang. . ."
Kinabahan siya. Baka nga mag-eskandalo pa ang Mommy niya. Kahit naman ganuon ay ayaw niyang malagay sa alanganin ang kanyang ama. Besides, ano pa bang magagawa nilang mag-ina? Magiging kontrobersyal lang sila pero at the end of the day, anak pa rin siya sa pagkakasala ng kanyang mga magulang kaya wala siya sa posisyon para mag-demand.
Pero palagi na ay nakadungaw siya sa may bintana ng bahay nila, pagkagising na pagkagising niya sa umaga, nagbabakasakaling makakaalala man lang kahit na paano ang daddy niya.
Ngunit hindi na iyon nangyari pa kahit na kailan. Ni hindi na rin nagri-ring ang phone number nito. Sabi ng mommy niya, malamang ay nagpalit na rin ito ng number. Ang sama-sama ng loob niya. Wala na ba talagang pagmamahal sa kanya ang daddy niya?
Hanggang ang pangungulila niya sa ama ay unti-unti nang mauwi sa galit at pinipilit niya ang sarili na tuluyan na lamang itong iwaksi sa isipan niya.
Pero ngayong 10th birthday niya ay naalala na naman niya ang ama. Umaasa siya na dahil espesyal na araw naman niya ito, baka sakaling pagbigyan sya ng Diyos sa kahilingan niyang ito. Ngunit hanggang sa lumubog ang araw, hindi nagpakita ang daddy niya. Ang lungkot lungkot niya.
Hindi kayang punan ng mga laruan ang pangungulila niya sa kanyang ama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang dahilan kung bakit ito biglang nagbago. Kung bakit bigla na lang siya nitong kinalimutan.
Isang hapon ay nagkasakit siya. Mataas na mataas ang lagnat niya, kinukunbulsyon na nga raw siya sa sobrang taas ng lagnat niya kung kayat isinugod siya sa ospital ng kanyang mommy.Nasaid na ang savings ng kanyang ina dahil matagal ng walang sustento ang daddy niya kung kayat napilitan itong isanla ang mga alahas na regalo dito ng daddy niya para lang mabayaran ang malaking gastos sa ospital.
Gusto niyang sisihin ang sarili. Nang dahil sa kanya, nagkagastos pa sila ng malaki. Mas lalo siyang na guilty nang marinig niya ang lola niya at mommy niya na nag uusap.
"Kailangan ko na pong humanap ng trabaho 'nay. Lalakarin ko iyong mga papelis ko, kung walang magiging aberya, sabi ng agency kahit next week pwede na kong makaalis."
"Mommy, aalis po kayo?" Ngayon pa lamang ay tumutulo na ang kanyang luha.
"Anak, huwag kang umiyak. Kailangan nating magtulungan. Kailangan nating magpakatatag. Kung magpapakita tayo ng kahinaan, hindi tayo makaka survive. Tandaan mo anak, talo ang mga pikon sa buhay. Di ba, nagmana ka sa akin? Malakas, matapang at marunong lumaban sa buhay?"
Tumango na lamang siya kahit na hindi naman niya naiintindihan ang lahat napilitan silang sinasabi ng mommy niya. Ang mahalaga, mana siya sa mommy niya.
Pinahid niya ang kanyang mga luha, "Basta mommy, hindi po kayo mag gigive up sakin gaya ng ginawa po ni daddy ha?" Paghingi niya ng assurance sa ina.
Niyakap siya nito ng mahigpit. "Yan ang hinding hindi mangyayari anak. Kahit na kailan, hinding hindi kita susukuan."
"I love you mommy. Basta, tayong tatlo nina lola ang magkakakampi."
”IT’S ALWAYS BEEN YOU, CARLY,” sabi ni Marlo kay Carly habang tinititigan niya ito sa mga mata. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang kasama niya ang babaeng buong buhay niya ay minahal na niya. “Kaya nga siguro palagi akong nagpapansin saiyo noon. Gustong gusto kitang inaasar kasi sa ganoong paraan mo lang ako napapansin. Alam ko kasing si Rico ang gusto mo.””Diyan ka nagkakamali,” sagot ni Carly sa kanya, “Ang totoo, ikaw ang una kong naging crush. Pero unti unting nauwi sa pagkamuhi ang pagkagusto ko saiyo dahil wala ka ng ginawa kundi paiyakin ako. Kaya siguro nabaling kay Rico ang pagtingin ko. Iyong ultimatum is nong makita ko kayo ni Grace na. . .” Tila nahihiya itong ituloy ang sasabihin, “Very traumatic para sa aking makita ang crush mo na. . .that time hindi ko pa gaanong naiintindihan kung ano talaga ang ginagawa nyo pero nasaktan ako.”Namula ang mukha ni Marlo, “That was so embarassing,” aniya dito.Tiningnan siya ng matiim ni Carly, “Minahal mo ba tslaga s
ALAM ni Boyet na kahit na ano pa ang gawin niya ay hindi na magbabago pa ang nararamdaman ni Carly. Nakita niya ang kakaibang ningning sa mga mata nito nang makita si Marlo. Bagay na kailanman ay hindi niya naramdaman kay Carly kapag siya ang kasama nito. Kaya kahit masakit sa kanya ang katotohanan ay kailangan na niyang tanggapin na hindi na siya mahal ng babae. O minahal nga ba siya nitong talaga in the first place? Siguro ay hindi na mahalaga pang malaman ang sagot sa tanong niyang iyon. Malungkot na tinapik niya sa balikat si Marlo, "Alagaan mo sya pare at wag mo sanang sasaktan," sabi niya dito pagkatapos ay si Carly naman ang nilapitan niya. "Pwede bang mayakap kita ng mahigpit sa huling pagkakataon?" May pait sa mga labing tanong niya dito. Hindi naman siya pinagdamutan ni Carly. Niyakap siya nito nang mahigpit. Ngayon niya nabatid na mahal talaga niya ito pero sadyang hindi ito nakatadhana para sa kanya. Sabi nga nito sa kanya kanina, pag ukulan na lang niya ng pagmamahal ang
WARING natauhan si Marlo sa sinabing iyon ng kanyang ina. May katwiran ito. Dapat mag usap sila ng masinsinan ni Carly, hindi ganitong tinatakbuhan niya ang problema.”Okay Ma, uuwi ako ng Pilipinas,” sabi niya sa ina. Mabilis na mabilis lang ang kanyang naging desisyon. Ang totoo ay miss na miss na rin niya si Carly. Baka nga tama ang ina niya. “Mabuti.”Nang araw ring iyon ay bumili siya ng ticket pauwi sa Pilipinas. Binilinan lamang niya ang kanyang virtual assistant sa mga dapat nitong gawin. Ipinaalam rin niyang pauwi siya ng Pilipinas at hindi ganoon kalakas ang signal doon. At kung mawawala siya ng matagal, ibig sabihin ay nasa Isla Berde siya. Anyway, very proficient naman ang kanyang mga tauhan. Kahit nga hindi niya regular na mamonitor iyon ay maayos tumatakbo ang kanyang mga online businesses lalo pa at konektado naman sa laptop at phone niya ang lahat ng mga nangyayaring transaction kaya walang makakapandaya sa kanya.HINDI mapakali si Carly. Noong isang araw ay tinawagan
“BUNTIS ka? Madaragdagan na ang apo namin,” Masayang masaya si Mylene nang tawagan siya ni Carly at ipaalam sa kanya na nagdadalantao ito, “Mas lalong hindi dapat ma file ang inyong annulment. Kakausapin ko si Marlo.””Tita, huwag nyo na pong pilitin si Marlo,” pakiusap ni Carly sa kanya, “Kung pakikisamahan lang niya ako dahil sa bata, wag na lang. Pwede naman naming palakihin ng maayos ang bata nang hindi namin kailangang magsama sa iisang bubong,” paliwanag nito sa kanya, “Gusto ko namang pahalagahan ngayon ang sarili ko, Tita. Sana po maintindihan ninyo.”Napahinga siya ng malalim, “Okay. Bahala ka pero gusto kong tumigil ka na sa pagtratrabaho at ako ng bahala sa lahat ng mga pangangailangan ninyo!” Giit niya rito.”Tita, kaya ko pa naman pong magtrabaho.””Hey Carly, ano bang nangyayari saiyo? Ano ba talaga ang gusto mong patinayan? Bakit lahat na lang ng tulong na gusto naming ibigay saiyo, tinatanggihan mo na? Ganyan ba katindi ang galit mo sa anak ko, ha?” Sita niya rito, “Sa
BAHAGYANG natigilan si Carly nang maisip na dalawang buwan na siyang hindi dinadatnan. Bago niya ipaalam sa kanyang mga magulang ang kanyang hinala ay bumili muna siya ng kit para makasigurado. At para siyang napapaiyak nang makumpirma na nagdadalang tao nga siya."Ma, Pa, buntis po ako," umiiyak na sabi niya sa mga ito habang hawak ang resulta ng ginawa niyang test. Hindi niya alam kung luha ba ito ng kasiyahan or kalungkutan. Nag uumpisa na siya sa kanyang trabaho bilang kahera sa isang department store. Sa gabi naman ay nag aaral siya. May maliit rin silang talyer na pinamamahalaan ng Papa niya at ang Mama naman niya ay abala sa pagtitinda ng mga halaman. Every Sunday naman ay may extra work siya bilang virtual assistant sa itinayong kompanya nina Rico at Margaux. Ngunit ngayong buntis siya, paano pa niya magagampanan ng maayos ang lahat ng ito?Iniisip rin niya kung kailangan ba niya itong ipaalam kay Marlo at sa pamilya nito.Napatingin siya sa mga magulang. Kita niya sa mukha ng
SA KUWARTO ni Marlo nagpalipas ng gabi si Carly ngunit hindi siya dalawin ng antok dahil paulit ulit niyang pinagmamasdan ang mga photo albums ni Marlo na nakita niya sa cabinet nito. Noon lamang niya napansin na marami pala silang pictures na magkasama. He was always there to protect her pero bakit ba inakala niyang wala itong pakialam sa kanya? Napaiyak na naman siya lalo na nang marealize niya kung gaano kasama ang ginawa niya. Pinagtaksilan niya ito kaya nagalit ito nang husto sa kanya.Hindi niya alam na minahal rin pala siya nito. Maibabalik pa kaya niya ang dating pagtingin nito sa kanya?Kung kailan napagtanto niya na mahal pala niya ito matagal na, saka naman ito nakipaghiwalay sa kanya. Naalalala na naman niya nang makita niya ito kayakap si Lovely.Baka kaya ito nag file ng divorce ay dahil interesado ito sa babaeng iyon?Parang may kung ano na namang kumukurot sa dibdib niya nang pinong pino.PILIT na binubura ni Marlo sa utak niya si Carly. Kakarating pa lamang niya sa Am



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



