Share

CHAPTER 1

Author: Michelle Vito
last update publish date: 2026-08-26 09:55:43

“MARGAUX, wag mo namang gawin sakin to oh. I love you. . .” Nakikiusap na sabi ni Marco, classmate niya sa geometry pareho niya ang kurso, architecture ngunit ahead ito ng two years sa kanya dangan nga lamang at may mga subject na ibinagsak kaya hindi kaagad nakagraduate. Last month ay naging sila dahil ayaw siyang tigilan. Pero ngayong umaga ay na-realize niyang hindi na siya masayang kasama ito kaya nakikipagkalas na siya dito. Besides, hindi naman niya ito mahal. Oo, isa si Marco sa tinitilian dito sa campus dahil sa kagwapuhan nito at galing magbasketball. Pero feeling niya ang boring nitong kausap. As in walang ibang alam pag usapan kundi mga luxury cars, basketball and parties. Mas masarap pang kausap ang parrot niyang si Roxanne kesa sa lalaking ito.

Naririnig niya ang tudyo ng mga kabarkada nito mula sa likuran, “Huh Marco, ano ka ngayon?”

“Margaux, akin ka na lang kasi.” anang pa ng isa. Napailing na lamang siya saka muling binalikan ng tingin si Marco.

“I'm sorry Marco pero ayoko na talaga!” Pagkasabi niyon ay mabilis na niya itong tinalikuran. Pero para itong batang sunod ng sunod sa kanya. Napabuntong hininga siya ng malalim saka asar na bumaling dito, “Will you please stop following me? Mas lalo mo lang akong iniinis eh” bulyaw niya dito.

Napansin niyang napukaw niya ang lahat ng atensyon ng mga estidyanteng nakatambay sa canteen. Pero wala siyang pakialam. Sikat siya dito sa campus dahil sa angkin niyang kagandahan. Halos lahat ng mga varsity players dito ay manliligaw niya. Kaya naman marami ring kababaihan ang asar at naiiniggit sa kanya. Imagine, isang Marco Gutierrez, hinihiwalayan niya? In fairness kay Marco, ang daming babae ang nagkakandarapa maging syota lang nito.

“Margaux. . .”

“Enough!” giit niya sa binata. Natahimik si Marco. Nagsindi siya ng isang stick ng sigarilyo saka naupo sa bakanteng silya. Hindi nakaligtas sa kanya ang grupo ng mga kababaihang nagbubulungan at halatang siya ang pinag uusapan. Hindi na lamang niya iyon pinansin. Napadako ang tingin niya kay Rico Villamor. Ang campus crush ng bayan.

Ahead ito sa kanya, at graduating na. Nagtama ang kanilang mga mata, nginitian niya ito, huling huli niya nang dumilim ang mukha nito saka ibinaling sa iba ang pansin.

Hindi gaya ng ibang mga boys dito sa campus, wa epek ang alindog niya kay Rico. Tuloy ay nacu-curious siya kung anong tumatakbo sa utak nito sa tuwing mapapatingin sa kanya. Hindi ba talaga ito nagagandahan sa kanya? 

Bakit para bang may sakit siyang nakakahawa na iniiwasan nito sa tuwing magkakaroon sila ng chance na magkadaupang palad?

At iyong curiousity niya dito ay mas lalong lumalalim. Kumbaga ay nakakapagdagdag iyon ng interest sa kanya para makilala si Rico.

Baka naman kasi gimik lang iyon ni Rico, pa misteryoso effect para ma-attract siya dito? Well, kung iyon ang dahilan nito, sorry!

Yes, curious siyang makilala ito ngunit hanggang doon lang. Bata pa lang siya ay ipinangako na niya sa sariling hinding hindi siya maiinlab para hindi siya masasaktan gaya ng Mommy niya.

Hanggang ngayon ay naniniwala siyang ‘asshole’ ang lahat ng mga lalaki. Mahal ka lang nila sa umpisa pero kapag nakuha na nila ang gusto niya saiyo, para kang isang basahan na iiwan sa isang tabi. Hindi ba ganuon ang ginawa ng Daddy niya sa Mommy niya? Worst, pati siya ay dinamay pa nito. Kaya nga never na siyang nagkakaroon ng malalim na pakikipagrelasyon sa mga nagiging boyfriend niya.

At seventeen, siguro ay naka-six boyfriends na siya. Si Marco nga iyong huli. Pwera pa iyong mga in between habang may djowa siya. Katwiran niya, hindi lang mga lalaki ang kayang magpaiyak at mang-iwan. Kayang-kaya rin niya. Sa lahat ng mga nakarelasyon niya, never niyang ibinigay ang kanyang sarili. Kahit marami siyang nagiging boyfriends, utak pa rin ang ginagamit niya at hindi ang kanyang puso.

Maingat siya pagdating sa mga ganoong bagay. Ayaw niyang maging gaya ng mommy niya.

After nga pala ng insidenteng iyon sa opisina ng Daddy niya, napilitan ang mommy niya na ituloy ang naantala nitong pagtratrabaho sa Japan dahil tuluyan nang itinigil ng Daddy niya ang pagsuporta sa kanya.

Mas lalo tuloy lumalim ang hinanakit niya sa ama.

Tanda niya, nuong bata pa siya, madalas siyang napapaaway sa mga kalaro niya kapag tinatawag na ‘japayuki’ ang mommy niya. Payo pa nga ng Lola Belen niya, pabayaan na lang daw niya kasi totoo namang ‘japayuki’ ang mommy niya. At that time, di niya naiintindihan kung ano ba talaga ang kahulugan ng salitang ‘japayuki’. Naasar lang siya dahil ang pangit pakinggan.  Ngunit habang lumalaki, at nauunawaan na niya ang tunay na kahulugan niyon ay mas lalo lamang niyang minamahal ang mommy niya. Nagsakripisyo ito para sa kanya. Hindi ba napakadakila ng pagmamahal ng mommy niya?

At iyong hinanakit niya sa daddy niya ay unti-unting nauuwi sa pagkasuklam. Hindi katanggap tanggap para sa kanya ang mga iresponsableng lalaki gaya ng daddy niya. 

Kaya ‘ako, hinding-hindi ako magpapakatanga dahil sa pag-ibig’ palagi ay sinasabi niya sa kanyang sarili. Nuong mag mag-fifteen years old siya ay pinilit niya ang mommy niya na huminto na sa pagtratrabaho sa Japan. Nag-away pa nga sila dahil ‘paano na raw ang college’ niya kung hinhinto ito sa pagjajapan? Pero nagbanta siyang hindi magka college kung di ito pipirmi sa Pilipinas.

Sa awang Diyos, nakakuha siya ng scholarship dito sa prestihiyosong unibersidad. Marami rin siyang raket na nakakatulong para kahit na paano ay mabuhay silang tatlo ng mommy at lola niya nang maayos. Ang mommy naman niya ay nagbukas ng patahian sa bahay nila. Ang lola naman niya ay may maliit na sari-sari store. Kahit na paano ay okay naman ang buhay nila. Konting tiis lang, pasasaan ba at mabibigyan rin niya ng kaginhawaan ang kanyang mommy at lola.

Nilapitan siya ni Dennis, isa rin sa masugid niyang manliligaw.  Classmate niya sa pang Sabado na subject niya.  Mabait ito at palagi siyang binibigyan ng chocolates at flowers.  Unlike Marco, very low profile lang ito kahit na napakaguwapo rin nito at maraming babaeng nagkakagusto dito.  "Hi, Margaux. . .pwede bang makitable saiyo?" 

Nagkibit siya ng balikat, "Go ahead, hindi ko naman pag-aari ang mesang ito," kaswal na sagot niya dito, tuloy siya sa kanyang paninigarilyo nang sitahin siya ng isa sa mga staff ng canteen at sabihan siyang bawal manigarilyo sa loob ng canteen.

"Sorry naman po," aniya sa matandang lalaki saka ibinigay kay Dennis ang hawak niyang sigarilyo, "T***n mo na nga ito," utos niya dito. Kaagad namang tumalima ang binata. Napangisi siya. Habang sinusundan ito ng tingin ay muling napadaan ang mga mata niya kay Rico na madilim na madilim ang anyo habang nakatingin sa kanya. Halatang hindi nito nagugustuhan ang iniaasal niya lalo na ang pagtatrato niya kay Dennis.

Tumayo siya at nilapitan si Rico, "Uy, may problema ka ba sa akin?" Astig ang pagkakatanong niya rito.  Natigilan ang mga ka-table nito, waring nanunudyo ang mga mata ng mga ito habang nakatingin kay Rico.  Hindi naman nagpatinag si Rico, tumayo ito at walang kangiti-ngiti nang magsalita.

Ramdam niyang lahat ng nasa canteen ay nakatutok sa kanilang dalawa.  Nakikiramdam sa tensyong nagaganap sa pagitan nila ni Rico.

"Oo!" Sagot nito sa kanya, "Naalibadbaran ako sa pagmumukha mo.  Kung umasta ka, akala mo pag-aari mo itong university!" Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa, "Masyado kang assuming as if lahat ng tao sasambahin ang kagandahan mo.  Pwes, ibahin mo ako.  Hindi ako napapahanga sa kagaya mong narcissist, self-centered and very. . ."

Gigil siya kaya mabilis niya itong siniil ng halik sa mga labi.  Dinig niya ang umaalingaw-ngaw na 'ohh' sa mga audience.  Pero nagulat siya.  Nagulat siya sa naging reaction ng kanyang katawan nang mahalikan niya si Rico.  Bakit parang may kuryenteng gumapang sa kanyang buong katawan?  Mabilis niya itong itinulak palayo saka tumakbo palabas ng canteen.  Ramdam niya ang pagpatak ng kanyang mga luha.  Masakit ang sinabing iyon sa kanya ni Rico.  Self-centered?  Wala itong karapatang pagsalitaan siya ng ganuon dahil hindi nito alam ang mga pinagdaanan niya.

Hindi nito alam ang hirap na dinaranas niya makapag aral lang sa prestihiyosang unibersidad na gaya nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Favorite Mistake   CHAPTER 130:

    ”IT’S ALWAYS BEEN YOU, CARLY,” sabi ni Marlo kay Carly habang tinititigan niya ito sa mga mata. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang kasama niya ang babaeng buong buhay niya ay minahal na niya. “Kaya nga siguro palagi akong nagpapansin saiyo noon. Gustong gusto kitang inaasar kasi sa ganoong paraan mo lang ako napapansin. Alam ko kasing si Rico ang gusto mo.””Diyan ka nagkakamali,” sagot ni Carly sa kanya, “Ang totoo, ikaw ang una kong naging crush. Pero unti unting nauwi sa pagkamuhi ang pagkagusto ko saiyo dahil wala ka ng ginawa kundi paiyakin ako. Kaya siguro nabaling kay Rico ang pagtingin ko. Iyong ultimatum is nong makita ko kayo ni Grace na. . .” Tila nahihiya itong ituloy ang sasabihin, “Very traumatic para sa aking makita ang crush mo na. . .that time hindi ko pa gaanong naiintindihan kung ano talaga ang ginagawa nyo pero nasaktan ako.”Namula ang mukha ni Marlo, “That was so embarassing,” aniya dito.Tiningnan siya ng matiim ni Carly, “Minahal mo ba tslaga s

  • My Favorite Mistake   CHAPTER 129:

    ALAM ni Boyet na kahit na ano pa ang gawin niya ay hindi na magbabago pa ang nararamdaman ni Carly. Nakita niya ang kakaibang ningning sa mga mata nito nang makita si Marlo. Bagay na kailanman ay hindi niya naramdaman kay Carly kapag siya ang kasama nito. Kaya kahit masakit sa kanya ang katotohanan ay kailangan na niyang tanggapin na hindi na siya mahal ng babae. O minahal nga ba siya nitong talaga in the first place? Siguro ay hindi na mahalaga pang malaman ang sagot sa tanong niyang iyon. Malungkot na tinapik niya sa balikat si Marlo, "Alagaan mo sya pare at wag mo sanang sasaktan," sabi niya dito pagkatapos ay si Carly naman ang nilapitan niya. "Pwede bang mayakap kita ng mahigpit sa huling pagkakataon?" May pait sa mga labing tanong niya dito. Hindi naman siya pinagdamutan ni Carly. Niyakap siya nito nang mahigpit. Ngayon niya nabatid na mahal talaga niya ito pero sadyang hindi ito nakatadhana para sa kanya. Sabi nga nito sa kanya kanina, pag ukulan na lang niya ng pagmamahal ang

  • My Favorite Mistake   CHAPTER 128:

    WARING natauhan si Marlo sa sinabing iyon ng kanyang ina. May katwiran ito. Dapat mag usap sila ng masinsinan ni Carly, hindi ganitong tinatakbuhan niya ang problema.”Okay Ma, uuwi ako ng Pilipinas,” sabi niya sa ina. Mabilis na mabilis lang ang kanyang naging desisyon. Ang totoo ay miss na miss na rin niya si Carly. Baka nga tama ang ina niya. “Mabuti.”Nang araw ring iyon ay bumili siya ng ticket pauwi sa Pilipinas. Binilinan lamang niya ang kanyang virtual assistant sa mga dapat nitong gawin. Ipinaalam rin niyang pauwi siya ng Pilipinas at hindi ganoon kalakas ang signal doon. At kung mawawala siya ng matagal, ibig sabihin ay nasa Isla Berde siya. Anyway, very proficient naman ang kanyang mga tauhan. Kahit nga hindi niya regular na mamonitor iyon ay maayos tumatakbo ang kanyang mga online businesses lalo pa at konektado naman sa laptop at phone niya ang lahat ng mga nangyayaring transaction kaya walang makakapandaya sa kanya.HINDI mapakali si Carly. Noong isang araw ay tinawagan

  • My Favorite Mistake   CHAPTER 127:

    “BUNTIS ka? Madaragdagan na ang apo namin,” Masayang masaya si Mylene nang tawagan siya ni Carly at ipaalam sa kanya na nagdadalantao ito, “Mas lalong hindi dapat ma file ang inyong annulment. Kakausapin ko si Marlo.””Tita, huwag nyo na pong pilitin si Marlo,” pakiusap ni Carly sa kanya, “Kung pakikisamahan lang niya ako dahil sa bata, wag na lang. Pwede naman naming palakihin ng maayos ang bata nang hindi namin kailangang magsama sa iisang bubong,” paliwanag nito sa kanya, “Gusto ko namang pahalagahan ngayon ang sarili ko, Tita. Sana po maintindihan ninyo.”Napahinga siya ng malalim, “Okay. Bahala ka pero gusto kong tumigil ka na sa pagtratrabaho at ako ng bahala sa lahat ng mga pangangailangan ninyo!” Giit niya rito.”Tita, kaya ko pa naman pong magtrabaho.””Hey Carly, ano bang nangyayari saiyo? Ano ba talaga ang gusto mong patinayan? Bakit lahat na lang ng tulong na gusto naming ibigay saiyo, tinatanggihan mo na? Ganyan ba katindi ang galit mo sa anak ko, ha?” Sita niya rito, “Sa

  • My Favorite Mistake   CHAPTER 126:

    BAHAGYANG natigilan si Carly nang maisip na dalawang buwan na siyang hindi dinadatnan. Bago niya ipaalam sa kanyang mga magulang ang kanyang hinala ay bumili muna siya ng kit para makasigurado. At para siyang napapaiyak nang makumpirma na nagdadalang tao nga siya."Ma, Pa, buntis po ako," umiiyak na sabi niya sa mga ito habang hawak ang resulta ng ginawa niyang test. Hindi niya alam kung luha ba ito ng kasiyahan or kalungkutan. Nag uumpisa na siya sa kanyang trabaho bilang kahera sa isang department store. Sa gabi naman ay nag aaral siya. May maliit rin silang talyer na pinamamahalaan ng Papa niya at ang Mama naman niya ay abala sa pagtitinda ng mga halaman. Every Sunday naman ay may extra work siya bilang virtual assistant sa itinayong kompanya nina Rico at Margaux. Ngunit ngayong buntis siya, paano pa niya magagampanan ng maayos ang lahat ng ito?Iniisip rin niya kung kailangan ba niya itong ipaalam kay Marlo at sa pamilya nito.Napatingin siya sa mga magulang. Kita niya sa mukha ng

  • My Favorite Mistake   CHAPTER 125:

    SA KUWARTO ni Marlo nagpalipas ng gabi si Carly ngunit hindi siya dalawin ng antok dahil paulit ulit niyang pinagmamasdan ang mga photo albums ni Marlo na nakita niya sa cabinet nito. Noon lamang niya napansin na marami pala silang pictures na magkasama. He was always there to protect her pero bakit ba inakala niyang wala itong pakialam sa kanya? Napaiyak na naman siya lalo na nang marealize niya kung gaano kasama ang ginawa niya. Pinagtaksilan niya ito kaya nagalit ito nang husto sa kanya.Hindi niya alam na minahal rin pala siya nito. Maibabalik pa kaya niya ang dating pagtingin nito sa kanya?Kung kailan napagtanto niya na mahal pala niya ito matagal na, saka naman ito nakipaghiwalay sa kanya. Naalalala na naman niya nang makita niya ito kayakap si Lovely.Baka kaya ito nag file ng divorce ay dahil interesado ito sa babaeng iyon?Parang may kung ano na namang kumukurot sa dibdib niya nang pinong pino.PILIT na binubura ni Marlo sa utak niya si Carly. Kakarating pa lamang niya sa Am

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status