MasukKanina lang ay nasa kusina sila ni Spade, pinagsasaluhan ang init at sarap ng bawat sandali. Ngayon, narito na sila sa kama kung saan tulog na tulog si Spade. Biglang nag-init ang mukha niya nang maalala ang mga ginawa nila kanina. Unti-unti na rin siyang nagiging wild gaya ni Spade. Alam talaga ng asawa niya kung paano siya pasayahin. "Ang sarap mong halikan," mahina niyang sambit habang marahang hinaplos ang labi nito. "Honey, ilang round pa ba ang gusto mo?" Nanlaki ang mga mata niya nang biglang imulat ni Spade ang mga mata nito. Akala niya ay mahimbing na itong natutulog! "Gising ka pala, hindi ka nagsasabi!" Kunwari ay naiinis niyang wika. Umirap siya. Bigla siyang dinaganan nito. "Umalis ka nga diyan sa ibabaw ko." "Ayoko nga." Isang pilyong ngiti ang sumilay sa labi nito. "Spade!" masungit kunwaring sambit niya sa pangalan nito. Natawa na lamang siya nang sumimangot ang asawa. Hinalikan siya nito, kusang pumulupot ang mga kamay niya sa batok nito. "I love you
Pagdating nila sa bahay, hindi siya kinakausap ni Spade. Tahimik itong nakatitig sa kanya."S-sorry..." mahina niyang sambit, batid niyang galit ito sa kanya. "Honey, sorry. Pangako, hindi na ko maglilihim sa iyo. Bumalik na ang alaala ko, wala na ko amnesia.""Alam ko," maikli nitong sagot.Natigilan siya. Paano nalaman ni Spade? Masyado ba siyang halata?"Galit ka ba sa akin?" mahina niyang tanong."Hindi," tipid nitong sagot."Magalit ka sa akin dahil nagsinungaling ako sa iyo!" umiiyak niyang wika."Tahan na," malungkot na wika ni Spade. "Kahit magalit ako sa iyo, wala pa rin magbabago sa mga nangyari. Hindi na kita pipilitin na magtiwala sa akin. Choice mo kung paulit-ulit kang magsisinungaling. Mahal pa rin kita kahit naglilihim ka sa akin."Batid niyang nasasaktan si Spade. Wala na siyang ginawang tama dahil palagi niyang sinasaktan ang asawa niya."S-sorry..." lumuluha niyang wika."Magpahinga ka na. Aalis muna ako," wika nito.Umiyak siya maghapon dahil nasasaktan
"Anong nangyari sa iyo, Summer? Kadugo mo ako pero hindi mo ako makilala?" madamdaming wika ng Tita Karen niya. Kung hindi niya lang nalaman ang totoo, baka naawa pa siya sa tiyahin. "Inuulit ko, hindi kita kilala. Baka nababaliw ka na sa pagkawala ng tinutukoy mong Summer," malamig niyang sagot. "Hindi ako maaaring magkamali. Ikaw si Summer Suarez." Pinipilit pa rin siya nito na siya si Summer Suarez. Totoo naman iyon, ngunit dahil nagkukunwari siyang wala pang maalala, hindi siya maaaring umamin. "Sorry, pero Summer Adams ang pangalan ko. Baka ikaw ang may amnesia. May suggestion ako iumpog mo ang ulo mo, baka maalala mong hindi ako si Summer Suarez," mapang-uyam niyang wika. Hindi niya na kayang magpanggap na natatakot. Gayunpaman, pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang magpadalos-dalos at baka mahalata agad nito na bumalik na ang alaala niya. Tinalikuran niya ang tiyahin at palihim na napangisi. "Honey, saan ka pumunta? May kinausap lang ako, nawala ka agad," nakasima
"Nalulungkot ako sa nalaman ko, Attorney Cruz, pero huwag kang mag-alala. Hindi ako magpapakita sa kanya," aniya. Kinuha niya ang inabot nitong shades at sombrero.Pumasok siya sa restaurant at pasimpleng umupo sa kabilang mesa. Kunwari ay tumitingin siya sa menu habang palihim na sinisilip ang tiyahin niya. Ibang-iba ang awra nito ngayon kumpara noon."Mahihirapan tayong bawiin si Summer kay Spade. Sinabi ko na kasi sa iyo na itago mo ng mabuti si Summer," iritadong wika ng tiyahin niya.Gusto niyang takpan ang mga tainga niya. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Humigpit ang hawak niya sa menu. Buong akala niya ay mabuting tao ang tiyahin niya, ngunit may tinatago pala itong galit sa kanya."Karen, matigas ang ulo ng pamangkin mo. Kahit ikulong ko siya, gumagawa siya ng paraan para makatakas. Wala ka dapat problemahin kasi may amnesia pa si Summer. Mabibilog pa natin ang ulo niya."Hindi siya nagkakamali. Si Stella Mondragon ang kausap ng tiyahin niya. Kahit hindi siya lumingon, kil
Gusto niyang tumayo ngunit hindi siya makabangon dahil mahigpit na nakapulupot ang mga braso ni Spade sa baywang niya. Huminga siya nang malalim bago marahang hinaplos ang buhok nito."Honey, hindi ka ba nangangalay?" malambing niyang tanong."Hindi," maikling sagot ni Spade.Nanggigigil talaga siya sa asawa niya."Bumangon na tayo," aniya."Ayoko," saad ni Spade habang lalo pa siyang niyayakap."Magagalit ako sa iyo kapag hindi tayo bumangon," banta niya.Umangat ang tingin nito sa kanya. "Sanay na ako sa iyo. Palagi ka namang galit, dati pa."Natigilan siya sa sinabi nito. Nahahalata na ba ni Spade na bumalik na ang alaala niya? Napansin niya rin kasi na hindi na siya ganoon kalambing sa asawa niya. Nahihirapan siyang ibalik ang dating lambing niya dahil hindi na siya si Summer Mondragon."Honey, ngayon lang ako nagalit dahil pumunta sa office mo ang malanding si Ara," nakaismid niyang wika."Honey, naipaliwanag ko na iyan sa iyo. Kapag nagpapaliwanag ako, ayaw mo kasing makinig," s
Inaya niya si Lily uminom pero parang siya lang ang nakakaubos ng alak."Summer, ano ang problema?" nag-aalalang tanong ni Lily."Wala, Lily. Gusto ko lang uminom," sagot niya. Ayaw niyang magkuwento dahil lalo siyang maiinis. Sanay siyang hindi nagsasabi ng problema sa iba. "Lily, order ka ng male models."Nanlaki ang mata ni Lily. "Nilalagnat ka ba, Summer? Alam mo ba ang sinasabi mo? Huwag kana nga uminom kahit anu-ano na ang lumalabas sa bibig mo." Sinalat pa nito ang noo niya.Napatawa siya nang mahina. "Wala naman masama sa sinabi ko. Gusto ko lang naman makakita ng male models ngayong gabi." Para sa kanya normal lang iyon dahil tititigan niya lang naman."Masama iyang sinasabi mo dahil may asawa ka. Kapag nalaman iyan ni Spade, magagalit siya. Mas pogi pa ang asawa mo sa mga male model dito."Biglang nawala ang ngiti niya nang marinig ang pangalan ni Spade. Bakit siya hindi puwedeng tumingin sa iba? pero si Spade puwedeng makipaglandian kay Ara. Unfair naman iyon dapat kung ano
Magdamag umiiyak si Summer dahil hindi siya maalala ni Spade. Ayaw niyang maniwala na may amesia si Spade pero iyon ang sabi ng Tita Karen niya. Umaga na pero hindi pa rin siya natutulog. "Sum," sambit ng tiyahin niya sa pangalan niya. Hindi niya napansin na nakatayo ang tiyahin niya sa may pintua
Nag-init ang mukha niya ng maalala niya na magkatabi sila natulog kagabi ni Spade. Bumangon na siya dahil naririnig niya ang tawa ng kambal sa labas ng kuwarto. Nakita niyang masayang nakikipaglaro si Spade sa kambal pero kailangan niya na paalisin si Spade. "Makakaalis kana." Napatingin sa kanya s
After one year Kinalimutan na ni Summer ang dati niyang buhay. Naninirahan na siya ngayon sa liblib na lugar kasama ang dalawa niyang anak. Maglalaba na sana si Summer habang natutulog pa ang kambal subalit may kumatok nagtungo muna siya sa pintuan. "Sino iyan?" tanong niya. Binuksan niya na ang p
Anim na buwan ng buntis si Summer, sa mansion na siya ni Spade tumira at palagi din silang magkasama pumasok sa trabaho pero ngayon hindi na siya pinapapasok ni Spade kaya sa mansion lang siya nito nanatili. Habang tumatagal nahuhulog na siya kay Spade, sa isang ngiti lang ni Spade bumibilis ang tib







