Share

Chapter 24

Author: Vans Era
last update publish date: 2026-05-07 23:23:32

Tulalang nakatitig si Summer sa kisame ng hospital. Naalala niya na ang lahat. Hindi siya si Summer Mondragon kundi si Summer Suarez.

Sa kagustuhan niyang mailigtas ang kanyang mga anak, aksidente siyang nadulas at tumama ang ulo niya sa semento. Pagmulat ng mga mata niya, nasa hospital na siya walang maalala, walang kilalang tao. Nagpakilala sa kanya si Stella Mondragon bilang ina niya at agad siyang dinala nito sa abroad.

Ngayon, malinaw na ang lahat. Napaiyak siya. Buhay pa kaya ang mga anak
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Hot Billionaire Lover    Chapter 24

    Tulalang nakatitig si Summer sa kisame ng hospital. Naalala niya na ang lahat. Hindi siya si Summer Mondragon kundi si Summer Suarez.Sa kagustuhan niyang mailigtas ang kanyang mga anak, aksidente siyang nadulas at tumama ang ulo niya sa semento. Pagmulat ng mga mata niya, nasa hospital na siya walang maalala, walang kilalang tao. Nagpakilala sa kanya si Stella Mondragon bilang ina niya at agad siyang dinala nito sa abroad.Ngayon, malinaw na ang lahat. Napaiyak siya. Buhay pa kaya ang mga anak niya? Nasaan na ang kambal? Kumirot ang dibdib niya sa pag-aalala. Paano kung binawian na ng buhay ang mga ito? Kung hindi sana siya sumama kay Lily, kung hindi siya umalis baka kasama pa niya ngayon ang mga anak niya.Mabilis niyang pinahid ang luha nang marinig ang pagbukas ng pinto. Walang emosyon siyang napatingin kay Spade. Alam niya kung bakit hindi nito sinasabi ang tungkol sa amnesia niya. Pero hindi rin niya ipapaalam dito na bumalik na ang alaala niya."Honey, okay ka na ba? May masak

  • My Hot Billionaire Lover    Chapter 23

    Kakausapin niya sana si Spade, ngunit pagdating niya sa loob ng kuwarto ay tulog na ito. Ang bilis naman nitong makatulog. Dahan dahan siyang lumapit sa asawa."Sorry," mahina niyang sambit.Dinampian niya nang halik si Spade bago siya nagtungo sa banyo upang maligo.Maghapon natulog si Spade. Nalungkot siya dahil nagluto pa naman siya ng pananghalian, ngunit mag-isa lang siyang kumain. Ayaw niya naman itong gisingin dahil batid niyang pagod ito. Isa pa, may kasalanan siya kay Spade. Ngunit paano kung hindi rin ito kumain?"Ipapasundo kita sa driver mamayang alas-siyete." Napaangat siya ng tingin. Nakabihis na si Spade."Bakit driver ang magsusundo sa akin?" tanong niya.Hindi sumagot si Spade. Para bang hindi siya nito narinig o sadyang pinili nitong huwag siyang pansinin. Diretso itong lumabas ng kuwarto. Ilang saglit pa ay narinig na lamang niya ang pag-andar ng sasakyan nito.Sa inis, naibato niya ang hawak na unan. Tumayo siya mula sa sofa at sinilip ang papaalis na sasakyan.Hin

  • My Hot Billionaire Lover    Chapter 22

    Pag-alis ni Spade, umalis din si Summer kahit masakit ang katawan niya. Napapangiti siya dahil naging maganda ang gabi niya.Hinihintay niya si Lily sa restaurant. Kumaway siya nang makita niyang papasok na ito."Sum, bakit may band-aid ang leeg mo?" tanong ni Lily."Kinagat ng honeybee," nakangiti niyang sagot."Ang ngiti mo, abot-langit," wika ni Lily sabay ikot ng mga mata. Natawa si Summer sa reaction nito. "Sum, ano plano mo ngayon?""Wala pa sa ngayon. Lily, maaari mo ba akong samahan sa puntod ng ina ko?" Gusto niyang puntahan ang namayapa niyang ina."Oo naman, pero hindi lang siya ang nakalibing doon. Summer, parehas namatay sa car accident ang mga magulang mo. Pumanaw na rin ang lola mo. May kamag-anak ka pang buhay pero iba ang trato sa iyo ng tiyuhin mo. Ang Tita Karen mo lang maayos ang pakikitungo sa iyo subalit noong nasunog ang bahay ninyo naglaho rin siya at hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan," malungkot na wika ni Lily.Nalungkot si Summer. Ulila na pala siya, w

  • My Hot Billionaire Lover    Chapter 21

    Pinasakay siya ni Lily sa sasakyan nito at agad na ini-lock ang pinto. Kinabahan siya dahil ngayon niya lang nakilala ang babae, at baka nagpapanggap lamang ito na kilala si Summer Suarez. Siguro inutusan ng mommy niya ang babae para ibalik siya sa bahay nila."Inutusan ka ba ni Mommy?" matapang niyang tanong, kahit nanginginig ang loob niya."Hay naku, Summer. Matagal nang patay ang ina mo. Paano naman ako mauutusan ng patay na?" sagot ni Lily, umikot ang mata nito.Natahimik siya, buhay pa ang ina niya. Kahit may pagdududa siya, ito pa rin ang kinikilala niyang ina. Sino ba ang tinutukoy ni Lily?"Nagkakamali ka. Buhay pa ang ina ko. Kausap ko pa lang siya kanina," seryoso niyang wika."Ang tinutukoy mo bang ina ay si Stella Mondragon?" tanong nito."Oo, siya nga. Bakit mo kilala ang mommy ko?""Hindi mo siya ina." Huminga nang malalim si Lily. "Nakita ko kayong magkausap kanina sa loob ng restaurant. Akala ko namalikmata lang ako. Nakilala ko siya noon sa isang party, pero sigurado

  • My Hot Billionaire Lover    Chapter 20

    Hatinggabi na ngunit gising pa rin si Summer. Paulit-ulit sa isipan niya ang mga nangyari sa coffee shop. Mga tanong na pilit humihingi ng kasagutan, ngunit wala siyang mapagtanungan. Hangga’t maaari, ayaw niyang itanong kay Spade. Sinulyapan niya ang asawa niyang mahimbing na natutulog sa tabi niya.Patawarin sana siya ni Spade dahil mag-isa niyang hahanapin ang mga sagot sa tanong niya.Mataas na ang sikat ng araw nang magising siya kinabukasan. Bumungad sa kanya ang seryosong titig ni Spade."Bakit ganyan ka makatitig sa akin?" tanong niya."Nagagandahan lang ako sa'yo," nakangiting sagot ni Spade.Lumukso ang puso niya sa tuwa. Hinalikan niya ito sa pisngi."Ako lang dapat ang pinakamagandang babae sa mata mo, honey," malambing niyang sabi."Syempre. Ikaw lang at wala nang iba."Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Summer dahil sa kilig."Honey, puwede bang huwag muna akong sumama sa opisina mo ngayon?" mahina niyang tanong"Bakit?" kunot-noong tanong ni Spade."Naiinip kasi ako roon

  • My Hot Billionaire Lover    Chapter 19

    Nakatitig si Summer kay Spade. Gusto sana niyang sabihin sa asawa na samahan siya nitong pumunta sa bahay nila, ngunit nagdadalawang-isip siya. Paano kung hindi magsabi ng totoo ang ina niya? Hindi talaga mawala sa isip niya si Summer Suarez. Huminga siya nang malalim, ipagpapaliban na muna niya ang plano. "Honey, ano ang iniisip mo habang nakatitig ka sa akin?" Nagulat siya dahil hindi niya namalayan na nakalapit na pala ang asawa niya. Ngumiti nang pilyo si Spade batid niyang iba ang laman ng isip nito. "Iniisip ko kung gaano kasarap—" Naputol ang sasabihin niya sapagkat kinagat ni Spade ang labi nito. Napanganga siya dahil sobrang hot nito sa paningin niya. "Ano ang masarap, honey?" bulong nito. Kinabig siya ni Spade at napahawak siya sa matipunong dibdib nito. "A-ang k-kape," nauutal niyang sagot. Iyon dapat ang idadahilan niya kay Spade. "Mas masarap pa ako sa kape, honey," mapang-akit na saad ni Spade. Pagkatapos kasi ng lovemaking nila kahapon sa opisina, nasundan pa iy

  • My Hot Billionaire Lover    Chapter 18

    Tuwang-tuwa si Summer nang malaman niyang papunta sila sa Manila. Habang nasa biyahe, napapatingin siya sa asawa niya dahil sa seryosong mukha nito. Nakaidlip siya sa biyahe, at pag gising niya, nakahinto na ang sasakyan."Sorry, honey. Nakatulog ako," wika niya."Okay lang, honey. Nag-enjoy naman

  • My Hot Billionaire Lover    Chapter 14

    Hindi makapaniwala si Summer na may boyfriend na siya. Natatawa siya dahil nakikipaglandian lang siya kay Spade dahil nabobored siya. Kinakabahan din naman siya sapagkat kagabi niya pa lang nakilala si Spade ngunit ang mahalaga sa kanya napapangiti siya nito. Napangiti siya nang may kumatok sa pi

  • My Hot Billionaire Lover    Chapter 12

    After 1 year Dalawang buwan ng nasa Pilipinas si Summer, nauna siyang umuwi. Namimiss niya ang buhay sa ibang bansa dahil palagi siyang may kasama doon. Sa probinsya siya dumiretso sa bahay bakasyonan nila dahil iyon ang gusto ng ina niyang si Stella Mondragon. Pinagbabawalan siya nitong pumunta ng

  • My Hot Billionaire Lover    Chapter 10

    Magdamag umiiyak si Summer dahil hindi siya maalala ni Spade. Ayaw niyang maniwala na may amesia si Spade pero iyon ang sabi ng Tita Karen niya. Umaga na pero hindi pa rin siya natutulog. "Sum," sambit ng tiyahin niya sa pangalan niya. Hindi niya napansin na nakatayo ang tiyahin niya sa may pintua

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status