Share

Chapter 6

HANZ

Salubong ang kilay na nakatutok ang mata ko sa screen ng laptop ko ngunit wala naman dito ang atensyon ko. Kanina pa ako may hinihintay na tawag ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong naririnig.

I was about to pick up my phone that was on the top of my office table when the door of my office opened and the person I had been waiting for to call me appeared. He was wearing his wide smile as if there was good news.

Unti-unting pumantay ang salubong kong kilay at sumilay ang ngiti ko sa labi. I hope he bring good news because of his smile.

"I was about to call you, bro. Does your smile means good news?" malawak ang ngiti na tanong ko.

Ang ngiti nito ay unti-unti naglaho at napalitan ng seryosong reaksyon.

"Damn it! Bad news again!" protesta ng bahagi ng utak ko.

"Smiling doesn't mean I brought good news for you, bro. I'm just happy to see you." He winked at me aabay printeng umupo sa couch na animo'y siya ang boss ng opisina.

Umikot ang mata ko. "Sa susunod, huwag ka ng pupunta rito kung wala kang magandang balita," salubong ang kilay na sabi ko at muling tinuon ang atensyon sa laptop.

For almost 3 years I've been looking for her but I failed over and over again to find her. Nagpatulong na ako sa dalawa kong kaibigan pero sabay-sabay lang kaming nabibigo hanapin siya. She deactivated her all social media accounts and I don't know where to find her. I also asked her bestfriend pero ang sabi nito ay wala raw itong alam. Hiningi ko rin ang numero niya pero hindi na rin daw niya ito makontak. Duda ako sa sagot nito kaya araw-araw ko itong sinusubaybayan pero bigo ako makahanap ng impormasyon kung nasaan siya.

I want to ask her kung bakit bigla na lang siya nawala sa bahay. Marami akong gustong itanong sa kanya pero paano ko magagawa iyon kung ni anino niya ay hindi ko na makita?

"Hanggang kailan ka ba maghahanap sa kanya? She was just your housemate, bro. Don't tell me-"

"Bata pa s'ya, Rick," putol ko kaagad sa sasabihin nito.

"But she's now a lady, Hanz. May dahilan ka na siguro kung bakit mo s'ya hinahanap, hindi ba?"

Awtomatiko akong napabaling ng tingin kay Rick. Hindi ko rin alam kung bakit para akong sira na naghahanap sa kanya ng tatlong taon. Noong una ay dahil concerned ako sa kanya dahil hindi kaya ng konsensya ko na may mangyaring masama sa kanya lalo na at itinuring ko siya na para kong nakababatang kapatid. Magkasama kami sa iisang bahay kaya parang obligasyon ko na alagaan at protektahan siya. Pakiramdam ko ay nakahanap ako ng hindi lang kapatid kundi kaibigan sa presensya niya.

Nagulat na lang ako pag-uwi ko ay wala na siya sa bahay kahit ilang beses ko siyang kinatok sa kwarto niya. Kinabahan pa ako dahil baka may nangyaring masama sa kanya kaya kahit hindi maganda na pasukin ang kwarto niya ay pinasok ko dahil hindi naman naka-lock ang pintuan.

Nakahinga ako ng maluwag dahil maayos ang kwarto niya. Baka umalis lang kaya hindi siya sumasagot. Pero nagtaka ako dahil hindi niya ugali ang umalis ng bahay lalo na at gabi. Sa bibig na rin niya mismo nanggaling na hindi safe sa mga malapit ng grumaduate ang gumala lalo na kapag gabi.

I called her many times but I can't reach her anymore. Nakaramdam ako ng pagkabahala kaya bumalik ako sa kwarto niya at dumiretso sa closet niya. Halo-halo ang emosyon ko ng gabing iyon ng makita kong wala nang bakas na kahit anong damit sa loob ng closet niya. She left without telling me or saying goodbye to me. Inisip ko na lang na baka may nangyari lang sa mama niya kaya hindi na niya nagawang magsabi sa akin.

Malapit na siya magtapos ng mga panahon na iyon. Ang usapan namin ay aalis siya kapag graduate na siya pero hindi ko akalain na mas napaaga ang pag-alis niya dahil umasa rin ako na babalik din siya sa bahay. Pero nagkamali ako dahil kung ilang beses ako umasa ay ilang beses din ako nabigo.

Heto nga at hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita mula sa kanya. Pumunta pa itong kaibigan ko na wala naman palang magandang balita na dala sa 'kin.

"Where's Wayne? tukoy ko sa isang kaibigan namin.

"I don't know. Alam mo naman ang isang iyon, hindi magsasabi kung nasaan kung hindi mo pa tatanungin," kibit-balikat na sagot nito.

Nagpakawala na lamang ako ng malalim na buntong-hininga. Ilang sandali lang ay tumunog ang cellphone ko. I answered it immediately because my father was calling.

"Yes, 'pa?"

"Hi, son. Are you busy?"

"Hindi naman, 'pa. May asungot lang akong bisita." Tumawa si Papa sa sinabi ko. Alam na kasi nito kung sino ang tinutukoy ko. Si Rick naman ay ngumisi lang ng tapunan ko ng tingin.

"I see. Anyway, I'm on my way to your office."

"With mom?"

"Nope. With your new secretary."

Ilang araw na kasi akong walang sekretarya dahil biglang nag-resign ang secretary ko. Alam ni Papa na maraming ginagawa rito sa office lalo na ng na turned over na niya sa akin ang pamamalakad ng Silvestro Group of Company ay kailangan ko talaga ng sekretarya na magre-remind sa akin ng mga upcoming meetings ko.

Ang problema nga lang, kahit hawak ko na ang posisyon bilang CEO ng kumpanya, hindi nagbago ang kasunduan na hanggang ngayon ay wala pa rin akong pagkakakilanlan.

"At least, good news," pagpaparinig ko sa kaibigan ko na napapailing ngunit nakakaloko ang ngiti sa labi.

Nagpaalam na si Papa sa 'kin. Nakapamulsang tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa swivel chair at tumanaw sa glass wall kung saan ay tanaw ko ang nagtataasang mga building.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Baka kailangan ko na itigil na hanapin siya. Kung nasaan man siya ngayon, sana ay nasa mabuti siyang kalagayan.

"What are you thinking, bro?" pukaw sa akin ni Rick.

"I will stop looking for her," sagot ko.

"Are you sure?"

"Yes. Tama ka, she was just my housemate 3 years ago. Hindi ko na dapat siya pagkaabalahan na hanapin," pinal na sabi ko.

"You made the right decision, bro. I will also tell Wayne to stop searching for her. So, I'd better have to go, Hanz. Busy rin akong tao pero nagagawa pa kitang puntahan. Kayo ni Wayne ang wala man lang concern sa 'kin. Ang selfish n'yong dalawa. Mga wala kayong puso at kaluluwa." He dramtically sobbed.

Natatawang binalingan ko siya. Tulad ng inaasahan ko, nakangisi na ito ng sulyapan ko. Sa aming tatlo, si Rick ang makwela. Kung may ugali ako na dinadaan sa biro ang seryosong usapan lalo na kapag kaming tatlong nila Wayne ang magkakasama, mas grabe ang isang ito. Kung hindi kilala ang ugali niya, baka seryosohin ang mga biro niya.

"Kapag naligaw si Wayne sa 'yo, sabihin mo na hwag na s'ya magpapakita sa 'kin. Baka masaktan ko lang s'ya," nakangiti kong bilin rito.

Ganito ang lambingan namin magkakaibigan, dinadaan sa harsh na mga words.

"Copy that, Mr. Playboy CEO," nakagising tugon naman nito saka tumayo.

Yes, I am a playboy. Hindi naman nagbago iyon kahit may kasunduan. Hindi ko ikukulong ang sarili ko sa isang kasunduan na hanggang ngayon ay umaasa ako na magbabago ang desisyon ng magulang ko. Baka nga sinusubukan lang nila ako at hindi naman pala totoo ang pinag-usapan namin 3 years ago. Nag-iingat lang ako sa mga kilos ko dahil ayaw ko na pati pangalan nila ay madamay sa kagagawan ko.

"Same to you, Rickylito," pang-aasar ko na ikinatigil nito sa paghakbang. Ayaw kasi nitong tinatawag ang buong pangalan dahil ang bantot daw. Kami naman ni Wayne ay ginagawang pang-asar iyon sa kanya.

"Whatever, asshole."

Nakalabas na ito ay hindi pa rin nawawala ang ngisi ko sa labi. Maliban sa magulang ko, sa kanilang dalawa ni Wayne ako nakakahinga. Maraming trabaho sa opisina na hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko lalo na ngayon at wala man lang akong sekretarya na magre-remind sa mga gagawin ko. Kung wala sila ay baka stress na stress na ako ngayon. Mabuti na lang kahit paano'y kaya kong dalhin ang kaunting gusot sa kompanya. Hindi naman kasi ako ang tipo na nagpapadala sa problema. Hanggat alam ko na may solusyon, gumagawa kaagad ako ng paraan. Isa pa, pinagkatiwala sa akin ng pamilya ko ang kompanya kaya hindi ko ito maaaring pabayaan. Lalo na ngayon na nakarating sa akin na gusto rin ng pinsan ko na maupo sa posisyon ko.

Napukaw ang pag-iisip ko ng tumunog ang phone ko sa ibabaw ng office table ko kaya malalaki ang hakbang na tinungo ko ito. Umikot ang mata ko ng makita ko na ang magaling kong kaibigan na kaaalis lang ng opisina ko ang tumatawag. Ano na naman kaya na walang kwenta ang sasabihin nito?

"What?" angil ko rito ngunit tinawanan lang ako nito sa kabilang linya.

"The good news is coming, bro." Kahit wala ito sa harap ko ay sigurado ako na naglalaro na naman ang pilyong ngiti sa labi nito.

"What good news?" salubong ang kilay na tanong ko.

"Your secretary, bro. She's with Tito Harold. Call me after you meet her. Bye."

Hindi ko na nagawang magsalita ng tinapos na nito ang tawag. Alam ko na good news na may secretary na ako, alam na niya iyon. Crazy bastard!

Uupo na sana ako ng bumukas naman ang pintuan ng opisina ko. I smiled when I saw my father wearing his meaningful smile.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Sa dami ng trabaho ko ay hindi ko na sila magawang dalawin ni mama. Buti na lang ay may panahon si papa ngayon na dalawin ako. Tatawagan ko na lang si mama mamaya para kumustahin at baka magtampo na sa 'kin.

"How's work, son?" nakangiting tanong niya.

"Everything is under control, 'pa. Anyway, I thought you were with my new secretary. Where is she?" Tumagos ang tingin ko sa likuran nito ngunit wala akong nakitang kasama nito.

"She's talking with someone. Hintayin na lang natin s'yang pumasok," malawak ang ngiti na sagot ni Papa.

Iginiya ko siya sa couch para maupo. I was about to sit down when I noticed someone enter my office. I felt like a candle was blown from where I was standing when I saw who was standing in front of me and who also seemed surprised to see me.

Komen (8)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
wow magkikita na ulit sila ni luna
goodnovel comment avatar
Acaly JEan D Garci
:) :-) ('v')
goodnovel comment avatar
Jaybee
yes po, daily update po... salamat po sa pagbabasa...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status