ARMELLE LUNAHindi nawawala ang ngiti ko sa labi habang abala ako sa ginagawa ko. Lagi pumapasok sa isip ko ang naganap kanina lang sa loob ng opisina ni Hanz. Ilang segundo rin tumagal ang halikan naming dalawa kaya ng makaramdam ako ng pang-iinit ng katawan ay ako na ang unang gumawa ng hakbang para putulin iyon. Napakamot pa siya sa ulo at alanganing ngumiti. Tinaboy na rin niya ako palabas ng opisina dahil baka raw lumagpas pa sa halik ang gawin niya kapag nanatili pa ako ng matagal sa loob ng opisina. Tama nga si Ate Bea, gentleman si Hanz. Mula sa screen ng computer ay napasulyap ako sa phone ko na nasa ibabaw ng office table. Kumunot ang noo ko ng makita ko na si Tito Harold ang tumatawag. Simula ng magtrabaho ako rito hindi ko na siya nakausap. Hindi kaya may nahanap na siyang papalit sa akin? Sa isiping iyon ay nakaramdam ako ng lungkot. Kung kailan naman okay na kami ni Hanz ay saka naman ako aalis. Matamlay na dinampot ko ang phone. Hindi dapat ako pahalata na apektado a
ARMELLE LUNANagmamadali akong naglakad patungong terminal ng mga cab. Lumihis ako ng daan dahil may tubig sa madalas kong daanan. Umulan kasi ng nagdaang gabi at may mga natira pa na tubig ulan sa daan. Ngunit hindi pa man ako nakakarating ay tumalsik ang tubig ulan mula sa daan sa suot ko ng may dumaan na itim na sasakyan. "Anak ng tinapa naman, oh," sambit ko saka pinasadahan ang aking sarili. Gayon na lang ang panlulumo ko ng makita ko ang basa sa suot ko lalo na ang pantalon ko. Kinuha ko sa bag ang panyo ko para punasan ang pantalon ko. Marumi kasi ang tubig kaya kumapit ang dumi sa pantalon. "Miss, are you alright?" tanong ng baritonong boses. Tumigil ako sa pagpupunas at awtomatiko akong nag-angat ng mukha para sulyapan ang nagsalita. Napaawang ang bibig ko ng makita ko ang kaharap. Gwapo si Jacob pero mas gwapo itong kaharap ko."O-okay lang," tila wala sa sarili na tugon ko. Napansin ko na may dinukot ito sa likod ng pantalon nito. Hawak na nito ang wallet at may kinuh
ARMELLE LUNASa dami ng makakatagpo ko, ang bastos na lalaking ito pa? Ang sabi ko pa naman ng huli kaming magkita ay siya ang taong hindi ko gugustuhin na makatagpo pang muli. "Yes, it's me. And I think we should settle this mess," maawtoridad na sabi nito at naglakad palapit sa akin kahit bakas pa rin sa mukha nito ang iniindang sakit. Umatras ako at hinarap sa kanya ang dalawang kamay ko, senyales na huwag niya akong lalapitan. Napahinto naman ito saka nagsalubong ang kilay at pinaka-titigan ako. "Have we met before?" tanong nito dahilan para tumaas ang isang kilay ko. "Talaga ba, bastos na lalaki na walang modo? Hindi mo nakikilala ang babaeng tinalsikan mo ng maruming tubig?" pagpapa-alala ko rito. Sumilay ang ngisi sa labi nito at muling nagpatuloy sa paglapit sa akin. "What a coincidence," anito na hindi nawawala ang ngisi sa labi. "Do you remember what I have said? I said, you'll pay for what you have done. And now, you attacked me in my own place. Sa tingin mo ba ay ma
ARMELLE LUNAMaya't maya ang silip ko sa kabilang pintuan habang nakaupo sa sofa sa sala. Nasa tapat ako ng pintuan ng housemate ko dahil hinihintay ko ang paglabas nito. Kailangan ko kasi sabihin sa kanya na may pasok ako sa school bukas. Baka kasi pagbalik ko ay hindi na ako makapasok dahil pinalitan na niya ang padlock ng main door. Isang oras na ako naghihintay ay hindi pa rin siya lumalabas. Nakaramdam na ako ng gutom kaya tumayo na ako. Hindi pa man ako nakahahakbang ay narinig ko ng bumukas ang pinto ng kwarto niya. "Good morning!" masiglang bati ko na ikinatigil naman niya sa paghikab. Salubong ang kilay na tiningnan niya ako. "Good morning," wala sa loob na sagot nito. "Nagluto na ako ng almusal. Kumain na tayo," yaya ko saka lumapit rito. Hinawakan ko ito sa kamay at iginiya sa dining area. "You prepared this?" manghang tanong nito ng makita ang pagkain na nasa mesa. "Oo. Maupo ka na at kumain na tayo. Nagugutom na rin ako," nakangiting tugon ko at naupo sa bakanteng
ARMELLE LUNAPagkatapos ng klase ay binisita ko si Jacob sa restaurant na pag-aari nito. Pinapasok kaagad ako ng isang staff sa opisina nito. "What brought you here, Love? Sana tinawagan mo ako para nasundo kita." Sinalubong niya ako ng yakap. "Gusto kita surpresahin," nakangiting sabi ko. Iginaya niya akong maupo sa couch. Nagkumustahan kaming dalawa. Hindi ko na binanggit ang tungkol kay Hanz dahil tiyak ako na magagalit ito at ipipilit na lumipat ako ng tirahan. Mayamaya lang ay naging malikot ang kanyang kamay sa aking katawan. "I missed you," halos pabulong ng sabi niya. "I can't wait to be with you, Love," aniya habang dinadampian ako ng halik sa aking pisngi. "J-Jacob.""I want you, Love. I want to make love with you," tila kinakapusan ng hininga na bulong niya sa puno ng tainga ko dahilan para magtaasan ang balahibo ko sa buong katawan. Bahagya akong lumayo sa kanya. Nang sulyapan ko siya ay nagtatanong ang tinging pinupukol niya sa akin. "I'm sorry, Jacob. Pero hindi
ARMELLE LUNASa mga nakalipas na araw ay naging maganda ang samahan namin ni Hanz. Sa edad nito ay para ko itong naging kuya sa bahay. Ilang beses ko na rin itong naririnig na may kausap sa cellphone na alam ko naman na babae dahil iba't ibang pangalan ang binabanggit nito. Kaya napatunayan ko na tama nga ang impormasyon na nakalap ko na isa itong dakilang playboy. May pagkakataon na kapag alam niya na nasa malapit lamang ako ay pinupukol niya ako ng tingin na nagpapahiwatig na huwag ako makikinig sa usapan nila. Kaya bilang pagbibigay galang ay napapailing na umaalis ako sa harap niya. Kapag gano'n ang nagiging reaksyon ko ay tinatawanan lang niya ako. "Luna, do you want to come with me. I'm going to meet my friends today," suhestyon ni Hanz ng lumabas sa pintuan ng kwarto nito. "Ayoko. Mapagkamalan pa akong isa sa mga babae mo," nakasimangot na sagot ko na nanatiling nakatuon ang tingin sa pinapanood ko. Isa pa, mas gusto ko na nandito lang dahil ito ang araw na nakakapag-pahinga
HANZSalubong ang kilay na nakatutok ang mata ko sa screen ng laptop ko ngunit wala naman dito ang atensyon ko. Kanina pa ako may hinihintay na tawag ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong naririnig. I was about to pick up my phone that was on the top of my office table when the door of my office opened and the person I had been waiting for to call me appeared. He was wearing his wide smile as if there was good news. Unti-unting pumantay ang salubong kong kilay at sumilay ang ngiti ko sa labi. I hope he bring good news because of his smile. "I was about to call you, bro. Does your smile means good news?" malawak ang ngiti na tanong ko. Ang ngiti nito ay unti-unti naglaho at napalitan ng seryosong reaksyon. "Damn it! Bad news again!" protesta ng bahagi ng utak ko. "Smiling doesn't mean I brought good news for you, bro. I'm just happy to see you." He winked at me aabay printeng umupo sa couch na animo'y siya ang boss ng opisina.Umikot ang mata ko. "Sa susunod, huwag ka ng pu
ARMELLE LUNA Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng makita ko kung sino ang matamang nakatitig sa akin ng makita ako. Ang tahimik kong puso ay biglang nagwala ng makita ang lalaking walang kakurap-kurap at tila nagulat din ng masilayan ako. Isang tikhim ang nagpabalik sa akin sa katinuan. Saka ko lang napagtanto kung bakit nga ba ako narito. Kung siya ang nadatnan ko rito, ang ibig sabihin lang nito ay siya ang magiging boss ko. "Hija, halika rito. Maupo ka muna," yaya sa akin ni Tito Harold. I wonder kung alam ba niya na magkakilala na kami ng anak niya. Pinilit kong humakbang kahit nagsimula ng mangatog ang tuhod ko. Wala pa rin pinagbago ang epekto ng presenya niya sa akin, nagrarambulan pa rin sa sobrang kaba ang puso ko. Habang papalapit ako ay hindi niya inaalis ang tingin sa akin. Gusto ko umiwas ng tingin pero baka kung ano ang isipin niya kapag ginawa ko iyon. Pipilitin kong maging pormal sa harap niya kahit nagsisimula ng manlamig ang palad ko. Nang nasa harap na