Share

CHAPTER 11

NAPAPIKIT AKO NG MARIIN dahil narinig ko na naman ang boses ni Claver. "Hoy! Leexiya! Bakit mo ako iniwan doon?! Kinakausap pa kita."

Hindi ba siya nakakaintindi o nakakapansin na ayaw ko siyang kausap? Nakikita ko sa kanya 'yung demonyong 'yon. Ayos lang sana kung hindi sila magkamukha. "Uy, Leexiya!" pangangalabit niya sa akin.

"Ano ba?! 'Wag mo nga akong kulitin!" Hindi rin yata sya nakakaramdam sa pagkairita ko, ngumiti lang siya ng malapad.

"Tara laro tayo, naiinip ka ba?"

"Ayoko," sagot ko at tumingin ulit sa maraming puno, namilog ang mata ko at umatras. Bigla akong napakapit kay Claver, para kasing may sumisilip, tapos pula 'yung mata.

"Oh, Bakit? Sabi na eh hindi mo ako matitiis!" Natatawang biro niya ngunit hindi ko siya pinansin. Binitawan ko siya at nagpanggap na parang walang nangyari.

"Asa ka, natakot lang ako."

"Saan naman? May nakita ka bang multo?" Hindi ko na siya sinagot. "Ay! Sige na kasi, Leexiya! Laro na tayo! nakakainip dito eh," pangungulit nya at inalog-alog
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status