Se connecterLAURA
KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Hindi ko alam kung nakatulog ba talaga ako o nakapikit lang buong magdamag. Paulit-ulit pa ring tumatakbo sa isip ko ang mga salitang binitiwan ni Gray kagabi. Akala ko hanggang banta lang ang sinabi niyang ipapahanda niya ang divorce papers. Akala ko kapag nagising siya ngayong umaga ay magbabago ang isip niya. Akala ko kahit paano ay may natitira pa siyang pagmamahal para sa akin. Ngunit nagkamali ako. Katatapos ko pa lamang maghilamos nang marinig ko ang katok sa p***o ng kuwarto. "Ma'am Laura," mahinahong tawag ng isa sa mga kasambahay. "Pinabababa po kayo ni Sir Gray. Dumating na po ang abogado." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko agad nabuksan ang p***o. Ilang segundo muna akong nanatiling nakatayo habang pilit na tinatanggap ang narinig ko. Nang tuluyan kong mabuksan ang p***o ay ngumiti sa akin ang kasambahay, ngunit halata sa mukha nito ang pag-aalala. "Naroon po sila sa sala. Bumaba na lang po kayo doon, maam.” Tumango lang ako bago dahan-dahang bumaba. Pagdating ko sa sala ay agad kong nakita si Gray na nakaupo sa mahabang sofa. Maayos na naman ang kanyang suot na itim na suit at tahimik siyang umiinom ng kape. Katabi niya ang isang lalaking nasa singkuwenta anyos na may dalang itim na briefcase. Nang makita akong bumaba ay tumayo ang lalaki at magalang na ngumiti. "Good morning, Mrs. Ashford. Ako si Attorney Ramos." "Good morning." "Ipinatawag ko siya," malamig na sabi ni Gray. "Para matapos na natin ito. Para maging malaya na rin tayong dalawa, tama?” Hindi ko na siya sinagot. Marahan akong umupo sa kabilang sofa. Binuksan ng abogado ang kanyang briefcase at inilabas ang isang makapal na folder. Isa-isa niyang inayos ang mga dokumento sa ibabaw ng center table bago niya kami tiningnan. "Mr. and Mrs. Ashford, ito na ang inihandang divorce agreement. Napag-usapan na namin ito ni Mr. Ashford kagabi. Nakasaad dito na pareho ninyong napagkasunduang wakasan ang inyong kasal at wala kayong magiging anumang paghahabol sa isa't isa." Napakurap ako. Ibig sabihin... kagabi pa lang ay kinausap na niya ang abogado. Hindi man lang pala siya nagdalawang-isip. "Attorney," mahina kong tawag. "Lahat ba ng kailangan ay nandiyan na?" "Opo. Kapag nalagdaan ninyo ang mga dokumentong ito ay sisimulan na namin ang legal na proseso." Pilit akong ngumiti kahit masakit. Hindi ko akalaing ganoon kabilis matatapos ang anim na buwang pagsasama naming dalawa. Inilapit ng abogado ang mga papeles kay Gray. "Sir, dito po muna kayo." Wala man lang pag-aalinlangan na kinuha ni Gray ang ballpen. Mabilis niyang binasa ang unang pahina bago niya isinulat ang kanyang buong pangalan. Nang matapos siya ay bahagya pa siyang ngumiti habang isinasara ang takip ng ballpen. Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong nasaktan sa ngiting iyon. Para bang sa wakas ay nabunutan na siya ng tinik..Para bang matagal na niyang hinihintay ang araw na ito..Iniabot niya ang ballpen sa abogado. "Done." Kinuha iyon ng abogado at inilapit sa akin ang mga dokumento. "Ma'am Laura, kayo naman po." Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatingin sa mga papeles. Ilang buwan lang ang nakalipas, nanginginig din ang kamay ko nang pumirma ako sa marriage certificate namin ni Gray. Noon, nanginginig ako dahil masaya ako. Hindi ko akalaing darating ang araw na muling manginig ang kamay ko habang pinipirmahan ko ang dokumentong magtatapos sa kasal naming dalawa. Mabagal kong kinuha ang ballpen..Hindi ko na tiningnan si Gray. Ayokong makita ang kasiyahan sa mukha niya. Isa-isa kong nilagdaan ang lahat ng pahinang itinuro ng abogado. Habang sinusulat ko ang pangalan ko ay pakiramdam ko unti-unti ring nawawala ang pagkakakilanlan ko bilang asawa ni Gray. Pagkatapos kong pumirma ay marahan kong ibinalik ang ballpen. "Okay na po." Ngumiti ang abogado at inayos ang mga dokumento. "Maraming salamat po. Kami na po ang bahala sa susunod na proseso." Tumango lang si Gray. "Good." Tumayo na ang abogado at nagpaalam. Pagkalabas nito ng mansiyon ay tuluyan nang nabalot ng katahimikan ang buong sala..Hindi ko alam kung ano pa ang dapat kong sabihin. Si Gray ang unang nagsalita. "Malaya ka na." Maikli lang ang sinabi niya, pero sapat na iyon para maramdaman kong tuluyan na ngang natapos ang lahat. “Oo, sa wakas.” “Wow. Talaga lang, ha? Parang hindi ka nasasaktan sa sinasabi mong iyan.” Sarkastiko akong natawa. “Siguro, napagod na ang puso kong masaktan. Kaya wala akong naramdaman na kahit ano habang pumipirma.” Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga bago ngumiti. “Well, lalo naman ako. Wala akong ibang naramdaman bukod sa pagiging masaya. Kasi sa wakas…nakalaya na rin ako mula sa babaeng iniputan ako sa ulo. Ang kapal din talaga ng mukha mong gawin iyon ‘no?” “Alam mo, kung wala ka ng sasabihin pa…manahimik ka na lang. Masyado ka na kasing paulit-ulit at nakakasawa ka ng pakinggan.” Mabilis akong tumayo at dahan-dahang umakyat sa ikalawang palapag. Pagkapasok ko sa kuwarto ay isinara ko ang p***o. Doon ko lang tuluyang pinakawalan ang lahat ng luhang kanina ko pa pinipigilan. Mahigpit kong tinakpan ang bibig ko para walang makarinig sa akin habang tuluy-tuloy ang pag-agos ng mga luha ko. “Putang1na mo, Gray.” Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiyak. Pagod na pagod na akong umiyak. Pagod na rin akong umasa. Pinunasan ko ang mga mata ko gamit ang likod ng kamay ko bago ako tumayo at humarap sa salamin. Namumugto ang mga mata ko. Halatang-halata na umiyak ako. Huminga ako ng malalim at pilit kong pinatatag ang sarili ko. "Laura," mahina kong sabi sa sarili ko. "Tama na." Pinunasan ko ang natitira pang luha sa pisngi ko. "Ngayon na ang huling beses na iiyak ka dahil sa kanya. Tapos na ang pagiging tanga mo sa kanya…tapos na ang pagiging mahina mo.” Mahigpit kong kinuyom ang mga kamay ko habang nakatingin sa sarili kong repleksyon. Sa mga oras na ito, napagtanto ko kung gaano ako katanga. "Hindi na ako muling iiyak para kay Gray Ashford. At isinusumpa ko, sisiguraduhin kong luluhod siya sa harapan ko at magmamakaawang balikan ko siya.”GRAYHindi ko naman talaga planong magtagal sa event na iyon. Isa lamang iyon sa mga regular na business gatherings na kailangang puntahan ng mga executive ng Ashford Corporation, kaya wala akong ibang pakay kundi makipagkita sa ilang investors, makipag-usap sa business partners at asikasuhin ang ilang bagay na may kinalaman sa kumpanya. Pagpasok ko pa lang sa ballroom ay agad na akong sinalubong ng ilang kilalang negosyante, kaya naging abala ako sa pakikipagkamay at pakikipag-usap habang paminsan-minsan ay may lumalapit na nagpapakilala o nagtatanong tungkol sa expansion plans ng kumpanya.Nang matapos ang unang serye ng mga usapan, nakita ko si Vivian na papalapit sa akin. Nakasuot siya ng eleganteng gown at gaya ng dati ay maayos ang bawat detalye ng kanyang appearance. Matagal ko na siyang kilala at sanay na rin ako na madalas siyang kasama sa mga ganitong gatherings dahil matagal nang konektado ang pamilya namin sa pamilya nila, kaya hinayaan ko lamang siyang lumapit at makipag-
LAURANang marinig kong kasama mismo ni Gray Ashford ang mga representatives ng Ashford Corporation, sandali akong natigilan. Pero hindi ko hinayaang makita iyon ng mga kasama ko. Ilang Linggo na rin mula nang tuluyan akong umalis sa buhay niya. At kahit hindi ko maitatangging may bahagi sa akin na kinakabahan sa unang pagkikita namin pagkatapos ng divorce. Mas malakas ngayon ang kagustuhan kong ipakita sa sarili ko na kaya kong humarap sa kanya nang hindi na bumabalik sa dati kong estado.TATLONG ARAW ANG lumipas. Pagpasok namin sa conference room, abala ang lahat sa paghahanda ng mga dokumento at presentation materials. Nakita ko si Cassian sa kabilang bahagi ng mesa na may kausap na dalawang executives, habang nasa tabi naman niya ang ilang miyembro ng Marketing Department. Nang tuluyan akong makapasok, saka ko nakita si Gray na nakaupo sa kabilang side kasama ang mga representatives ng Ashford Corporation.Nagtagpo ang mga mata namin. Hindi ako ngumiti at hindi rin ako umiwas ng
LAURAHindi ko na hinintay na mawala ang excitement ko bago ko buksan ulit ang laptop ko. Sa halip na umuwi agad pagkatapos ng meeting, nanatili muna ako sa conference room at isa-isang binasa ang mga dokumentong ibinigay sa amin. Habang mas binabasa ko ang details ng campaign, mas naiintindihan ko kung bakit sinabi ni Sir Cassian na mahalaga ang project na iyon para sa kumpanya.Malaki ang budget, malawak ang target market, at maraming department ang kailangang magtulungan para maging successful ang buong campaign. Hindi puwedeng puro magandang concept lang dahil kailangan ding isipin kung paano ito tatanggapin ng mga tao at kung paano namin mapapanatili ang interest nila hanggang sa actual launch.Nagsusulat ako ng ilang notes nang marinig kong bumukas ang pinto ng conference room.“Hindi ka pa umuuwi?” tanong ni Hazel habang nakasandal sa pintuan at nakatingin sa akin.“Hindi pa. Gusto ko munang intindihin nang mabuti itong project bago ako umuwi. Ayokong bukas pa ako magsisimulan
LAURA SANDALI akong natulala bago nakasagot.“Talaga? Hindi ko pa alam iyan. Wala namang sinabi sa akin ang manager namin kahapon tungkol sa bagong project, kaya baka hindi pa final ang lahat. Pero kung sakaling mabigyan talaga ako ng malaking responsibility, gagawin ko ang lahat para maging maayos ang trabaho ko. Ayokong isipin ng mga tao na binibigyan lang ako ng pagkakataon dahil bago ako…. o dahil napapansin ako ni Sir Cassian. Gusto kong patunayan na kaya kong gawin ang trabaho at kaya kong panindigan ang anumang responsibilidad na ibigay sa akin.”“Iyan nga ang gusto ko sa iyo. Kaya huwag mong isipin na kailangan mong maging perfect agad. Matuto ka lang at huwag kang matakot magtanong kapag may hindi ka alam. At kung kailangan mo ng tulong, alam mo naman na nandito lang ako. Kahit minsan ay inaasar kita at pinapagalitan kita kapag mabagal kang kumilos, alam mong kakampi mo ako,” aniya sabay kindat.“Alam ko naman iyon. Kaya nga nagpapasalamat ako sa iyo dahil kahit ang dami mon
LAURA“HOY! ANONG PETSA na! Wala ka bang balak bumangon?” bulyaw ko kay Hazel dahil anong oras na, hindi pa rin siya bumabangon.“Ito naman! Napakaepal mo! Natutulog pa ako!”“Anong epal? Gaga! May trabaho pa tayo! Kailangan nating pumasok sa trabaho!”“Oo na! Hays! Bakit ba kasi hindi ako pinanganak na mayaman!” aniya bago dahan-dahang bumangon sa kanyang kama.Napailing ako habang pinagmamasdan siyang halos nakapikit pa habang naglalakad papunta sa banyo. Ilang minuto rin akong nakatayo roon, habang hinihintay siyang tuluyang magising. Dahil kung hindi ko siya gigisingin nang paulit-ulit ay malamang na hapon na siya makakarating sa opisina.“Hindi naman kailangan maging mayaman para hindi ka mahirapang bumangon sa umaga. Kung natulog ka nang maaga kagabi at hindi ka nag-iikot sa social media hanggang alas-dos ng madaling-araw, hindi ka sana mukhang inaagawan ng kaluluwa ngayon,” sabi ko habang inaayos ko ang ilang gamit na nakalagay sa ibabaw ng mesa.“Madali para sa iyo na sabihin
GRAY Hindi ko agad inalis ang tingin ko sa screen. Ilang minuto akong nanatiling nakaupo habang iniisip kung bakit ko pa gustong malaman ang mga ginagawa ni Laura sa Sterling Group. Kung tutuusin, wala naman akong pakialam kung anong trabaho ang pinasok niya o kung sino ang mga kasama niya roon. Matagal na kaming hiwalay at hindi na ako bahagi ng buhay niya. Kung gusto niyang magsimula ulit, wala akong karapatang pigilan iyon. Pero hindi ko rin maintindihan kung bakit parang hindi ako komportable sa ideyang nagtatrabaho siya sa kumpanya ni Cassian. Siguro dahil magkalaban kami sa negosyo. Kilala ko si Cassian at alam kong hindi basta-basta kumukuha ng mga taong hindi niya nakikitang may kakayahan. Kung napansin niya si Laura at tinanggap siya sa Sterling Group, ibig sabihin ay may nakita siyang potensiyal sa kanya. Wala naman iyong masama. Trabaho lang iyon. Iyon ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko habang inaayos ko ang ilang documents para sa susunod kong meeting. Makalipa







