共有

KABANATA 3

作者: Allecorianna
last update 公開日: 2026-07-17 11:17:14

LAURA

MAKALIPAS ang ilang araw ay ganoon pa rin ang sitwasyon naming dalawa ni Gray.

Pagmulat ko ng mga mata ay napansin kong wala na si Gray sa kama. Agad akong bumangon at nakita ko siyang nakatayo sa harap ng malaking salamin. Nakasuot na siya ng kulay itim na suit. Maayos ang pagkakapulido ng kanyang buhok at nakahanda na rin ang mamahaling relo na isinuot niya sa kanyang kaliwang pulsuhan.

Hindi ko mapigilang mapangiti ng tipid. Matagal ko na rin siyang hindi nakitang maghanda habang naroon ako sa kuwarto. Marahan akong lumapit sa kanya.

"Ang aga mong nagbihis. May importante ka bang pupuntahan?"

Hindi niya ako nilingon. Inaayos lang niya ang cuff ng kanyang coat.

"Business meeting."

"Pwede ba kitang ipaghanda ng breakfast bago ka umalis?"

"Tanga ka ba? Sinabi kong ayoko ng ikaw ang maghahanda ng pagkain ko.”

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko. Ayaw ko sanang matapos na ganoon lang ang usapan kaya muli akong nagsalita.

"Anong oras ka uuwi?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Parang may kumurot na naman sa puso ko.

"Gray..."

"Ano?"

"Sino ang kasama mo sa meeting?"

Hindi ko alam kung bakit ko iyon naitanong. Siguro dahil gusto kong maramdaman na bahagi pa rin ako ng buhay niya bilang asawa. Diretso siyang tumingin sa akin.

"Si Vivian."

"H-ha?"

"Si Vivian ang sasama sa akin."

Hindi ako agad nakapagsalita. Pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko.

"Bakit... siya?"

"Because she has to."

"Pero... hindi ba puwedeng ako na lang ang sumama? Asawa mo naman ako. Hindi ba mas tama kung ako ang kasama mo sa mga ganoong okasyon?"

Ilang segundo niya lang akong tiningnan bago siya mapait na ngumiti.

"Laura, alam mo ba ang sinasabi mo? Business meeting ang pupuntahan ko. Hindi iyon family gathering."

"Naiintindihan ko. Pero asawa mo pa rin ako at ako dapat ang kasama mo sa mga lakad mo.”

"Ano bang pakialam mo kung ayaw kitang kasama?”

"Gray..."

"Sabihin mo nga sa akin. Kapag may nagtanong tungkol sa nangyari sa hotel, ano ang gusto mong isagot ko?"

Nanlamig ang buo kong katawan.

"Gray... alam mong hindi totoo ang—"

"Stop."

May diin ang pagkakabigkas niya sa salitang iyon.

"Wala nang saysay ang paulit-ulit mong paliwanag."

"Lahat ng sinasabi ko ay totoo."

"Bakit ba gustong-gusto mong sumama?"

"Dahil asawa mo ako."

"Tapos?"

"Gusto kong makasama ka."

"Para ano?"

"Dahil nami-miss na kitang makasama."

Napabuntong-hininga siya. Unti-unti akong lumapit at marahang hinawakan ang manggas ng kanyang coat.

"Gray... isang buwan na tayong ganito. Kahit isang pagkakataon lang. Hayaan mo naman akong samahan ka. Hindi kita ipapahiya. Mananahimik lang ako sa tabi mo."

"Hindi."

"Bakit?"

"Gray, please."

"Laura, manahimik ka na!” sigaw niya sa akin.

Tuluyan na nga akong napaiyak. Wala na yatang araw na nag-usap kami nang hindi niya ako sinisigawan.

"Simula nang mangyari ang iskandalo na iyon, araw-araw akong tinatanong ng mga tao."

"Gray..."

"Sa tingin mo ba madali para sa akin? CEO ako. Lahat ng kilos ko pinagmamasdan."

"Kaya nga gusto kong samahan ka para makita nilang maayos tayo."

"Maayos?"

Mapait siyang natawa.

"Sa tingin mo ba maayos tayo?"

Matagal niya akong tinitigan bago siya muling nagsalita.

"Mas gusto kong si Vivian ang kasama ko dahil hindi niya sisirain ang pangalan ko."

Parang may patalim na sumaksak sa dibdib ko. Ang sakit ng mga salitang iyon. Lalo na't narinig ko sa kanya…na asawa ko.

"Gray, hanggang kailan mo ako huhusgahan?"

"Hanggang mawala sa isip ko ang mga nakita ko."

"She's the right person for today's meeting."

"Ako ang asawa mo.”

"Unfortunately... oo."

Pinilit kong maging matatag kahit nanginginig na ang buong katawan ko. Ayokong umiyak sa harapan niya. Pakiramdam ko kasi, kapag umiyak ako ngayon, lalo lang niyang iisipin na ginagamit ko ang luha ko para kaawaan niya ako.

"Gray..." mahina kong tawag. "Ganito na lang ba talaga ang tingin mo sa akin? Hanggang sa papel na lang ba ang halaga ko bilang asawa mo? Wala na bang natira kahit kaunti sa pagmamahal na ipinakita mo sa akin noon?"

Hindi siya agad sumagot. Tahimik lang siyang nag-aayos ng kurbata sa harap ng salamin. Lumapit pa ako sa kanya.

"Naalala mo ba noong una tayong nagsama? Ikaw pa mismo ang nagsasabi na gusto mong lagi kitang sinasamahan. Kapag may dinner meeting ka, gusto mo akong isama. Kapag may charity event, gusto mo nasa tabi mo ako. Sinasabi mo noon na ipinagmamalaki mo ako kahit hindi ako galing sa mayamang pamilya. Bakit ngayon... parang ikinahihiya mo na akong makita ng mga tao?"

Napapikit siya sandali bago muling tumingin sa akin.

"Huwag mong ikumpara ang noon sa ngayon."

"Kung talagang sigurado kang nagloko ako, bakit ayaw mong pakinggan ang paliwanag ko? Hindi ba dapat mas gusto mong marinig ang sasabihin ko para mapatunayan mong tama ka?"

Umigting ang panga niya.

"Huwag mong ubusin ang pasensya ko."

"Hindi ko inuubos ang pasensya mo. Ipinaglalaban ko lang ang sarili ko. Isang buwan na akong tahimik. Isang buwan na akong umiiyak. Isang buwan na kitang pinakikiusapan. Pero kahit isang beses, hindi mo man lang ako tinanong kung ano ba talaga ang nangyari sa akin noong araw na kinidnap ako."

"Hindi ko kailangang magtanong dahil nakita ko na ang kailangan kong makita."

Kinuyom ko ang kamao ko habang pilit na pinipigilang umagos pa ang luha ko.

"Gray... hindi mo ba nakikita kung gaano ako nasasaktan?"

Hindi na siya nagsalita. Kinuha niya ang susi ng sasakyan mula sa mesa. Mukhang aalis na siya kaya nagmamadali akong humarang sa daraanan niya.

"Gray, isang huling tanong."

"Ano?"

"Kapag napatunayan kong wala talaga akong kasalanan... kapag nalaman mong may taong sadyang sumira sa atin... babawiin mo ba ang lahat ng sinabi mo sa akin?"

Malamig siyang tumingin sa akin. Wala akong mabasang emosyon sa kanyang mukha. Mayamaya ay bahagya siyang umiling.

"Huwag mo ng sayangin ang oras mo sa mga bagay na hindi na mababago."

Pakiramdam ko ay tuluyan nang gumuho ang natitira kong pag-asa. Lumampas siya sa akin at naglakad palabas ng kuwarto. Ilang segundo pa ay narinig ko ang pagsara ng p***o.

Kasunod noon ang tunog ng makina ng sasakyan niya.

PAGSAPIT ng gabi ay mahigit alas onse na nang marinig kong bumukas ang p***o ng kuwarto. Kanina pa ako nakaupo sa gilid ng kama habang hinihintay ang pag-uwi ni Gray. Hindi ko magawang matulog dahil paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga sinabi niya kaninang umaga. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na mas pinili niyang isama si Vivian kaysa sa akin. Ang mas masakit pa roon, para bang ikinahihiya na niya akong ipakilala bilang asawa niya.

Pagpasok niya ay hindi man lang niya ako tiningnan. Maingat niyang inilapag ang coat sa sofa at isa-isang tinanggal ang relo at cufflinks niya. Para bang wala siyang kasamang tao sa silid.

"Gray..."

Hindi siya sumagot. Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita.

"Pwede ba kitang makausap?"

Nakaharap pa rin siya sa aparador habang inaayos ang mga gamit niya.

"Pagod ako."

"Sandali lang maman.”

Saka lang siya lumingon sa akin. Halatang pagod ang mukha niya ngunit mas nangingibabaw pa rin ang lamig ng tingin niya.

"Ano na naman ang pag-uusapan natin?"

"Tayo.”

"Laura, wala na akong lakas para makipagtalo."

"Hindi ako makikipagtalo. Gusto ko lang sana na mag-usap tayo ng maayos. Noong nakita kitang tumatawa kasama si Vivian, parang nadurog ang puso ko. Matagal na kitang hindi nakikitang ngumiti ka ng ganoon. At masakit sa akin na hindi ako ang dahilan ng pagngiti mo.

"Laura."

Napalunok ako ng laway bago muling nagsalita.

"Sabihin mo nga sa akin... may nararamdaman ka na ba para kay Vivian?"

"Anong klaseng tanong iyan?"

"Sabihin mo lang ang totoo."

"Wala."

"Kung wala, bakit siya na ang lagi mong kasama? Bakit siya ang isinama mo sa meeting? Bakit masaya kang kasama siya? Samantalang ako... hindi mo man lang matingnan ng maayos?"

"Huwag mong bigyan ng ibang kahulugan ang mga bagay."

"Paano ko hindi bibigyan ng kahulugan? Asawa mo ako, Gray. Pero ibang babae ang isinasama mo sa mahahalagang lakad mo. Pag-uwi ko sa bahay, siya ang nadatnan kong kasama mo. Tapos pagdating ko, parang wala lang ako sa paningin mo."

"Business ang pakay namin."

"Business lang ba talaga?"

"Oo."

"Bakit pakiramdam ko... unti-unti mo na siyang pinapalit sa akin?"

"Ikaw lang ang nag-iisip niyan."

"Gray, sabihin mo nga sa akin... ano pa ba ang kulang? Ano pa ba ang kailangan kong gawin para maniwala ka sa akin? Sabihin mo lang. Susundin ko. Kahit gaano kahirap, gagawin ko. Basta bumalik ka lang sa dati."

"Hindi mo pa rin ba naiintindihan?"

"Ang alin?"

"Hindi na iyon tungkol sa gusto mong gawin."

"Kung ganoon, tungkol saan?"

"Tungkol ito sa tiwala kong sinira mo.”

"Hanggang kailan mo ako pagbabayaran sa kasalanang hindi ko naman ginawa? Hanggang kailan mo ako hahayaang mabuhay ng ganito? Araw-araw akong umiiyak. Araw-araw akong nagmamakaawa. Pero pakiramdam ko wala ka ng pakialam kung masaktan man ako."

Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Wala akong makita kahit katiting na awa sa mga mata niya. Unti-unti akong napangiti ng mapait.

"Alam mo... kanina habang kausap ko si Hazel, paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na makipaghiwalay na lang daw ako sa iyo."

Hindi nagbago ang ekspresyon niya.

"At ano'ng sinabi mo?"

"Sinabi kong hindi ko kaya dahil mahal na mahal kita."

Natahimik kaming dalawa. Pinunasan ko ang mga luha ko bago ako muling nagsalita.

"Pero siguro... tama na siya."

Humugot ako ng malalim na paghinga bago tipid na ngumiti.

"Pagod na ako, Gray. Pagod na akong ipaglaban ang relasyon nating ako na lang ang lumalaban. Pagod na akong araw-araw na magpaliwanag sa taong ayaw namang makinig. Pagod na akong mahalin ang lalaking parang wala nang natitirang pagmamahal para sa akin."

Nanikip ang dibdib ko ngunit ipinagpatuloy ko pa rin ang sasabihin ko.

"Kaya kung wala ka na talagang tiwala sa akin... kung hindi mo na talaga kayang mahalin ang babaeng pinakasalan mo... mag-divorce na lang tayo."

Ilang segundo siyang nanahimik. Akala ko... kahit papaano ay pipigilan niya ako. Akala ko sasabihin niyang huwag.

Pero nagkamali ako.

"Fine. Wala akong problema. Kung iyan ang gusto mo, pumapayag ako."

"Bukas ipapahanda ko ang divorce papers. Kapag handa na ang mga dokumento, pipirma na lang tayo."

Nanginginig ang mga labi ko hangang nakatingin sa kanya. Hindi ko akalaing ganoon lang kadali para sa kanya ang tapusin ang kasal namin. Pero sa pagkakataong ito, wala na akong balak pang umatras.

At kapag napirmahan na naming dalawa ang divorce papers, sisiguraduhin kong siya naman ang maghahabol sa akin.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • My Husband's Biggest Regret    KABANATA 8

    LAURA"Alam mo naman sigurong matagal nang magkalaban sa negosyo ang Sterling Group at Ashford Corporation.""Yes po.”"Dahil pareho kaming kabilang sa iisang industriya, normal na nagkakasama ang mga CEO ng malalaking kumpanya sa mga business conferences, investors' meetings at corporate gatherings. Hindi man kami malapit sa isa't isa, hindi rin maiiwasang may mga napag-uusapan tungkol sa mga kumpanyang kabilang sa industriya."Nanatili akong nakatingin sa kanya. Hindi na rin ako magtataka kung kakalat agad ang balita na naghiwalay na nga kami ni Gray. Hinihintay ko na lang ang approval ng divorce namin."Kapag may malaking nangyari sa isang kilalang pamilya sa business world, mabilis din iyong nakakarating sa amin. Hindi dahil tsismis ang pakay namin, kundi dahil minsan ay naaapektuhan din nito ang negosyo, reputasyon at maging ang galaw ng mga investors."“Yes. Hiwalay na nga kami ng impaktong iyon. Kapal ng pagmumukha ng siraulong iyon. Magsama silang dalawa ng Vivian landi na iyo

  • My Husband's Biggest Regret    KABANATA 7

    LAURAMabilis akong sumunod kay Hazel habang naglalakad kami sa mahabang hallway patungo sa executive floor. Habang papalapit kami sa opisina ng CEO, lalo namang bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ako pinapatawag gayong wala pa nga akong isang oras sa kumpanya. Hindi pa man ako nakakaupo nang maayos sa magiging workstation ko, heto at nasa harapan na agad ako ng pinakamakapangyarihang tao sa buong Sterling Group.Napansin yata ni Hazel ang kaba ko kaya bahagya niya akong siniko."Huwag kang ganyan. Para kang dadalhin sa execution.""Paano ba naman kasi? Unang araw ko pa lang dito. Baka may mali agad akong nagawa.""Imposible. Hindi ka pa nga halos nakakakilos.""Eh bakit kaya ako pinapatawag?"Nagkibit-balikat siya."Ewan ko. Hindi naman sinabi ni Sir Cassian. Ang sabi lang niya, kapag dumating ka na, ihatid daw kita sa opisina niya.""Sana naman walang problema.""Huwag kang mag-overthink. Kilala ko ang boss ko. Hindi siya iyong tipo ng taong nagpapatawa

  • My Husband's Biggest Regret    KABANATA 6

    LAURA Dalawang araw ang lumipas matapos ang interview ko sa Sterling Group. Hindi ko maiwasang kabahan sa paghihintay ng resulta. Kahit paulit-ulit akong sinasabihan ni Hazel na huwag akong mag-alala dahil maganda naman ang naging interview ko, hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib ko. Alam kong napakalaking kumpanya ng Sterling Group at siguradong maraming aplikanteng mas magaling at mas maraming karanasan kaysa sa akin. Kaya habang hinihintay ko ang magiging desisyon nila, sinubukan kong huwag masyadong umasa para hindi rin ganoon kasakit kung sakaling hindi ako matanggap. Nasa kusina ako nang umagang iyon at tinutulungan si Hazel na maghanda ng almusal, nang biglang tumunog ang notification ng cellphone ko. Wala naman sana akong balak tingnan iyon agad pero napansin kong seryoso ang mukha ni Hazel habang nakatingin sa screen ng cellphone ko na nakapatong sa mesa. "Hoy, Laura. Parang may email ka." Hindi ko agad pinansin iyon. "Mamaya ko na titingnan." "Aba, bakit mamaya? Malay

  • My Husband's Biggest Regret    KABANATA 5

    LAURA“Wow! Tunay ba iyan o joke lang?” nakangising tanong sa akin ni Hazel nang makita akong bitbit ang ilang maleta at bag.Dinala ko halos ang lahat ng gamit ko. At ang mga gamit kong sa tingin ko ay hindi na mahalaga, inutos ko kay aling Rosa na sunugin na lamang niya o 'di kaya itapon. Ayokong may maiwan pa akong mga gamit doon. Hindi na ako babalik sa bahay na iyon. Magsama silang dalawa ng babae. Ni minsan hindi ko pa naman siya nahuhuling naglalampungan ng dalawang iyon.Pero sa tingin ko, imposibleng hindi nagk@ntvtan ang dalawang iyon.Malanding babae si Vivian. Noon pa man, gustong-gusto niya ng mapunta sa kanya si Gray. At siya ang gusto ng byenan kong bruha para sa anak niya kasi nga mayaman sila parehas. Well, sige…isaksak niya sa pvki niya si Gray. “Sa tingin mo, joke pa ito? Ngayon ko lang ito ginawa. At ito na rin ang huli. Humihingi na agad ako ng pasensya dahil magiging abala ako dito sa iyo.”“Gaga! Anong magiging abala ka dito? Tuwang-tuwa nga ako dahil ako lang

  • My Husband's Biggest Regret    KABANATA 4

    LAURAKINABUKASAN ay maaga akong nagising. Hindi ko alam kung nakatulog ba talaga ako o nakapikit lang buong magdamag. Paulit-ulit pa ring tumatakbo sa isip ko ang mga salitang binitiwan ni Gray kagabi. Akala ko hanggang banta lang ang sinabi niyang ipapahanda niya ang divorce papers. Akala ko kapag nagising siya ngayong umaga ay magbabago ang isip niya. Akala ko kahit paano ay may natitira pa siyang pagmamahal para sa akin.Ngunit nagkamali ako.Katatapos ko pa lamang maghilamos nang marinig ko ang katok sa pinto ng kuwarto."Ma'am Laura," mahinahong tawag ng isa sa mga kasambahay. "Pinabababa po kayo ni Sir Gray. Dumating na po ang abogado."Para akong binuhusan ng malamig na tubig.Hindi ko agad nabuksan ang pinto. Ilang segundo muna akong nanatiling nakatayo habang pilit na tinatanggap ang narinig ko. Nang tuluyan kong mabuksan ang pinto ay ngumiti sa akin ang kasambahay, ngunit halata sa mukha nito ang pag-aalala."Naroon po sila sa sala. Bumaba na lang po kayo doon, maam.”Tuman

  • My Husband's Biggest Regret    KABANATA 3

    LAURAMAKALIPAS ang ilang araw ay ganoon pa rin ang sitwasyon naming dalawa ni Gray. Pagmulat ko ng mga mata ay napansin kong wala na si Gray sa kama. Agad akong bumangon at nakita ko siyang nakatayo sa harap ng malaking salamin. Nakasuot na siya ng kulay itim na suit. Maayos ang pagkakapulido ng kanyang buhok at nakahanda na rin ang mamahaling relo na isinuot niya sa kanyang kaliwang pulsuhan.Hindi ko mapigilang mapangiti ng tipid. Matagal ko na rin siyang hindi nakitang maghanda habang naroon ako sa kuwarto. Marahan akong lumapit sa kanya."Ang aga mong nagbihis. May importante ka bang pupuntahan?"Hindi niya ako nilingon. Inaayos lang niya ang cuff ng kanyang coat."Business meeting.""Pwede ba kitang ipaghanda ng breakfast bago ka umalis?""Tanga ka ba? Sinabi kong ayoko ng ikaw ang maghahanda ng pagkain ko.”Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko. Ayaw ko sanang matapos na ganoon lang ang usapan kaya muli akong nagsalita."Anong oras ka uuwi?"Hindi niya sinagot ang tanong ko

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status