Share

KABANATA 3

Penulis: Megan Jurado
last update Terakhir Diperbarui: 2024-09-25 05:49:26

Tulala na nakatingin sa kawalan si Alex habang nakaupo sa kanyang office chair. Sa harapan niya ay ang mga nakatambak na files na kailangan niya pirmahan for approval, nang di niya napansing dumating si James.

“Alex,”

Makailang tawag ang binata ngunit di parin siya naririnig nito hanggang katukin ni James ang kanyang lamesa.

“Oh. Kanina ka pa?” Tanong ni Alex at nagpatuloy na siya sa kanyang ginagawa.

“Iniisip mo parin ba ang mga narinig mo kahapon?” 

Hindi sumagot si Alex na tila ba walang naririnig sa sinabi ng lalaki. Narinig na lamang ni Alex ang pagbuntong hininga nito.

“How about we’ll have some dinner later?” Suhestiyon ni James Ngunit di parin kumikibo si Alex. 

Napahilamos si James sa kanyang mukha gamit ang mga palad sa inis na di siya kinikibo ng dalaga. “Bakit di ka nagsasalita?” May gigil sa galit ang tono ng pananalita ni James na ikinaangat ng tingin ni Alex sa fiance.

“James… Bakit di nalang natin itu-”

Naputol ang usapan nila ng biglang magring ang cellphone ni James na ipinatong niya sa lamesa ni Alex. Kaya’y nakita ni Alex kung sino ang tumatawag. Isa itong unsaved number. Muling nagkatitigan si Alex at James at bakas sa mukha ni James ang pag-igting ng panga nito. Nagdadalawang isip ang binata kung sasagutin ba niya ang tawag o hindi. Kinakabahan ang binata na para bang may sekreto siyang tinatago na hindi dapat malaman ni Alex. Ngunit sa huli ay sinagot niya ito.

“Hello. Ok, pupuntahan kita ngayon na.”

Napakunot ang dalaga. ‘Bakit ba parang aligaga siya at nagmamadali nang sagutin ang tawag. May dapat ba akong hindi malaman?’ Kunot noong tanong niya sa isip.

“Babe, may emergency lang akong aasikasuhin. Mag-usap nalang tayo mamaya. Sabay na tayo magdinner sa bahay mamaya.” Paalam niya sabay halik ng dalaga sa noo bago nagmamadaling umalis ng kanyang opisina, na ikina-awang ng mga bibig ni Alex. Tiningnan na lamang niya ang papalayong piguro ng fiance.

‘Yun na yun? May hindi kami pinagkakaunawaan pero ito siya bigla akong iniwan sa ere. Ni hindi nga binanggit kung anong emergency iyon. Wow!’ Hindi makapaniwalang sabi sa isip ni Alex.

“So, mas may importante pa pala kaysa ayusin ang relasyon namin. Baka nga naman life and death situation iyon. Pero impossibleng tungkol kanila tita iyong tawag dahil dapat sasabihan din niya ako hindi ba?” Pagkakausap ni Alex sa sarili na animo’y nababaliw na sa kakaisip kung sino ang tumawag sa phone ng kanyang fiance na ikinataranta ng huli. 

Di kalaunan ay tumunog naman ang kanyang phone. Napangiti siya ng makita ang caller ID kung sino ang tumawag.

“Hello,”

“Alex, nasa opisina ka parin ba ngayon?”

“Oo. Bakit?” Tanong ni Alex.

“Matatagalan ka pa? Sabay tayo magdinner. San mo gusto kumain?”

Ang taong tumawag ay ang matalik na kaibigan ni Alex na si Grace Abueva. Isa siyang kilalang gynecologist. Mas matanda kay Alex ng limang taon ngunit wala pa itong asawa, kahit nobyo ay wala rin. MArahil ay ddahil sa kanyang propesyon at nawalan na ng oras na makipagrelasyon. Alam ni Grace ang lahat ng sekretong meron si Alex kahit ang pagdadalang tao nito.

“Sige. Patapos naman na ako dito. Nasa hospital ka ba or nasa ibang lugar?”

Sa kabilang linya napakunot ang noo ng kaibigan. Hindi niya aakalain na papayag agad si Alex sa pag aya niya. Dahil noon, sinasabihan siya na magpapaalam muna sa fiance.

“May nangyari ba sa inyo ng fiance mo at mukhang iba ang mood mo today? Or is it just your preg-”

“Hush!” Pagputol ni Alex sa sasabihin ni Grace. “Baka may makarinig sayo riyan,” dugtong niya.

“So, may problema.” Hindi pa tanong na sabi ni Grace. “Sabihin mo sakin iyan mamaya, okay?”

“Sige. Text mo nalang sa akin kung saan tayo magkikita.”

“Okay! See you.” Hindi na nangulit pa si Grace at ibinaba na lamang ang tawag, bago niya itinext ang address kung saan man siya ngayon.

Tila ba may nakadagan na mabigat na bagay sa dibdib ni Alex. Sa loob ng sampung taon, tumira siya sa mga Lopez na parang isang robot na di susi na kailangang ikutin ni James ang pihitan upang siya ay makakilos. Na kahit makipagkita lamang sa kaibigan ay kailangan niya pang ipagpaalam sa katipan dahil sa takot na baka magalit si James sa kanya kung hindi siya nagpaalam.

Ngunit dahil sa kanyang mga narinig at napansin din niya ang palagiang alis ng may pagmamadali, nararamdaman niyang nagiging pabigat na siya sa lalaki.

Nang marecieved ni Alex ang address na mensahe sa kanya ng kaibigan, ay agad niyang niligpit ang kanyang mga gamit, kinuha ang bag at umalis ng opisina.

“What’s wrong? Nag-away ba kayo mag-asawa?”

Mapait na napangiti si Alex sa sinabi ni Grace. ‘Mag-asawa. Ang sarap pakinggan pero ang sakit isipin kung talaga bang asawa na ang turing sakin?’

“Nabanggit mo na ba sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis mo?”

Walang imik si Alex at tanging pagbuntong hininga lang ang isinagot sa kaibigan.

“Bakit di mo pa sinasabi?!” Paghehesterikal na tanong ng kaibigan.

Ikinwento ni Alex ang mga narinig at mga kinikilos ng kanyang fiance sa kaibigan. At nang marinig ang kwento ni Alex ay kinuyom ni Grace ang mga kamay at ibinagsak ang mga ito sa lamesa sa kanilang harapan sa inis, dahilan upang mapalingon ang ibang kumakain sa restaurant.

“Kumalma ka nga!” Pabulong na sabi ni Alex sa kaibigan. 

“Dinaig mo pa ako sa pagka OA mo.” Dagdag niya.

“Sorry naman.” Napaikot nalang ng mata si Alex sa kaibigan nang nginitian siya nito matapos manghingi ng tawad sa pag-eeskandalo niya.

“Hindi kaya… OMG! Baka may ibang babae na siya!”

Nagkibit balikat na lamang si Alex sa nasambit ng kaibigan.

Sa loob ng sampung taon nilang magkasama sa bahay, nitong mga nakaraang dalwang buwan, napansin na ni Alex ang kakaibang kinikilos ni James. Ang palagiang pag-alis nito kahit hating gabi, nagbigay na ng dahilan kay Alex upang magduda. Ngunit sa laki ng tiwala at pagmamahal ng dalaga ay ipinagsawalang bahala niya ito. Ngunit nang marinig niya ang usapan nila ng kaibigan niya, doo mas lalong lumawak ang pagdududa niya.

‘Totoo nga kayang may iba na siya?’ Tanong niya sa sarili. 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Husband's Hidden Heart   KABANATA 145

    ‘Pero imposible. Ganun na ba kaliit ang mundo?’ Napuno ng pagtataka ang isipan ni Alex. ‘Hindi… Baka nililito lamang niya si Tita para di na ito magkwento ng patungkol sa amin ni James. Pero mamaya kausapin ko siya tungkol dito.’ sabi ni Alex sa isip.Nagdesisyon siyang lumapit na sa kumpulan. Agad naman siyang nginitian ni Mary Anne nang mapansing papunta ito sa kanilang gawi. “Iha… Nasaan ang tito Anthony mo?” agad niyang tanong ng makalapit na si Alex sa grupo.“Susunod daw po siya.” maiksing sagot ni Alex.Kumunot ang noo ni Mary Anne at nanliit ang kanyang mata na tila ba binabasa nito ang kung ano man ang nangyayari sa kanilang pag-uusap. “Alex, mahal ka ng tito mo na parang kanyang tunay na anak-”Nauulinigan ni Alex ang ibig ipahiwatig ni Mary Anne kaya agad na siyang sumagot. “Opo. Alam ko po iyon. Huwag po kayong mag-alala, maayos ang pag-uusap namin ni Tito.” sagot ni Alex na ikinahinga ng maluwag ng ginang.“Kamusta ka?” pabulong na tanong ni Brandon kay Alex kasabay ng pa

  • My Husband's Hidden Heart   KABANATA 144

    Tila nanigas sa kinatatayuan ang matandang Lopez, halatang nabigla sa tanong ni Alex. Nanginig ang kanyang katawan dahilan upang muntikan na itong matumba. Mabuti na lamang at mabilis si Alex at agad niyang inalalayan si Anthony.“Tito,”Nang makaayos ng tayo si Anthony, agad itong tumingin kay Alex.“Bakit mo naitanong?” tanong ni Anthony.Agad na naalala ni Alex ang paalala sa kanya ni Brandon, na huwag sabihin ang kanyang paghihinala. ‘Bakit di ulit sila magsabi ng totoong nangyari.’ sabi nito sa isip.“Naalala ko po kasi bigla sila mama at papa. Hindi ko maalala ang mga nangyari noon kaya gusto ko sanang tanungin sa inyo.” Ang mga ngiti ng kanyang tiyuhin ay napawi mula nang mabanggit niya ang tungkol sa mga magulang ni Alex.“Ang nangyari sa inyo noon ay isang aksidente. Nang dumating ako sa lugar ng pinangyarihan ng aksidente, bumangga ang kotse niyo sa isang malaking puno. Akala namin noon ay walang makakaligtas sa inyo dahil sa lakas ng pagkakabangga. Ngunit. Niligtas ka ng iy

  • My Husband's Hidden Heart   KABANATA 143

    Kinuha ni Anthony ang isang kamay ni Alex at tinapik ito na tila ba pinapagaan ang kanyang loob. “Kung gayun… binasbasbasan ko ang realasyon niyo. Susuportahan ko kayong dalawa.”Nanlaki ang mga mata ni Alex sa sinabi ng ginoo. Hindi niya lubos maisip na tatanggpin ng Ginoo ng bukal sa puso ang relasyon nila ni Brandon. Dahil sa buong akala niya ay susuportahan nito ang kanyang sariling anak, at ipipilit pa siya nito kahit isa sa mga anak nitong lalaki. Pero hindi iyon nangyari. Sa halip, lantarang nitong sinabi na suportado niya ang relasyon nila.Walang pagsidlan ng tuwa ang nararamdaman ni Alex at tila ba ay nabunutan siya ng malaking tibik sa dibdib. Sa mag-asawa. Si Anthony ang malapit sa kanya kaya… mahalaga para sa kanya ang opinyon at sasabihin nito.Sa kanyang tuwa ay niyakap niya ang matanda. “Maraming salamat po, tito. Akala ko po na katulad ni tita, ay hindi niyo po ako mauunawaan sa desisyon ko.”Kahit magkayakap pa, ay naramdaman ni Alex ang pag-iling ng matanda. “Alam k

  • My Husband's Hidden Heart   KABANATA 142

    “Ano bang maibibigay mo kay Alexandra?” Bakas na sa tono ng ginang ang inis.“Hindi po ako mayaman katulad niyo, pero kaya ko po sa kanya ibigay ang lahat ng nasa akin. Kaya kong magtrabaho para matugunan ang pangangailangan niya. At kahit ang pinakaimposibleng bagay na hihilingin niya sa akin ay gagaan ko ng paraan para makuha iyon, para lamang maging masaya siya.” Tagos sa pusong sagot ni Brandon. Na tila ba ipinararating nito sa dalaga kung gaano niya kamahal si Alex na gagawin niya ang lahat para sa kanya. At tila ipinararating ni Brandon ang totoong kahulugan ng pag-ibig. Iyong kahit hindi mo kayang kunin ang mga bituin, pero para sa taong mahal niya, gagawin niya ang lahat para lamang makuha ang bituin at maiparamdam dito kung gaano niya ito kamahal.Hindi inaasahan ni Alex ang sagot na iyon. Napaawang na lamang ang kanyang mga labi habang tulalang nakatingin kay Brandon. Ramdam niya ang bawat salitang sinasabi ng binata. Kung hindi niya alam napagpapanggap lamang ang lahat ng

  • My Husband's Hidden Heart   KABANATA 141

    “Sige. Pero bago iyan… Kami muna ang magtatanong.” Sabi ni Anthony.“Kayo-”“Magkaibigan kayo, hindi ba?” Pagputol ni Mary Anne sa sasabihin ni Anthony.“Oo nga po pala. Kilala niyo naman na po si Brandon Montenegro. Nobyo ko po.” Lakas loob na pagpapakilala ni Alex sa kanyang kasama.Walang bakas ng pagkagulat sa mga mukha nila. Alam ni Alex na walang balitang hindi malalaman ng mag asawang Lopez.“Maligayang kaarawan po muli, Chairman. Ito nga po pala munting regalo ko, sana ay magustuhan mo.” Inilabas ni Brandon ang isang maliit na parihabang karton na nakabalot sa isang kulay asul na pangregalo. Binuksan iyon ni Anthony at namangha nang makitang isa iyong limited edition na customized pen na may nakaukit na pangalan niya. Ang panulat na iyon ay nabibili lamang sa ibang bansa at inaabot ng isang buwan ang pag-oorder noon. Maging si Alex ay napasinghap sa regalong binigay ng lalaki. Dahil alam niya na may kamahalan ang panulat na iyon. Kalaunan ay kunot-noo niyang tiningnan ang nag

  • My Husband's Hidden Heart   KABANATA 140

    Matapos ang nakakakabang biyahe, nakarating na din sa wakas sina Brandon at Alex sa hotel kung saan pinagdiriwang ang kaarawan ni Anthony Lopez, ama ni James. Nang makita naman ng mga guwardiya mula sa bukana ng hotel si Alex, ay agad siya nitong pinapasok. Ibingay naman ni Brandon ang susi ng kontse sa vallet at nagpasalamat dito, bago sinundan si Alex papasok sa loob ng hotel. Huminto si Alex sa isang malaking pintuan at hinintay si Brandon na papalapit sa kanya. Huminga muna nang malalim si Alex bago tuluyang itulak ang malaking pinto na papasok sa isang ballroom. Sa kanilang pagpasok, nakuha nila agad ang atensyon ng mga bisita, na animo’y sila ang mga artistang inaabangang dumating sa salo-salo.“Hindi ba siya ang fiance ni James? Bakit ibang lalaki ang kaniyang kasama?” Nanlalaki ang mga matang nakatingin ang iba pa ay hindi paiwasang suminghap ng mapansin ang nakalingkis na kamay ni Alex sa braso ng matipunong lalaki na kanyang kasabay sa pagpasok.“Nobyo niya kaya ang katabi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status