“Mga lalaki nga naman kung may makitang masarap at nakakatakam na dessert, iiwanan nila ang paborito nilang pagkain.”
Sa sinabi ni Grace sa halip na makagaan ng kanyang nararamdaman ay mas lalong umusbong ang sakit na nararamdaman ni Alex. Tinignan niya ang slice ng chocolate cake sa kanyang harapan. ‘Dessert’
Nang mapansin ni Grace ang pagtamlay ni Alex, bigla siyang naguilty sa sinabi.
“I’m sorry. I didn’t mean it. Nakakainis kasi iyang fiance mo. Matapos ka niyang buntisin, ganun pa ang maririnig mo sa kanya. Kakagigil talaga.” Marahas na hiniwa ni Grace ang steak na nasa kanyang plato na para bang iniimagine niya na si James iyon.
“Huwag ka ngang OA diyan. Kung makareact naman to kala mo siya ang fiance.” Pabirong nagrolyo pa ng mga mata si Alex sa kaibigan na ikinatawa nila parehas.
“Oo nga pala. Sorry naman.” Nag-peace sign si Grace sabay ngiti na kita ang buong ngipin sa harap. Kahit na mas matanda si Grace ay tila mas bata pa ito mag-isip kapag magkasama silang magkaibigan.
“Pero seryoso. Anong plano mo? Sasabihin o ba sa kanya ang tungkol dyan sa bata? Itutuloy niyo pa rin ba ang pagpapakasal kahit na marami ng red flags kang nakikita sa kanya?” Tanong ni Grace na nagpatahimik sa dalaga.
“Hindi ko alam,” sgot niya.
Nawalan ng ganang kumain si Alex at tila ba ba gusto niya ring isuka lahat ng pagkain na kinain niya mula kanina. Nagpaalam si Alex na pumunta sa restroom kay Grace at iniwan ang kaibigan sa lamesa nila. Sa di inaasahan, may nabangga si Alex na isang binatang lalaki. Muntik na siyang matumba, sa takot niyang mahulog sa sahig, napayakap siya sa lalaki at sa di inaasahang pagkakataon, sumigaw ang binata.
“Manyak! Tulong! Hinihipuan ako!” Sigaw ng isang binata na nakapagbigay ng atensyon sa mga kumakain at sa staff ng restaurant.
“Sorry, di ko sinasadya.” Paghingi ng tawad ni Alex ngunit di siya pinakinggan ng binata.
“Tulungan niyo po ako bigla niya akong niyakap. Hinihipuan niya po ako.” sumbong ng lalaki.
Dahil sa nangyari ay dinala sila sa presinto upang dun magharap. Napag alaman nila na isang menor de edad lamang ang lalaki kaya gusto nitong kasuhan si Alex ng sexual harrasment at child abuse.
“Hoy! Sinungaling kang bata ka! Hindi kita minomolestya noh!” Gigil na sabi ni Alex bago niya binaling ang tingin sa mga police na tinitigan siya mula ulo hanggang paa.
“Sir, this is ridiculous. Hindi ko po siya hinipuan. Nabangga ko po siya oo. At natakot lamang akong mahulog sa sahig kaya ay napayakap ako sa kanya.” Paliwanag niya.
“No, sir. Nagsisinungaling po ang manyakis na yan.” Sabat ng binata sabay turo kay Alex.
“Ganito na lang po mam. May magpapatunay po ba sa inyo kung talagang totoo ang sinasabi mo? May kasama ka po ba?” Tinanong ng isang pulis.
Napailing at di makapaniwala si Alex sa sinapit niya ngayon. ‘Bakit ba sa dinami dami ng sitwasyon ito pa ang mapupunta sakin. At napagkamalan pa talagang manyakis?! Woah, Alex ikaw na!’ Nababaliw niyang kastigo sa sarili.
“Meron po. Pero di ko po siya matawagan ngayon at may emergency po sa hospital at nasa operating po siya sa mga oras na ito. Pero sir, nagsasabi po ako ng totoo. Kahit tingnan niyo pa po ang CCTV. Para makita niyo kung sino ang nagsisinungaling at hindi.”
Pinanuod ng mga pulis ang video na kuha sa CCTV at napag-alamang nagsasabi nga ng totoo si Alex. Kaya humingi ng paumanhin ang pulis sa nangyari.
“Hintayin nalang namin ang guardian mo bata. Hindi ka makakaalis sa presintong ito hanggang wala ka pang guardian.”
“Ms. Bautista gusto niyo po bang magfile ng case against this child?” Tiningnan ni Alex ang binata na nagngangalang Oliver Perez bago sumagot sa police officer.
“No need. Pero gusto ko makausap ang kanyang magulang.” sagot ni Alex.
“Ayon po sa kanyang ID, ate po ang nilagay niya sa emergency contact. Iyon din ang sabi niya. Pero nakausap na po namin ang guardian at papunta na po siya rito.”
Di nagtagal ay dumating na ang guardian ni Oliver.
“Ate!” Tawag ni Oliver sa nakatatandang kapatid, na siyang ikinalingon ni Alex sa kanyang likuran.
Ngunit sa di inaasahan isang pamilyar na pigura ng babae ang kanyang nakita. Maganda, makinis at kulay porselana ang balat, mamula mulang pisngi at matangkad. Sa kanyang tindig at postura, makikita sa kanya ang pagka sopistikada. Kung siya pa ay isang lalaki mahuhumaling siya sa ganda nito. Ngunit ang nagpagulat sa kanya ay ang lalaking katabi nito sa kinatatayuan. Si James Alexander Lopez… ang kanyang fiance.
Nagulat pa siya nang batiin ni Oliver si James. “Bayaw!”
‘Bayaw?’ tanong ni Alex sa sarili. ‘Paano siya naging bayaw?’ Nakakunot noo nitong tanong sa isip.
Nagpang-abot ang mga tingin ni Alex at James, na ikinaigting ng panga ng huli.
“Alex,” Bati ni Ivy.
“Ivy,” tipid na sagot ni Alex.
Si Ivy Sanchez ay asawa ng matalik na kaibigan ni James na si Bryan Sanchez. Naging biyuda si Ivy nang masangkot sa isang car accident ang asawa dalawang buwan na ang nakalipas.
‘Bakit sila magkasama? Ito ba ang laging inaasikaso na importante ni James sa tuwing umaalis siya?’
Nagbaba ng tingin si Alex sa nakapulupot na kamay ni Ivy sa braso ni James, na siyang ikinuyom ng mga kamao ni Alex. Nang mapansin naman ni Ivy na ang mga mata ni Alex ay nakatingin sa kanilang mga braso, ay nagbawi ito ng kamay mula kay James.
‘Ayos ah… Hindi siya nagpapahawak saakin sa braso niya kasi mabigat daw pero sa babaeng ito pwede? Anong meron sa biyudang ito? Anong relasyon ang meron sila? Siya ba ang gusto ni James? Pero napakaimposible kasi asawa siya ng best friend niya na si Bryan. Pero bakit nga ba sila magkasama? At sa dinami dami ng sitwasyon pa… Bakit dito pa ako sa presinto naabutan ni James? Ang malala may ipinaparatang pa sakin na hindi ko naman ginawa.’
Napuno ng mga tanong at pangamba ang isipan ni Alex. Tanong na gusto niyang sabihin sa fiance. Pero natatakot din siyang malaman na baka lahat ng hinala niya ay totoo.
‘Pero imposible. Ganun na ba kaliit ang mundo?’ Napuno ng pagtataka ang isipan ni Alex. ‘Hindi… Baka nililito lamang niya si Tita para di na ito magkwento ng patungkol sa amin ni James. Pero mamaya kausapin ko siya tungkol dito.’ sabi ni Alex sa isip.Nagdesisyon siyang lumapit na sa kumpulan. Agad naman siyang nginitian ni Mary Anne nang mapansing papunta ito sa kanilang gawi. “Iha… Nasaan ang tito Anthony mo?” agad niyang tanong ng makalapit na si Alex sa grupo.“Susunod daw po siya.” maiksing sagot ni Alex.Kumunot ang noo ni Mary Anne at nanliit ang kanyang mata na tila ba binabasa nito ang kung ano man ang nangyayari sa kanilang pag-uusap. “Alex, mahal ka ng tito mo na parang kanyang tunay na anak-”Nauulinigan ni Alex ang ibig ipahiwatig ni Mary Anne kaya agad na siyang sumagot. “Opo. Alam ko po iyon. Huwag po kayong mag-alala, maayos ang pag-uusap namin ni Tito.” sagot ni Alex na ikinahinga ng maluwag ng ginang.“Kamusta ka?” pabulong na tanong ni Brandon kay Alex kasabay ng pa
Tila nanigas sa kinatatayuan ang matandang Lopez, halatang nabigla sa tanong ni Alex. Nanginig ang kanyang katawan dahilan upang muntikan na itong matumba. Mabuti na lamang at mabilis si Alex at agad niyang inalalayan si Anthony.“Tito,”Nang makaayos ng tayo si Anthony, agad itong tumingin kay Alex.“Bakit mo naitanong?” tanong ni Anthony.Agad na naalala ni Alex ang paalala sa kanya ni Brandon, na huwag sabihin ang kanyang paghihinala. ‘Bakit di ulit sila magsabi ng totoong nangyari.’ sabi nito sa isip.“Naalala ko po kasi bigla sila mama at papa. Hindi ko maalala ang mga nangyari noon kaya gusto ko sanang tanungin sa inyo.” Ang mga ngiti ng kanyang tiyuhin ay napawi mula nang mabanggit niya ang tungkol sa mga magulang ni Alex.“Ang nangyari sa inyo noon ay isang aksidente. Nang dumating ako sa lugar ng pinangyarihan ng aksidente, bumangga ang kotse niyo sa isang malaking puno. Akala namin noon ay walang makakaligtas sa inyo dahil sa lakas ng pagkakabangga. Ngunit. Niligtas ka ng iy
Kinuha ni Anthony ang isang kamay ni Alex at tinapik ito na tila ba pinapagaan ang kanyang loob. “Kung gayun… binasbasbasan ko ang realasyon niyo. Susuportahan ko kayong dalawa.”Nanlaki ang mga mata ni Alex sa sinabi ng ginoo. Hindi niya lubos maisip na tatanggpin ng Ginoo ng bukal sa puso ang relasyon nila ni Brandon. Dahil sa buong akala niya ay susuportahan nito ang kanyang sariling anak, at ipipilit pa siya nito kahit isa sa mga anak nitong lalaki. Pero hindi iyon nangyari. Sa halip, lantarang nitong sinabi na suportado niya ang relasyon nila.Walang pagsidlan ng tuwa ang nararamdaman ni Alex at tila ba ay nabunutan siya ng malaking tibik sa dibdib. Sa mag-asawa. Si Anthony ang malapit sa kanya kaya… mahalaga para sa kanya ang opinyon at sasabihin nito.Sa kanyang tuwa ay niyakap niya ang matanda. “Maraming salamat po, tito. Akala ko po na katulad ni tita, ay hindi niyo po ako mauunawaan sa desisyon ko.”Kahit magkayakap pa, ay naramdaman ni Alex ang pag-iling ng matanda. “Alam k
“Ano bang maibibigay mo kay Alexandra?” Bakas na sa tono ng ginang ang inis.“Hindi po ako mayaman katulad niyo, pero kaya ko po sa kanya ibigay ang lahat ng nasa akin. Kaya kong magtrabaho para matugunan ang pangangailangan niya. At kahit ang pinakaimposibleng bagay na hihilingin niya sa akin ay gagaan ko ng paraan para makuha iyon, para lamang maging masaya siya.” Tagos sa pusong sagot ni Brandon. Na tila ba ipinararating nito sa dalaga kung gaano niya kamahal si Alex na gagawin niya ang lahat para sa kanya. At tila ipinararating ni Brandon ang totoong kahulugan ng pag-ibig. Iyong kahit hindi mo kayang kunin ang mga bituin, pero para sa taong mahal niya, gagawin niya ang lahat para lamang makuha ang bituin at maiparamdam dito kung gaano niya ito kamahal.Hindi inaasahan ni Alex ang sagot na iyon. Napaawang na lamang ang kanyang mga labi habang tulalang nakatingin kay Brandon. Ramdam niya ang bawat salitang sinasabi ng binata. Kung hindi niya alam napagpapanggap lamang ang lahat ng
“Sige. Pero bago iyan… Kami muna ang magtatanong.” Sabi ni Anthony.“Kayo-”“Magkaibigan kayo, hindi ba?” Pagputol ni Mary Anne sa sasabihin ni Anthony.“Oo nga po pala. Kilala niyo naman na po si Brandon Montenegro. Nobyo ko po.” Lakas loob na pagpapakilala ni Alex sa kanyang kasama.Walang bakas ng pagkagulat sa mga mukha nila. Alam ni Alex na walang balitang hindi malalaman ng mag asawang Lopez.“Maligayang kaarawan po muli, Chairman. Ito nga po pala munting regalo ko, sana ay magustuhan mo.” Inilabas ni Brandon ang isang maliit na parihabang karton na nakabalot sa isang kulay asul na pangregalo. Binuksan iyon ni Anthony at namangha nang makitang isa iyong limited edition na customized pen na may nakaukit na pangalan niya. Ang panulat na iyon ay nabibili lamang sa ibang bansa at inaabot ng isang buwan ang pag-oorder noon. Maging si Alex ay napasinghap sa regalong binigay ng lalaki. Dahil alam niya na may kamahalan ang panulat na iyon. Kalaunan ay kunot-noo niyang tiningnan ang nag
Matapos ang nakakakabang biyahe, nakarating na din sa wakas sina Brandon at Alex sa hotel kung saan pinagdiriwang ang kaarawan ni Anthony Lopez, ama ni James. Nang makita naman ng mga guwardiya mula sa bukana ng hotel si Alex, ay agad siya nitong pinapasok. Ibingay naman ni Brandon ang susi ng kontse sa vallet at nagpasalamat dito, bago sinundan si Alex papasok sa loob ng hotel. Huminto si Alex sa isang malaking pintuan at hinintay si Brandon na papalapit sa kanya. Huminga muna nang malalim si Alex bago tuluyang itulak ang malaking pinto na papasok sa isang ballroom. Sa kanilang pagpasok, nakuha nila agad ang atensyon ng mga bisita, na animo’y sila ang mga artistang inaabangang dumating sa salo-salo.“Hindi ba siya ang fiance ni James? Bakit ibang lalaki ang kaniyang kasama?” Nanlalaki ang mga matang nakatingin ang iba pa ay hindi paiwasang suminghap ng mapansin ang nakalingkis na kamay ni Alex sa braso ng matipunong lalaki na kanyang kasabay sa pagpasok.“Nobyo niya kaya ang katabi