Share

Chapter 27.2

Bumalatay ang gulat sa mukha ng mag-asawang Velez nang buksan nila ang pintuan. Pareho nilang hindi inaasahan na bubungad sa kanila sina Ashton at Amber na may dalang maleta.

"Oh napasyal kayo. Pasok kayo." Magiliw na linuwagan ni Norberto Velez ang pinto upang makapasok sila.

"Salamat po." Bahagyang yumukod si Ashton sa Ginoo. 

Wala namang imik na nagmano si Amber sa kanyang ama. Nakangiti namang ginaya ni Ashton ang ginawa ng kanyang ginawa.

"Kaawaan kayo ng Panginoon."

"Uso na talaga ang pa-sorpresa ngayon, ano?" Nasaad naman ni Amaya Velez nang hawakan ni Amber ang kamay nito upang magmano. Gano'n din ang ginawa matapos ang kanyang misis.

"Pasensya na po kung biglaan na lang kaming pumunta." Hinging paumanhin ni Ashton sa Ginang.

"Kayo lang ba? Wala ba kayong kasama?" Usisa ng  ama ni Amber na nagkandahaba pa ang leeg sa pagtanaw sa kalsada.

"Nauna na po kaming pumunta, 'pa. Pero susunod po ang mga bata ma

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status