Share

Chapter 3

Author: AlmieWrites
last update Last Updated: 2025-08-10 13:51:57

"Danica, engagement yun ng Mama mo. Talaga bang matitiis mo na hindi siya puntahan?"

Mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ko mula sa kabilang linya. Kausap ko ngayon ang tiyahin ko tungkol sa gaganaping engagement ni Mama at ng nobyo nitong bagong Governor daw ng probinsya namin.

"Tatlong taon na patay ang Papa mo. Siguro naman ay hindi masama kung mag-aasawa ulit si Theresa? At kung nasaan man ang Papa mo ngayon, tiyak ako na masaya siya para sa Mama mo. Kaya sana naman ay suportahan mo siya, dagdag pa ni Auntie Lorena.

Tatlong taon na ang nakalipas simula ng maoperahan si Mama. Ginamit ko ang pera na nakuha ko mula sa pagkikipagsiping ko kay Zachary. Nawalan na rin ako ng balita sa kanya dahil hindi na siya bumalik sa club simula ng gabing iyon. Hindi rin naman ako nagtagal magtrabaho roon dahil matapos ang isang linggo ay nagresign na rin ako. Naging matagumpay naman ang operasyon ni Mama at ngayon ay malusog na ang katawan niya.

Pero hindi ko inaasahan ang desisyon niyang pagpapakasal sa isang lalaki na halos isang buwan niya pa lang karelasyon. Bukod pa roon, hindi ko rin kayang matanggap na mag-aasawa siya ulit matapos mawala ni Papa.

"Danica, makakaasa ba ako na darating ka rito ngayong linggo?"

Napapikit na lang ako at itinapon ang sarili sa higaan ko. "Pasabi na lang po kay Mama, congratulations. Ipapadala ko na lang ang regalo para sa kasal nila."

Hindi ko na hinintay pa muling magsalita si Auntie Lorena. Ibinababa ko na ang tawag at itinapon ang cellphone ko sa kama.

Para sa ibang tao ay matagal na panahon na ang tatlong taon. Pero para sa akin, parang kahapon lang ang lahat.

Napamulat ako nang muling mag-ring ang cellphone ko. Dinampot ko iyon nang hindi tinitingnan ang screen.

"Auntie Lorena, huwag niyo po ako pilitin—"

"Hey, it's me," boses ng lalaki sa kabilang linya.

Kumunot ang noo ko at doon lang tiningnan ang screen. Si Jameson pala ang tumatawag. Manager siya sa book publishing kung saan ako nagtatrabaho. Hindi lingid sa kaalaman ko na may gusto siya sa akin. Boyfriend naman siya, ayun nga lang... pakiramdam ko kasi ay hindi pa ako handang pumasok sa relasyon ngayon.

"Sir Jameson!" bulalas ko at napakamot sa ulo. "Pasensya na po. Akala ko Auntie ko ang tumawag."

"No, it's fine. Hindi rin naman ako magtatagal. Gusto ko lang sana itanong sayo kung free ka ngayong linggo?"

Sandali akong napahinto, hindi agad nakasagot. "May trabaho po ba akong naiwan sa office?" kunwari kong tanong. Pero alam ko naman na aayain niya ako lumabas.

"Wala naman. I just wanna... ask you out sana? Kung wala ka lang naman gagawin?"

Sunday. Engagement ni Mama.

"I'm free. Wala po akong gagawin," sagot ko. Hindi ko talaga kayang makita na may ibang lalaki na papalit kay Papa. Mas mabuti na hindi na lang ako pumunta kaysa makita pa ng mga bisita roon ang pagkadismaya ko.

"That's great! Susunduin kita diyan?" bakas sa boses ni Sir Jameson ang excitement.

"Ikaw po ang bahala..."

"Alright. I see you on Sunday, Danica. Have a sweet dreams."

Hindi ko na sana balak pumunta sa engagement ni Mama. Nakapagdesisyon na ako na sasama ako sa boss ko sa date namin. Pero pagdating ng Linggo, ayun na lang, nahuli ko ang sarili ko na nag-iimpake ng ilang damit habang naka-open ang booking app sa phone.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Kahapon lang, convinced na akong dito na lang ako sa Maynila. Pero ngayon, parang automatic na gumagalaw ang mga kamay ko, pinupuno ang maliit na maleta at nagba-book ng flight pauwi sa probinsya.

Habang hinihintay mag-confirm yung ticket, kinuha ko ang phone at tinype ang message para kay  Sir Jameson.

"Pasensya na, sir. Pwede bang next time na lang tayo lumabas? May importante lang akong gagawin sa probinsya. Babawi na ako sayo pagbalik ko."

Pinindot ko ang send bago pa ako magbago ng isip.

Bandang alas kwatro na ng hapon nang lumapag ang eroplano. Walang sumundo sa akin dahil hindi naman nila alam na darating ako. Pumara na lang ako ng taxi. Hindi ko pa rin matanggap na ikakasal ulit si Mama, pero mahal ko siya kaya kung ito ang magpapasaya sa kanya, irerespeto ko na lang iyon.

Ang lumang Spanish house na minana pa ng Lolo ko sa kanyang ama ang bumungad sa akin nang makababa ako ng taxi. Halatang luma na ang bahay, pero dahil sa arrangement ngayong gabi at sa maliwanag na mga ilaw, nagmukha tuloy itong vintage.

"Ang swerte ni Theresa, ano? Biruin mong Governor pa ang nabingwit. Bukod sa gwapo, napakayaman pa ni Governor."

"Sinabi mo pa. Kaya hindi kataka-taka na napakabilis ng engagement nila. Kung ako rin naman kay Theresa, hindi ko na papakawalan pa si Governor para makaahon sa kahirapan. Magbubuhay donya na siya. Hindi na rin kakailanganin pang magtrabaho ng anak niyang si Danica roon sa Maynila."

Napantig ang tainga ko sa mga narinig. Hindi ganyang klase ng babae si Mama. Kung papakasalan man niya ang Governor na iyon, sigurado akong dahil mahal niya ito at hindi dahil sa pera.

Akmang lalapitan ko na ang dalawang nag-uusap para komprontahin sila nang mahagip ng mga mata ko ang isang lalaki roon sa may itaas ng hagdan.

Namilog ang mga mata ko at mabilis na kumabog ang dibdib ko. It has been three years. Wala na akong narinig na kahit ano tungkol sa kanya. Hindi na rin kami muling nagkita. Pero bakit siya nandito? Siya ba talaga iyon?

Humakbang ako para lapitan siya pero napahinto nang marinig ko ang boses ni Auntie Lorena.

"Danica! Sinasabi ko na nga ba, hindi mo matitiis ang Mama mo!" tuwang-tuwa niyang sabi habang mahigpit akong niyakap. "Kumusta ka na? Hindi ka nagsabi na pauwi ka ngayon. Sana man lang ipinasundo kita sa pinsan mo."

Niyakap ko rin siya pabalik. "Auntie," nakangiti kong bati bago muling tumingin sa hagdan para tingnan si Zachary, pero wala na siya roon.

Luminga ako sa paligid para hanapin siya, pero napakaraming tao at hindi ko na siya makita.

"A-Auntie… yung lalaki po kanina sa hagdan, kilala mo ba siya?"

Tumingin si Auntie Lorena sa hagdan at mabilis na umiling. "Lalaki? Meron bang lalaki diyan kanina? Parang wala naman akong nakita."

Pero nakita ko talaga si Zachary roon. Namamalik-mata lang ba ako?

"Ang mabuti pa, pumasok na tayo sa loob. Naroon ang Mama mo at si Governor."

Baka nga namamalikmata lang ako. Kasi paanong narito si Zachary kung isa siyang businessman sa Maynila?

Dinala na ako ni Auntie Lorena sa itaas. Punong-puno ang buong bahay ng mga bisita.

Pagdating namin sa sala, agad kong nakita si Mama. Napakaganda niya sa suot niyang puting lace dress. Sa edad niyang 45, sexy pa rin siyang tingnan. Nag-iisang anak lang ako dahil hindi na siya puwedeng magbuntis muli.

"Danica, anak…" Hinalikan niya ako sa pisngi bago ako niyakap nang mahigpit. Nakangiti ang ilang taong nakakakilala sa amin, habang ang iba ay halatang bisita mula sa side ni Governor dahil hindi sila pamilyar sa akin. Pero kahit hindi kami magkakilala, halata sa mukha nila na natutuwa rin silang naroon ako.

"Akala ko hindi ka na talaga darating. Alam mo naman na ikaw ang pinakaimportante sa akin kaya talagang malulungkot ako kung wala ka rito."

"Kung saan ka magiging masaya, doon ako," sagot ko habang hinahagod ang likod niya.

"Zachary, halika. Ipapakilala kita sa anak ko."

Mabilis akong napabitaw sa yakap nang marinig iyon kay Mama. Parang biglang bumigat ang paligid at bumilis ang tibok ng puso ko, halos sumabay sa ingay ng mga tao sa paligid.

Nakangiti si Mama habang nakatingin sa likuran ko. Dahan-dahan akong pumihit, at halos manlambot ang tuhod ko nang makita ko kung sino ang naroon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at sabay sinilaban ng init mula sa dibdib.

Zachary.

Hindi nga ako namamalikmata kanina. Siya ang lalaking nakita ko sa hagdan.

Nagtama ang mga mata namin. Sa loob ng ilang segundo, parang tumigil ang lahat. Kita ko ang bahagyang pagkagulat sa kanyang mga mata, pero mas kontrolado ang reaksyon niya kaysa sa akin na halos hindi makahinga.

Nang maglakad siya papalapit, pakiramdam ko ay hinihigop ng sahig ang lakas sa mga binti ko habang ang dibdib ko ay naninikip sa bawat hakbang niya.

"Anak, siya si Governor Zachary Cuevas. Ang mapapangasawa ko. Siya ang bagong Governor ng probinsya natin. Zachary, siya ang anak kong si Danica."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Mother’s Fiancé: Yes, Daddy Governor   Chapter 3

    "Danica, engagement yun ng Mama mo. Talaga bang matitiis mo na hindi siya puntahan?"Mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ko mula sa kabilang linya. Kausap ko ngayon ang tiyahin ko tungkol sa gaganaping engagement ni Mama at ng nobyo nitong bagong Governor daw ng probinsya namin."Tatlong taon na patay ang Papa mo. Siguro naman ay hindi masama kung mag-aasawa ulit si Theresa? At kung nasaan man ang Papa mo ngayon, tiyak ako na masaya siya para sa Mama mo. Kaya sana naman ay suportahan mo siya, dagdag pa ni Auntie Lorena.Tatlong taon na ang nakalipas simula ng maoperahan si Mama. Ginamit ko ang pera na nakuha ko mula sa pagkikipagsiping ko kay Zachary. Nawalan na rin ako ng balita sa kanya dahil hindi na siya bumalik sa club simula ng gabing iyon. Hindi rin naman ako nagtagal magtrabaho roon dahil matapos ang isang linggo ay nagresign na rin ako. Naging matagumpay naman ang operasyon ni Mama at ngayon ay malusog na ang katawan niya.Pero hindi ko inaasahan ang desisyon niyang pagp

  • My Mother’s Fiancé: Yes, Daddy Governor   Chapter 2

    "Y-You... owned this hotel?" mangha kong tanong habang inililibot ang aking mata sa loob ng malaking kwarto na pinagdalhan niya sa akin."I inherited this." Nilingon niya ako. Napalunok naman ako nang makitang naka-unbutton na ang dalawang botones ng polo niya."Take a shower. Grab a bathrobe there," aniya saka itinuro ang cabinet. "Make sure to wash yourself well, got it?"Tumango lang ako at hindi na pinansin ang mga sinabi niya. Kailangan ko na rin kasing makauwi kaya dapat matapos na kung ano man ang kailangang tapusin ngayong gabi.Kumuha na ako ng puting bathrobe saka ako nagtungo sa banyo.Nang makalabas ako roon ay naabutan ko siyang nasa kama at hinihintay ako. Nasa pinto pa lang ako ay halos hindi na ako makahinga sa labis na kaba.Heto na talaga. Hindi ko lubos akalaing sa ganitong paraan mawawala ang virginity ko. Pero bahala na. Para sa pera. Para kay Mama.Dahan-dahan akong lumapit sa kanya."Look at me..." pabulong niyang banggit habang kinakabig ang aking dibdib.Ramda

  • My Mother’s Fiancé: Yes, Daddy Governor   Chapter 1

    "Kanina ka pa hila nang hila sa skirt mo!" mataray na saway sa akin ng bading na manager."W-Wala po bang medyo mahaba?" alanganing tanong ko."Baka nakakalimutan mong bar ito? Kailangan mong ibalandra ang katawan mo para mapansin ka ng mga customer."Napayuko na lang ako sa sinabi niya. Tama naman siya. Pero wala man lang bang maliit na konsiderasyon, lalo na't first time ko pa?"Tumigil ka na kakahila sa skirt mo. 'Pag ako napuno, huhubarin ko talaga 'yan at pagsusuotin kita ng mas maikli.""Pero—""Ano, magtatrabaho ka ba o hindi? Kasi ibibigay ko na lang sa iba," pagtataray niya. Tinaasan niya ako ng kilay at tiningnan mula ulo hanggang paa."Gamitin mo 'yang ganda mo para makabenta ka ngayong gabi o 'di kaya'y makabingwit ka ng bigating customer. Kailangan mo 'di ba ng pera?"Marahan akong tumango saka naikuyom ang aking kamay. Tama siya. Kailangan ko ng pera. Kaya kahit labag sa loob kong magtrabaho sa bar na 'to, ay pinasok ko pa rin dahil ito lang ang paraan para kumita ako ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status