CHAPTER 4 3RD POV “Ma’am Marie.” Napatingin siya sa pinto nang makarinig ng katok, kaya agad niyang pinunasan ang kanyang mga luha at binuksan ang pinto. “Bakit po Manang?” Tanong niya rito. “Kumain na po kayo, gabing-gabi na po.” Wika ng katulong kaya napatingin siya sa orasan. Na-pahinga siya nang malalim, dahil hindi niya napansin ang oras. Lumalim na ang gabi at hindi man lang siya nakaramdam ng gutom. “Pwede po bang dalhin niyo nalang dito ang pagkain?” Wika niya habang mabilis na tumango ang katulong. “Hindi kaba marunong bumaba?” Gulat siyang napatingin sa likuran ng katulong nang marinig niya ang boses ni Gael. “Kung ganyan ka sa bahay niyo, ‘wag mo itulad ang bahay ko sa inyo.” Galit na wika nito sa kanya.“Bakit ba pinipilit niyo siyang kumain? Dapat hinayaan niyo siya.” Wika nitong muli, habang nagyuko ng ulo ang katulong. “Sige po Manang, magpahinga na po kayo.” Mahina na wika niya, kaya agad silang iniwan ng katulong. Napatingin naman siya kay Gael, habang masama
CHAPTER 33RD POV Habang naglalakad si Marie, patungo sa altar ay hindi niya maiwasan na mapaluha, dahil ang pangarap niya noon ay maikasal na katulad sa mga pinsan niya na masaya, dahil mahal nila ang lalaking pinakasalan nila. Habang siya, tingin pa lang sa kanya ni Gael ay para na siya nitong papatay-in.Nang i-abot ng mga magulang niya ang kamay niya rito ay tinitigan muna nito ang kamay niya ng matagal bago tinanggap. Hindi naman niya na-iwasan na makaramdam ng pag-kapahiya. Habang nag-umpisa ang seremonya ng kasal nila ay halos wala siyang marinig sa sinasabi ng pari, dahil ang nasa isip niya lang ay si Gael. Alam niya na kapag natapos na ang kasal nila ay hindi siya nito mapapatawad. Nang sabihin ng pari na halikan siya ay napa-yuko si Marie, habang para naman na walang narinig si Gael. Ni hindi man lang ito nag-abala pa na itaas ang belo niya at halikan man lang siya kahit sa pisngi. “Congrats Marie.” Ngiting wika ng pinsan niyang si Apple. Pilit naman siyang ngumiti rito,
CHAPTER 2 3RD POV Mahina niyang kinatok ang pinto sa silid ng kanyang mga magulang, dahil gusto niyang makasama sila bago siya umalis. Habang iniisip ‘yon ni Marie, ay hindi niya mapigilan na malungkot at masaktan, dahil alam niyang masasaktan ang mga magulang niya sa gagawin niya. pero wala siyang ibang naisip na paraan para hindi ma-ituloy ang kasal nila ni Gael. “Pwede bang dito ako matulog Mama, Papa?” Wika niya, matapos buksan ng kanyang ama ang pinto. Napangiti naman sa kanya si Noah at tumango. “Oo Anak, bakit hindi. Mas mabuti na rin na rito ka matutulog, dahil ilang araw nalang hindi kana namin makasama ng mama mo rito sa bahay.” Wika ng kanyang ama, kaya lalo siyang nakaramdam ng lungkot. Pilit naman siyang ngumiti sa kanyang ama at niyakap ito ng mahigpit. “Marie, Anak. Alam namin na ayaw mo pang humiwalay sa amin, pero Anak, masasanay ka rin.” Wika ng kanyang ina, habang lumapit siya rito at tumabi. “Mas mabuti pang matulog na tayo, dahil maaga pa tayo bukas sa opisi
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XV CHAPTER 1 3RD POV “Pero Papa.. Bakit hindi ako ang pumili ng magiging asawa ko?” Tanong ni Marie, sa kanyang ama sa nagtatampo na boses. “Sinabi ko na sa ‘yo Anak, kailangan mong gawin ‘yon, para sa pamilya natin.” Sagot sa kanya ng kanyang amang si Noah. “Kulang pa ba ang kayamanan natin Papa? Hindi ba mayaman na tayo? Bakit kailangan pa natin sila?” Hindi na niya napigilan pa na mapaluha, dahil ayaw na ayaw niya talagang maikasal sa taong hindi niya gusto. “Anak, hindi naman ‘to tungkol sa yaman. Kailangan lang natin na patibayin pa ang ating pamilya.” Napalingon siya sa kanyang ina, dahil sa sinabi nito. “Pero bakit ‘yong mga pinsan ko Mama? Bakit hindi sila pinilit ng mga magulang nila?”“Tama na Anak, pwede bang pumayag ka nalang? Alam mo naman ang lola mo, magagalit siya kapag hindi ka papayag sa gusto niya.” Wika ng kanyang inang si Dell, habang niyakap siya. “Ayusin mo na ang sarili mo, Marie. Kailangan natin na harapin ang pamilya ng mga Bec
CHAPTER 18 WARNING MATURED CONTEXT!!!SPG3RD POV “Masaya ako para sa ‘yo Anak.” Wika ng kanyang ina, habang niyakap niya ito. Katatapos lang ng kasal nila ni Ezra, at hindi maitago ni Apple ang saya na nararamdaman niya. “Mabuti nalang at kinasal kana.” Tuwang wika sa kanya ng kakambal niyang si Gray. Masama niya naman itong tiningnan, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Kung sa tingin mo, makalusot kayo sa akin, dahil may asawa na ako. Nagkakamal-.”“Baby..” Sambit ni Ezra, habang hinapit nito ang kanyang bewang. Agad naman siyang napangiti at hindi na pinansin ang kanyang kapatid. “Salamat Ezra..” Wika ng kantang ina na si April, kaya napatingin siya rito. “Nang dahil sa ‘yo Anak, nagbago si Apple.” Tuwang wika nito. “Mabuti nalang talaga naisipan ni Lola na ipakasal kayo.” Ngiting wika ni Greeg. “Pero Kuya, mag-ingat ka pa rin kay Ate.” Wika ng kapatid niyang si Reymond, kaya masama niya itong tiningnan. “Bakit siya mag-iingat? Hindi mo ba alam na nagbabago na ako at hindi na
CHAPTER 17 3RD POV “M-mahal mo ako?” Napa-irap siya rito, dahil sa tanong nito sa kanya. “Bingi kaba? Hindi mo ba narini-.” Hindi niya na-ituloy ang sasabihin niya nang bigla nalang siyang niyakap ng mahigpit ni Ezra. “Damn Baby.. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon.” Na-pakunot ang noo niya, nang marinig niya ang hikbi nito. “S-sandali lang, umiiyak ka?” Tanong niya, habang kumalas sa pagkakayakap sa kanya ni Ezra. Mabilis naman nitong pinunasan ang kanyang mga mata, habang nagyuko ng mukha. Gusto niya sana na matawa, pero pinigilan niya ang kanyang sarili. “Hindi ko alam na iyakin ka pala.” Wika niya, kaya nag-angat ito ng mukha at tumingin sa kanya. “Sino ba ang hindi maiiyak?” Wika nito sa nahihiya na boses. “Hindi lang ako makapaniwala na ang isang katulad mo, marunong magmahal.” Wika nitong muli, kaya napakunot ang kanyang noo. “Tao rin kaya ako.” Inis na sagot niya rito. “Oo nga, pero ang ibig kung sabihin. Mula noon wala ka namang nobyo. Ni hindi ka nagka-inte