Share

Kabanata:17

Author: Miss Jesszz
last update Last Updated: 2025-08-03 08:18:14

“Pesteng yawa ka! Ambot sa imo! Pumutok sana at makagat ng mga pulang langgam yang nguso mo!”

Muli ay nanggigil niyang sigaw dito, saka nagmamadaling tinalikuran ang binatang kunot na ang noo dahil hindi nito maintindihan ang kanyang mga sinabi.

Nang marating niya ang kanilang bahay, ay saglit siyang huminto sa maliit nilang bakuran. Inis niyang sinipa ang isang paso ng bulaklak doon, dala ng galit na nararamdaman niya para sa binata.

“Ah! Hinayupak na Tarzan na 'yon! Kulang na lang, kainin ng buo ang aking labi!”

Aniya sa sarili. Dala ng init ng kanyang damdamin, hindi niya namalayan na nasa likuran na pala niya ang kanyang ina.

“Hoy, Felicie! Ano bang nangyayari sa 'yo, bata ka?”

Anang kanyang inang si Aling Emma na may pagtataka sa mukha. Bigla siyang napatingin sa ina. Paano ba niya sasabihin kay Inay Emma na ninakawan siya ng halik ng anak ni Don Elias?

Anak ni Don Elias na magiging asawa niya... dahil pumayag siyang makasal rito. Hindi pwedeng malaman 'yon ng kanyang mga magulan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:102

    Tila sasabog ang kaniyang dibdib sa galit. Hindi siya makapaniwala sa narinig kanina mula sa family doctor nila nang magpa-check up siya. Hindi na kasi niya kinaya pa ang pananakit ng kanyang ulo at ang nararamdamang panlalamig ng katawan. Kaya naman nagpasya na siyang ipatawag si Doc Daniel Miller—ang doctor na halos kasing-edad lang din niya. "Gumagamit ka ba, Mr. Saavedra?" seryosong tanong sa kaniya ni Doc Miller na labis na ikinakunot ng noo niya. No’ng una ay hindi niya agad nakuha ang ibig nitong ipahiwatig. Pero agad din naman siyang naliwanagan nang luminaw ang pag-iisip niya. "No. Ni minsan ay hindi ako natuksong gumamit ng drugs. At never na sumagi sa isip ko ‘yon. Siguro, playboy ako noon… but I’m not a drug addict," katwiran niya sa doctor. Napatango-tango si Doc Miller at inilapag sa kanyang harapan ang resulta ng check-up niya. Marahas siyang napabuntong-hininga. Bigla niyang naalala ang pagpunta niya sa condo unit ni Stacey. May pinainom ito sa kanya na juice. And af

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:101

    Felicie P.O.V “Aalis ka na ba?” tanong nito sa kanya. Ngumiti siya sa kaibigan at marahan na tumango. “Hoy, balitaan mo ako ah, kapag nakauwi ka na. May mga stocks naman ako doon. Luto ka na lang if magutom ka.” Muli siyang tumango sa kaibigan. Matapos makapagpaalam ay tuluyan na siyang lumabas ng building. Sumabay na sa kanya si Ezzekiel sa paglabas. “Hatid na kita,” saad nito nang makalabas sila ng building. Tatanggi sana siya ngunit wala na siyang nagawa pa nang hawakan nito ang kanyang palapulsuhan at hinila siya sa bandang kaliwa ng parking area. Nagulat pa nga siya sa pagkakahawak nito—medyo may kahigpitan iyon. Gusto sana niyang magreklamo pero di na niya nagawa pa. Ang bilis din kasi nitong maglakad kaya kung babagal-bagal siya ay baka makaladkad lang siya ng lalaki. Sa front seat siya nito pinaupo. Napatingin siya sa kabilang parking at nangunot ang kanyang noo nang makita ang isang kulay itim na jeep Wrangler na bagong park lang doon. Katulad iyon ng kay Calex na madalas

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:100

    (EZZEKIEL P.O.V) Malapad siyang nakangiti habang inililibot ang tingin sa paligid ng kaniyang bahay-bakasyunan. Handang-handa na ang lahat. At iisa na lang ang kulang—walang iba kundi si Felicie. Dito niya dadalhin ang babaeng pinakamamahal ng matalik niyang kaaway. Dito sa bahay na ’to niya isasakatuparan lahat ng paghihiganting gagawin niya laban sa Saavedra na ’yon. "Humanda ka sa gagawin ko, Saavedra. Ipapatikim ko sa’yo ang paghihiganti ko!" gigil niyang ani sa sarili habang pinagmamasdan ang litrato ni Felicie na nakadikit sa pader. "Kaunting tiis na lang, at makakapag-higanti na ako sa’yo! Ipapatikim ko sa’yo ang hirap at sakit na ginawa mo sa’kin! Doble pa ang gagawin ko," muli niyang saad sa sarili at humithit ng sigarilyo. Mas lalo pa siyang napangisi nang makita ang kumikintab na talim ng kutsilyo na nasa lamesa. Hinimas-himas niya iyon at itinusok-tusok sa larawan ni Felicie na nakadikit sa pader. "Sorry, my dear friend. But I have to do it. Kung hindi ka ba nama

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:99

    (CALEX P.O.V) “Bakit hindi ninyo ako ginising!?” galit na sita ni Calex sa mga kasama sa bahay nang malaman na umalis si Felicie nang hindi niya nalalaman. Makailang ulit na niyang tinatawagan ang asawa ngunit hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. “Wala bang nasabi sa inyo kung saan siya pupunta?” yamot pa rin niyang tanong sa mga kasama sa bahay. Hindi pa rin niya tinitigilan ang pagtawag sa asawa kahit pa puro pag-ring lang ang cellphone nito sa kabilang linya. Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa ng mga bodyguard niya. Maging si Lester at Mang Jun ay tanging pag-iling lang din ang naisagot sa kaniya. Sapu-sapo niya ang ulo. Sumasakit na naman iyon, at bigla-bigla din siyang nilalamig. Nang walang makuhang sagot mula sa kaniyang mga bodyguards at driver, muli siyang pumasok sa loob ng bahay. Tinawag niya ang kasambahay na si Elisa na kasalukuyang nagluluto ng dinner. Agad naman itong lumapit sa kaniya nang marinig ang malakas na pagtawag niya. “K-kuya, bakit po?” inosenteng ta

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:98

    (FELICIE P.O.V.)Malakas niyang ibinalibag ang pinto. Galit na galit siya. Hindi niya alam kung paano nagagawang itanggi ni Calex ang kataksilan nito sa kanya, gayong huli na niya itong nahuli. Ubod ng sinungaling ang magaling niyang asawa. Wala na talaga itong pag-asa na magbago pa.Kinuha niya ang kanyang nakatagong bag at isa-isa nang inilagay ang kanyang mga damit doon. Buo na ang kanyang pasya—iiwanan na niya si Calex. Uuwi na siya sa probinsya.Habang nag-iimpake, walang patid ang pagdaloy ng kanyang luha. Dobleng sakit ang nararamdaman niya ngayon. Una, ang masakit na katotohanan na niloko siya ng kanyang asawa. Pangalawa, ang pag-iwan na gagawin niya rito. Wala e, ginawa na niya ang lahat, ngunit hanggang dito na lang yata talaga sila ng asawa niya.Nang matapos siya sa paglalagay ng mga damit, isinunod naman niya ang iba pang gamit na nabili niya. Ang iba naman ay iniwan na niya—lalo na ‘yung mga gamit na galing kay Calex. Hindi na niya iyon kailangan.Naligo siya nang mabili

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:97

    (CALEX P.O.V) Nagulat siya nang salubungin siya ng magkasunod na sampal ni Felicie. Naguguluhan siyang tiningnan ang asawa—bakás sa mukha nito ang labis na galit sa kanya, sa hindi niya malamang dahilan. Almost three days din siyang nawala, pero sa pag-uwi niya ay dalawang magkasunod na sampal ang natikman niya mula kay Felicie. Na-miss niya ang asawa at tangka sana niyang hahalikan ito, ngunit umiwas si Felicie at agad siyang sinampal. Nahawakan niya ang sariling panga. Pakiramdam pa nga niya ay tumabingi ang mukha niya sa lakas ng sampal na ginawa nito. Maging ang palad ng asawa, ramdam niyang bumakat pa sa kanyang pisngi. "What's wrong? Bakit mo ako sinampal? It’s just a kiss. Na-miss kita, almost three days din akong nawala, Felicie. Then ito ang isasalubong mo sa akin?" saad niya sa asawang nanlilisik ang mga mata dala ng sobrang galit. Matigas itong umiling at akma namang susuntukin siya, ngunit mabilis niyang naiwasan iyon. Naguguluhan niyang tiningnan ang asawa. Hindi niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status