Share

Chapter 13

Author: MysterRyght
last update Last Updated: 2025-08-02 17:43:24

Ximena

“Uy, buti naman at nakasabay ka sa amin mag-lunch ngayon,” sabi ni Joyce habang nakangiti sa akin. Tumango rin ang apat pa naming kasama sa mesa. Lima silang sekretarya sa buong floor, kasama na si Joyce. Dalawa ang lalaki, sina River at David, at ang dalawa pa naming girl ay sina Isay at Rona.

“Akala ko nga kanina, hindi na ako makakaalis sa tabi ni Sir kahit sandali,” sagot ko bago sumubo ng kanin.

“Aba, alam ko namang libre ang pagkain kapag may kasamang bossing,” sabat ni Rona na may kasamang kunot-noo. “Pero... nalulunok mo ba? I mean, nakakakain ka ba ng maayos knowing na ang kaharap mo ay walking red flag na parang ticking time bomb? Anytime, boom, puputok na lang basta na magiging dahilan ng pagkataranta mo?"

Halakhakan agad ang sagot ng grupo sa banat niya. Ramdam ang nerbiyos sa tawa ni Rona, pero halata rin ang katotohanan sa sinabi niya.

“Hindi naman sa ganun,” napapangiti kong tugon. “Sa totoo lang, noong una, para akong laging nauubusan ng hininga tuwing kasama ko
MysterRyght

Huli... hahaha

| 2
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Fe Gillesania
thanks for the update author
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 15

    XimenaPagpasok ko sa loob, tumambad sa akin ang seryosong mukha ng aking amo. Tahimik siyang nakaupo lang si Boss sa likod ng desk niya, hawak ang isang tablet na nilapag niya sa gilid bago nag-angat ng tingin sa akin.Pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng oxygen sa pagkakahigit ng aking paghinga. Ano ba naman kasi ang nakain namin at naisipan namin talakayin ang tungkol sa aming boss?"Upo ka," sabi niya, walang emosyon sa boses pero hindi rin malamig. Parang... alanganin?Dahan-dahan akong umupo, pero hindi ko maiwasang pisilin ang laylayan ng palda ko habang umiiwas ng tingin. Ito na. Baka mag-lecture. Baka ireklamo ako. Baka... termination?Pero ilang segundo ang lumipas, walang salita. Wala ring buntong-hininga. Wala man lang pagsimangot.Napatingin ako sa kanya, at doon ko nakita: hindi siya galit.Hindi siya mukhang boss na na-offend.Mas mukha siyang... nahihirapang magsimula ng usapan kaya biglang gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko.“About po sa pinag-uusapan namin, Sir… hin

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 14

    XimenaNatahimik ang lahat na parang may nagdaang anghel. Wala kahit isa ang nakapiyok at nanatiling tikom ang mga bibig. Ni hindi din sila nakakilos na kagaya ko.Parang may humigop sa lahat ng tunog sa paligid. Wala na 'yung kulitan. Wala na 'yung tawanan. Ni sipol, ni lagitik ng relo, wala. Parang pinutol ang kuryente ng mundong ginagalawan ko.Ramdam ko ang bawat matang nakatutok sa akin habang unti-unti kong itinulak ang sarili kong tumayo. Parang slow motion. Parang may spotlight sa 'kin, tapos lahat sila nasa audience ay nakamasid at walang imik."Siguro… hindi niya narinig, 'no? Malay mo, kakarating lang niya," mahina kong bulong, pero para na ring sigaw sa akin dahil sa lakas ng kaba ko. Para bang pilit kong kinakausap ang sarili ko para kumalma, kahit deep inside, ang ingay-ingay na ng utak ko.Lumunok ako ng laway at pinilit ngumiti. Hindi 'yung natural na ngiti. 'Yung tipong parang pinipilit mong ayusin 'yung bangs mo kahit alam mong sabog na talaga. Lumingon ako sa mga ka

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 13

    Ximena“Uy, buti naman at nakasabay ka sa amin mag-lunch ngayon,” sabi ni Joyce habang nakangiti sa akin. Tumango rin ang apat pa naming kasama sa mesa. Lima silang sekretarya sa buong floor, kasama na si Joyce. Dalawa ang lalaki, sina River at David, at ang dalawa pa naming girl ay sina Isay at Rona.“Akala ko nga kanina, hindi na ako makakaalis sa tabi ni Sir kahit sandali,” sagot ko bago sumubo ng kanin.“Aba, alam ko namang libre ang pagkain kapag may kasamang bossing,” sabat ni Rona na may kasamang kunot-noo. “Pero... nalulunok mo ba? I mean, nakakakain ka ba ng maayos knowing na ang kaharap mo ay walking red flag na parang ticking time bomb? Anytime, boom, puputok na lang basta na magiging dahilan ng pagkataranta mo?"Halakhakan agad ang sagot ng grupo sa banat niya. Ramdam ang nerbiyos sa tawa ni Rona, pero halata rin ang katotohanan sa sinabi niya.“Hindi naman sa ganun,” napapangiti kong tugon. “Sa totoo lang, noong una, para akong laging nauubusan ng hininga tuwing kasama ko

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 12

    Ximena“Ximena, alam mo namang bawal ka malate, diba?” bulong ni Joyce sa akin na may halong kaba sa boses. Halata sa mukha niya ang stress habang nakatingin sa akin. Lunes na Lunes pa lang, pero para bang gusto na niyang mag-resign.“Grabe ang traffic, Joyce,” sagot ko habang hinahabol pa ang hininga. “Promise, kanina pa ako nakaalis. Pero walang galawan ang mga sasakyan, literal.”“Eh si Sir, galit na galit na. Hinahanap ka tapos... binato 'yung kape na tinimpla ko,” dagdag niya sabay irap, na para bang gusto niyang sumabog.Napatingin ako sa orasan ko. 7:55 AM. Technically, hindi pa ako late. Pero dahil mas maaga pa dumating si Mr. Roccaforte kaysa sa sariling anino niya, mukhang hindi sapat ang “on time” sa kanya.Dito sa Office of the CEO, parang bawat segundo ay buhay at career ang kapalit. Para kaming mga contestant sa The Hunger Games pero sa halip na pana at espada, gamit namin ay ballpen at self-control.Pakiramdam ko nga, konting lagabog lang ng pinto ay magtataguan na ang

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 11

    Ximena“Anak, kamusta naman ang dalawang linggo mo sa trabaho?” tanong ni Mama ng makapasok ito sa aming silid habang kakagising ko lang. Araw ng Linggo ngayon, salamat sa Diyos at walang pasok kay Sir Roccaforte, kaya masaya akong makakasama si Mama at si Nicolas na nakababata kong kapatid buong araw.“Maayos naman po, Ma. Medyo nakakapagod, pero carry lang,” sagot ko habang inaabot ang suklay na nasa tabi ng kutson.“Hindi ka ba nahihirapan, anak?” Bumaling siya sa akin. “Sobrang late ka na kung umuwi tapos ang aga mo pang bumangon. Literal na Linggo lang talaga ang pahinga mo.”Narinig ko ang pagsara niya sa orocan na lagayan ng damit habang tinititiklop ko ang kumot na ginamit ko. Alam kong pagod siya, pero hindi mo ‘yon mahahalata sa kilos lalo na sa mukha niya.“Kayo nga po ang iniisip ko, Ma,” sagot ko habang minamasahe ang batok ko. “Hindi ka ba napapagod? Parang araw-araw kang may ginagawa.”Ngumiti siya at naupo sa tabi ko, pinapawi ng ngiti niya ang lahat ng bigat ko. Kahit

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 10

    Ximena“Hindi ko alam kung ano yang sinasabi mo. Anong masama sa paghuhugas ko ng paa mo? Sinamahan mo ako sa pagharap kina Lolo at Lola, and you’re my girlfriend.”Wait… what? Para akong biglang nilaglag sa outer space. Parang na-lift off ako palabas ng mundo at hindi ako makabalik. A-Ano raw? Tama ba yung narinig ko? Girlfriend niya… ako?Napalunok ako ng walang tubig. Gusto kong magtanong. Gusto kong klaruhin. Pero baka naman ang ibig niyang sabihin ay girlfriend lang sa harap ng lolo at lola niya. Baka role lang. Baka yung acting lang namin kanina ang ibig niyang sabihin. At kung magtanong pa ako, baka isipin niyang assuming ako. Ayoko naman nun. Baka bigla niyang bawiin abay, nakakahiya!Tahimik kong na lang na pinanood ang ginagawa niya. Bumalik siya sa paa ko at marahang pinunasan ito gamit ang towel. Sobrang banayad, para bang ayaw niyang masaktan ako kahit kaunti. Pagkatapos, nakita kong inilabas niya ang Band-Aid mula sa maliit na box na dala niya kanina, first aid kit pala,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status