Share

Chapter 15

Author: MysterRyght
last update Last Updated: 2025-08-02 17:43:33
Ximena

Pagpasok ko sa loob, tumambad sa akin ang seryosong mukha ng aking amo. Tahimik siyang nakaupo lang si Boss sa likod ng desk niya, hawak ang isang tablet na nilapag niya sa gilid bago nag-angat ng tingin sa akin.

Pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng oxygen sa pagkakahigit ng aking paghinga. Ano ba naman kasi ang nakain namin at naisipan namin talakayin ang tungkol sa aming boss?

"Upo ka," sabi niya, walang emosyon sa boses pero hindi rin malamig. Parang... alanganin?

Dahan-dahan akong umupo, pero hindi ko maiwasang pisilin ang laylayan ng palda ko habang umiiwas ng tingin. Ito na. Baka mag-lecture. Baka ireklamo ako. Baka... termination?

Pero ilang segundo ang lumipas, walang salita. Wala ring buntong-hininga. Wala man lang pagsimangot.

Napatingin ako sa kanya, at doon ko nakita: hindi siya galit.

Hindi siya mukhang boss na na-offend.

Mas mukha siyang... nahihirapang magsimula ng usapan kaya biglang gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko.

“About po sa pinag-uusapan namin, Sir… hind
MysterRyght

Ang akala mo ay ano, Ximena?

| 27
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Larra Marrii
grabe na to
goodnovel comment avatar
Bing Dugang
nakakakilig Naman
goodnovel comment avatar
woman🤍💗
more pa po miss A heheh:)))
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 116

    Azael “Tignan mo nga yang kamay mo!” inis na sabi ni Ximena, sabay mariing pag-ikot ng mata. Nasa loob na kami ng kwarto at kasalukuyan niyang tinatanggal ang benda sa kamay ko. Halata sa bawat galaw niya na worried siya pero ayaw niyang ipahalata, kaya mas pinalalabas niya na galit siya. Ako naman, pilit kong inaayos ang expression ko, pinipigilan ang pagngiwí kahit ramdam na ramdam ko ang hapdi. “Wala lang ‘to,” sagot ko, pilit na kalmado. I need to look strong, kahit ang totoo, gusto ko nang mapangiwi sa sakit. Bakit ba kasi napasuntok pa ako kanina sa gate nila? Ang tigas pa naman. “Baby, please,” bulong ko, medyo nagmamakaawa, “’wag mo na sanang ulitin ‘yung tungkol sa mga lalaking pwedeng magnasa sa’yo.” “Kasalanan ko pa ngayon?” mabilis niyang balik, sabay taas ng kilay na parang handang makipag-debate. Huminga ako ng malalim. Hindi ako pwedeng sumagot ng pabalang. Kakaayos lang namin, at ayokong bumalik sa dati. “Hindi naman ganun… kaya lang, nagseselos ako syempre. Ayaw ko

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 115

    Azael Kabadong-kabado talaga ako, as in hindi ko maikakaila. Para akong may kung anong bato sa dibdib na ayaw gumaan. Nilakasan ko lang ang loob ko na dalhin siya dito, and yes, aminin ko na, sinamahan ko pa ng konting pananakot. Alam kong mali, pero paano kung hindi ko gawin? Sabihin na nilang sinamantala ko ang damdamin niya para sa akin, pero wala na akong pakialam. I’ll do everything, kahit gaano ka-desperate pakinggan, basta huwag lang siyang mawala sa akin. Ang sakit isipin na nandoon sa bahay nila si Adrian, at mas lalong masakit ng makita kong parang ang dali nilang magkasundo ni Nicolas. No, hindi pwede ‘yon. Dapat kaming mag-brother-in-law ang close, hindi sila. Ayokong may pumapasok sa espasyo ko na dapat akin lang. Tahimik akong kumakain, pero sa totoo lang, wala akong malasahan. Ganoon din si Estella, parang may invisible wall sa pagitan namin. Bago pa kami pumunta rito, nag-text na ako kay Simon para tumawag dito sa bahay at magpaluto ng hapunan. Hindi ko kasi kayang i

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 114

    Ximena“Anong ginagawa natin dito?” tanong ko habang pinapark ni Azael ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay. Ang laki non at parang mansion na may mataas na gate at mga ilaw sa porch na medyo malamlam pero classy ang dating. Napatingin ako sa paligid, hindi ko talaga alam ang lugar na ito. Nang in-off niya ang makina, tumingin siya diretso sa akin na parang may tinatago.“We’re here, let’s go,” casual niyang sabi sabay bukas ng pinto. Bumaba siya agad, samantalang ako ay nanatili pa sa loob, nakatingin lang sa kanya. Hindi ko alam kung anong trip niya ngayong gabi. Hindi ko rin alam kung safe ba akong sumunod, like, hello? I’ve never been here before.Lumigid siya papunta sa side ko at pinagbuksan ako ng pinto. “Gusto mo bang buhatin pa kita?” may kasamang ngiti sa labi at bahagyang pagyuko para makita ang mukha ko.Nanlisik ang mga mata ko at sabay bagsak ng paang bumaba. “As if magpabuhat ako sayo,” sagot ko na may halong inis at pilit na sarcasm.Ngunit imbes na patulan, ng

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 113

    Ximena“Ano ba ang ginagawa mo?” singhal ko habang kinuha ko ang kamay niya para tignan. “Nasisiraan ka na ba? Injured ka na nga, tapos ginawang parang show-off ‘to?”Nag-angat ako ng tingin at nakita kong tahimik lang din siyang nakatingin sa akin. Hinayaan niyang magtagal ang hawak ko sa kamay niya, na para bang matagal na niyang hindi nararamdaman. Ang galit niya ay tuluyan ng nawala at napalitan na ng lungkot. "Hindi ka ba nasasaktan?" tanong ko. Hindi man halatang nag-aalala ay sincere naman.“Mas nasasaktan ako sa kaalamang masaya ka habang nandyan ang lalaking ‘yon,” tugon niya sa mababang tono pero narinig ko ang bahagya niyang pagpiyok, indikasyon ng pagpipigil niyang maiyak. “Parang… parang binabalewala mo ako.”Umiling ako, naroon pa rin ang sama ng tingin. Kasabay non ay may kinikimkim akong init sa dibdib na hindi ko nga maipangalan. “Iba ang sinasabi ng ginagawa mo, Azael. ‘Wag mo akong paasahin sa isang bagay na alam mong—” naputol ang salita ko, puro galit pero may pag-

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 112

    Ximena“Hindi ka mapupunta sa lalaking ‘yon o sa kahit na sino pa. Sa akin ka lang, Ximena. I know you’re angry, kaya hindi ako magagalit sayo ngayon…” Mahina lang ang boses niya pero parang dumadagundong sa tenga ko.Natawa ako, pero hindi iyon masayang tawa. “Well, thank you. You're so generous. Kung ganon ay makakaalis ka na.” Tumama ang mga mata ko sa mukha niyang biglang nanlumo. May kirot akong naramdaman sa dibdib pero pinilit kong manatiling matigas. “Nadala ko na ang resignation letter ko. Kaya wala na akong nakikitang dahilan kung bakit kailangan mo pang pumunta dito.”“I didn’t accept your resignation.” Biglang tumigas ang tono niya. “May kontrata kang pinirmahan so you better get back to your work.”“Really?” Tinaasan ko siya ng kilay, sabay irap. “At kung ayaw ko?”“Then pay the termination f*e.” Tumagos ang tingin niya sa akin, parang hinuhukay lahat ng dahilan kung bakit ako lumalaban. Kita ko ang inis, pero ramdam ko rin ang pagpipigil niya. “Pay five million for breach

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 111

    XimenaSinubukan kong huwag ipahalata ang gulat ko kahit parang kumakabog na ang dibdib ko. Tumayo ako, diretso ang likod at kunwari composed. “Maupo na muna kayo, Sir Azael,” aya ni Mama, kalmado ang boses pero ramdam kong nagsisimula na siyang makahalata.“Hindi na, Ma,” mabilis kong tugon. Matigas ang tono, halos pabulong pero mabigat. “Sa labas na lang po kami ni Sir mag-uusap.”Napansin ko ang paraan ng tingin niya sa akin, matalas, na kung nakakamatay lang ay baka tumimbuwang na ako. Halatang hindi niya nagustuhan ang aking sinabi, lalo pa nang mapansin kong tumingin siya sa direksyon ni Adrian na nakikipagkulitan na ulit kay Nicolas. Kita ko ang bahagyang pag-igting ng panga niya.“Ikaw ang bahala,” sagot na lang ni Mama, halatang hindi komportable pero piniling huwag nang makisawsaw. Binalingan niya na lang ang dalawang makulit na lalaki. “Nicolas, Adrian, halika na at kumain.”Ngumiti si Adrian, tumango, at agad na inaya si Nicolas na sobrang kulit pa rin at sige lang sa kwent

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status