Buking na agad, ano na ngayon ang plano mo, Ximena?
Ximena"Anong nangyayari sayo, Ximena?"Putik. Heto na naman siya. Wala pa ngang limang minuto mula noong huli siyang nagtapon ng tanong, heto at panibago na naman. Para bang kinukuwestyon niya hindi lang ang ginagawa ko, kundi pati na rin kung ba’t ako ganito makatingin, makapagsalita, makagalaw.Nagkibit-balikat ako. “Wala lang, A-Azael,” sagot ko, sabay iwas ng tingin. “Nagtaka lang ako kung bakit nandito ka. Hindi ba't dapat one week ka sa New York?”Napataas ang kilay niya na para bang naiinis na sinasagot ko pa siya ng tanong. “Natapos na ang trabaho ko ro’n,” mahinahon niyang tugon. “Remember, may kailangang puntahan ‘yung client ko? Switzerland ‘yung next stop niya, so pinakawalan na ako agad.”Tama nga naman. Nasabi niya 'yan sa akin, kaya nga hindi ako nakasama. Pero kahit na, may isa pa akong tanong na hindi matigil sa pag-ikot sa utak ko.“Pero anong ginagawa mo dito?” tanong ko pa rin, litaw sa boses ko ang pagkakunot ng noo. “I mean, bakit dito sa hotel na ‘to?”“Dito ak
XimenaKahit nanginginig na ang binti ko sa tagal ng pagtayo, hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko sa labas, hindi kalayuan sa Room 708. Para akong bantay-salakay at alerto, pero may halong kaba. Gusto ko kasing makita ang lahat. Ang kabuuang “finale” ng plano nila. Gusto kong malaman kung paano nila haharapin ang resulta ng sarili nilang kalokohan.Pero wait lang... Paano kung bukas na magising si Mae? Paano kung hindi ngayong gabi bumisita si Julius, tulad ng dati? Ibig sabihin ba nito... ako ang magpupuyat buong gabi?Napailing ako, at halos mapasigaw sa sarili. “Putik naman! Hindi ko naisip ‘yon!”Mahigit kalahating oras na akong tagong nakasilip sa kinaroroonan ko, at pakiramdam ko ay isa na akong halaman sa hallway, tuyo na ang lalamunan ko, nangangalay pa ang talampakan ko sa suot kong sandalyas.Bigla, isang boses ang tumusok sa tenga ko. Pamilyar, buo at may awtoridad.“Anong ginagawa mo dyan?”Parang eksena sa horror film ang pagkakalingon ko. At oo nga. Horror nga it
Ximena“Bakit parang nag-iinit ang pakiramdam ko?” tanong ni Mae habang bakas sa mukha niya ang pagtataka. Parang may kung anong gumagapang sa sistema niya na halata sa pagkakakunot ng noo at pagkakapit niya sa mesa.“Ha? Anong ibig mong sabihin?” tanong ko rin, kunwari ay clueless sa nangyayari sa kanya. Nagkunwari akong tumingin sa paligid, pagkatapos ay hinimas ang braso ko. “May aircon naman, o. Ang lakas pa nga kaya medyo giniginaw na rin ako tapos sasabihin mo ay parang mainit? May lagnat ka ba?”Bahagya akong yumuko at inilapat ang likod ng kamay ko sa noo niya, kunyari ay nag-aalala pero hindi ko pinahalata ang sayang nararamdaman ko. May tama na ‘yung gamot sa kanya.“Naku, girl... halika na nga. Mabuti na lang at may kinuha kang kwarto rito para sa amin ni Julius. Doon ka na lang muna magpahinga. Mukhang kailangan mo talaga ng pahinga.”Agad akong tumayo, inalalayan siyang makatayo at inakbayan. Nanlalambot na ang katawan niya habang dahan-dahan kaming naglalakad palayo sa r
XimenaDumating na ang mga order namin at tuloy ang kwentuhan, Ay, mali. Tuloy ang talentadong plastikan.Ang tamis ng ngiti ko, parang si Darna lang kung ngumiti pero si Valentina ang laman ng utak. Sa bawat “Haha, oo nga!” na sinasabi ko, may katumbas iyong “Gusto mo ng gulo, te?” sa isip ko.Sa totoo lang, dinamihan ko talaga ang order ko, pati dessert, appetizer, extra rice at ang pinakamahal na inumin sa menu, isinama ko na. Lalo akong ginanahan nang makita kong halos mapangiwi si Julius sa presyo habang pinipilit maging cool.Aba eh gusto mo pala akong gamitin bilang shortcut sa pera? Eh di maglabas ka muna ng wallet hanggang maubos ang laman.Gusto mo akong gawing investment?Sorry, mahal, walang ROI dito.Nakita ko talaga sa mga mata niya 'yung “ano ba 'to” moment habang tahimik lang si Mae, obvious na hindi makaimik. Nagkasya na lang siya sa pagkabigla at paminsan-minsang sulyap sa kinain niya, na halos hindi niya na nga ginagalaw.‘Yan ang gusto ko, yung pareho kayong kumak
XimenaPaglabas ko ng restroom, diretso na ako sa restaurant. May kaba sa dibdib, pero mas matigas ang loob. Kumpiyansa akong ako ang may hawak ng alas sa gabing ito at ang paborito nilang gawin sa iba? Sa akin nila ngayon mararanasan. Kaya kong umarte, magpaka-anghel kung gusto nila. Pero sa huli, sa akin pa rin ang huling halakhak.Gaano man kalaki ang inutang niyo, kayo din ang magbabayad. At babayaran niyo ‘to ng buo, pati interest.“Do you have a reservation, Ma’am?” nakangiting tanong ng receptionist. Mabuti na lang at kahit simpleng bihis lang ako, hindi niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa gaya ng iba.“Reservation under Mr. Julius Mauricio?” sabay ngiti kong magiliw. Mahirap na. Baka isipin pa ng ale na hindi ako karapat-dapat sa presyuhan ng wine dito.“Yes, Ma’am. This way please.” Umuna na siya sa paglalakad, at sinundan ko, mataas ang noo pero magaan ang mga hakbang na parang wala lang, pero sa loob ko, sumisipa na ang adrenaline.Paglapit namin sa mesa, tumayo agad si
XimenaAlas-siyete ng gabi, nakatayo na ako sa harap ng Hotelier, isa ding high-end na hotel na paniguradong hindi basta-basta ang presyo. Para itong huling eksena sa isang pelikula kung saan ako ang bida at sila ang sasalo ng karma. Ang tanong lang ay kung paano ko gagawin.Napatingin ako sa façade ng gusali, eleganteng lighting, mga mamahaling sasakyang pumaparada, at mga taong mukhang mabango ang buhay. Siguradong malaki ang nakuhang pera ng mga hayop na sina Julius at Mae sa Zael na 'yon kaya naman wala lang para sa kanila ang gumastos dito.Kagaya ng sinabi ko noon pa, hindi naman salat sa buhay si Julius. Hindi siya mukhang naghihikahos. May trabaho ang parehong magulang niya, at may sariling kabuhayan din siya. Hindi siya mahirap, oo. Pero alam kong hindi rin siya basta-basta gumagastos kung wala siyang kapalit na makukuha. Hindi niya kayang magpaandar ng bongga kung hindi rin lang siya magbe-benefit sa huli.Ganyan siya. Laging may kapalit. Laging may dahilan sa bawat "kabaitan