Share

Chapter 18

Aвтор: MysterRyght
last update Последнее обновление: 2025-08-03 18:15:16
Ximena

Pangatlong araw ko nang naka-bakasyon sa bahay, o dapat ko na bang sabihing, nakatambay. Hindi naman ako nababagot, sa totoo lang, dahil kasama ko sina Mama at tinutulungan siya sa gawaing bahay. Masaya akong masiguro na nakakatulong ako sa kanya kapag may pagkakataon. Pero habang naglalampaso ako ng sahig kanina, bigla akong napatigil.

"Bakit nga ba hindi na lang ako kumuha ng kasambahay?" Napabulong ako sa sarili.

Napaisip ako agad kung okay lang ba ‘yon kila Tita. Baka sabihan akong maarte? O baka mas okay kung si Mama na lang ang tanungin ko mismo? Ayoko ring mapahiya o mapagsabihan ng "Aba'y may kaya ka na pala!"

Sa gitna ng pag-iisip kong ‘yon, narealize kong wala ni isa sa opisina ang kumokontak sa akin. Walang tawag. Walang text. Tahimik ang buong mundo.

Pati si Sir Simon na siyang OIC habang wala ang aming amo ay wala ring paramdam. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o mag-relax. Pero dahil sa tahimik na lahat, pinili kong magpaka-chill muna. Wala namang sunog na
MysterRyght

Chance na ba nating makaganti, Ximena?

| 8
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Заблокированная глава
Комментарии (2)
goodnovel comment avatar
Verling Quiocho
update po plz
goodnovel comment avatar
Ian Dave Salceda Alupit
more update po miss A...ganda Ng story....
ПРОСМОТР ВСЕХ КОММЕНТАРИЕВ

Latest chapter

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 24

    Ximena"Anong nangyayari sayo, Ximena?"Putik. Heto na naman siya. Wala pa ngang limang minuto mula noong huli siyang nagtapon ng tanong, heto at panibago na naman. Para bang kinukuwestyon niya hindi lang ang ginagawa ko, kundi pati na rin kung ba’t ako ganito makatingin, makapagsalita, makagalaw.Nagkibit-balikat ako. “Wala lang, A-Azael,” sagot ko, sabay iwas ng tingin. “Nagtaka lang ako kung bakit nandito ka. Hindi ba't dapat one week ka sa New York?”Napataas ang kilay niya na para bang naiinis na sinasagot ko pa siya ng tanong. “Natapos na ang trabaho ko ro’n,” mahinahon niyang tugon. “Remember, may kailangang puntahan ‘yung client ko? Switzerland ‘yung next stop niya, so pinakawalan na ako agad.”Tama nga naman. Nasabi niya 'yan sa akin, kaya nga hindi ako nakasama. Pero kahit na, may isa pa akong tanong na hindi matigil sa pag-ikot sa utak ko.“Pero anong ginagawa mo dito?” tanong ko pa rin, litaw sa boses ko ang pagkakunot ng noo. “I mean, bakit dito sa hotel na ‘to?”“Dito ak

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 23

    XimenaKahit nanginginig na ang binti ko sa tagal ng pagtayo, hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko sa labas, hindi kalayuan sa Room 708. Para akong bantay-salakay at alerto, pero may halong kaba. Gusto ko kasing makita ang lahat. Ang kabuuang “finale” ng plano nila. Gusto kong malaman kung paano nila haharapin ang resulta ng sarili nilang kalokohan.Pero wait lang... Paano kung bukas na magising si Mae? Paano kung hindi ngayong gabi bumisita si Julius, tulad ng dati? Ibig sabihin ba nito... ako ang magpupuyat buong gabi?Napailing ako, at halos mapasigaw sa sarili. “Putik naman! Hindi ko naisip ‘yon!”Mahigit kalahating oras na akong tagong nakasilip sa kinaroroonan ko, at pakiramdam ko ay isa na akong halaman sa hallway, tuyo na ang lalamunan ko, nangangalay pa ang talampakan ko sa suot kong sandalyas.Bigla, isang boses ang tumusok sa tenga ko. Pamilyar, buo at may awtoridad.“Anong ginagawa mo dyan?”Parang eksena sa horror film ang pagkakalingon ko. At oo nga. Horror nga it

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 22

    Ximena“Bakit parang nag-iinit ang pakiramdam ko?” tanong ni Mae habang bakas sa mukha niya ang pagtataka. Parang may kung anong gumagapang sa sistema niya na halata sa pagkakakunot ng noo at pagkakapit niya sa mesa.“Ha? Anong ibig mong sabihin?” tanong ko rin, kunwari ay clueless sa nangyayari sa kanya. Nagkunwari akong tumingin sa paligid, pagkatapos ay hinimas ang braso ko. “May aircon naman, o. Ang lakas pa nga kaya medyo giniginaw na rin ako tapos sasabihin mo ay parang mainit? May lagnat ka ba?”Bahagya akong yumuko at inilapat ang likod ng kamay ko sa noo niya, kunyari ay nag-aalala pero hindi ko pinahalata ang sayang nararamdaman ko. May tama na ‘yung gamot sa kanya.“Naku, girl... halika na nga. Mabuti na lang at may kinuha kang kwarto rito para sa amin ni Julius. Doon ka na lang muna magpahinga. Mukhang kailangan mo talaga ng pahinga.”Agad akong tumayo, inalalayan siyang makatayo at inakbayan. Nanlalambot na ang katawan niya habang dahan-dahan kaming naglalakad palayo sa r

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 21

    XimenaDumating na ang mga order namin at tuloy ang kwentuhan, Ay, mali. Tuloy ang talentadong plastikan.Ang tamis ng ngiti ko, parang si Darna lang kung ngumiti pero si Valentina ang laman ng utak. Sa bawat “Haha, oo nga!” na sinasabi ko, may katumbas iyong “Gusto mo ng gulo, te?” sa isip ko.Sa totoo lang, dinamihan ko talaga ang order ko, pati dessert, appetizer, extra rice at ang pinakamahal na inumin sa menu, isinama ko na. Lalo akong ginanahan nang makita kong halos mapangiwi si Julius sa presyo habang pinipilit maging cool.Aba eh gusto mo pala akong gamitin bilang shortcut sa pera? Eh di maglabas ka muna ng wallet hanggang maubos ang laman.Gusto mo akong gawing investment?Sorry, mahal, walang ROI dito.Nakita ko talaga sa mga mata niya 'yung “ano ba 'to” moment habang tahimik lang si Mae, obvious na hindi makaimik. Nagkasya na lang siya sa pagkabigla at paminsan-minsang sulyap sa kinain niya, na halos hindi niya na nga ginagalaw.‘Yan ang gusto ko, yung pareho kayong kumak

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 20

    XimenaPaglabas ko ng restroom, diretso na ako sa restaurant. May kaba sa dibdib, pero mas matigas ang loob. Kumpiyansa akong ako ang may hawak ng alas sa gabing ito at ang paborito nilang gawin sa iba? Sa akin nila ngayon mararanasan. Kaya kong umarte, magpaka-anghel kung gusto nila. Pero sa huli, sa akin pa rin ang huling halakhak.Gaano man kalaki ang inutang niyo, kayo din ang magbabayad. At babayaran niyo ‘to ng buo, pati interest.“Do you have a reservation, Ma’am?” nakangiting tanong ng receptionist. Mabuti na lang at kahit simpleng bihis lang ako, hindi niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa gaya ng iba.“Reservation under Mr. Julius Mauricio?” sabay ngiti kong magiliw. Mahirap na. Baka isipin pa ng ale na hindi ako karapat-dapat sa presyuhan ng wine dito.“Yes, Ma’am. This way please.” Umuna na siya sa paglalakad, at sinundan ko, mataas ang noo pero magaan ang mga hakbang na parang wala lang, pero sa loob ko, sumisipa na ang adrenaline.Paglapit namin sa mesa, tumayo agad si

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 19

    XimenaAlas-siyete ng gabi, nakatayo na ako sa harap ng Hotelier, isa ding high-end na hotel na paniguradong hindi basta-basta ang presyo. Para itong huling eksena sa isang pelikula kung saan ako ang bida at sila ang sasalo ng karma. Ang tanong lang ay kung paano ko gagawin.Napatingin ako sa façade ng gusali, eleganteng lighting, mga mamahaling sasakyang pumaparada, at mga taong mukhang mabango ang buhay. Siguradong malaki ang nakuhang pera ng mga hayop na sina Julius at Mae sa Zael na 'yon kaya naman wala lang para sa kanila ang gumastos dito.Kagaya ng sinabi ko noon pa, hindi naman salat sa buhay si Julius. Hindi siya mukhang naghihikahos. May trabaho ang parehong magulang niya, at may sariling kabuhayan din siya. Hindi siya mahirap, oo. Pero alam kong hindi rin siya basta-basta gumagastos kung wala siyang kapalit na makukuha. Hindi niya kayang magpaandar ng bongga kung hindi rin lang siya magbe-benefit sa huli.Ganyan siya. Laging may kapalit. Laging may dahilan sa bawat "kabaitan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status