Share

Chapter 76

Author: MysterRyght
last update Last Updated: 2025-08-30 10:19:47
Ximena

“Tignan mo ‘to, Ximena…” Malakas ang pagkakahila ni Annie sa braso ko kaya napatingin ako sa direksyong tinuturo niya. Isang itim na bag ang naka-display sa istante, mamahalin ang dating, simple pero angat ang klase. Aaminin kong maganda iyon at eleganteng tingnan, tipong bagay isuot ng isang babae na parang laging nasa magazine spread.

“Gusto mo ba ‘yan?” tanong niya, kumikislap ang mga mata na parang siya ang mas excited kaysa sa akin.

“No.” Diretsahan at medyo malamig ang sagot ko. Kanina pa niya kasi ako kinukulit, tanong nang tanong kung may nagustuhan ba ako, pero paulit-ulit ko na rin siyang sinasabihan na wala. Wala akong balak gumastos, lalo na at hindi ko rin naman pera ang ipambabayad. Pera ni Azael ‘yon, at hindi ako komportable. Hindi ako sanay na may lalaking maglabas ng card para lang sa luho ko.

“Kanina pa tayo nag-iikot pero wala ka pa rin nagugustuhan,” reklamo niya habang nakakunot ang noo.

Napabuntong-hininga ako. “Bakit ako kasi ang tinatanong mo? Kung may n
MysterRyght

Mukhang nag-aalala si Ximena ah..

| 10
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Evangeline France
Xi beware sa mga nakapaligid sau...
goodnovel comment avatar
Smiley
sana Malaman nya na kung Anong nililihim ni azael
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 81

    AzaelSa totoo lang, kinakabahan talaga ako sa pagsasama nila Annie at Ximena. Hindi ko maiwasang isipin na baka kung ano-ano na naman ang ikwento ng babaeng ’yon sa girlfriend ko. Pero at the same time, ramdam kong kailangan din niya ng makakausap bukod sa akin. Kaya kahit may pangamba, pinabayaan ko na rin.Isa pa, pagkakataon na rin ’yon para mapanatag si Ximena sa presensya ni Annie, yung babaeng alam kong minsan na niyang pinagselosan. Kahit hindi niya aminin, ramdam ko. Kita ko kung paano tumitig si Ximena kay Annie noong una silang nagkaharap; yung subtle na sulyap na parang nagtatanong: “Ano ba talaga kayo?”Kaibigan ko si Annie, anak siya ng matalik na kaibigan ng aking ama. Bestfriends sila, at dahil doon, lumaki rin kaming halos magkasama. Ang sabi ng iba, imposible raw na maging bestfriend ang isang lalaki at babae nang walang halo ng ibang damdamin. Pero sa amin, maliwanag ang linya. Walang malisya. Para talaga kaming magkapatid. Ako, kuya ang role; siya naman, bunso na l

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 80

    Ximena“In short, naging maganda rin naman ang end result ng pakikipaghiwalay ni Azael sa babaeng ‘yon.”Nakahinga ako nang maluwag, para bang may natanggal na malaking bigat sa dibdib ko. At least, wala sa tatlo ang mukhang may chance na bumalik pa sa buhay niya. Unti-unti na akong nakaramdam ng peace of mind, pero bago ko pa man tuluyang mangyari ‘yon, biglang bumasag ng katahimikan si Annie.“Ang pang-apat…” humugot siya ng malalim na hininga, halatang nag-aalangan, “…it was tragic for Azael.”Biglang nawala ang sigla sa mukha niya. Yung mga mata niyang kanina lang ay kumikislap sa kwentuhan, ngayon ay puno ng lungkot. Kahit ako, nadala ng bigat ng emosyon niya.“A-Anong ibig mong sabihin?” halos bulong kong tanong habang marahang kumunot ang noo ko. Ramdam ko ang kakaibang kaba na unti-unting gumagapang sa akin.Umiwas ng tingin si Annie, parang hindi sigurado kung dapat ba niyang ituloy ang sinimulan. “Ayaw kong magkwento tungkol sa bagay na ‘yon. Sensitive issue siya… at kung sa

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 79

    XimenaDumating na ang order namin ni Annie, pumuno agad ng amoy ng creamy pasta at garlic bread ang mesa namin. Hinintay muna naming makalayo ang waiter bago namin piniling simulan ang pagkain. Habang kumukuha ako ng carbonara gamit ang tinidor, ramdam kong mas panatag na ako ngayon. Wala na talagang chance na may relasyon si Annie kay Azael. Lumuwag ang dibdib ko kahit papaano.“How about the third girlfriend?” tanong ko pagkatapos kong sumubo, medyo pa-casual ang tono pero hindi ko maitago ang kuryosidad ko. In fairness, steady lang ang titig ko sa kanya, parang detective na naghihintay ng susunod na clue.Napangisi si Annie bago uminom ng tubig. “Ah, ‘yung pangatlo? College days na niya ‘yon. Tapos hindi na siya chubby sa panahon na ‘yon kaya grabe, sandamakmak na babae ang nagkakandarapa sa kanya.” Medyo tumaas pa ang kilay niya na parang sinasabi, gets mo na, girl?Doon ako tuluyang napatango at napaniwala. Walang halong exaggeration ang dating ni Annie, at sino ba naman ang mag

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 78

    Ximena“Si Azael ay nagkaroon ng apat na girlfriend… panglima ka.”“Panglima talaga?!” halos mapasigaw ako sa sobrang gulat. Pakiramdam ko ay nanlaki ang mga mata ko. Wait lang… apat? Tapos ako yung susunod? Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. Akalain mo ‘yon, parang may record book siya ng mga ex!Natawa si Annie, halatang naaliw sa reaksyon ko. “Grabe, hindi mo ba alam? Seryoso ‘yung apat na nauna na ‘yon.”“Legit? As in seryoso talaga? Hindi fling-fling lang?” mabilis kong balik-tanong habang nanlilisik ang mata. Yes, gwapo, mayaman, maganda ang katawan, at higit sa lahat ay masarap siya, charot.. Sa mga katangian na 'yon ay hindi katakataka na magkaroon nga siya ng maraming girlfriend.“Yes,” nakangiti niyang sagot, parang proud pa siya. “Pero ang sabi ko naman sa’yo, hindi siya yung typical na playboy.”“Hindi playboy? Eh, hello? Gusto kong maniwala sa’yo, Annie, pero alam mo ba na tumatanggap siya ng mga babaeng regalo mula sa ibang businessmen?” taas-kilay kong tanong

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 77

    XimenaHindi talaga ako nagtagumpay sa pagtanggi. Ang kulit kasi ni Annie, tinawagan pa talaga si Azael at nagsumbong na ayaw kong bumili ng kahit ano. At syempre, knowing my boyfriend, hindi siya pumayag sa ganon. Ang linya niya pa: “Bumili ka ng kahit ano basta magustuhan mo.” Kaya wala na akong nagawa kundi pumili ng isang bag, kahit hindi ko naman talaga plano. Anyway, magagamit ko rin naman sa trabaho.Ngayon ay nasa isang restaurant kami ni Annie, naghihintay ng aming order habang nagkukwentuhan. Ang gaan niyang kasama, parang instant energy booster. Wala talagang dull moment, parang lagi siyang may baong punchline. Hindi na ako nagtataka kung bakit magkasundo sila ni Azael, siya ang tagapagpakalma o kaya naman ay breath of fresh air ng aking boyfriend kung pagod na ito sa trabaho.“Alam mo, seryoso talaga sa trabaho ‘ang lalaking 'yon,” sabi ni Annie habang nakasandal matapos ilapag ang baso ng tubig na ininuman niya. “Pagpasensyahan mo na kung may mga oras na feeling mo hindi

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 76

    Ximena“Tignan mo ‘to, Ximena…” Malakas ang pagkakahila ni Annie sa braso ko kaya napatingin ako sa direksyong tinuturo niya. Isang itim na bag ang naka-display sa istante, mamahalin ang dating, simple pero angat ang klase. Aaminin kong maganda iyon at eleganteng tingnan, tipong bagay isuot ng isang babae na parang laging nasa magazine spread.“Gusto mo ba ‘yan?” tanong niya, kumikislap ang mga mata na parang siya ang mas excited kaysa sa akin.“No.” Diretsahan at medyo malamig ang sagot ko. Kanina pa niya kasi ako kinukulit, tanong nang tanong kung may nagustuhan ba ako, pero paulit-ulit ko na rin siyang sinasabihan na wala. Wala akong balak gumastos, lalo na at hindi ko rin naman pera ang ipambabayad. Pera ni Azael ‘yon, at hindi ako komportable. Hindi ako sanay na may lalaking maglabas ng card para lang sa luho ko.“Kanina pa tayo nag-iikot pero wala ka pa rin nagugustuhan,” reklamo niya habang nakakunot ang noo.Napabuntong-hininga ako. “Bakit ako kasi ang tinatanong mo? Kung may n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status