MasukLumipas ang mga linggo matapos ang insidente sa ospital, mga linggong puno ng pag-iingat, paghilom, at unti-unting pagbabalik ng katahimikan sa buhay nina Elira.Hindi naging madali ang mga sumunod na araw, ngunit sa kabila ng lahat, tila pabor sa kanila ang panahon.Sa loob ng ospital, makikita ang malaking pagbabago kay Enrico.Kung dati ay hirap siyang gumalaw at halos hindi makabangon, ngayon ay nakaupo na siya nang mas matagal, nakakakain nang maayos, at kahit paano ay nagkakaroon na ng lakas ang kanyang katawan. Unti-unti na ring bumabalik ang kulay sa kanyang mukha.“Ayos ka na bang tumayo?” maingat na tanong ni Josephine habang nakaalalay sa kanya.Ngumiti si Enrico, bahagyang tumango. “Subukan natin.”Dahan-dahan siyang tumayo, at kahit may konting panghihina, nagawa niyang manatiling nakatayo.Hindi napigilan ni Josephine ang mapangiti. “Ang laki na ng improvement mo.”Napailing si Enrico, ngunit halata ang saya sa mga mata niya. “Siguro… ayaw pa talaga akong kunin.”Sa may
Maagang sumikat ang araw kinabukasan, ngunit tila mas maliwanag ang paligid para kina Elira at Gavin.Sa loob ng ospital, tahimik ngunit puno ng kakaibang saya ang silid ni Enrico. Nakaupo si Josephine sa tabi nito habang inaayos ang kumot, samantalang si Elira ay nakatayo sa gilid ng kama, hawak ang kamay ng ama. Nasa tabi niya si Gavin, hindi maalis ang ngiti sa mga labi.“Ma… Papa…” marahang panimula ni Elira, bahagyang kinakabahan ngunit halatang may dalang magandang balita. “May sasabihin kami.”Napatingin agad si Josephine, napansin ang kakaibang kinang sa mga mata ng anak. “Ano ‘yon?” tanong niya, may halong pag-aalala at curiosity.Nagkatinginan sina Elira at Gavin bago dahan-dahang inilabas ni Elira ang maliit na ultrasound photo mula sa kanyang bag.“Buntis ako,” diretsahan niyang sabi, ngunit may halong emosyon ang boses.Nanlaki ang mga mata ni Josephine. “A-ano?” napahawak siya sa dibdib niya, hindi makapaniwala. “Talaga?”Tumango si Elira, bahagyang ngumiti habang pinipi
Tahimik ang loob ng bahay nang gabing iyon.Pagkapasok nina Elira at Enrico, tila nanlalamig ang hangin sa paligid, parang may mabigat na bagay na nakabitin sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan. Ilang segundo ring walang nagsalita, lalo na nang makita ni Josephine ang lalaking matagal na niyang hindi nasilayan.Nakatayo siya sa may sala, hawak ang baso ng tubig, ngunit tila nakalimutan na niya itong inumin.“Enrico…” mahinang sambit niya, halos hindi makapaniwala.Napayuko si Enrico. Hindi niya kayang salubungin ang tingin ng dating asawa. “Josephine… pasensya na kung… kung bigla akong dumating.”Naramdaman ni Elira ang tensyon sa pagitan nilang dalawa kaya marahan siyang huminga bago nagsalita.“Ma… ako po ang nagdala sa kanya rito…” Huminto siya saka naglakad patungo sa ina niya. “Umupo po muna tayo sa sala,” dagdag niya. Bumaling siya kay Enrico para ayain din ito na umupo sa sala. Sumunod naman ang ama. “Ma, may kailangan kang malaman,” maingat na saad ni Elira.Naguguluhan man,
Dalawang buwan na ang lumipas, magaling na si Elira at bumalik narin siya sa trabaho. Pero hindi rin niya kinuha agad ang projects dahil advise ni Suzy na dahan-dahan muna. Ang kinuha niya ay mga photoshoots lang sa mga brands, at isang movie project. Sa loob ng tent niya, pumasok si Amelie, may dala siyang paboritong kape ni Elira, sa make-up artist at sa kanya. “Thank you, Amelie,” sabi ni Elira. “By the way, lumapit sa akin ang guard ng production pagkapasok ko rito. May naghahanap daw sa’yo, hindi niya muna pinapasok dahil kailangan niya muna ng confirmation saiyo. Hindi ko kilala ang tao,” paliwanag ni Amelie. Kumunot ang noo ni Elira. Wala naman siyang inasahan na bisita. “Ano raw ang pangalan?” tanong niya. Tumingin siya sa make-up artist para patigilin muna sa ginagawa nito sa pag-aayos sa kanya. “Magkape ka muna,” saad niya. “Okay, thank you, Miss Elira,” sagot ng make-up artist. Tumayo si Elira saka lumapit kay Amelie. “Enrico raw,” sagot ni Amelie. Napatigil si Elir
Kinabukasan, doon palang dumating ang mga abogado nina Lorelyn at ng magulang niya sa presinto. Isa-isa silang kinausap kasama ang tig-iisang officer sa isang room. “Do something, Attorney. Hindi ako pwedeng makulong.” giit na sabi ni Lorelyn. Sa totoo lang, nahihirapan ang abogado niya na ipanalo ang kaso dahil alam niya mas makapangyarihan ang kabila. “Wala naman silang pruweba, hindi ba?” galit na tanong ni Lorelyn.“Meron, Miss Lorelyn. Iyong dalawang taong inutusan mo na dukutin si Mr. Cordova, umamin.”“So, si Gavin ang nagsabi na dinukot ko siya?” Mas lalong lumala ang galit niya.“No, he just told the police that you kidnapped Miss Elira Santillan. Pero nawala na iyong lalaking dumukot sa kanya, ginamit ni Mr. Cordova ang mga lalaking sinabi niyang kumuha sa kanya,” paliwanag ng abogado. Napahawak si Lorelyn sa ulo niya, halos pukpokin niya iyon. ‘Napaka-tanga ko. I trusted him! Kahit alam kong gagawin niya rin ito.’ Hindi niya maiwasang isipan ang pagkahindi ni Gavin sa
Napuno ng mga bulungan ang buong simbahan, kahit ang pari sa harap ay naguguluhan sa nangyayari. Kaagad na tumayo ang magulang ni Lorelyn, lumapit sa mga police. “Sir, mali yata kayo ng pinasukan. This is a big event,” seryosong sabi ng ama ni Lorelyn. “This is my daughter’s wedding. Ang bastos niyo yata na biglaan nalang kayong pumasok.”Hindi nagpatinag ang pulis na nasa unahan. Maingat niyang inilabas ang dokumentong hawak at inilahad iyon sa harap ng ama ni Lorelyn, sapat para mabasa nito ang nakasulat.“Sir, may dala kaming warrant of arrest,” mahinahon ngunit matigas ang boses niya. “Para po ito kay Miss Lorelyn Dela Paz, kaugnay sa kasong kidnapping.”Parang biglang bumigat ang hangin sa loob ng simbahan. Lalong lumakas ang bulungan ng mga bisita, may ilan pang napatayo mula sa upuan para mas makita ang nangyayari sa harap.Nanigas ang ama ni Lorelyn, hindi agad nakapagsalita. “Kidnapping? That’s ridiculous,” mariin niyang sagot, pilit pinananatiling kalmado ang tono. “Sigurad
Napakurap-kurap si Gavin, nakaawang ang kanyang bibig hanggang sa sumilay ang matamis na ngiti sa labi niya.“Really?” tanong nito, mababa ngunit may halong tuwa sa tinig.Mabilis namang umiwas ng tingin si Elira, ramdam ang init sa pisngi niya. Nahihiya siya sa nagawa, at ni hindi niya alam kung b
Hindi pa rin maitindihan ni Elira ang lahat. Una, gumamit si Gavin ng isang tao para lang madala siya sa loob ng hotel room kung nasaan sila ngayon, pangalawa, marami pa itong sinasabi at panghuli ay gusto lang naman pala siyang isama sa isang party. Umiling-iling siya, malalim ang iniisip. Napans
“Bilisan n’yo, huwag kayong tatamad-tamad.’Sa shooting set, malakas ang boses ni Jonas, ang direktor ng pelikula. Ang kanyang boses ay umaalingawngaw sa loob ng malaking studio habang nakatingin siya sa ilang artista at production staff na abala sa paghahanda.Si Jonas ay nasa mid-forties na, hala
Napatigil si Elira, ganoon din si Josephine na nasa likod niya. Gulat at nagtataka. “Personal Assistant? Para saan, anak?” Tumingin siya kay Elira na hindi rin alam kung ano ang isasagot dahil iyon din ang katanungan niya. “Ah…baka nagkamali lang po siya, Ma. Kausapin ko lang po,” sabi niya at tu







