Share

34

Author: Anoushka
last update Last Updated: 2025-10-03 20:40:43

Ilang segundo lang ang lumipas, at kumalat na ang bulungan. Hindi lingid sa lahat ang pagbabago sa ayos ni Elira, mula sa may mantsang gown na ikinahihiya kanina, ngayo’y isa siyang tanawing hindi matatawaran, nakasuot ng navy-blue gown na kumikislap sa bawat hakbang. At higit sa lahat, hindi siya nag-iisa. Nasa tabi niya si Gavin, matatag, walang tinatago, at tila ba ipinapakita sa lahat: she’s with me.

“Are you ready?” mahinang bulong ni Gavin habang inaakay siya papasok muli sa gitna ng mga bisita.

Huminga nang malalim si Elira, at tumango. “I’ll try.”

Mula sa sandaling iyon, hindi na siya iniwan ng lalaki. Bawat grupo na nilapitan nila, mga direktor, producers, executives, at maging ilang matataas na tao sa ibang industriya ay ipinakilala siya ni Gavin. Hindi simpleng pagpapakilala lamang, kundi may bigat, may intensyon.

“This is Elira. She has a promising future,” ani Gavin sa isang kilalang direktor, ang kanyang tinig may halong awtoridad na walang puwedeng kontrahin. “I believe
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Ninong’s Secret Desire   39

    Matapos ang araw na iyon, muling iniwasan ni Elira si Gavin. Wala siyang mensaheng sinagot, wala ring tawag na tinanggap. At sa mga sumunod na araw, hindi na rin siya muling pinadalhan ng kahit anong mensahe o dinalaw ni Gavin sa set. Noong una ay nagtaka siya, lalo na’t sanay siyang kahit papaano ay nagbibigay ito ng update o simpleng “good luck” bago siya mag-shoot. Pero habang tumatagal, natutunan niyang tanggapin na marahil iyon ang tamang nangyayari, na siguro, pareho nilang piniling manahimik upang hindi na muling masundan ang pagkakamaling ayaw na nilang alalahanin.Subalit kahit anong pilit niyang itanggi, sa tuwing naririnig niya ang pangalan ni Gavin sa bibig ng mga staff o sa usapan ng mga reporter, may kung anong kirot na bumabalik sa dibdib niya. Parang alaala ng apoy na pilit niyang tinatapakan pero hindi tuluyang namamatay.****Mainit ang araw nang dumating si Elira sa set ng shooting. Nasa kalagitnaan siya ng paggawa ng isang teleserye na pinagbibidahan niya. Kahit pa

  • My Ninong’s Secret Desire   38

    Sa labas ng pinto ng penthouse, nakasandal si Elira, halos hindi makagalaw. Ramdam niya ang mabilis at magulong tibok ng dibdib niya, parang gusto nitong kumawala, parang may gustong isigaw pero walang lakas ang kanyang tinig.Mainit pa ang kanyang mga pisngi, at ang labi niyang bahagyang nanginginig ay tila may bigat ng lahat ng hindi dapat nangyari.“Diyos ko…” mahina niyang bulong, hawak ang dibdib. “Anong ginawa ko?”Bumalik sa isip niya ang eksena, ang mga mata ni Gavin, ang bigat ng tingin, ang katahimikan bago ang halik, at ang init ng labi nito sa kanya. Hindi iyon dapat mangyari. Hindi iyon kailanman dapat mangyari.“Bakit ko siya hinayaang lumapit?” mariin niyang sabi sa sarili. “Bakit hindi ako umatras?”Bumagsak ang kanyang balikat, at tumingin siya sa kisame ng hallway ng gusali, pilit na pinipigilan ang mga luhang gustong tumulo. Sa isip niya, paulit-ulit na gumuguhit ang mga salitang ayaw niyang marinig. “Ninong mo siya, Elira. Ninong mo. Boss mo. Kaibigan ng mga magula

  • My Ninong’s Secret Desire   37

    Simula noong mall show, tila may malaking pagbabagong naganap sa pagitan nina Gavin at Elira. Hindi na tulad ng dati na madalang lang itong magpakita sa mga set, ngayon ay parang anino na niya ang presensiya nito. Tahimik, ngunit laging naroon—sa bawat shooting, sa bawat interview, o kahit sa simpleng rehearsal.Ang mga tauhan ng production ay nagsimula nang mapansin ang kakaibang pag-aalala ni Gavin. Kahit ang PA ni Elira na si Amelie ay hindi na rin maitago ang pagtataka.“Sir Gavin, okay naman po si Elira. Kakauwi lang niya. Nag-text din siya sa akin na magpapahinga,” ulat ni Amelie isang gabi.Ngumiti si Gavin, ngunit halata ang pagod sa mga mata. “Good. Make sure she eats dinner, ha? Sabihin mo kay Mang Jose, huwag na siyang paabutin ng dis-oras sa set bukas. I’ll handle it.”Tumango si Amelie, bagaman naguguluhan. Bakit ganito ka-protective si Sir? tanong niya sa isip, ngunit hindi na siya nagtanong pa.Maging ang driver ni Elira, si Mang Jose, ay madalas tanungin ni Gavin sa tu

  • My Ninong’s Secret Desire   36

    Natapos ang tensyonadong sandali sa set nang magsimula silang mag-usap sa isang sulok, malayo sa mga matang nakamasid. Nanginginig ang kamay ni Elira.“Sir…” halos hindi marinig ang boses niya, pinipilit gawing normal kahit kumakabog ang dibdib. “Ayokong magkaroon ng maling iniisip ang ibang tao tungkol sa atin. Hindi lang ako ang maaaring madamay… ikaw rin. Ikaw ang tumulong sa akin mula simula, ikaw ang nagbukas ng pinto. Ayokong biglang masira ang lahat dahil lang sa maling tingin ng iba.”Parang may humila sa puso ni Gavin sa narinig. Hindi siya agad nakapagsalita. Sa halip, pinagmasdan niya ang mukha ng dalaga, yong pag-aalangan sa mga mata, yong pilit na lakas ng loob na tinatabunan ng takot. Malamig ang hangin sa paligid, pero ramdam niya ang init ng bawat salitang binitawan nito.“I understand,” maikli ngunit mabigat na tugon niya, halos may pag-atras na rin sa damdaming pilit niyang itinatago. “Hindi ko na ipipilit ngayon. Pero sana…” Napahinto siya, saka lumunok. “Sana huwag

  • My Ninong’s Secret Desire   35

    Makalipas ang gabing iyon sa penthouse, umuwi si Elira kasama si Gavin. Tahimik ang biyahe, at tanging ugong ng makina ang naririnig. Hindi nagtanong si Gavin, hindi rin nagbukas ng usapan si Elira. Sa totoo lang, ramdam niya ang awkwardness na bumabalot sa kanila, hindi na ito ang karaniwang samahan ng isang boss at alaga, o ng isang ninong at inaanak. May nangyari kagabi, kahit walang halikan ang tuluyang naganap, sapat na ang lapit ng kanilang mga labi para mag-iba ang tibok ng kanyang puso.Pagdating nila sa bahay, agad bumaba si Elira at nagpaalam. Hindi na niya hinintay pang bumaba si Gavin upang batiin ang kanyang ina, si Josephine, na matalik ding kaibigan nito. Sa isang iglap, pakiramdam ni Elira ay kailangan niyang magtago, takot na baka mapansin ng ina ang kakaibang titig at kilos na hindi dapat makita ng sinuman.“Salamat po, Ninong… I mean, Sir Gavin,” halos bulong niyang sabi, saka nagmamadaling tumalikod.Nagtagal ang mga mata ni Gavin sa kanya, para bang may gustong it

  • My Ninong’s Secret Desire   34

    Ilang segundo lang ang lumipas, at kumalat na ang bulungan. Hindi lingid sa lahat ang pagbabago sa ayos ni Elira, mula sa may mantsang gown na ikinahihiya kanina, ngayo’y isa siyang tanawing hindi matatawaran, nakasuot ng navy-blue gown na kumikislap sa bawat hakbang. At higit sa lahat, hindi siya nag-iisa. Nasa tabi niya si Gavin, matatag, walang tinatago, at tila ba ipinapakita sa lahat: she’s with me.“Are you ready?” mahinang bulong ni Gavin habang inaakay siya papasok muli sa gitna ng mga bisita.Huminga nang malalim si Elira, at tumango. “I’ll try.”Mula sa sandaling iyon, hindi na siya iniwan ng lalaki. Bawat grupo na nilapitan nila, mga direktor, producers, executives, at maging ilang matataas na tao sa ibang industriya ay ipinakilala siya ni Gavin. Hindi simpleng pagpapakilala lamang, kundi may bigat, may intensyon.“This is Elira. She has a promising future,” ani Gavin sa isang kilalang direktor, ang kanyang tinig may halong awtoridad na walang puwedeng kontrahin. “I believe

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status