Share

CHAPTER 5: Storm Ahead

Author: Elen Malaya
last update publish date: 2026-11-06 14:12:06

Selene’s POV

Maaga pa lang nang pumasok ako sa lobby ng isang glass building sa Bonifacio Global City.

Walang nakakapansin sa kanya. Naka-simpleng puting blusa, itim na slacks, at buhok na nakatali. Ordinaryong babae sa karamihan. Pero pagdating niya sa elevator, tinapat niya ang isang itim na card sa sensor, at awtomatikong umilaw ang butones ng ika-58 palapag.

Private floor. Para lamang sa iisang tao.

Huminga siya nang malalim habang umaakyat ang elevator.

Kaninang umaga, nakuha na niya ang kopya ng pinirmahang petisyon mula sa abogado niya, si Atty. Reyes. Nakita niya ang pirma ni Dante sa bawat pahina: malaki, magaspang, mayabang. Iyon ang pirma ng lalaking sigurado siyang hindi aalis ang asawa niya.

Tumawa siya nang tahimik.

“Sigurado kang ruse lang ’to, Dante?” bulong niya sa sarili. “Ayos. This is the most beautiful gift that you’ve ever given me.”

Bumukas ang p***o ng elevator.

Isang malawak na opisina, puting dingding, malalaking bintana, at sa gitna ng bulwagan, isang glass wall na may nakasulat sa makinang na letra:

AMIHAN. Ang hangin ng pagbabago.

Ang Amihan ay hindi lang e-commerce platform. Sa loob ng apat na taon, naging pinakamalaking online marketplace ito sa Pilipinas: tatlumpung milyong users, limang daang libong sellers, mga delivery hub sa bawat probinsya, at isang fintech arm na nagbibigay ng pautang sa maliliit na negosyante.

At walang nakaaalam na ang utak sa likod nito ay isang tahimik na babae na tinawag lang na “bunso” ng mga Montenegro.

Sa publiko, tinatawag na Ms. A ang CEO ng Amihan, isang pseudonym, isang anino. Walang litrato. Walang panayam. Nagsasalita lang sa pamamagitan ng mga press release at ng mga numero.

Noong magpakasal si Selene kay Dante, nagpahinga siya sa kumpanya. Isang “hiatus,” sabi niya sa board, dahil gusto niyang subukang maging isang mabuting asawa. Iniwan niya ang operations sa management committee, at paminsan-minsan, sa gabi, kapag tulog na ang bahay, nagbabasa siya ng reports sa laptop niya sa ilalim ng kumot.

Hindi niya sinabi kay Dante. Hindi niya sinabi kahit kanino sa mga Montenegro.

Bakit?

Dahil gusto niyang mahalin siya ni Dante bilang Selene, hindi bilang CEO. Not because of anything else.

Naalala niya ang sarili niya noong labing-isang buwan matapos ang kasal. Nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang bagong kontrata ng Amihan Pay na kailangang pirmahan, at umiiyak dahil hindi umuwi ang asawa niya.

Naisip niya noon: Anong silbi ng lahat ng ito kung hindi ako kayang mahalin ng isang tao?

Iyon ang huling gabi na umasa siya.

“Ma’am Selene!”

Tumingala siya.

Nakatayo sa pintuan ng conference room ang limang taong halos hindi na kilala ng mga kapitbahay nila: si Jonas Isidro, ang trusted Chief Operating Officer at co-founder ni Selene; si Mika Ynares, ang Chief Marketing Officer na tila may magic sa kanyang kamay; si Greta Jose, ang pinakametikulosong Chief Financial Officer na dating bangkero ng isang international bank; si Atty. Kiko Reyes, ang kanyang personal lawyer na naging corporate lawyer ng Amihan; at si Bong Lazaro, ang Chief Technology Officer na ex-hacker.

Pumasok sila sa conference room.

“Welcome back, Ms. Amihan,” sabi ni Tita Greta, namumula ang mata. “Matagal ka naming hinintay.”

Napangiti na lang ako, the first genuine smile I had in years.

“Salamat. Pasensya na kayo, napatagal ang hiatus ko.”

Nakaupo ako sa dulo ng mahabang mesa, sa upuang hindi ko inupuan sa loob ng dalawang taon pero nanatiling walang bakas ng alikabok.

“Bago tayo magsimula,” I told them, “gusto kong ipaalam sa inyo ang isang bagay. Finalized na ang divorce namin ni Dante Montenegro.”

Tumahimik ang lahat.

“Ma’am...” si Mika, maingat. “Okay lang po ba kayo?”

“Hindi pa. Pero magiging okay ako.”

I placed a folder on the table.

“Dalawang taon kong tiniis ang asawang hindi ako nakikita. Dalawang taon kong pinunasan ang mga kalat niya. Hindi ko na gagawin iyon. Pero hindi rin ako aalis nang tahimik.”

Binuksan ni Atty. Reyes ang folder at inilapag ang mga dokumento sa harap ng lahat.

“Montenegro Hospitality Group,” basa ni Jonas. “MGH. Hotels, resorts, restaurants...”

“At sa likod ng lahat ng iyon,” dugtong ko, “ang supply chain.”

Nagkatinginan sila.

“Alam ninyo ba kung sino ang supplier ng fresh produce, packaging, at logistics ng buong Montenegro Hospitality sa loob ng tatlong taon?”

Sumagot si Tita Greta nang dahan-dahan. “Amihan Fresh.”

“Eksakto.” I tapped the table. “Tatlumpu’t walong porsyento ng operating supply nila ay dumadaan sa atin. At hindi nila alam na ang platform na pinagkakatiwalaan nila ay pag-aari ng asawang pinagtawanan nila.”

Napaupo nang maayos si Mika, kumikislap ang mata. “Ano ang gagawin natin, Ma’am?”

Hindi ako agad sumagot.

Pumikit ako, at sa isip niya, bumalik ang eksena sa driveway: si Dante, namumutla, nanginginig ang boses, Hindi kita pakakawalan, Selene.

Hindi.

Hindi siya papayag na muling mabihag.

“Karamihan sa kontrata nila ay may renewal clause sa katapusan ng quarter,” mahinahon kong paliwanag. “Huwag nating putulin. Hindi tayo bastos. Pero itaas natin ang rates ng logistics nang labinlimang porsyento, ayon sa market adjustment na legal at nakasulat sa kontrata. No harm, no foul.”

Napangiti si Tita Greta. “At kung tumanggi sila?”

“May iba pang supplier, hindi ba? Kaso... ’yung mga alternatibo,” lumingon ako kay Jonas, “dumadaan din sa warehouse natin.”

“Ma’am,” nabigla si Jonas. “Isa kang demonyo.”

“Hindi,” I answered him, “businesswoman lang ako. Siya ang nagturo sa akin na ang negosyo ay negosyo.”

Tumawa nang mahina ang mga tao sa mesa.

“Next,” I produced another folder, “ang pangalawa kong target.”

Isang larawan ang lumabas sa screen: isang babaeng nakangiti, pulang-pula ang labi, nakahawak sa isang bote ng pabango.

“Vanessa Lorenzo-Ayala,” basa ni Mika. “Founder ng Vanessa Luxe, ang beauty and lifestyle brand na... Ma’am, isa po siya sa top sellers natin sa Amihan Mall.”

“Tama.” I nodded. “Ang brand niyang ibinebenta sa platform ko. Ang brand na gumagamit ng warehouse ko, ng payment system ko, ng data ko.” I paused. “At ang babaeng nagbibigay ng litrato ko sa mga paparazzi.”

Nagkatinginan ang lahat.

“Nalaman ko kay Rico,” paliwanag ko sa kanila. “Si Vanessa mismo ang nagbayad sa photographer na kumuha ng larawan ko sa labas ng Onyx. Gusto niyang gamitin ito laban sa akin. Para ipakitang may lalaki ako. Para magmukhang ako ang may kasalanan.”

“Gusto kong i-audit ang lahat ng seller accounts niya. Policy violations, counterfeit complaints, tax compliance. Kung may mali, gamitin ang proseso. Kung wala, huwag mag-imbento.” I paused again. “Pero alam kong may mali. Hindi nagtatagumpay ang negosyong ganyan nang walang tinatagong pandaraya.”

“Ma’am,” mahinang tanong ni Tita Greta, “gusto ba ninyong gawin ito dahil... dahil sa nangyari?”

Tumingin ako sa kanya.

Sandaling bumigat ang dibdib ko.

“Hindi,” buong loob na sagot ko. “Gagawin ko ito dahil sa dalawang taon, ako ang itinuring nilang mahina. Ako ang ginawa nilang pambura ng kasalanan. Ngayon, gusto kong malaman nila kung sino ang nilaro nila.”

Natahimik ang kuwarto.

Nang tumango si Tita Greta, tumayo ang lahat.

“Amihan,” I told them, “has returned.”

Pagkatapos ng meeting, naiwan akong mag-isa sa opisina. Tinitigan ko ang skyline ng Maynila mula sa ika-58 palapag, at sa unang pagkakataon, naramdaman ko ang paggaan ng puso ko.

Tumunog ang cellphone ko. Si Rico.

“Ma’am Selene,” bulong ng boses sa kabilang linya, “naipadala ko na po ang kopya ng petisyon pabalik. At... may sasabihin po ako.”

“Sabihin mo.”

“Si Sir Dante po... hinahanap pa rin niya ang babae sa Room 8. At kanina, nakita ko siyang nakaupo sa guest room ninyo na may hawak na singsing.”

Huminto ako sa paghinga.

“At si Ms. Kim,” patuloy ni Rico, “ay nagbura ng CCTV ayon sa utos ninyo. Pero may backup po sa server ng Onyx na hindi pa naaalis. May kopya po si Sir Dante ng access request. Baka po sa loob ng isang linggo... makita niya ang footage.”

Napahawak ako sa gilid ng mesa.

Hindi pa tapos ang lahat.

Pumikit siya at huminga nang malalim, pilit na pinapatatag ang sarili.

“Rico,” mahina kong sabi, “huwag mo siyang hayaang makuha ang footage. Gawin mo ang lahat.”

“Pero Ma’am, kung malaman niya...”

“Hindi niya malalaman,” I cut him off. “Hindi pa ngayon.”

Binaba ko ang telepono and pressed my intercom. “Hi Bong, I have a personal favor. Please come to my office.”

Sa kamay ko, nanatili ang cellphone na nag-iilaw. Sa lock screen, ang litrato ng isang batang babae na may braces at maluwag na damit. Nakangiti. Mahal na mahal ang isang lalaking hindi lumingon.

“Paalam, bunso,” I whispered to my younger self.

Ipinatong ko ang cellphone sa mesa. Nakataob.

Sa labas ng bintana, humihip ang malakas na hangin. Ang amihan. Ang hangin na dumarating sa dulo ng taon at nagpapalamig sa init ng bayan.

At hindi alam ng lalaking minsan niyang minahal na may bagyong paparating sa buhay niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My One-Night Stand Was My Husband   CHAPTER 5: Storm Ahead

    Selene’s POVMaaga pa lang nang pumasok ako sa lobby ng isang glass building sa Bonifacio Global City.Walang nakakapansin sa kanya. Naka-simpleng puting blusa, itim na slacks, at buhok na nakatali. Ordinaryong babae sa karamihan. Pero pagdating niya sa elevator, tinapat niya ang isang itim na card sa sensor, at awtomatikong umilaw ang butones ng ika-58 palapag.Private floor. Para lamang sa iisang tao.Huminga siya nang malalim habang umaakyat ang elevator.Kaninang umaga, nakuha na niya ang kopya ng pinirmahang petisyon mula sa abogado niya, si Atty. Reyes. Nakita niya ang pirma ni Dante sa bawat pahina: malaki, magaspang, mayabang. Iyon ang pirma ng lalaking sigurado siyang hindi aalis ang asawa niya.Tumawa siya nang tahimik.“Sigurado kang ruse lang ’to, Dante?” bulong niya sa sarili. “Ayos. This is the most beautiful gift that you’ve ever given me.”Bumukas ang pinto ng elevator.Isang malawak na opisina, puting dingding, malalaking bintana, at sa gitna ng bulwagan, isang glass

  • My One-Night Stand Was My Husband   CHAPTER 4: The Signature

    Dante’s POVDumating ang mga papeles sa umaga ng ikaapat na araw mula nung umalis si Selene sa mansion.Akala ko, isa lang itong ordinaryong courier. Pero nang makita ko ang logo ng law firm sa sobre, na may nakaukit na Reyes, Sarmiento & Associates, at ang pangalan sa itaas, Alcantara-Montenegro, Selene, huminto ang kamay ko sa ere.“Sir,” mahinang sabi ni Rico, “mula po kay Ma’am Selene.”Hindi ako sumagot. Dahan-dahan kong binuksan ang sobre.PETITION FOR DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE.Nakasulat sa itaas, malalaking letra.Tumawa ako.Hindi ko alam kung bakit ako tumawa. Siguro dahil hindi ako makapaniwala. Siguro dahil mas madaling tumawa kaysa sa iba pang gusto kong gawin.“Sir...”“Joke ba ’to?” tanong ko kay Rico. “Pinagloloko ba ako ng asawa ko?”“Hindi po, Sir.” Mababa ang boses niya. “Seryoso po si Ma’am.”Nagbasa ako. Bawat pahina, bawat talata. Lahat ng dahilan ay nakalista nang maayos: psychological incapacity, repeated infidelity, abandonment of marital obligations.

  • My One-Night Stand Was My Husband   CHAPTER 3: Unforgettable night

    Dante’s POVTatlong gabi na akong hindi nakakatulog nang maayos.Nakaupo ako ngayon sa opisina ko sa ika-40 palapag ng Montenegro Tower, nakatingin sa Maynila na kumikinang sa ilalim, pero wala akong nakikita. Ang laman ng isip ko ay dalawang bagay lang: ang babaeng nasa Room 8, at ang mukha ni Selene noong gabing iyon.Parehong hindi ko maalis.The first one, hindi ko maintindihan. Hindi na bago sa akin ang mga babae. Marami na akong nakasama, at lahat sila, nakakalimutan ko na pagkatapos ng ilang oras. Walang pangalan, walang mukha. And that’s the point: hindi ako natatandaan, at hindi ko sila natatandaan.Pero ang babaeng iyon...Madilim ang kuwarto, ni hindi ko nakita ang mukha niya. Pero natatandaan ko ang amoy niya, jasmine na may halong kaunting alak. Natatandaan ko ang paraan ng paghinga niya sa tainga ko. Ang nanginginig niyang kamay sa balikat ko, na parang unang beses niyang gawin iyon. At nang tawagin niya akong “asawa niya,” na parang biro...Hindi ko alam kung bakit nani

  • My One-Night Stand Was My Husband   CHAPTER 2: Mystery Woman

    Selene’s POV Pagdating ko sa bahay, dere-derecho ako sa banyo at binuksan ang shower. The coldest it could possibly get.Tanga. Tanga. Tanga.Sa pitong bilyong tao sa mundo, kay Dante mo pa talaga binigay ang virginity ko? Sa asawang dalawang taon nang hindi ako hinahawakan kahit sa kamay? Sa lalaking mas inuuna pa ang mga babaeng walang pangalan kaysa sa akin?Napasandal na lang ako sa malamig na tile. Gusto kong matawa. Gusto kong umiyak. Gusto kong burahin ang buong gabing iyon sa alaala, pero ang masama, hindi iyong posible. Naaalala ng katawan ko ang bawat haplos.Naiwan sa isip ko ang boses ni Dante, mababa at mainit. Para kang asawa ko.Hindi nito alam na ako ‘yon. Kung alam lang nito...“Wala na ’yon,” my tears threatening to fall. “Isang pagkakamali. Wala ka nang pakialam, remember?”Pero kumikirot ang dibdib ko, at pinipilit ko itong hindi pansinin.Hapon na nang bumaba ako para maghanda sa para sa dinner kasama ang pamilya ni Dante. Linggo ngayon, at tuwing Linggo ay dapat

  • My One-Night Stand Was My Husband   CHAPTER 1: Red Dress, Wrong Room

    Selene’s POVSa ikasiyam na pagkakataon ngayong taon, nag-viral na naman ang asawa ko.Halos manikip ang dibdib ko habang nakaupo dito sa kama sa loob ng master’s bedroom namin, hawak-hawak ang cellphone, habang naka-loop ang video. Madilim ang kuha, pero hindi ako pwedeng magkamali. Kabisadong-kabisado ko ang mukha ni Dante Javier Montenegro – ang asawa ko -- nakahiga ito sa gitna ng kama ng isang five-star hotel, nakangisi, at may dalawang babaeng nakayakap sa kanya. Sa caption: “CEO ng Montenegro Hospitality, huli sa akto!”May isang milyong views na.Mahinahon kong pinindot ang numero ni Rico, ang assistant ni Dante.“Ma’am Selene,” sagot ni Rico, halatang kanina pa naghihintay ng tawag niya. “Nakita ko na po. Sinimulan ko nang i-report sa platforms, pero...”“Pero?”“Ma’am, this is the ninth time na po ito ngayong taon. Hindi na po tayo makakasabay. Nasa Twitter na, nasa TikTok na, may nag-screen record pa.”Tumingin na lang ako sa kisame at bumuntong hininga. Napakaganda ng chan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status