Chapter: CHAPTER 5: Storm AheadSelene’s POVMaaga pa lang nang pumasok ako sa lobby ng isang glass building sa Bonifacio Global City.Walang nakakapansin sa kanya. Naka-simpleng puting blusa, itim na slacks, at buhok na nakatali. Ordinaryong babae sa karamihan. Pero pagdating niya sa elevator, tinapat niya ang isang itim na card sa sensor, at awtomatikong umilaw ang butones ng ika-58 palapag.Private floor. Para lamang sa iisang tao.Huminga siya nang malalim habang umaakyat ang elevator.Kaninang umaga, nakuha na niya ang kopya ng pinirmahang petisyon mula sa abogado niya, si Atty. Reyes. Nakita niya ang pirma ni Dante sa bawat pahina: malaki, magaspang, mayabang. Iyon ang pirma ng lalaking sigurado siyang hindi aalis ang asawa niya.Tumawa siya nang tahimik.“Sigurado kang ruse lang ’to, Dante?” bulong niya sa sarili. “Ayos. This is the most beautiful gift that you’ve ever given me.”Bumukas ang pinto ng elevator.Isang malawak na opisina, puting dingding, malalaking bintana, at sa gitna ng bulwagan, isang glass
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-11-06
Chapter: CHAPTER 4: The SignatureDante’s POVDumating ang mga papeles sa umaga ng ikaapat na araw mula nung umalis si Selene sa mansion.Akala ko, isa lang itong ordinaryong courier. Pero nang makita ko ang logo ng law firm sa sobre, na may nakaukit na Reyes, Sarmiento & Associates, at ang pangalan sa itaas, Alcantara-Montenegro, Selene, huminto ang kamay ko sa ere.“Sir,” mahinang sabi ni Rico, “mula po kay Ma’am Selene.”Hindi ako sumagot. Dahan-dahan kong binuksan ang sobre.PETITION FOR DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE.Nakasulat sa itaas, malalaking letra.Tumawa ako.Hindi ko alam kung bakit ako tumawa. Siguro dahil hindi ako makapaniwala. Siguro dahil mas madaling tumawa kaysa sa iba pang gusto kong gawin.“Sir...”“Joke ba ’to?” tanong ko kay Rico. “Pinagloloko ba ako ng asawa ko?”“Hindi po, Sir.” Mababa ang boses niya. “Seryoso po si Ma’am.”Nagbasa ako. Bawat pahina, bawat talata. Lahat ng dahilan ay nakalista nang maayos: psychological incapacity, repeated infidelity, abandonment of marital obligations.
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-11-06
Chapter: CHAPTER 3: Unforgettable nightDante’s POVTatlong gabi na akong hindi nakakatulog nang maayos.Nakaupo ako ngayon sa opisina ko sa ika-40 palapag ng Montenegro Tower, nakatingin sa Maynila na kumikinang sa ilalim, pero wala akong nakikita. Ang laman ng isip ko ay dalawang bagay lang: ang babaeng nasa Room 8, at ang mukha ni Selene noong gabing iyon.Parehong hindi ko maalis.The first one, hindi ko maintindihan. Hindi na bago sa akin ang mga babae. Marami na akong nakasama, at lahat sila, nakakalimutan ko na pagkatapos ng ilang oras. Walang pangalan, walang mukha. And that’s the point: hindi ako natatandaan, at hindi ko sila natatandaan.Pero ang babaeng iyon...Madilim ang kuwarto, ni hindi ko nakita ang mukha niya. Pero natatandaan ko ang amoy niya, jasmine na may halong kaunting alak. Natatandaan ko ang paraan ng paghinga niya sa tainga ko. Ang nanginginig niyang kamay sa balikat ko, na parang unang beses niyang gawin iyon. At nang tawagin niya akong “asawa niya,” na parang biro...Hindi ko alam kung bakit nani
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-11-06
Chapter: CHAPTER 2: Mystery WomanSelene’s POV Pagdating ko sa bahay, dere-derecho ako sa banyo at binuksan ang shower. The coldest it could possibly get.Tanga. Tanga. Tanga.Sa pitong bilyong tao sa mundo, kay Dante mo pa talaga binigay ang virginity ko? Sa asawang dalawang taon nang hindi ako hinahawakan kahit sa kamay? Sa lalaking mas inuuna pa ang mga babaeng walang pangalan kaysa sa akin?Napasandal na lang ako sa malamig na tile. Gusto kong matawa. Gusto kong umiyak. Gusto kong burahin ang buong gabing iyon sa alaala, pero ang masama, hindi iyong posible. Naaalala ng katawan ko ang bawat haplos.Naiwan sa isip ko ang boses ni Dante, mababa at mainit. Para kang asawa ko.Hindi nito alam na ako ‘yon. Kung alam lang nito...“Wala na ’yon,” my tears threatening to fall. “Isang pagkakamali. Wala ka nang pakialam, remember?”Pero kumikirot ang dibdib ko, at pinipilit ko itong hindi pansinin.Hapon na nang bumaba ako para maghanda sa para sa dinner kasama ang pamilya ni Dante. Linggo ngayon, at tuwing Linggo ay dapat
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-11-06
Chapter: CHAPTER 1: Red Dress, Wrong RoomSelene’s POVSa ikasiyam na pagkakataon ngayong taon, nag-viral na naman ang asawa ko.Halos manikip ang dibdib ko habang nakaupo dito sa kama sa loob ng master’s bedroom namin, hawak-hawak ang cellphone, habang naka-loop ang video. Madilim ang kuha, pero hindi ako pwedeng magkamali. Kabisadong-kabisado ko ang mukha ni Dante Javier Montenegro – ang asawa ko -- nakahiga ito sa gitna ng kama ng isang five-star hotel, nakangisi, at may dalawang babaeng nakayakap sa kanya. Sa caption: “CEO ng Montenegro Hospitality, huli sa akto!”May isang milyong views na.Mahinahon kong pinindot ang numero ni Rico, ang assistant ni Dante.“Ma’am Selene,” sagot ni Rico, halatang kanina pa naghihintay ng tawag niya. “Nakita ko na po. Sinimulan ko nang i-report sa platforms, pero...”“Pero?”“Ma’am, this is the ninth time na po ito ngayong taon. Hindi na po tayo makakasabay. Nasa Twitter na, nasa TikTok na, may nag-screen record pa.”Tumingin na lang ako sa kisame at bumuntong hininga. Napakaganda ng chan
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-11-06