로그인Dante’s POV
Dumating ang mga papeles sa umaga ng ikaapat na araw mula nung umalis si Selene sa mansion.
Akala ko, isa lang itong ordinaryong courier. Pero nang makita ko ang logo ng law firm sa sobre, na may nakaukit na Reyes, Sarmiento & Associates, at ang pangalan sa itaas, Alcantara-Montenegro, Selene, huminto ang kamay ko sa ere.
“Sir,” mahinang sabi ni Rico, “mula po kay Ma’am Selene.”
Hindi ako sumagot. Dahan-dahan kong binuksan ang sobre.
PETITION FOR DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE.
Nakasulat sa itaas, malalaking letra.
Tumawa ako.
Hindi ko alam kung bakit ako tumawa. Siguro dahil hindi ako makapaniwala. Siguro dahil mas madaling tumawa kaysa sa iba pang gusto kong gawin.
“Sir...”
“Joke ba ’to?” tanong ko kay Rico. “Pinagloloko ba ako ng asawa ko?”
“Hindi po, Sir.” Mababa ang boses niya. “Seryoso po si Ma’am.”
Nagbasa ako. Bawat pahina, bawat talata. Lahat ng dahilan ay nakalista nang maayos: psychological incapacity, repeated infidelity, abandonment of marital obligations. At sa dulo, may blangkong linya para sa pirma ko.
Sa gilid ng puwang, may sticky note na sulat-kamay ni Selene. Kilalang-kilala ko ang sulat niya, maayos at mabilog.
Para sa kapakanan nating dalawa. — S.
Para sa kapakanan nating dalawa.
Nanginig ang panga ko.
Sino siya para magdesisyon kung ano ang makabubuti sa akin? Ang batang pinahiran ko ng panyo? Ang batang sumusunod-sunod sa likod ko tuwing handaan? Ang batang lumaki sa ilalim ng anino ko, na hindi nagreklamo kahit minsan, na laging “opo, Dante,” “sige, Dante,” “pasensya na, Dante”?
Nagdilim ang paningin ko.
Ang lakas ng loob niya.
“Si Papa?” tanong ko. “Alam ba ni Papa na pinadala na niya?”
“Tumawag po kaninang umaga si Don Armando, Sir. Galit na galit po. Pero hindi raw po niya kayang pilitin si Ma’am.”
Natawa ulit ako, mas mapait. “Ayaw niyang pilitin? Siya mismo ang nagpilit sa amin noon.”
Hindi sumagot si Rico.
Tumayo ako at lumakad papunta sa bintana. Mainit ang araw sa Maynila. Everything else is just where everything should be. Except my marriage with Selene.
Naisip ko ang huling gabi namin sa driveway. Ang bawat salita niya, bawat luha. Naalala ko ang mukha niya, hindi galit, kundi walang laman. Iyon ang pinakamasakit. Mas gugustuhin ko pang sinampal na lang niya ako.
Pero hindi.
Sure ako, hindi aalis si Selene. Dalawang taon siyang nanatili despite everything. Dalawang taon niyang nilinis ang mga kalat ko. Paano ngayon? Dahil lang sa isang video?
It doesn’t make any sense.
There must be something else. O baka naman ito ang paraan niya para makuha ang atensyon ko.
Oo. Iyon nga.
Tumango ako sa sarili ko, para bang pinaniniwalaan ko ang sariling kasinungalingan.
Isa itong ruse. Isang dula. Para pilitin akong maghabol sa kanya. Para magmakaawa. Para sabihin kong, “Sel, patawarin mo ako, huwag kang umalis.”
Hindi niya iyon makukuha.
Hindi ako ang Dante na luluhod.
Bumalik ako sa mesa, kinuha ang ballpen, at pinirmahan ang bawat pahina nang walang pag-aalinlangan.
Dante Montenegro. Dante Montenegro. Dante Montenegro.
“Sir...” nagulat si Rico. “Sigurado po ba kayo? Baka po puwede nating kausapin muna si Ma’am...”
“Ipadala mo na pabalik.” Inabot ko ang folder, hindi tumitingin sa kanya. “Let her see that I’m not bluffing. Sa loob ng isang linggo, siya mismo ang tatawag sa ’kin. Aaminin niyang nagkamali siya. At magpapasalamat siya na hindi ko siya hinayaan.”
“Sir, hindi po ba...”
“Ipadala mo, Rico.”
Tahimik na kinuha ni Rico ang folder. Sa pintuan, huminto siya.
“Sir,” mahinang sabi niya, “puwede po bang magsalita ako nang hindi bilang assistant ninyo?”
Hindi ako sumagot.
“Dalawang taon ko pong nakita si Ma’am Selene na hindi natutulog dahil sa inyo,” sabi niya. “Kung may panahon po para ayusin ang lahat, ngayon na po. Before it’s too late.”
“Lumabas ka.”
Lumabas siya.
Nang maiwan akong mag-isa, bumagsak ako sa upuan.
Isang oras akong nakatingin lang sa kisame.
Tumunog ang cellphone ko. Mensahe mula kay Vanessa: Dinner tonight? I miss you.
Hindi ko sinagot.
Tumunog ulit. Si Kevin, ang kaibigan kong laging kasama sa bar: Pare, tara, may bagong dating na girls sa Onyx.
Binura ko.
Hindi ko alam kung bakit parang hindi na ako interesado sa kahit ano. Na para bang nawalan ng lasa ang lahat, ang alak, ang mga babae, ang gabi.
For the first time in two years, umuwi ako nang maaga at sober.
Pagpasok ko sa bahay, tahimik. Masyadong tahimik. Walang amoy ng sinigang. Walang ilaw sa kusina. Walang sa itaas.
Walang Selene.
Pumunta ako sa kuwarto niya, ang guest room na ginamit niya sa loob ng dalawang taon dahil ako mismo ang nagsabing doon siya matulog. Binuksan ko ang p***o.
Walang laman ang kabinet. Wala ang mga damit. Wala ang mga libro. Wala ang amoy niya.
Sa ibabaw ng side table, may isang singsing.
Ang wedding ring niya.
Kinuha ko iyon. Malamig. Maliit. Napakagaan, pero parang sasabog ito sa palad ko.
“Joke lang ’to,” bulong ko sa kawalan. “Joke lang ’to, Sel.”
Walang sumagot.
Naupo ako sa kama niya, hawak ang singsing, at nakita ko sa ilalim ng unan ang isang maliit na kuwaderno.
Binuklat ko.
Mga petsa. Maraming petsa. Sa tabi ng bawat isa, isang maikling tala.
March 3 — Hindi umuwi. 4 AM nang dumating. April 14 — Anniversary. Cake para sa isa. June 2 — Video #3. Tinawagan si Rico. August 19 — Nilagnat ako. Hindi niya alam.
Umabot hanggang dulo ng kuwaderno. Daan-daang linya.
Na-realize ko, hindi iyon talaarawan ng isang babaeng nagmamahal.
Iyon ay talaarawan ng isang babaeng bumibilang kung hanggang kailan siya tatagal.
Nanlamig ang buong katawan ko.
Sa huling pahina, may sulat-kamay na mas bago, mas madiin:
Ang pag-ibig ay hindi dapat ginagawang parusa. It shouldn’t be a burden
Isinara ko ang kuwaderno.
Pero kahit pinaniniwala ko pa ang sarili kong ruse lang ito, may maliit na boses sa likod ng isip ko na paulit-ulit.
Paano kung hindi?
Sa gabing iyon, umupo ako sa dilim, hawak ang singsing, at hindi ko alam kung ang pinakamalaking pagkakamali ko ba ay ang pagpirma...
O ang paghihintay na akala ko ay habambuhay na nandiyan lang siya.
Selene’s POVMaaga pa lang nang pumasok ako sa lobby ng isang glass building sa Bonifacio Global City.Walang nakakapansin sa kanya. Naka-simpleng puting blusa, itim na slacks, at buhok na nakatali. Ordinaryong babae sa karamihan. Pero pagdating niya sa elevator, tinapat niya ang isang itim na card sa sensor, at awtomatikong umilaw ang butones ng ika-58 palapag.Private floor. Para lamang sa iisang tao.Huminga siya nang malalim habang umaakyat ang elevator.Kaninang umaga, nakuha na niya ang kopya ng pinirmahang petisyon mula sa abogado niya, si Atty. Reyes. Nakita niya ang pirma ni Dante sa bawat pahina: malaki, magaspang, mayabang. Iyon ang pirma ng lalaking sigurado siyang hindi aalis ang asawa niya.Tumawa siya nang tahimik.“Sigurado kang ruse lang ’to, Dante?” bulong niya sa sarili. “Ayos. This is the most beautiful gift that you’ve ever given me.”Bumukas ang pinto ng elevator.Isang malawak na opisina, puting dingding, malalaking bintana, at sa gitna ng bulwagan, isang glass
Dante’s POVDumating ang mga papeles sa umaga ng ikaapat na araw mula nung umalis si Selene sa mansion.Akala ko, isa lang itong ordinaryong courier. Pero nang makita ko ang logo ng law firm sa sobre, na may nakaukit na Reyes, Sarmiento & Associates, at ang pangalan sa itaas, Alcantara-Montenegro, Selene, huminto ang kamay ko sa ere.“Sir,” mahinang sabi ni Rico, “mula po kay Ma’am Selene.”Hindi ako sumagot. Dahan-dahan kong binuksan ang sobre.PETITION FOR DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE.Nakasulat sa itaas, malalaking letra.Tumawa ako.Hindi ko alam kung bakit ako tumawa. Siguro dahil hindi ako makapaniwala. Siguro dahil mas madaling tumawa kaysa sa iba pang gusto kong gawin.“Sir...”“Joke ba ’to?” tanong ko kay Rico. “Pinagloloko ba ako ng asawa ko?”“Hindi po, Sir.” Mababa ang boses niya. “Seryoso po si Ma’am.”Nagbasa ako. Bawat pahina, bawat talata. Lahat ng dahilan ay nakalista nang maayos: psychological incapacity, repeated infidelity, abandonment of marital obligations.
Dante’s POVTatlong gabi na akong hindi nakakatulog nang maayos.Nakaupo ako ngayon sa opisina ko sa ika-40 palapag ng Montenegro Tower, nakatingin sa Maynila na kumikinang sa ilalim, pero wala akong nakikita. Ang laman ng isip ko ay dalawang bagay lang: ang babaeng nasa Room 8, at ang mukha ni Selene noong gabing iyon.Parehong hindi ko maalis.The first one, hindi ko maintindihan. Hindi na bago sa akin ang mga babae. Marami na akong nakasama, at lahat sila, nakakalimutan ko na pagkatapos ng ilang oras. Walang pangalan, walang mukha. And that’s the point: hindi ako natatandaan, at hindi ko sila natatandaan.Pero ang babaeng iyon...Madilim ang kuwarto, ni hindi ko nakita ang mukha niya. Pero natatandaan ko ang amoy niya, jasmine na may halong kaunting alak. Natatandaan ko ang paraan ng paghinga niya sa tainga ko. Ang nanginginig niyang kamay sa balikat ko, na parang unang beses niyang gawin iyon. At nang tawagin niya akong “asawa niya,” na parang biro...Hindi ko alam kung bakit nani
Selene’s POV Pagdating ko sa bahay, dere-derecho ako sa banyo at binuksan ang shower. The coldest it could possibly get.Tanga. Tanga. Tanga.Sa pitong bilyong tao sa mundo, kay Dante mo pa talaga binigay ang virginity ko? Sa asawang dalawang taon nang hindi ako hinahawakan kahit sa kamay? Sa lalaking mas inuuna pa ang mga babaeng walang pangalan kaysa sa akin?Napasandal na lang ako sa malamig na tile. Gusto kong matawa. Gusto kong umiyak. Gusto kong burahin ang buong gabing iyon sa alaala, pero ang masama, hindi iyong posible. Naaalala ng katawan ko ang bawat haplos.Naiwan sa isip ko ang boses ni Dante, mababa at mainit. Para kang asawa ko.Hindi nito alam na ako ‘yon. Kung alam lang nito...“Wala na ’yon,” my tears threatening to fall. “Isang pagkakamali. Wala ka nang pakialam, remember?”Pero kumikirot ang dibdib ko, at pinipilit ko itong hindi pansinin.Hapon na nang bumaba ako para maghanda sa para sa dinner kasama ang pamilya ni Dante. Linggo ngayon, at tuwing Linggo ay dapat
Selene’s POVSa ikasiyam na pagkakataon ngayong taon, nag-viral na naman ang asawa ko.Halos manikip ang dibdib ko habang nakaupo dito sa kama sa loob ng master’s bedroom namin, hawak-hawak ang cellphone, habang naka-loop ang video. Madilim ang kuha, pero hindi ako pwedeng magkamali. Kabisadong-kabisado ko ang mukha ni Dante Javier Montenegro – ang asawa ko -- nakahiga ito sa gitna ng kama ng isang five-star hotel, nakangisi, at may dalawang babaeng nakayakap sa kanya. Sa caption: “CEO ng Montenegro Hospitality, huli sa akto!”May isang milyong views na.Mahinahon kong pinindot ang numero ni Rico, ang assistant ni Dante.“Ma’am Selene,” sagot ni Rico, halatang kanina pa naghihintay ng tawag niya. “Nakita ko na po. Sinimulan ko nang i-report sa platforms, pero...”“Pero?”“Ma’am, this is the ninth time na po ito ngayong taon. Hindi na po tayo makakasabay. Nasa Twitter na, nasa TikTok na, may nag-screen record pa.”Tumingin na lang ako sa kisame at bumuntong hininga. Napakaganda ng chan







