Home / Romance / My One-Night Stand Was My Husband / CHAPTER 3: Unforgettable night

Share

CHAPTER 3: Unforgettable night

Author: Elen Malaya
last update publish date: 2026-11-06 14:11:54

Dante’s POV

Tatlong gabi na akong hindi nakakatulog nang maayos.

Nakaupo ako ngayon sa opisina ko sa ika-40 palapag ng Montenegro Tower, nakatingin sa Maynila na kumikinang sa ilalim, pero wala akong nakikita. Ang laman ng isip ko ay dalawang bagay lang: ang babaeng nasa Room 8, at ang mukha ni Selene noong gabing iyon.

Parehong hindi ko maalis.

The first one, hindi ko maintindihan. Hindi na bago sa akin ang mga babae. Marami na akong nakasama, at lahat sila, nakakalimutan ko na pagkatapos ng ilang oras. Walang pangalan, walang mukha. And that’s the point: hindi ako natatandaan, at hindi ko sila natatandaan.

Pero ang babaeng iyon...

Madilim ang kuwarto, ni hindi ko nakita ang mukha niya. Pero natatandaan ko ang amoy niya, jasmine na may halong kaunting alak. Natatandaan ko ang paraan ng paghinga niya sa tainga ko. Ang nanginginig niyang kamay sa balikat ko, na parang unang beses niyang gawin iyon. At nang tawagin niya akong “asawa niya,” na parang biro...

Hindi ko alam kung bakit nanikip ang dibdib ko.

Nang magising ako kinabukasan, wala na siya. Ang naiwan lang ay ang pulang bakas sa kumot, at ang kaunting lipstick sa kuwelyo ng polo kong nakalatag sa sahig.

Pulang-pula.

Hindi ako tanga. Alam kong ibig sabihin ng bakas na iyon. Hindi ko iyon inaasahan. At hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko maintindihan yung kakaibang pakiramdam sa sikmura ko. Is this guilt? Curiosity? Galit? Ewan ko.

“Sir?”

Napatalon ako. Nakatayo si Rico sa pintuan, hawak ang tablet. Namumutla.

“Wala pa rin po ang CCTV footage ng Onyx, Sir. Sabi ni Ms. Tuazon, nasira raw po ang system noong gabing iyon.”

“Nasira?” Nagtaas ako ng kilay. “Convenient timing, don’t you think?”

“Opo, Sir.” Hindi tumitingin sa akin si Rico. “Subukan po naming i-trace sa ibang paraan.”

Tinitigan ko siya. Matagal na siyang nagtatrabaho sa akin. Alam kong may tinatago siya.

“Sige. Umalis ka na.”

Nang maiwan akong mag-isa, kinuha ko ang cellphone at binuksan ang ilang contact ko, mga babaeng palaging sumasagot agad. Dalawang daliri lang ang layo.

Pero hindi ko pinindot.

Hindi ko alam kung bakit.

Sa halip, dumako ang mata ko sa larawan sa mesa ko: kasal namin ni Selene, na iniwan lang doon ng secretary ko dalawang taon na ang nakararaan. Nakasuot siya ng puting gown, nakangiti, at ang mga mata niya ay nakatitig sa akin.

Habang ako, nakatingin sa malayo.

Nang makita ko iyon, parang may kamay na pumisil sa lalamunan ko.

Mahal kita since I was thirteen, she said.

Thirteen. I was eighteen then. Natapunan siya ng juice, tapos ay pinunasan ko ang manggas niya. Hindi ko man lang matandaan ang mukha ng batang iyon noon. Ang naaalala ko lang ay ang braces niya.

At ang batang iyon, mahal pala ako sa loob ng labing-apat na taon?

Hindi ko alam. Hindi ko alam na ganoon.

At ngayon, for the first time in my life, nakaramdam ako ng pagsisisi. Kung kelan huli na ang lahat.

Hindi, sabi ko sa sarili ko. Hindi iyon totoo. Hindi pa huli. Siya si Selene. Hindi siya aalis. Hindi niya kayang umalis.

Sa loob ng dalawang taon, kahit anong ginawa ko, nandoon pa rin siya. Naghihintay sa bahay. Nag-aayos ng gulo ko. Nagluluto ng sopas kapag may hangover ako, kahit hindi ko siya pinasalamatan. Bakit ngayon ako magdududa?

Pero hindi ko makalimutan ang huling sinabi niya. Suko na ako.

Tumunog ang intercom.

“Sir Dante, may bisita po kayo. Si Ms. Vanessa Lorenzo-Ayala.”

Natigilan ako.

Vanessa.

Matagal ko nang hindi naririnig ang pangalang iyon nang hindi kumikirot ang dibdib ko. Pero ngayon, wala akong naramdaman kundi…indifference.

Pumasok siya na parang reyna: pulang-pula ang labi, mamahaling blazer, at ngiting kilalang-kilala ko pa rin. She was my first love, ang babaeng pinili kong ipaglaban when I was 22, at ang babaeng iniwan ko dahil sa desisyon ng ama ko.

“Dante,” malambing niyang bati. “It’s been a while.”

“Vanessa. Anong ginagawa mo rito?”

“Dinalaw lang kita.” Umupo siya sa sofa at ipinatong ang isang paa sa isa pa. “Narinig ko ang balita. Tungkol sa asawa mo.”

Nagtaas ako ng tingin. “Anong balita?”

“Ang divorce, siyempre.” Mahina siyang tumawa. “Alam mo namang maliit ang mundo ng mga socialite. Lahat ng lumilipad na tsismis, nakakarating sa akin.” Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko. “Naaawa ako sa ’yo, Dante. Alam kong hindi mo siya ginusto. At ngayon na gusto na rin niyang umalis...”

“Vanessa.”

“Puwede nating ibalik ang lahat,” bulong niya. “Noong mga bata pa tayo. Naaalala mo? Ang kaya kong ibigay sa ’yo, hindi kaya ng batang iyon.”

Dapat sana ay may nararamdaman ako. Noon, kapag ganito, mabilis ang tibok ng puso ko. Pero ngayon...

Tumingin ako sa kamay niyang nakapatong sa akin, at ang naisip ko lang ay: hindi ito kasing-init ng kamay ng babaeng iyon sa Room 8.

Binawi ko ang kamay ko.

Saglit na nag-iba ang mukha ni Vanessa. It was just a blink of an eye, pero nakita ko. Pagkatapos ay ngumiti ulit siya.

“Okay,” sabi niya. “Hindi kita pipilitin. Pero may ibibigay ako sa ’yo, bilang kaibigan.”

Inilabas niya ang cellphone at ipinakita ang isang larawan.

Ang isang babaeng naka-pulang damit, nakatalikod, naglalakad papasok sa pintuan ng Onyx. Mahaba ang buhok, hubad ang likod, at sa kamay, ang takong niyang hawak.

“Kuha ito ng isang paparazzi noong gabi ng video mo,” malumanay na sabi ni Vanessa. “Ang sabi ng source ko, babaeng mahalaga raw sa buhay mo.” Tumingin siya sa akin, nakangiti, at may ibang liwanag sa mata. “Mukhang may pinuntahan ang asawa mo sa gabing iyon, Dante.”

Nanigas ako.

Naramdaman kong tumigil ang hangin sa baga ko.

Pulang damit. Nakatalikod. Mahabang buhok. Jasmine.

Hindi.

Maliit ang larawan. Malabo. Pero ang hugis ng balikat, ang paraan ng paglakad...

“Imposible,” bulong ko, pero parang hindi sa kanya ako nagsasalita.

Hindi si Selene ang babaeng iyon. Hindi ang asawa kong laging naka-beige at puti. Hindi ang asawang laging nakayuko sa bawat tingin ko.

Hindi ba?

Tumayo si Vanessa, inayos ang blazer niya, at lumapit sa tainga ko.

“Mag-ingat ka, Dante,” bulong niya. “Kung hindi mo bibigyan ng atensyon ang asawa mo, may iba na pala.”

Umalis siya na parang walang nangyari.

Sa loob ng opisina, nakatitig ako sa p***o. Ang larawan ng kasal namin ay nasa harap ko pa rin.

At sa unang pagkakataon sa buhay ko, I was scared to answer one question.

Paano kung hindi ko pala kilala ang asawa ko?

Hinablot ko ang telepono at tinawagan ang bahay.

“Hello?” si Manang Cora. “Sir?”

“Nandiyan ba si Selene?”

Natahimik ang kabilang linya.

“Sir,” mahinang sagot ni Manang. “Matagal na pong umalis si Ma’am. Dala niya ang dalawang maleta. Hindi po niya sinabi kung saan.”

Nalaglag ang cellphone ko sa mesa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My One-Night Stand Was My Husband   CHAPTER 5: Storm Ahead

    Selene’s POVMaaga pa lang nang pumasok ako sa lobby ng isang glass building sa Bonifacio Global City.Walang nakakapansin sa kanya. Naka-simpleng puting blusa, itim na slacks, at buhok na nakatali. Ordinaryong babae sa karamihan. Pero pagdating niya sa elevator, tinapat niya ang isang itim na card sa sensor, at awtomatikong umilaw ang butones ng ika-58 palapag.Private floor. Para lamang sa iisang tao.Huminga siya nang malalim habang umaakyat ang elevator.Kaninang umaga, nakuha na niya ang kopya ng pinirmahang petisyon mula sa abogado niya, si Atty. Reyes. Nakita niya ang pirma ni Dante sa bawat pahina: malaki, magaspang, mayabang. Iyon ang pirma ng lalaking sigurado siyang hindi aalis ang asawa niya.Tumawa siya nang tahimik.“Sigurado kang ruse lang ’to, Dante?” bulong niya sa sarili. “Ayos. This is the most beautiful gift that you’ve ever given me.”Bumukas ang pinto ng elevator.Isang malawak na opisina, puting dingding, malalaking bintana, at sa gitna ng bulwagan, isang glass

  • My One-Night Stand Was My Husband   CHAPTER 4: The Signature

    Dante’s POVDumating ang mga papeles sa umaga ng ikaapat na araw mula nung umalis si Selene sa mansion.Akala ko, isa lang itong ordinaryong courier. Pero nang makita ko ang logo ng law firm sa sobre, na may nakaukit na Reyes, Sarmiento & Associates, at ang pangalan sa itaas, Alcantara-Montenegro, Selene, huminto ang kamay ko sa ere.“Sir,” mahinang sabi ni Rico, “mula po kay Ma’am Selene.”Hindi ako sumagot. Dahan-dahan kong binuksan ang sobre.PETITION FOR DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE.Nakasulat sa itaas, malalaking letra.Tumawa ako.Hindi ko alam kung bakit ako tumawa. Siguro dahil hindi ako makapaniwala. Siguro dahil mas madaling tumawa kaysa sa iba pang gusto kong gawin.“Sir...”“Joke ba ’to?” tanong ko kay Rico. “Pinagloloko ba ako ng asawa ko?”“Hindi po, Sir.” Mababa ang boses niya. “Seryoso po si Ma’am.”Nagbasa ako. Bawat pahina, bawat talata. Lahat ng dahilan ay nakalista nang maayos: psychological incapacity, repeated infidelity, abandonment of marital obligations.

  • My One-Night Stand Was My Husband   CHAPTER 3: Unforgettable night

    Dante’s POVTatlong gabi na akong hindi nakakatulog nang maayos.Nakaupo ako ngayon sa opisina ko sa ika-40 palapag ng Montenegro Tower, nakatingin sa Maynila na kumikinang sa ilalim, pero wala akong nakikita. Ang laman ng isip ko ay dalawang bagay lang: ang babaeng nasa Room 8, at ang mukha ni Selene noong gabing iyon.Parehong hindi ko maalis.The first one, hindi ko maintindihan. Hindi na bago sa akin ang mga babae. Marami na akong nakasama, at lahat sila, nakakalimutan ko na pagkatapos ng ilang oras. Walang pangalan, walang mukha. And that’s the point: hindi ako natatandaan, at hindi ko sila natatandaan.Pero ang babaeng iyon...Madilim ang kuwarto, ni hindi ko nakita ang mukha niya. Pero natatandaan ko ang amoy niya, jasmine na may halong kaunting alak. Natatandaan ko ang paraan ng paghinga niya sa tainga ko. Ang nanginginig niyang kamay sa balikat ko, na parang unang beses niyang gawin iyon. At nang tawagin niya akong “asawa niya,” na parang biro...Hindi ko alam kung bakit nani

  • My One-Night Stand Was My Husband   CHAPTER 2: Mystery Woman

    Selene’s POV Pagdating ko sa bahay, dere-derecho ako sa banyo at binuksan ang shower. The coldest it could possibly get.Tanga. Tanga. Tanga.Sa pitong bilyong tao sa mundo, kay Dante mo pa talaga binigay ang virginity ko? Sa asawang dalawang taon nang hindi ako hinahawakan kahit sa kamay? Sa lalaking mas inuuna pa ang mga babaeng walang pangalan kaysa sa akin?Napasandal na lang ako sa malamig na tile. Gusto kong matawa. Gusto kong umiyak. Gusto kong burahin ang buong gabing iyon sa alaala, pero ang masama, hindi iyong posible. Naaalala ng katawan ko ang bawat haplos.Naiwan sa isip ko ang boses ni Dante, mababa at mainit. Para kang asawa ko.Hindi nito alam na ako ‘yon. Kung alam lang nito...“Wala na ’yon,” my tears threatening to fall. “Isang pagkakamali. Wala ka nang pakialam, remember?”Pero kumikirot ang dibdib ko, at pinipilit ko itong hindi pansinin.Hapon na nang bumaba ako para maghanda sa para sa dinner kasama ang pamilya ni Dante. Linggo ngayon, at tuwing Linggo ay dapat

  • My One-Night Stand Was My Husband   CHAPTER 1: Red Dress, Wrong Room

    Selene’s POVSa ikasiyam na pagkakataon ngayong taon, nag-viral na naman ang asawa ko.Halos manikip ang dibdib ko habang nakaupo dito sa kama sa loob ng master’s bedroom namin, hawak-hawak ang cellphone, habang naka-loop ang video. Madilim ang kuha, pero hindi ako pwedeng magkamali. Kabisadong-kabisado ko ang mukha ni Dante Javier Montenegro – ang asawa ko -- nakahiga ito sa gitna ng kama ng isang five-star hotel, nakangisi, at may dalawang babaeng nakayakap sa kanya. Sa caption: “CEO ng Montenegro Hospitality, huli sa akto!”May isang milyong views na.Mahinahon kong pinindot ang numero ni Rico, ang assistant ni Dante.“Ma’am Selene,” sagot ni Rico, halatang kanina pa naghihintay ng tawag niya. “Nakita ko na po. Sinimulan ko nang i-report sa platforms, pero...”“Pero?”“Ma’am, this is the ninth time na po ito ngayong taon. Hindi na po tayo makakasabay. Nasa Twitter na, nasa TikTok na, may nag-screen record pa.”Tumingin na lang ako sa kisame at bumuntong hininga. Napakaganda ng chan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status